Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Christine's POV

"Cz, maiwan ka muna namin ha? Ipagluluto ka lang namin ng pagkain." paalam sa akin ni Jin.

"Sige. Salamat..." pagkasabi ko non ay sabay na lumabas sila ni Jimin. Napanguso naman ako ng maramdaman ko ang pananakit ng ulo ko.

Anong oras na ba?

Napatingin ako sa orasan sa tabi ko and it's already five forty-three in the afternoon.

My god! Sana wala pa si mama sa bahay. Bakit kasi ngayon pa ako nagkalagnat? Jusko naman!

"Christine," napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin nakakapasok lang ng kwarto.

"B-Bakit?" mahinang tanong ko. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko.

Wait lang mga bes. 'Yong puso ko ayaw kumalma.

"Okay ka na ba? May masakit pa ba sayo?" seryosong tanong niya habang matiim na nakatingin sa akin.

Anong nakain nito? Bakit ang bait bigla? Engkanto ba itong kasama ko?

"A-Ahm... Medyo masakit na lang 'yong ulo ko." naiilang na sagot ko bago nag-iwas ng tingin.

Hindi naman kasi ako sanay na ang bait ni Jungkook sa akin.

"Alam mo namang masama na pakiramdam mo pumunta ka pa dito." masungit na sabi niya sa akin pero nandoon pa rin sa tono niya ang pag-aalala.

"S-Salamat." nakangiting sabi ko at hindi na lang pinansin ang sermon niya sa akin.

"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"Sa concern tsaka sabi kasi ni Jin ikaw daw nagdala sa akin dito." nakangiting sagot ko sa kanya nakita ko namang namula ang tenga niya.

Grabe! First time kong nakausap si Jungkook ng maayos. Kinikilig ang mga cells ko!

"Wala 'yon." nakangiting sabi niya sa akin.

Hala! Epekto lang ba 'to ng lagnat ko o totoong nginitian niya ako?

Grabe! I can't take this anymore.

"Medyo mababa na 'yong lagnat mo. Magpahinga ka na para gumaling ka kaagad." sabi niya pagkatapos akong hawakan sa noo dahil siguro tinitingnan niya kung mataas pa ang lagnat ko.

Gosh! Hinawakan ako ni Jungkook sa noo.

Mainggit kayo sa akin. Hinawakan at binuhat na ako ng pinakamamahal niyong si Jungkook.

"Christine, okay ka lang? Namumula ka? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong niya na ikinailing ko lang.

Shit naman oh! Nag-bablush pa ata ako nakakahiya.

"Jungkook, nabagok ka ba?" hindi na napigilan ng matabil kong dila ang pagtatanong kaya kumunot na naman ang noo ng gwapong si Jungkook dahil sa tanong ko.

"Huh? Hindi bakit?"

"Eh bakit bigla ka na lang naging mabait sa akin? Hindi mo na ako sinusungitan?" nakangusong sagot ko sa kanya bago tumungo at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Gusto mo bang sinusungitan kita?" masungit niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kilay niya sa akin.

"Syempre hindi!" mabilis na sagot ko sa kanya na may kasama pang pag-iling.

"'Yon naman pala eh. Magpahinga ka na lang muna para gumaling ka na agad. Labas na ako ha? Get well soon, Zeyon." nakangiting sabi niya bago lumabas ng kwarto.

Zeyon? Isang tao lang ang tumatawag sa akin non ah.

Si JK...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro