Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Jin's POV

"Anong nangyari? Nakapag-sorry ka ba kay Christine?" tanong ko agad kay Jungkook ng makabalik siya.

"Hindi." simpleng sagot lamang nito sa akin at nilampasan ako.

"Psh. Asa pa kayong mag-sorry yan!" rinig kong sabi ni Jimin na nakaupo sa sofa na nakaharap sa TV.

"Shut up, Jimin!" saway ko sa kanya.

"At paanong hindi ka nakapag-sorry?" tanong ko ulit kay Jungkook nang makabaling ako sa kanya.

"Tinarayan niya lang ako tapos 'yung kaibigan niya kung anu-ano pang sinabi sa akin. Mga masasama talaga ang ugali." sagot niya sa akin.

"Sa inyong dalawa, ikaw ang masama. Tsaka baka nalaman nang kaibigan niya 'yung mga pinagsasabi mo! Ni hindi mo nga kilala si Christine tapos pagsasalitaan mo ng ganun." galit na sabi ni Jimin kay Jungkook. Agad akong humarang sa pagitan nilang dalawa. Si Taehyung ay pumwesto na sa likod ni Jungkook upang pigilan ito kung magkataon man na magpang-abot sila ni Jimin.

Delikado na mamaya mag-away na naman 'to.

"Bakit ikaw kilala mo ba ng lubos si Christine?" nakangising tanong ni Jungkook kay Jimin.

"Hindi. Pero alam kong mabait na tao si Christine at hindi niya deserve 'yung mga masasamang sinasabi mo!" sigaw ulit ni Jimin sa kanya at tuluyan na itong tumayo para harapin si Jungkook.

"Bakit ba ganyan ka makapagreact ha? Eh wala pa ngang dalawang araw na magkakilala kayo?!" galit na tanong ni Jungkook kay Jimin.

"Kasi gusto ko siya at wala kang karapatan na saktan ang babaeng tulad niya! Ang swerte mo nga eh kasi ikaw ang gusto niya. Ikaw ang mahal niya!"

Gusto ni Jimin si Christine? Alam kong mabait si Christine pero parang ang bilis naman ata. Sabagay mabait na nga si Christine maganda pa.

Napatingin naman ako kay Jungkook na nakatiim-bagang na.

"Hindi ko na kasalanan kung hindi ka niya gusto!" sigaw sa kanya ni Jungkook bago kami iniwan sa salas.

"Hyung, gusto mo si Christine?" tanong agad ni Taehyung kay Jimin pagkaalis ni Jungkook.

Walk-out king na rin pala ang International Playboy.

"Tsk!" paanas lang na sagot ni Jimin kay Tehyung.

"Hyung, mukhang nahawa na si Jimin sa pagiging suplado ni Jungkook." bulong sa akin ni Taehyung. Maaga akong tatanda dahil sa sakit sa ulo sa mga 'to.

"Jimin, kung totoong gusto mo si Christine itago mo na lang kung ayaw mong pagkaguluhan siya ng fans pag nalaman na may gusto kang babae." payo ko sa kanya. Tumango naman ito sa akin bago sumagot.

"Alam ko naman 'yun, hyung..."

**

Christine's POV

"Ano ng plano natin ngayon?" tanong sa akin ni Noelyn.

"Duh! Ako dapat nagtatanong niyan eh." sagot ko sa kanya.

Nasa kwarto lang kasi kami nakatunganga pero dati pag nandito kami nanonood kami ng video ng BTS sa youtube kaso ngayon ay ayaw daw niya.

"Wala akong maisip eh..." sabi niya sa akin.

"Wala ka naman non!" natatawang sagot ko sa kanya.

"Oy! Meron ka-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang may tunog na lumabas galing sa pwet niya.

"Noelyn, kanyon ba 'yan?" tumatawang tanong ko kay Noelyn. Halos hindi na ako makahinga sa kakatawa.

Gosh! Ang lakas ng tunog buti na lang walang amoy.

"Bakit hindi ka ba nautot-" tanong dapat nito sa akin kaso biglang sumama ang tiyan ko kaya napautot din ako.

This time siya naman 'yung tawa ng tawa. Sana mabulunan 'tong isang 'to.

"Cz, armalite ba 'yan?! Ang dami ha!" tawang-tawa na sabi niya sa akin.

"Makatawa ka dyan! Oy, umutot ka rin!" mataray na sabi ko sa kanya.

"Atleast isang sabog lang eh iyo?" sigaw niya sa akin habang tumatawa. Tsk. Hindi makamove-on eh.

"Tse! Hmp. Kain na nga lang tayo ng isaw-isaw dyan sa kanto." pag-aaya ko sa kanya.

"Libre mo ha? Tara na!" sabay hila niya sa akin palabas.

"Ikaw nga ang mayaman tapos ikaw pa magpapalibre?" sabi ko sa kanya habang isinasarado ang pinto ng bahay.

"Hoy. Hindi naman ako si Princess 'no!"

Nagkwentuhan kami sa daan habang papuntang kanto. Para nga kaming baliw dahil kung anu-anong ginawa namin.

"Ayun! Alam na alam na ang mga nag-gagala ng hindi nag-aaya. Ano nga, Noe?" pagdating kasi namin sa kanto ay nakita namin 'yung lima na kumakain din ng isaw.

"Oo nga! Tara doon na lang tayo sa RV's Ice Cream Parlor. Libre mo ako! Mas kailangan mo 'yun!" sabay hila sa akin ni Noelyn palayo sa isawan.

"Wala akong pera, gaga!" sabi ko sa kanya.

"Hoy kayong dalawa! Kanina pa namin kayo hinahanap. Pumunta kami sa inyo Noe wala ka raw doon tapos sa inyo Christine kaso sarado." sabi ni Princess sa amin na may hawak pang hotdog on stick.

"Tsk! 'Di ba kayo nausuhan magdoorbell?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko na mag-isaw, Cz..." bulong sa akin ni Noelyn.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Doon na lang tayo sa RV."

"Okay. Bye, guys! Alis na kami ha. May pupuntahan lang kami!" paalam ko dun sa limang busy sa pagkain ng isaw-isaw.

Agad naman kaming lumakad paalis ni Noelyn at nilakad ang malapit na ice cream parlor sa subdivision.

"ANYARE sa'yo? Akala ko ba gusto mong mag-isaw?" tanong ko sa kanya ng makalayo kami sa isawan.

"Ayoko na doon kasi ang daming tao. Libre mo ako dito ha?" sabi niya sa akin bago ngumiti ng malaki.

"Psh. Oo na." sabi ko sa kanya sabay irap.

"Wait! Cz, sina Jungkook ba 'yun?" napatingin naman ako sa tinuro ni Noelyn at nakita ko 'yung apat na kapitbahay namin na naka-disguise.

Fck! Baka pagkaguluhan ni Noelyn si Jin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro