Chapter 31
Nagising ako dahil sa lakas ng message tone ng cellphone ko. Sino ba 'tong agang-aga eh nag-tetext?
Pagtingin ko sa katabing orasan ko ay alas-nuwebe na pala ng umaga. Agad akong bumangon dahil baka masermonan na naman ako ni mama. Ako pala ang tinanghali ng gising.
From: 0917*******
Goodmorning, Zeyon. I just want to remind you our dinner date later.
-Myungsoo
"Oh my god!" malakas na tili ko pagkabasa ko ng text ni Myungsoo. Nabuhay bigla ang dugo at mga kalamnan ko dahil sa text ng aking Myungsoo Baby.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nasigaw? May masakit ba sa'yo?" aligagang tanong ni mama nang makapasok siya ng kwarto ko.
"Ma, relax ka lang. Okay lang ako." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Eh bakit sumisigaw?" tanong niya sa akin ng sabihin kong okay lang ako.
"Kasi... Oh my god, mama! Diba kilala mo si Myungsoo? 'Yong sa Infinite?" ngiting-ngiti na tanong ko sa kanya bago yumakap sa kanya.
"Oo. Eh ano naman ngayon?" tanong nito sa akin habang tinutulak ako sa noo. Napanguso naman ako bago inabot sa kanya ang cellphone ko.
"Anong dinner date 'to? Hindi ka pa nagpapaalam sa akin, Zeyon." pinaningkitan ako ng mata ni mama.
Hala ka! Hindi pa nga pala ako nagpapaalam. Lagot tayo niyan.
"Eh, ma. Sa restaurant mo naman kami kakain. Tsaka kasama namin 'yong kaibigan niyang nag-aya." nakangusong sabi ko sa kanya.
"Kahit na. Hindi mo manlang ako sinabihan." pinanliitan pa ako ni mama ng mata at nagtatampong lumayo sa akin.
"Sorry na po. Nakalimutan ko nga din na may lakad ako mamaya eh. Bati na tayo, ma." sabi ko bago ulit yumakap sa kanya.
"Oo na. Bumaba ka na d'yan at magtatanghali na oh. Pumunta ka na sa tapat." natatawang sabi nito sa akin.
"What? Seriously, Ma? Lunes na lunes gagawin mo kong katulong ng mga 'yon..." nakairap na sagot ko. "Nga pala, ma. May itatanong ako sa'yo. Nabasa ko kasi sa restaurant mo 'yong Chantine's history. Sabi doon ay naaksidente ako noon? Bakit hindi ko maalala 'yon?" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya bago ako hinila para maupo sa kama.
"Noon kasi bago namin mag-isipan ng papa mo na magpatayo ng restaurant ay naaksidente ka. Naghahanap tayo ng bibilhin natiny damit mo para sa recognition mo ng bigla kang tumakbo dahil nakakita ka ng tuta kaya ka nabangga ng sasakyan." mahabang sabi nito sa akin habang nakahawak sa pisngi ko. Halata sa kanya na nasasaktan siya habang kinukwento niya 'yon sa akin. "Nagka-temporary amnesia ka pa noon at nahirapang lumakad ulit kaya hirap na hirap kami ng papa mo kung saan kami kukuha ng pera para sa therapy mo kaya naisipan naming magpatayo ng restaurant." dagdag pa nito. Napatango naman ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Okay na, mama. Naiintindihan ko na..." sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Nga pala, hindi pa kita pinapayagang umalis mamaya kaya kailangan mong tumulong sa BTS." sabi nito habang nakangisi sa akin bago lumabas ng kwarto ko.
Argh! Naisahan na naman ako ni Mama.
Naligo na agad ako at ginawa 'yong mga dapat kong gawin bago lumabas ng kwarto at nagpaalam kay mama.
"Ma, punta na po ako sa tapat!" sigaw ko mula sa salas at nagtatakbo na palabas ng bahay.
Nandito pa kaya 'yong mga pabebe?
Tsk! Sana naman umalis na sila. Nag-doorbell ako sa doorbell ng bahay ng BTS at hinintay na may magbukas ng pinto.
"Guys, Dingdong Dant- Oh! Hi, Miss Cute. What can I do for you?" bungad agad sa akin ni J-hope.
Seriously? Iniisip nila na si Dingdong Dantes 'yong nag-doorbell?
"J-hope, sino ba- Diba ikaw 'yong babaeng nanghihingi ng swaeg sa akin kahapon? Sorry pero 'di ako namimigay." maarteng sabi ni Suga sa akin bago ako nito inirapan.
"Pumunta lang ako dito para makausap si Jin." natatawang sagot ko sa kanila.
"Bakit mo hinahanap si Jin Hyung, Miss Cute?" tanong sa akin ni J-hope.
"J-hope, sino- Cz!" napatingin naman ako sa nagsalita at nakitang si Jin 'yon.
"Hi, Jin. Good morning!" nakangiting bati ko sa kanya.
"Bakit naman hindi mo pinapasok 'yan?" tanong ni Jin kay J-hope na nakatingin lang sa amin.
"Kasi... Ewan ko rin." sagot sa kanya ni J-hope bago kinamot 'yong batok niya.
"Hindi na ako papasok, Jin. May sasabihin lang sana ako." sabi ko sa kanya. Napatingin naman sa akin si Suga at J-hope habang kausap si Jin.
"Ano 'yun?" nakangiting tanong nito.
"Hindi ako makakatulong ngayon sa inyo sa gawaing bahay." nahihiyang sagot ko sa kanya bago napakamot sa batok.
"Katulong ka nila? Sa cute mong 'yan? Katulong ka?!" sabat bigla sa amin ni J-hope.
"Tumahimik ka nga! Hindi siya maid. Tumutulong lang siya dito sa mga gawaing bahay." sagot sa kanya ni Jin.
"Edi araw-araw pala namin siyang makikita?" tanong ulit ni J-hope sa kanya.
"Oo, kaya 'wag ka munang mangialam mag-uusap muna kami. Cz, bakit hindi ka makakatulong ngayon? Ngayon ka pa naman namin kailangan." malungkot na sabi niya sa akin.
"Sorry ha? May lakad kasi ako mamayang hapon eh." nakatungong paghingi ko ng pasensya. Kinokonsensya ata ako nito eh.
"Hapon pa naman pala eh. Bakit hindi ka muna tumulong sa amin ngayon?" tanong bigla ni Jungkook na hindi ko alam kung saan nang galing.
Bakit ba kung saan-saan na lang sila nasulpot?
"Ano ba 'yang lakad mong 'yan?" tanong niya pa habang masama ang tingin sa akin.
"D-Dinner date..."
"May boyfriend ka na? Wala na akong chance? Mag-totouch my body na nga lang ako." sabi ni J-hope bago magwalk-out.
Ano bang nangyayari?
"May boyfriend ka na, Cz?" tanong rin sa akin ni Jin.
"Ako? Duh! Wala 'no. Wala ngang nanliligaw sa akin..." nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Sungit mo raw kasi." sabat ni Jungkook na nakangisi sa akin.
"Wala ka kasing swaeg." dagdag pa ni Suga.
"Ayaw mo kasi akong bigyan!" sagot ko sa kanya sabay pout.
"I don't give a shit." sabi niya bago magwalk-out.
"Cz, pwede bang tulungan mo muna kami? Please..." paki-usap sa akin ni Jin.
"Wala na ba d'yan 'yong mga pabebe este 'yong Apink?" tanong ko bago kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Madudulas pa ako eh. Tsk.
"Are you going to say Pabebe?" natatawang tanong ni Jungkook. Inirapan ko lang siya. Laki naman ng ilong!
"Hindi 'no!" sagot ko sa kanya.
"Okay. You say so, wala na sila dito. Kahapon pa ng hating-gabi." sagot sa akin ni Jungkook habang nakangiti. Like he is assuring me na wala na akong kahati sa kanya.
"Sige kayo lang ang mag-usap. Wala ako dito tandaan niyo." sarcastic na sabi ni Jin sa amin.
"Sorry na! Tara na nga. Tulungan ko na kayo maglinis. Pero bago mag-five uuwi na ako ha?" natatawang sabi ko kay Jin.
"Sure. Tara na!" hinila na ako ni Jin papasok sa loob.
It will be a tiring day again..
"Hi, ChrisTintin!" bati agad sa akin ni Taehyung pagkapunta namin sa sala.
Okay na siya? Hindi na siya nagtatampo?
"ChrisTintin?" tanong ni J-hope.
"Christine kasi ang pangalan niya eh. Gusto ko 'oung unique kaya pinalitan ko." nakangiting sagot sa kanya ni Taehyung.
"Christine pala pangalan mo. Hmmm... nice name but I want to call you Miss Cute. Is that okay?" tanong sa akin ni J-hope. Tumango naman ako sa kanya.
"Its up to you..."
"Can we start cleaning? Tsk!" singit sa amin ni Jungkook.
Napatingin naman ako sa kabuuan ng sala. Gosh! Bakit sobrang kalat?
"Guys, I think we should pair ourselves." sabi ni Namjoon sa amin.
"Yeah. For sure na mababawasan ang swaeg ko dahil sa paglilinis." bored na sabi ni Suga sa amin.
"Ikaw din naman ang pinakamaraming nakalat d'yan." sabi ni J-hope kay Suga.
"I don't give a fck."
"Stop it. Jin and I will be assign in the living room, V and J-hope in the dining room, Suga and Jimin in the kitchen while Jungkook and Christine, right?" tumango naman ako.
Kami talaga ang mag-partner? Pwede bang kami na lang? Ang gwapo kasi ni Namjoon.
"The two of you will clean the garden..." nakangising sabi niya sa akin.
"What?!" mabilis na apila ni Jungkook.
"What's wrong?" tanong ni Jin sa kanya.
"Bakit naman 'yong garden ang sa amin? Ang init kaya." sagot sa kanya ni Jungkook.
"Edi kami na lang ni Christine ang maglilinis doon." sabi ni Jimin.
"Tsk! Kami na..." sabi niya tapos bigla na lang akong hinila papunta sa garden.
"Akala ko ba ayaw mong maglinis dito kasi mainit?" tanong ko sa kanya habang kinukuha 'yong walis ting-ting.
"Kaysa naman si Jimin ang makasama mo diba." nakairap na sabi niya sa akin bago nag-umpisang magwalis.
"Eh ano namang masama doon?" nagtatakang tanong ko rito. Ang gulo talaga ng taong 'to kahit kailan.
"Isn't it obvious?" tanong niya habang lumalapit sa akin.
"Ayokong nakakasama mo si Jimin, ayokong nagiging close kayo, at ayokong mas nakukuha niya 'yung atensyon mo kesa sa akin." seryosong sabi niya habang patuloy na lumalapit sa akin kaya ako naman ay umaatras sa kanya.
"H-Huh?"
"Akala ko ba matalino ka? Gusto kita, Zeyon. Gusto. Kita." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ko.
"S-Seryoso ka ba?" nakatangang tanong ko sa kanya.
Kahapon lang si Jimin ang umamin sa akin na may gusto siya sa akin tapos ngayon pati si Jungkook?
"Mukha ba akong nagbibiro, Zeyon?"
Oh shit! Totoo ba talaga ito?
Dream #4: When my ultimate bias likes me.
Check?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro