Chapter 30
"Huy! Anong tinitingnan mo d'yan?" tanong sa akin ni Noelyn na nasa likod ko na pala. Nilingon ko siya at umiling lamang.
Hindi ko manlang napansin na nasundan na pala niya ako.
"W-Wala. Tara na, kumain na lang tayo doon." sabi ko sabay hila sa kanya pabalik sa table namin. Habang pabalik sa lamesa namin ay napapaisip pa rin ako.
Bakit wala akong matandaang naaksidente ako?
Tatanungin ko na lang siguro mamaya si mama.
GABI na naman kaya nandito ako sa labas ng bahay namin at nakaupo habang nakatingin sa mga bituin.
Ang payapa nilang tignan. Sobrang peaceful.
"Huy!" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Jimin na nakangiti sa akin.
"Jimin..."
"Gabi na ah? Bakit nasa labas ka pa?" tanong niya sa akin bago tumabi sa kinauupuan.
"May iniisip kasi ako." nakangiwing sagot ko sa kanya. Medyo na hihiya kasi ako sa kanya ngayon.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong niya.
"Wala. Huwag mo ng intindihin." natatawang sagot ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya at manahimik sa tabi ko.
Hindi ko nga alam kung itatanong ko pa ba kay mama 'yon eh. May mga bagay kasi na dapat hayaan na lang sa nakaraan at hindi dapat dalhin sa kasalukuyan.
Parang 'yong naging samahan namin noon ni JK.
"Christine..." napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siya.
Oh. Why so serious, Jimin?
"B-Bakit?" nauutal na tanong ko ng lingunin ko siya.
"Gusto kita." seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Huh? Nag-jojoke ka ba? Tatawa na ba ko?" natatawang tanong ko.
"Seryoso ako." seryosong sabi niya. Halata namang seryoso siya pero parang napaka-imposible.
"Seryoso rin ako." sagot ko sa kanya. Wala akong panahon para sa mga ganito.
"Seryoso, Christine. Gusto kita." seryosong ulit niya sa sinabi niya kanina.
"Jimin..." 'yon lang ang nabanggit ko dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon.
"Alam kong si Jungkook ang gusto mo pero para sa kaalaman mo willing akong maghintay." nakangiti niyang sabi sa akin na nakapagpangiti sa akin. Do I deserve this handsome man beside me?
"S-Salamat..."
"Sige na. Pumasok ka na. Baka magkasakit ka pa eh. Mamahalin mo pa ako. Goodnight, Christine..." sabi niya bago ako hinalikan sa pisngi at nagtatakbo papasok ng bahay nila.
Uso ba talaga ang halikan ako ngayong araw?
Na-istress ako sa kanila. Kailangan kong makahingi kay Suga ng swaeg dahil baka malosyang ako. Bago ako pumasok sa gate namin ay may bumisina na malakas sa harapan ko. Napatingin ako bigla sa sasakyan na nasa tapat ko ngayon.
Like seriously? Gabing-gabi ang lakas ng busina.
"Hi, miss. Alam mo ba kung saan yung Block 12?" tanong sa akin ng isang lalaki na naka-mask.
Ang puti ng mukha, ang kinis, walang pores! Ano kayang skin routine nito?
Teka- Block 12? Diba block ng BTS 'yon?
"B-Bakit po?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ano ba naman 'yan! Kailangan pa ba niyang malaman." rinig kong bulong nong kasama niya sa loob na naka-shades.
Wala namang araw ah? Bakit siya naka-shades? What a weird creature.
"Wag ka ngang mangialam d'yan! Eh sa gusto niyang magtanong eh. Ikaw nga naka-shades pinakialaman ka ba niya?" rinig kong tanong sa kanya nong isa pa niyang kasama sa loob.
"Kakilala kasi namin 'yong nakatira doon." sagot nitong lalaking maputi.
"Kakilala? W-Wait! Suga?" tanong ko sa kanya.
Kasi kung kakilala nila 'yong apat baka itong tatlo sina Suga, J-hope, at Namjoon.
"Kilala mo siya?" sabay silip ni J-hope sa bintana.
"Damn you! Bakit ka sumilip ng walang mask?" tanong sa kanya nitong naka-shades na sa hula ko ay si Namjoon.
Lagi pa namang naka-shades ang isang 'yon.
"Kilala naman niya ata tayo eh. Nasaan ba 'yong block nina Jin, Miss Cute?" tanong niya sa akin.
Hala! Miss Cute raw. Nakakahiya, ano ba 'yan.
Hobi, don't be like that.
"D-D'yan sila nakatira sa tapat..." sabi ko sabay turo sa tapat namin.
"Kilala mo ba sila? Ka-close ka ba nila?" tanong pa ni J-hope sa akin.
"Christine, pasok na!" sigaw ni mama mula sa loob ng bahay.
Panira naman eh!
"Tsk! Stop it, J-hope." saway sa kanya ni Suga.
"Yes, ka-close ko sila. Teka lang! Suga, pwedeng pahingi ng swaeg?" tiningnan naman siya ako ng masama kaya nag-peace sign ako.
Ang damot naman nito! Haggard na haggard na nga ako dahil sa ka-members niya tapos ayaw pa akong bigyan.
"Joke lang! Sana maging ka-close ko rin kayo. Bye!" sabi ko bago pumasok sa loob ng bahay.
Pagpasok ko ng bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto at hinanap 'yung notebook ko.
Dream Goal #5: To see all the BTS Members.
Big Check! Ito na ang umpisa ng katuparan ng Dream Goals ko!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro