Chapter 3
Nandito kami ngayon sa restaurant ni mama dahil nagpapalibre na naman sa akin ang magagaling kong kaibigan dahil anak naman daw ako ng may-ari nito.
Edi nalugi kami dahil sa katakawan nila diba?
Teka nga, bago ang lahat magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Christine Chan. Ang dalagita na legal na asawa ni Jeon Jungkook.
Walang aangal! Ang umangal mababaog.
May anim akong matatalik na kaibigan na nahawaan ng epidemia ng pagiging ARMY. Buti na lamang at kanya-kanya kami ng bias kung hindi... Nako!
Hindi ako mayaman pero si mama at papa ay oo. Wala din akong kapatid kaya itong anim ang lagi kong kasa-kasama. Yung tatay ko naman ay isang Dagat-Tao, if you know what I mean.
"Hoy, Jeon!" sigaw sa akin ng bungangera kong bestfriend- si Noelyn.
"Bakit ba, Kim?!" tanong ko kay Noelyn. Ganito talaga kaming magkakaibigan, apelyido ng bias namin ang tawagan namin minsan.
"Gutom na kami eh! Libre mo na kasi kami. Mamayat kami nito sige ka." pagmamaktol niya sa akin habang nakahawak pa sa tiyan niya. Napairap na lang ako dahil sa pangongonsensya niya.
"Wala nga akong pera tsaka hindi libre dito. Malulugi si mama! Magpalibre ka dyan sa rich kid niyong kasama!" naiinis na sabi ko sa kanya. "Hoy, Princess Ryu na mayaman! Ilibre mo nga 'tong mga patay gutom na 'to." sabi ko sa bestfriend kong paasa. Napatingin naman siya sa akin na kanina pa tutok sa cellphone niya.
"Si Noelyn lang, oy!" sigaw ni Trisha sa akin na para bang hindi totoo ang sinabi ko.
"Okay. So, bale tatlo lang? Kay Noe, sa akin, at sa'yo?" tanong sa akin ni Princess na nakatayo na para umorder. Agad namang nagtinginan sa kanya ang iba at kumontra.
"Aba! Si Trisha lang hindi kasama. Wala naman kaming sinabing hindi kami patay gutom eh!" sabi ni Shy habang nakanguso.
Lagi talagang gutom ang mga ito. Tsk!
"Tsk. Oo na!" sabi ni Princess bago tumayo para umorder.
"Uy, ako rin! 'Di naman kayo mabiro eh." sigaw ni Trisha kay Princess habang naka-peace sign. Oh diba, syempre walang tatanggi sa libre.
At ayun nga, umorder na ang aking mayamang kaibigan. May kikitain na naman si mama.
"Sino ba 'yung mga bagong lipat sa inyo? Pakilala mo naman kami..." pagbubukas na naman ni Noelyn sa usapan tungkol sa bago naming kapit-bahay.
"Sa susunod pagkailangan ko ng tutulong maglinis sasabihan ko kayo." nakaismid na sagot ko sa kanya bago sumubsob sa may lamesa.
**
Jin's POV
"Ano bang nangyayari sa'yo, Jeon Jungkook?" inis na tanong ko sa maknae namin. Hindi naman siya dating ganito eh.
"I don't like her." walang-ganang sagot niya sa akin.
Haist! Sumasakit talaga ang ulo ko sa batang 'to.
"Ano naman? Hindi mo kailangang itrato ng ganon 'yong tao. Fan pa natin 'yon!" naiinis na sabi ko sa kanya. Maaga talaga akong tatanda sa maknae line!
"Kung may problema ka 'wag mong idamay ang iba." sabi sa kanya ni Jimin. Inirapan lang niya kami at ipinagpatuloy ang paglalaro sa cellphone niya.
"Stop it, okay? Kumain na lang tayo." sabat ni Taehyung sa amin na busy din sa paglalaro sa cellphone niya.
"Saan naman?" tanong ni Jimin sa kanya. Nakaupo kaming tatlong sa mahabang sofa samantalang si Jungkook ay nakaupo sa single couch.
"D'yan sa malapit na restaurant." sagot sa kanya ni Taehyung.
"Bawal tayo lumabas..." pagpapaalala ko agad sa kanya. Napanguso na lang siya bago bumalik sa paglalaro.
"Edi tawagan na lang natin 'yong nagbabantay ng bahay na 'to tapos pa-order tayo." suhestiyon ni Jimin. Tumango naman si Taehyung sa sinabi niya.
"Mahiya naman kayo." saway ko sa kanila. Ito talagang mga 'to basta pagkain hindi na nahihiya.
"Okay lang 'yan. Mukha naman siyang mabait tsaka alam naman niyang k-idols tayo eh." sagot pa ni Jimin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako bago pumayag.
Nakakabaliw kasama ang maknae line, seryoso.
Kinuha ko ang landline sa tabi namin at tinawagan ang numerong binigay sa akin kanina ng babaeng nakatira sa tapat na nanay ata ni Christine.
["Hello? Cynthia Chan speaking. How may I help you?"] sagot sa kabilang linya.
"Ahm, Si Jin po ito 'yong bagong lipat sa Block 12..." mahinahong sagot ko sa kanya.
["Oh... Anong maitutulong ko, iho?"]
"Gusto po sana namin kumain doon sa Chantine Restaurant kaso baka po pagkaguluhan kami. Pwede po bang paki-order kami?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Ako ang nahihiya dahil sa kagustuhan ng mga batang 'yon eh.
["Naku, iho! Ako ang may-ari noon. Kung gusto niyo pumunta na lang kayo sa amin at ipagluluto ko kayo. Dyan lang naman sa tapat niyo."] halata ang pagiging mahinahon at mabait ng babae dahil sa boses nito kaya napangiti ako. Buti na lang may mabait kaming kapitbahay kaso nakakahiya pa rin.
"Nakakahiya naman po..."
["Okay lang. Asahan ko kayo ha?"] sabi nito bago ibinaba ang tawag.
"Anong sabi, hyung?" tanong agad sa akin ni Taehyung.
"Pumunta na lang daw tayo sa kanila. D'yan sa may tapat. Sila daw kasi may-ari no'n."
"Edi tara na dali!" sabay hila sa akin ni Taehyung. Agad ko naman siyang pinigilan at pinaupo ulit sa tabi ko. Masyadong excited kumain ang isang 'to.
"Ikaw, hindi ka sasama?" tanong ko kay Jungkook na nakaupo pa rin.
"S-Susunod na lang ako..."
Anyare doon? Tsk! Mga kabataan talaga oh.
**
Christine's POV
"Hay... busog na naman!" sabi ni Noelyn habang hinihimas ang tiyan niya.
"Takaw mo talaga! Hindi ka magugustuhan ni Jin!" natatawang sigaw ko sa kanya.
"Edi wow! Psh." nakairap na sagot niya sa akin bago binaling ang tingin kay Shy na nagsasalita.
"Tara kina Christine!" sabi ni Shy kaya nagtinginan naman sila sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa suhestyon niya.
"Ano namang kapunyetahan ang gagawin niyo sa amin?" nanlalaking matang tanong ko sa kanila.
"Wala lang! Manggugulo." nakangising sagot nila sa akin.
"'Wag na! Hindi pa kayo nakakapasok sa amin may masama na agad na mangyayari!" mataray na sabi ko sa kanila habang umiiling.
"Ang sama mo sa amin." nakangusong sabi sa akin ni Shy.
"Yuck! 'Wag ka ngang ngumuso! Kadiri eh." nakairap na sabi ko sa kanya.
Bakit ba ako nagkaroon ng abnormal na mga kaibigan?!
"Tara na kina Christine! Sugod squad!"
Ayun nagtakbuhan na nga ang mga baliw palabas ng restaurant.
Jusko naman oh!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro