Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Nakatulala pa rin ako sa nilabasang pinto ni Jungkook dahil sa kakaisip nang sinabi niya. Bigla namang humarang sa paningin ko si Taehyung.

"Allergy ka sa gamot?" tanong nito na kinatango ko naman.

"Paano nalaman ni Jungkook 'yon?" tanong ni Jimin sa akin. Umiling ako sa kanya bago sumagot.

"Hindi ko rin alam." nagtatakang sagot ko.

"Cz, magkakilala ba kayo ni Jungkook noon pa?" tanong sa akin ni Jin na seryosong nakatingin sa akin.

"Hindi. Simula lang noong nag-debut kayo, doon ko palang siya nakilala." mahinang sagot ko sa kanya. Nakita ko namang nag-isip siya bago ulit magsalita.

"Kanina kasi noong hinimatay ka siya 'yong bumuhat sayo para dalhin ka dito. Halata nga sa mukha niya na sobra siyang nag-aalala," paliwanag niya sa akin. "At binanggit mo ang palayaw niyang JK." dagdag pa nito. Agad naman akong napakunot ng noo dahil sa sinabi niya.

"Hindi ko alam na nickname niya 'yon." nakakunot-noong sagot ko sa kanya.

"Eh sino 'yung JK na tinutukoy mo?" tanong sa akin ni Taehyung na seryoso ring nakatingin sa akin.

"'Yong kababata kong iniwan ako ten years ago. Galing nga ito sa kanya eh." sabi ko sabay pakita ng suot kong kwintas na may half moon na pendant.

**

Taehyung's POV

Pinakita sa amin ni ChrisTintin 'yong kwintas niya. Isa itong half moon pendant necklace.

It kinda looks familiar? Oh, I knew it.

"Maknae!" tawag ko kay Jungkook na nakaupo sa sahig ng practice room namin.

Nandito kami ngayon sa BigHit Entertainment gawa ng kakausapin daw kami ni Manager Nim.

"Oh?" tanong niya sa akin pagkaharap niya.

Nag-mememorize ata siya ng lyrics niya dahil may hawak siyang papel.

"Wow! Ang cute naman ng necklace mo, Jungkook." sabi ko ng mapansin ang kwintas na suot niya. Lumapit ako sa kanya at tinitigang mabuti 'yong kwintas na suot niya.

Silver necklace siya na may half moon na pendant.

"Maganda ba?" tanong niya habang nakangiti.

"Oo. Saan mo nabili?"

"Matagal na to sa akin. Actually, dalawa 'yong ganito ko tapos binigay ko sa kababata ko 'yong isa." nakangiting sabi niya pa.

Naalala ko 'yong kababatang lagi niyang ikinukwento sa akin at talagang hindi maalis sa mukha niya ang nakangiti pag kinukwento niya. Hindi ko lang matandaan ang ang pangalan ng kababata niyang 'yon.

"Ano nga ulit pangalan non?" tanong ko sa kanya.

"Zeyon."

Zeyon?

"Christine, ano nga ulit buong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi kaya siya ang kababata ni Jungkook?

"Christine Zeyon Chan. Bakit?" simpleng sagot nito sa akin habang nakakunot ang noo. Ganon din sina Jin Hyung sa akin.

"Christine, can I see the back of your pendant?" tanong ko sa kanya.

Sabi sa akin ni Jungkook ay parehas naka-engrave sa likod ng pendant nila 'yong pangalan nila kaya kung may pangalan niya 'yon ay hindi imposibleng siya nga ang kababata ni Jungkook.

"S-Sige." nagtatakang sagot niya bago tumango.

Lumapit ako sa kanya kasi nga hindi siya makakatayo dahil may lagnat siya baka himatayin na naman 'to.

Pagkatingin ko sa likod ng pendant niya ay may nakalagay na...

Zeyon Chan.

Ibig sabihin siya 'yong kababata ni Jungkook.

"Hyung, lalabas muna ako ha? Get well soon, Christine." paalam ko sa kanila bago lumabas ng kwarto at hinanap si Jungkook sa loob ng bahay.

Nakita ko siya sa kusina na nakaupo sa may stool bar malapit sa may ref.

"Jungkook..." tawag ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin.

"Hyung, bakit?"

"Alam mo na ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito at nagtatakang nakatitig sa akin.

"Ang alin?" nalilitong tanong niya.

"Na si Christine at si Zeyon na kababata mo ay iisa?" walang pag aalinlangan kong sabi sa kanya.

"P-Paano mo nalaman?" tanong niya sa akin at halata ang gulat sa mukha niya. Ibig sabihin tama nga ako ng hinala.

"Sa buong grupo sa akin mo lang kinukwento ang tungkol sa kanya kaya ako lang din ang pwedeng makadiskubre kung sino ba siya." seryosong sabi ko sa kanya bago umupo sa isang stool bar katabi ng kinauupuan niya.

"Alam mo kung ano 'yong nagpapagulo ng isipan ko ngayon?" tanong niya bigla sa akin. Tiningnan ko naman siya at halata nga sa kanya na may problema siya.

"Ano?"

"Kung bakit hindi na niya ko maalala..."

"Kilala ka niya. Alam mo bang suot niya 'yong kwintas na katulad ng iyo." seryosong sabi ko sa kanya. Para naman siyang nagulat sa sinabi ko at mabilis na umiling.

"Imposible. Eh bakit hindi niya ako maalala?"

Oo nga 'no? Baka naman kasi hindi kagwapuhan si Jungkook noong bata siya kaya hindi siya maalala ni Christine.

Parehas pala kami ni Jungkook. Ang pagkakaiba lang namin 'yong kanya nakita na niya samantalang ako umaasa na balang araw makakasalubong ko ulit siya.

Kamusta ka na kaya, Yica? Sana naaalala mo pa ako.

"Ano nang plano mo ngayon?" tanong ko sa kanya makalipas ang ilang sandali.

"Wala? Hindi ko alam."

"Wala? Eh diba matagal mo na siyang hinahanap? Ayan na siya oh." seryosong sabi ko. Bakit niya pa palalampasin ang pagkakataong ito? Hindi naman kami habang buhay na dito titira kaya paniguradong mauubos ang oras niya kasama ang babaeng mahalaga sa kanya.

"'Yon na nga eh, kaso baka pag nagpakilala ako sa kanya baka malaman ng iba nating fans at ayokong magulo 'yong tahimik niyang buhay ng dahil lang doon." nakatungong sagot niya sa akin.

"Kaya ba ganyan ka sa kanya?"

"Oo. Ayokong maging concern sa kanya pero sa tuwing nahihirapan at nasasaktan siya para bang may natutulak sa akin na tulungan siya. Kaso ako na 'yong nananakit sa kanya eh. Alam kong mali pero kailangan." malungkot na sagot nito sa akin. Hinawakan ko siya sa balikat bago siya pinatingin sa akin.

"Jungkook, alam mo ba 'yong kasabihan na, just follow your heart? Hindi naman masamang gawin 'yon eh pero tandaan mo lahat ng bagay may expiration date.

Apat na buwan lang 'yon pero sapat na 'yun para makabawi sa kanya. Kahit hindi bilang JK na kababata niya. Kahit bilang Jungkook na iniidolo niya okay na 'yon." mahabang paliwanag ko sa kanya. Tumayo naman ito at lumapit siya sa akin para yumakap.

"Salamat, hyung." mahinang sabi niya kaya tinapik ko na lang siya sa likod.

"Sundin mo lang 'yan. Para kahit sa loob ng apat na buwan ay maging masaya ka kasama ang taong mahal mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro