Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Christine's POV

Ang lalandi nila akala mo mga walang ibang kasama dito sa sasakyan.

Napatigil ako sa matinding pag-iisip ng biglang tumawag sa akin si Noelyn.

"Oh?" bored na sagot ko sa kabilang linya.

Napatigil naman sa paglalandian 'tong dalawa kong katabi ng magsalita ako.

["Ganyan ka na ba magsabi ng hello ngayon?"] nang-aasar na sabi niya sa akin.

"Kung wala kang importanteng sasabihin ibaba ko na 'to." mataray na sabi ko sa kanya.

["Relax. Highblood agad?"] natatawang tanong niya na nagpakunot lalo sa noo ko.

"Oo! Kaya pwede pakibilis naman." naiinis na sabi ko sa kanya.

["Okay, fine. Ibabalita ko lang sana na may nasagap akong balita tungkol kay Myungsoo. Hindi ko lang alam kung totoo ba 'yong picture na 'yon."] mahabang sabi nito sa akin.

Para naman akong nabuhayan noong narinig ko ang pangalan ni Myungsoo.

"Bakit ano bang picture 'yon?" nagtatakang tanong ko.

["May picture siya kasama ang isang girl sa isang department store."]

"Anong picture 'yong nakita mo?" tanong ko ulit.

["I-send ko na lang sa'yo."] sabi niya bago ibaba 'yong tawag.

Pagpatayan daw ba ako? Bastos eh.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng mag-vibrate ito bigla.

From: Nyleon

Ito 'yung picture oh. Infairness kahit hindi masyadong kita 'yog mukha nong girl mukhang maganda.

What the fck! Ang litratong sinend niya ay ako at si Myungsoo. Paanong may nakakilala sa kanya? Argh! Baka magulo ang career niya pag napatunayan na siya nga 'to.

Hindi nagtagal ay nag-vibrate ulit ang cellphone ko.

From: Nyleon

By the way, kahawig mo 'yong girl kahit hindi masyadong kita 'yong mukha. Magka-shape pa kayo ng katawan.

Nahalata niya pa 'yon? Patay na! Paano pag may nakaalam na ako 'yon? Ayokong ma-bash. Ang dami pa namang immature fans ngayon.

To: Nyleon

Kita tayo sa club house. Antayin mo ko. Pauwi na kami kasama ko kasi ang BTS.

"Is she crazy na ba?" narinig kong tanong ni Naeun.

"Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa babaeng labanos na 'to.

"Yes! Nakangiti ka kasi ng mag-isa eh." nakangusong sagot nito sa akin.

Ew, pabebe!

"So? Wala ka na doon." sabi ko sa kanya sabay irap. Wala akong pake kahit idol pa siya.

Ang bagal naman kasi ni Jin mag-drive eh. Ayaw ko na ngang makasama mga 'to ngayon!

"Jin, may patay ba? Bakit ba ang bagal ng sasakyan?" sigaw ko mula sa likod. Wala na rin akong pake kung mabulabog ko 'yong apat na nasa unahan ko.

"Traffic kasi eh. Nagmamadali ka ba?"

"Nagmamadali siya, hyung. Ayaw na kasi niya sa atin." sabat bigla ni Taehyung.

Ako pa ang may ayaw ngayon sa kanila? Wow. Bigla namang tumingin sa akin si Jungkook at Jimin.

"What?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala." naiiling na sagot sa akin ni Jimin.

NASA LOOB na kami ng subdivision ng dumaan kami sa club house.

"Jin, dito na ako baba." sabi ko sa kanya nang makita si Noelyn doon.

"Bakit? Medyo malayo pa 'yong inyo ah?" tanong niya sa akin.

"Magkikita kasi kami ni Noelyn." simpleng sagot ko sa kanya.

"Okay. Ingat ka pauwi." sabi niya sa akin bago ako tuluyang makababa. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Taehyung pero nag-iwas din agad ng tingin.

"Ingat rin kayo pauwi. Salamat!" sabi ko kay Jin at ngumiti sa kanya.

Naglakad na ako papunta sa may loob ng club house ng makita sina Ella, Noelyn, at Trisha.

"Tin, totoo ba? Nakita niyo na ang BTS?" tanong agad sa akin ni Trisha kaya napatingin ako sa dalawang katabi niya.

"Nabasa niya kasi 'yong text mo sa akin." sabat ni Noelyn habang seryosong nakatingin sa akin.

"Oo." simpleng sagot ko kay Trisha.

"Nasaan sila? Nasaan si Suga bebe ko?!" mangiyak-ngiyak na tanong niya sa akin.

Ilang katol na naman kaya hinithit nito?

"Nasa bulsa ko..." bored na sagot ko sa kanya.

"Eh! Wala ka namang bulsa eh! Dress 'yan, oh." nagmamaktol na sabi niya sa akin.

"Edi walang Suga 'yun lang 'yon. Sina Jungkook, Jimin, Jin, at V lang ang nakita ko." simpleng sagot ko sa kanya bago umupo sa tabi ni Noelyn.

"Eh? Nasaan si Suga bebe ko?" umiiyak na sabi niya.

Tiningnan ko naman si Ella bago sinabing siya na ang bahala ka Trisha.

"Tigil-tigilan mo nga ako, Trisha. Kakausapin ko muna si Noe. Mauna na kami sa inyo." sabi ko sabay hila paalis doon si Noelyn.

Baka kasi saniban na naman ng masamang espiritu si Trisha. Wala akong time ngayon para magpaka-good samaritan.

"Bakit mo ako gusto makausap?" tanong niya sa akin ng makalayo kami kina Trisha.

"Tungkol doon sa picture na sinend mo sa akin..."

"Oh, ano na? Hahanapin na ba natin 'yong babae? Halata naman kasing si Myungsoo 'yon eh!" mabilis na sagot niya sa akin. Bias niya din kasi si Myungsoo kaya ganyan 'yan mag-react.

"Ganito kasi 'yon... Ako kasi 'yong babaeng 'yon." alanganing sagot ko sa kanya. Napanganga naman siya bigla sa sinabi ko.

"Ano?!" nanlalaking matang tanong niya sa akin. "Seryoso ka ba?"

"Ako 'yun. Tingnan mo 'tong suot ko." sabi ko sa kanya habang nakahawak sa suot kong dress.

"Wag kang mag-joke, oy! Malay mo same lang kayo ng dress. Masyado kang assuming eh." natatawang sabi niya at inirapan pa ako.

Binatukan ko nga. Mukha pa ba kong nag-jojoke sa itsura ko ngayon?

"Like seriously? Ako assuming? Alam kong assuming ako pero this time seryoso ako. Look at this." sabi ko habang pinapakita 'yong selca namin ni Myungsoo.

"Oh my gosh! S-Si M-Myungsoo..." nauutal niyang sabi habang nakaturo sa phone ko kung saan kita 'yong selca namin ni Myungsoo.

"Do you believe me now?" tanong ko sa kanya.

"Grabe, Cz! Bakit ang swerte mo? Una, BTS tapos ngayon si Myungsoo! Sino ng susunod? Sino?!" nag-hihysterical na tanong niya sa akin habang niyuyugyog ako.

"Ang Apink. Gumala ako with BTS then nakita sila ng Apink kaya sila na 'yung magkasamang namasyal tapos humiwalay ako sa kanila at nakita ko si Myungsoo." mahabang kwento ko pa sa kanya.

"What?! 'Yung Apink nakita mo? Kasama ng BTS ang Apink? It means nakasama ni Jin my loves si Bomi?"

"Yah!" tumatangong sagot ko. Nakita ko namang sumama ang timpla ng mukha niya dahil doon.

"No! Hindi pwede. Hindi maaari!" sabi niya habang nagkukunwaring umiiyak.

Arte talaga!

"May sasabihin pa ako na mas magpapaiyak sa'yo." nakangising sabi ko sa kanya.

"Ano?"

"Sa bahay ng BTS mag-istay ang Apink ngayong gabi..." nakangising sabi ko sa kanya bago umirap.

"Ano?! Hindi pwede 'yon! Hindi! Tara na. Gagawa tayo ng plano para hindi matuloy 'yang pag-istay ng Apink sa bahay ng BTS."

Anong balak nitong gawin?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro