Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Napatingin ako sa malapit na orasan mula sa kinatatayuan ko at nakita kong alas-kwatro pasado na ng hapon. Kailangan ko ng umuwi dahil hindi na rin ako mapakali dito.

Tangina kasing sense organ yan!

"Jin, ano, uuwi na ako ha?" nakangiting pagpapaalam ko sa kanya.

"Bakit? Wala pa namang five ah? Magmeryenda muna tayo." pag-aalok niya sa akin.

"Oo nga, ChrisTintin. Hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa'yo dahil sa inakto ko kahapon eh." nakatungong sabi ni Taehyung na nakatayo sa may tabi ko. Napangiti naman ako dahil sa cuteness niya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Hoy, babaeng nanghihingi ng swaeg!" tawag ni Suga sa akin. Alam ko namang ako 'yon dahil ako lang naman ang nag-iisang babae dito.

"Oh bakit?" tanong ko kay Suga nang lingunin ko siya.

"Wala lang." nakangising sabi niya. Jusko, ang gums!

"Abnormal ka, kuya." umiirap na sabi ko sa kanya.

"Parehas tayo, Lil' Sis." tumatawang sabi niya sa akin.

Lil' Sis? Hala! So, ibig sabihin okay lang natawagin ko siyang kuya?

"Christine, let's eat first before you go home." pag-aaya sa akin ni Namjoon na seryosong nakatayo sa tabi ni Jin.

"Sa bahay na lang tsaka may naghihintay pa kasi sa akin eh." nahihiyang pagtanggi ko. Jusko! Kung wala lang talagang mga asungot sa bahay.

"Sino? 'Yong ka-date mo?" tanong bigla ni Jungkook. Hindi ko ito nilingon dahil nahihiya ako sa kanya. Hindi pa rin kasi tinatanggap ng sistema ko ang pag-amin niya sa akin.

"H-Hindi. 'Yong mga kaibigan ko kasi nasa b-bahay..." nakatungong sagot ko sa kanya.

Bakit ako nauutal? Gosh! Nagpaghahalataan ka masyado, Christine. Just act normal.

"Guys, uwi na ako ha?" paalam ko ulit sa kanila bago ngumiti ng malaki.

"Okay. Mukhang hindi ka naman namin mapipigilan. Salamat, Cz." nakangiting pagpapasalamat ni Jin.

"Thank you for helping us, Christine." pagpapasalamat din ni Rapmon.

"Kamsahamnida, Miss Cute." naka-bow na sabi ni J-hope.

"Walang anuman..." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Lil' Sis, sa susunod na lang kita bibigyan ng swaeg ha?" natatawang sabi Suga.

"Oo na." natatawang sagot ko rin sa kanya.

Nang makalabas ako ng bahay nila ay dali-dali na akong naglakad pauwi ng bahay. Nang makarating ako ay nakita ko agad 'yong lima na kumakain ng tsitsirya.

Lima lang sila dahil wala si Trisha. Himala nga't hindi sila kumpletong sumugod dito at hindi ko din naman alam kung bakit nga ba sila pumunta dito.

"Hoy kayong lima! Saan galing 'yang mga kinakain niyo?" nakaturong tanong sa kanila.

"Sa ref niyo." ngumunguyang sagot sa akin ni Noelyn.

"Wow! Hindi na nga kayo nagpasabi na pupunta kayo rito, pati pagkain namin titirahin niyo?" mataray na sabi ko sa kanila.

"Sorry na! Bored kasi kami eh." sagot sa akin ni Shy.

"Ako rin bored." sabi ko sa kanila bago kumuha ng kinakain nila at umupo sa tabi ni Princess.

"Outing tayo." pag-aaya ni Princess sa amin habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Libre mo?" sabay-sabay na tanong nong apat.

"Hindi. Naghihirap na nga kami eh." mabilis na sagot niya sa amin.

"Sus! Ikaw maghihirap? Wag ako, Princess!" hindi naniniwalang sabi ko sa kanya. "Pero bet ko 'yang suggestion mo, Ryu..." tumatangong sabi ko. Besides, kailangan ko talaga ng bakasyon. Masyado na akong stress sa mga nangyayari sa akin.

"Kami rin naman bet namin, nay. Kaso wala kaming money." sabi ni Ella sa akin habang nakanguso.

"Nandyan lang tatay mo sa harap, Ella. Manghingi ka na lang." sabi naman sa kanya ni Angie. Napatawa naman kami sa sinabi niya.

"Outing tayo bukas. May alam akong magandang private resort." sabi ko sa kanila habang malaki ang ngiti.

"Lib-" hindi ko na sila pinatapos dahil alam ko naman ang itatanong nila.

"Oo!" napipilitang sagot ko.

"Talaga?! Vacation here we come!" masayang sigaw ni Shy.

"Sabi na, Cz eh. May tinatago kang kayamanan dito sa bahay niyo!" sabi naman sa akin ni Noelyn habang nagtataas baba ng kilay.

"Gaga! I-aadvance ko 'yong sweldo sa pagiging maid sa BTS." sabi ko sa kanya.

"Gosh! Excited na ako. This is it pancit!" masayang sigaw ni Ella.

"Ikaw pala ang mayaman, Christine eh. Saan mo ba itinago ang Yamashita Treasure?" tumatawang sabi sa akin ni Princess.

"May pera lang, eh ikaw? Sobrang yaman." sagot ko kay Princess.

"Paano si Trisha?" tanong ni Angie sa amin.

"I-text niyo o kaya i-chat niyo." sabi ko sa kanila.

"Na-ichat ko na siya kaso offline pa. Mababasa naman niya siguro 'yon mamaya." sagot sa akin ni Ella.

"Sige na! Lumayas na kayo at maghanda ng gamit." pagpaalis ko sa kanila habang inuumpisahan ng linisin ang pinagkainan nila.

"Mamaya na. Ang aga pa oh." pagmamaktol sa akin ni Noelyn.

"Aalis kayo o hindi tayo matutuloy?" nakapameywang na tanong ko sa kanila.

"Ito na nga, aalis na. Tara na, guys!" sabi sa kanila ni Noelyn at nagpaunahan pang lumabas.

"Christine, anong oras tayo bukas?" tanong sa akin ni Princess ng nasa pinto na sila.

"Five forty-five ng umaga dapat nandito na kayo sa bahay. Ayoko ng late. Pagod na pagod na akong maghintay." madamdaming sabi ko sa kanila.

"Luh? Hugot, Tin?" natatawang tanong sa akin ni Angie. Pabiro ko itong inirapan bago umiling.

"'Ge na, lumayas na kayo dito!" pagtataboy ko sa kanila hanggang sa tuluyan silang makalabas ng pinto.

"Ito na nga, oh. Psh. Bye!"

"Bye sa inyo!" sabi ko doon sa lima habang kumakaway.

Nang makaalis sila ay mabilis akong naligo ulit para maging maaliwalas ang aking pakiramdam.

Pagkaligo ko napatingin ako sa orasan sa maliit na cabinet sa tabi ng kama ko at nakitang pasado alas-singko na.

Almost two hours na lang ang meron ako. What to do now?

Umupo ako sa harap ng whole size mirror ko at binlower 'yong buhok ko pagkatapos ay kinulot ang dulo nito.

Pagkatapos mag-ayos ng buhok ay binuksan ko ang cabinet ko upang pumili ng dress na maaari kong isuot. Halos mahalukay ko na pati ang drawer ko ngunit wala pa rin akong napipili na maisusuot.

Habang naghahanap ng maisusuot ay nakita ko ang bestidang kulay peach na regalo sa akin noon ni Princess. Kinuha ko ito at agad sinuot. Pinartneran ko ito ng high heels na kulay peach din.

Pagkatapos maayusan ang sarili ay umikot ako sa harap ng whole size mirror.

"Ang ganda ko talaga!" pagpuri ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ulit 'yong orasan sa may cabinet at nakitang quarter to seven na.

Ganon ba ako katagal nagbihis?

Bago tuluyang umalis ay naglagay ako ng liptint at tsaka baby powder bago ulit tumingin sa salamin.

"Perfect."

Bumaba na ako sa salas at tinext si Myungsoo.

To: Myungsoo Baby

Hi? Myungsoo, susunduin mo pa ba ko o magkikita na lang tayo sa restau?

Wala tatlong minuto ay nakapag-reply na agad siya.

From: Myungsoo Baby

Susunduin kita sa inyo. Can't wait to see you, Zeyon :*

Dream Goal #3: To have a date with my bias

Another check!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro