Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Pagpasok namin sa bahay ay dumiretso agad kami sa isa sa mga guest room na pwedeng pagdalhan ni Jungkook kay Christine.

"Jungkook, anong nangyari kay ChrisTintin? Bakit siya hinimatay?" tanong ni Taehyung habang niyuyugyog si Jungkook.

Nag-aalala na nga kami nakuha niya pang manggulo ng ganito.

"Tsk! Nilalagnat siya. Bakit kasi pumunta-punta pa dito masama naman pala ang pakiramdam." rinig kong bulong ni Jungkook habang inaayos ng higa si Christine.

"Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig sa baba. V, kumuha ka ng gamot sa kusina para pag nagising si Cz." sabi ni Jin Hyung bago siya lumabas na sinundan naman ni Taehyung.

Nakatayo lang kami ni Jungkook habang tinititigan si Christine na payapang natutulog.

"Stop it, Jimin." sabi niya bigla sa akin.

"What are you talking about?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya kahit hindi niya ako nakikita.

"Ang mahulog para sa kanya." lumingon siya sa akin pagkasabi niya non at nginisian ako.

"At bakit?" balik tanong ko naman sa kanya. Sino siya para pangunahan ako sa mga gusto kong gawin?

"Wala lang. Baka kasi masaktan ka lang." sabi niya habang nakangisi.

"Bakit? Kasi ikaw ang gusto niya? Just wait, Jungkook. Mamahalin niya rin ako." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya.

Nang makita ko ang naging reaksyon niya ay ako naman ang ngumisi sa kanya.

"Gisingin natin si ChrisTintin para makainom siya ng gamot." biglang pasok ni Taehyung sa tabi ko.

"Wag muna. Mukhang napagod siya sa paglilinis." pagpigil ko sa kanya.

Bigla namang pumasok si Jin Hyung sa kwarto na may hawak na planggana. Nilapitan niya si Christine at nilagyan ng towel sa ulo.

"Sobrang taas ng lagnat niya..." sabi ni Jin Hyung ng hawakan niya 'yung noo ni Christine.

"J-JK..." napatingin kaming lahat ng biglang magsalita si Christine.

"JK? Jungkook? Magkakilala kayo?" napatingin naman kaming lahat kay Jungkook dahil sa sinabi ni Taehyung.

"Oo." simpleng sagot niya. Napataas naman ang kilay ko dahil sa naging sagot niya.

"Diba siya si Christine Zeyon Chan 'yung fangirl ng BTS. Tsk!" sagot niya sa amin ng mapansing iba ang tingin namin sa kanya.

"Gisingin mo na siya, hyung. Kailangan na niyang uminom ng gamot." sabi ni Taehyung kay Jin Hyung. Tumango naman si hyung at dahan-dahang ginising si Christine.

"Christine... Christine..." tinapik-tapik ni Jin 'yung pisngi ni Christine kaso umungot lang siya.

"Cz..."

**

Christine's POV

"Cz..." dahan-dahan kong minulat ang mata ko.

Nakita ko 'yong apat na nakatingin sa akin kaya bigla akong napabalikwas ng bangon.

"Ahh!" mahinang sabi ko bago hinawakan ang ulo ko.

Shit! Ang sakit ng ulo ko.

"Hey, wag kang malikot baka sumakit ulo mo." sabi sa akin ni Jimin bago tumabi sa akin. Inalalayan niya naman akong humiga ulit.

"ChrisTintin, uminom ka muna ng gamot oh." alok sa akin ni Taehyung. Tatanggi na sana ako ng magsalita si Jungkook.

"Allergy siya sa gamot." simpleng sabi niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"B-Bakit mo alam 'yon?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang bigla siyang natigilan sa naging tanong ko.

"Ano... W-Wala." nauutal niyang sagot at bigla na lang lumabas ng kwarto.

How did he know that? Eh maski mga kaibigan ko hindi alam 'yun.

Kilala niya ba ako noon pa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro