Chapter 27
Nandito kami ni Noelyn sa bahay ngayon at hinihintay ang mga kaibigan namin kasi kasama daw sila sa plano na gagawin namin.
"Ano ba kasing plano mo?!" hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na 'yang naitanong sa kanya.
"Basta! Antayin lang natin 'yong iba." at hindi ko rin alam kung pang-ilang beses na rin niya 'tong isinagot sa akin.
Napatigil kami ni Noelyn sa pag-uusap ng may kumatok.
Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng bigla na lang ibinalibag pabukas 'yong pintuan.
"Ay bwiset! Kakatok kayo tapos ibabalibag niyo?! 'Yong totoo balak niyo ba ng sirain 'yang pintuan?" sigaw ko sa kanilang lima na humahangos pa dahil ata sa pagtakbo.
"Sorry na! Si Noelyn kasi pinagmamadali kami! Ano bang emergency 'yon?!" tanong agad ni Shy na tumabi kay Noelyn.
"Kasi ganito 'yan..." nakangising umpisa ni Noelyn. Sinabi ni Noe 'yong balak niyang gawin tapos 'yong lima naman tuwang-tuwa pa. War freak talaga!
Balak lang naman nilang bulabugin ang nakatira sa tapat namin. Hindi nga nila alam na BTS ang nakatira doon eh.
Ano bang gulo ang gusto ng mga 'to?
NANDITO kami sa labas ng bahay habang may mga hawak na kaldero, kutsara, at tsaka platong kinuha pa nila sa kanila. Magbabasag daw sila eh.
Matinding gulo 'to panigurado!
"One, two, three. Start!" sigaw ni Noelyn.
Nag-umpisa na silang magsisigaw doon habang kinakalampag 'yong mga kalderong dala nila tsaka kutsara.
"Yeah! Lets party, guys!" masayang sigaw ni Noelyn.
Shit! Ako ang nabibingi sa kanila.
"'Wag nga kayong maingay. Itigil niyo na 'yan!" sigaw ko sa kanila.
**
Taehyung's POV
Bakit ang ingay sa labas? Parang may nagwawala.
"Ano ba 'yong ingay na 'yon?" tanong ni Bomi na nakaupo sa single couch habang nakain ng niluto ni Jin Hyung.
"Hyung, anong meron sa labas?" tanong din ni Jimin Hyung kay Jin Hyung.
"Hindi ko rin alam eh." nakakunot-noong sagot ni Jin Hyung.
"Tsk. Ano ba 'yon?!" naiiritang tanong ni Jungkook.
"Titingnan ko wait lang..." pupunta na sana ako sa may pintuan para buksan 'yong pinto ng bigla akong pinigilan ni Eunji.
"Wag na, Taehyung. Hayaan mo na sila baka makilala ka pa nila." pagpapaalala sa akin ni Eunji.
"Oo nga. Delikado na baka fan niyo pala 'yong mga 'yon." sabat naman ni Naeun.
Sino kaya 'yong mga maiingay na 'yon sa labas?
Hindi ba nila alam na ang sakit sa eardrums ng ginagawa nila?
**
Christine's POV
"Tumigil na nga kayo! Baka abutan pa kayo ni mama d'yan. Nakakahiya!" sigaw ko ulit sa kanila dahil ayaw nilang magpaawat.
"Oo nga! Wala namang effect ginagawa natin eh!" pagod na sagot ni Shy.
"True! Makikain na lang tayo kina Christine." sabat naman ni Angelli. Agad naman silang nagtakbuhan papasok ng bahay.
Humanda ka talaga sa akin, Noelyn!
Maglalakad na sana ako papasok ng bahay ng biglang may tumawag sa akin.
"Zeyon..." nilingon ko naman 'yong tumawag sa akin.
Like duh! Baka masabihan pa akong snobber.
"Bakit?"
"Ikaw ba 'yong nag-iingay d'yan?" nakakunot noong tanong niya sa akin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa pag aakusa niya.
"The fck! Ak-"
"One curse, one kiss." nakangising sabi niya sa akin.
"Oh my! Tay? Nay?" - Ella
"J-Jeon Jungkook?" - Angelli
"D-Did you just kissed her?" - Shy
"Magmura na rin kaya ako? Shit! Shit! Ay char lang! Loyal ako kay Suga bebe. Hihihi..." - Trisha
"Gosh! To-totoo ba ito?!" - Princess
"Hinalikan ni Jungkook si Cz! Shit." - Noelyn
What did just happened?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro