Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Christine's POV

Pagkatapos kong kausapin si Jimin ay umuwi na agad ako.

Buti na lang at wala pa si mama dahil paniguradong mahahalata niya ang namamaga kong mata. Pagkadating ko ay agad akong dumiretso sa kwarto ko kaso mali ata 'yong ginawa ko dahil puro posters at picture lang ni Jungkook ang nakita ko.

Kinuha ko 'yong isa niyang solo poster at pinunit ito.

"Galit ako sa'yo. Ayoko na sa'yo! Napakasama ng ugali mo! Pero bakit... bakit mahal pa rin kita." umiiyak na sabi ko habang pinupunit 'yong poster niya.

"Cz?" napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Noe..."

"Bakit ka naiyak d'yan? Anong nangyari sa'yo? Bakit mo pinupunit 'yang poster ni Jungkook?!" gulat na tanong nito sa akin.

"Ayoko na... Ayoko na sa kanya. Ang sama-sama niya!" umiiyak na sabi ko bago siya niyakap.

**

Noelyn's POV

"Ayoko na... Ayoko na sa kanya. Ang sama-sama niya!"

"Huh? Bakit? May na-lilink na naman ba sa kanya?" nagtatakang tanong ko habang nakayakap siya sa akin.

"Noe, seryoso ako!" nakabusangot na sigaw niya sa akin.

"Okay, seryoso na. May tinatago ka ba sa akin?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Sasabihin ko sa'yo pero promise me. Wag ka munang mag-rereact at secret lang natin 'to." sabi niya sa akin bago pinunasan ang pisngi niya na basa ng luha.

"Okay. Promise!"

"Noe, nakita ko na sila. Nakausap ko na sila." seryosong sabi niya.

"Akala ko ba seryoso na? Bakit ganyan ka?" mataray na tanong ko sa kanya.

Binatukan naman niya ako dahil sa sinabi ko. Sabi niya kasi seryoso na tapos siya naman kung anu-ano ang sinasabi.

"Pwede ba for once maniwala ka naman!" nahihirapang sabi nito.

Mukha ngang seryoso siya. Sorry na, kasi naman eh. It so impossible!

"Sorry na pero pwede ikuwento mo muna." mahinahong sabi ko sa kanya. Ang hirap naman kasing paniwalaan ng sinabi niya.

"Ayoko ikuwento lahat pero sasabihin ko ang dahilan kung bakit ayoko na kay Jungkook. Kasi napakasama ng ugali niya tapos sinabihan niya pa ako ng makapal ang mukha tapos kung anu-ano pang sinabi niya sa akin. Noong una naman natitiis ko pa 'yung kasupladuhan niya pero kanina sobra na eh!" lalo siyang umiyak habang kinukwento 'yon sa akin.

Dati nakikita ko siyang umiyak pero grabe 'tong ngayon. Hagulgol na talaga ang ginagawa niya.

"Hindi na muna kita tatanungin tungkol sa BTS. Nandito ako hindi bilang Army kundi bilang kaibigan mo. Tahan na..." lumapit ako sa kanya at niyakap ulit siya.

Kaya pala pinupunit niya 'yung poster ni Jungkook kasi masama ang ugali nito. Posible ba 'yon?

"Eh bakit hindi mo pa sirain lahat ng merchandises mo ni Jungkook?" tanong ko sa kanya matapos ang ilang segundo.

Tiningnan niya naman ako ng parang sinasabing 'seryoso-ka-ba-talaga-sa-tanong-mo' look.

"Boba ka ba? Una sa lahat, sayang ang perang pinambili ko dyan. Pangalawa, hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan si Jungkook..." mahinang sabi nito.

Kahit talaga anong gawin ni Jungkook dito hindi niya pa rin 'to ipagpapalit. Tsk!

Love, love, love!

Ako nga pala si Noelyn Fey Lee. Me and Christine were bestfriends since grade four. Unexpected friendship. That is what we have now!

Sobrang tahimik niyan noon. Daig pa ang may mababasag na pinggan pag gumalaw siya pero after ng ilang araw daig pa niya ang batang nakawala sa kulungan sa gulo at ingay.

"Ano kamusta na?" tanong ko sa kanya.

"W-Wala-" napatigil siya sa pagsasalita ng biglang may kumatok sa kwarto niya.

**

Christine's POV

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ng may biglang kumatok.

Tiningnan ko 'yung pinto ng kwarto ko. Paanong may nakapasok sa loob ng bahay?

Baka ang tropa lang 'yun.

"Kasama mo ba 'yung iba?" tanong ko kay Noelyn.

"Hindi. Ikaw ata, may bisita ka ba?"

"Wala. Teka lang ha? Titingnan ko lang." sabi ko dito bago tumayo at binuksan 'yung pinto ng kwarto ko. Sigurado naman akong hindi si mama 'yun kasi mamaya pa 'yun uuwi.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si bab- este si Jungkook.

"Why are you here? At paano ka nakapasok?" walang emosyon na tanong ko sa kanya.

"Through the used of door." sagot niya sa akin.

"Kung mamimilosopo ka. Wala akong time makipag-usap sayo." mataray na sabi ko at isasara na sana ang pinto ngunit biglang sumingit si Noelyn.

"Sino ba- Jungkook?!" gulat na sabi ni Noe.

"Naniniwala ka na ba sa akin ngayon?" tanong ko kay Noe na nakanganga ngayon.

"Oo. Tsk! Bakit ka nandito? Matapos mong pagsalitaan ng kung anu-ano ang kaibigan ko bigla-bigla kang pupunta dito. Ano 'to round two?!" mataray na sigaw ni Noelyn kay Jungkook.

"Tsk! I'm here to say sorry..." napatingin naman ako sa kanya.

"Marunong ka pala non? Tsk! Wala namang magagawa 'yang sorry mo eh. Pwede ka nang umalis nasasayang oras ko sa'yo!" matapos sabihin iyon ay sinarado ko na 'yung pinto.

Bastos na kung bastos. Eh kabastos-bastos naman siya.

"Ang maldita mo talaga!" sabi nito sa akin bago ako binatukan.

"Ikaw nga eh kung anu-ano sinabi mo kay Jungkook." nakairap na sagot ko sa kanya bago nahiga sa kama.

"Nag-pink bigla paningin ko nang nakita ko siya eh!"

"Baliw!" natatawang sabi ko sa kanya.

"Tagal na!"

Ang swerte ko pala kasi kahit baliw 'tong kaibigan kong 'to kaya niya rin palang magseryoso at intindihin ang sitwasyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro