Chapter 23
Pagkarating namin sa mall ay dumiretso kami sa isang Italian Restaurant. Gusto daw kasi nila makatikim ng bagong pagkain.
"Ang tahimik niyo naman." sabi ko sa kanila habang nakatingin sa kanilang nakain. Naninibago kasi ako pagnanahimik sila.
"Ganito talaga kami pag nakain." sagot ni Jin sa akin.
"Sana pala lagi na lang kayong nakain..." bulong ko kaso mukhang narinig ako ni Taehyung.
"Naiingayan ka ba sa amin?" tanong niya bigla sa akin.
"Hindi naman. And that is sarcastic, anyways." naiilang na sagot ko sa kanya habang nakangiti.
"Ayaw mo na ba sa amin, Ch-" hindi na natuloy ni Taehyung 'yong sasabihin niya ng biglang may tumawag sa kanya.
"Taehyung?" tawag sa kanya ng may kaliitang babae.
"Bomi?" nakakunot-noong tanong sa kanya ni Taehyung na parang naninigurado.
"Kayo nga! Kamusta?" nakangiting tanong nito sa mga kasama ko.
Bomi? Apink member 'yon diba?
"Okay lang kami. Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Taehyung sa kanya.
"Hindi. Kasama ko si Eunji, Chorong, at Naeun. 'Yong dalawa nagpaiwan sa dorm." nakangiti pa ring sabi nito.
Naeun? That girl, aish! Ayoko sa kanya. Bakit? Kasi inagaw niya sa akin si Taemin ko.
"Hi, Kookie!" bati ni Naeun kay Jungkook na nandito na rin pala.
"Hello!" nakangiting bati rin ni Jungkook.
Oh, edi sila ng close. Mag-reunite pa sila kung gusto nila. Out of place naman na ako dito.
Tumayo na ako doon ng hindi nila napapansin. Ako na lang mag-isa ang gagala.
**
Jimin's POV
Dumating lang 'tong mga 'to nagkaroon na sila ng kanya-kanyang kausap.
Kakausapin ko sana si Christine ng mapansing wala na siya sa upuan niya.
"Nasaan si Christine?" tanong ko sa kanila.
"'Yong babaeng kasama niyo kanina? Lumabas siya." sagot sa akin ni Chorong.
Tatayo na sana ako para hanapin si Christine ng magsalita bigla si Bomi.
"Saan ka pupunta, Jimin? Samahan niyo naman kaming mamasyal oh!" tatanggi na sana ako ng magsalita si Jin Hyung.
"Oo naman." tiningnan ko naman siya ng masama dahil sa sinabi niya. Hindi ba nila naisip na ihinabilin sa amin ni Tita Cynthia si Christine.
"Ako na lang ang maghahanap kay Christine." bago pa makapagsalita 'yong mga kasama ko ay nakaalis na si Jungkook.
Hindi naman non hahanapin si Christine. Iiwas lang 'yon kay Naeun, tsk.
"Who is that Christine girl?" tanong ni Naeun sa amin habang nakakunot ang noo. "Bakit siya hahanapin ni Kookie? Are they close ba?" dagdag niya pa.
"Basta!" nakangising sagot sa kanya ni Taehyung. Parang may tinatago 'tong dalawang 'to ah.
**
Christine's POV
Ito ako ngayon naghahanap ng makakainan ko. Hindi ko pa kasi nauubos 'yong pagkain ko doon sa restaurant ng may mga dumating na mga pabebe.
Pumasok ako sa isang Frappe Shop at umorder ng Strawberry Mint Shake. Pagkatapos kong umorder ay lumabas na rin ako kaagad ng restaurant at naglakad-lakad.
Nagtitingin-tingin lang ako sa mga nadadaanan kong store ng may bigla na lang bumunggo sa akin kaya natapon sa akin 'yong iniinom ko.
"Sorry, miss." agad na paghingi ng tawad ng lalaking nakabunggo sa akin. "Hindi ko sinasadya sorry talaga." sabi pa nitong lalaking nasa harapan ko.
Matangkad siya. Maganda ang mata kaso hindi ko makita ng ayos 'yong mukha dahil may mask siya.
"Okay lang..." nakangiting sagot ko. Ngiting plastic.
Kung hindi ba naman ako galing sa simbahan baka nakabaon na 'to sa sahig ng mall.
"Miss, sorry talaga. Samahan na lang kita bumili ng damit mo kasi sobrang dumi na niyang suot mo."
Talagang madumi! Wala pa kaya sa kalahati 'yong shake ko noong natapon sa akin.
"Hindi. Okay lang uuwi na lang ako." malumanay na sabi ko.
"Please. Nakokonsensya kasi ako eh." pagpupumilit niya pa.
Napairap na lang ako ng lihim dahil sa sinabi niya. Talagang dapat makonsensya siya.
"Okay. Kung 'yan ang gusto mo." mahinang sabi ko bago nag-umpisang maglakad papuntang Department Store.
Siya naman ay nakasunod lang sa akin hanggang sa makarating kami sa women's section.
"Ito na lang ang kukunin ko." sabi ko sa kanya sabay pakita ng Peach Blossom Dress.
"Tara na bayaran na natin."
Pagkatapos naming bayaran nagpalit na agad ako ng suot ko.
Ang lagkit ko! Gosh...
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ko ng may kumatok sa pintuan ng fitting room.
Binuksan ko ng konti 'yong pinto at sumilip doon.
"Bakit?" tanong ko doon sa lalaking nakabunggo ko.
"Oh..." sabay abot sa akin ng wipes.
"Thank you."
Isinara ko na ulit 'yong pinto at inubos sa kakapunas 'yong wipes na binigay niya.
"Hay salamat! Natapos din." sabi ko paglabas.
"Sorry ulit ha." paghinging paumanhin niya ulit. Kita sa mga mata nito ang labis na pagkakonsensya.
"Okay lang. Thank you rin." sabi ko sa kanya habang nakangiti. This time tunay na ngiti na 'yon.
Naglalakad kami palabas ng Department Store ng tahimik kaya kinausap ko siya.
"May sakit ka bang nakakahawa? Or iniisip mong may sakit akong nakakahawa?" tanong ko sa kanya at narinig ko naman siyang tumawa.
Ang hot ng tawa niya! Mukhang gwapo nga.
"Wala akong sakit." natatawang sabi niya pa.
"Eh bakit ka na ka ganyan? May pinagtataguan ka ba? Killer ka ba? O ganun ka lang ka-famous kaya kailangan mo pa mag ganyan?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
Matanong na kung matanong. Eh kanina pa kami magkasama tapos hindi ko pa siya kilala. Baka mamaya killer pala 'to kaya nakaganito.
Bigla na lang niyang tinanggal 'yong mask niya kaya nanlaki ng sobra ang mata ko sa nakita ko.
"Ki-Kim M-Myungsoo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro