Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Christine's POV

Oh my god! Totoo ba 'to? Hindi ba ito panaginip?

'Yung BTS nasa harapan ko na! What to do?

"Kilala mo kami?" nagtatakang tanong sa akin ni Jimin. Bakit siya magtatakang kilala ko siya— sila eh ang dami na kaya naming ARMY.

"Of course!" tumatangong sagot ko.

"Delikado tayo. Mukhang sasaeng fan 'tong isang 'to." narinig kong bulong ni Jin sa kanya. Agad namang napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Excuse me, fan lang ako. Fan lang. Kilala ko lang naman kayo eh..." nakairap na sabi ko sa kanya. Mukha ba akong sasaeng fan? Edi sana sinunggaban ko na sila. Pero syempre joke lang 'yun sinabi ko na fan lang ako.

I am a certified ARMY. Debut palang nila fan na ako. Bias ko nga si Jungkook eh.

"Bakit ka nandito? Sino ka ba?" tanong bigla ni Jungkook ng manahimik sila.

Okay, ang hot ng boses. Christine, kalma ka lang 'yung puso mo.

"Pinapadala kasi 'to ng nanay ko. Siya ang may-ari nitong apartment na tinutuluyan niyo at ako si Christine Chan." nakangiting pag papakilala ko sa kanila. Nakita ko namang ngumiti sa akin si Jimin at Taehyung.

"Paanong naging sa inyo 'to?!" malakas na sigaw sa akin ni Jungkook. Napatalon naman ako sa gulat dahil doon.

Bakit ba highblood 'to? Pasalamat siya gwapo siya.

"Hindi 'to sa amin pero sa amin 'to pinabantayan noong nawala 'yung may-ari nito." nakangiti ko pa ring sagot sa kanya. Dapat good impression agad para maging ka-close ko sila.

"Ang cute mo!" nakangiting sabi sa akin ni Taehyung sabay takbo palapit sa akin at pinisil ang pisngi ko. Napangiwi naman ako dahil sa pagkakapisil niya sa pisngi ko.

"Tsk! Pakisabi sa mama mo salamat. Pwede ka ng umalis." walang emosyon na sabi sa akin ni Jungkook bago kami tinalikuran. 'Yung tatlo naman ay nakatingin din sa kanya ng may pagtataka.

Aba! Kailan pa naging ganito ang ugali ni Jungkook?

"Pasensya ka na doon ha? May problema kasi siya." sabi sa akin ni Jin ng tuluyang makaalis si Jungkook. Ngumiti na lamang ako bago tumango.

"O-Okay lang. Sige alis na rin ako..." sagot ko sa kanya at tuluyan ng tinahak ang daan palabas ng bahay nila.

Paglabas ko ng bahay nila ay nagtatalon ako papasok sa bahay namin ng bigla akong nadapa.

Talaga naman!

"Christine Chan, mag-iingat ka nga." rinig kong sigaw ni mama galing sa kusina. Nasa salas na kasi ako ng madapa ako.

Nadapa na nga ako sinigawan pa ako ng nanay ko. What a kind mother she is.

"Anong sabi ng bago ng nating kapitbahay?" tanong niya kaagad ng makarating siya sa salas. Pinupunasan pa niya ang kanyang kamay dahil mukhang nagligpit siya ng mga ginamit niya sa pagluluto ng pancit.

"Ma!" tumayo ako at nagpapadyak bago ulit naglupasay sa sahig. Ngayon ko lang narealize na ang dugyot ko pala noong nakita ko sila.

"Oh?! Tumayo ka nga dyan! Mukha kang tanga." hindi ko siya pinansin at itinuloy pa rin ang pagpapagulong-gulong dito sa salas namin.

Paano kung maturn off sa akin si Jungkook? Kaya siguro ganun siya makasigaw kanina kasi ang panget ko.

"Alam mo bang BTS ang bago nating kapitbahay?" tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Oo." simpleng sagot nito bago umupo sa sofa namin at hinawakan ang picture frame na nasa tabi ng TV namin. "Si Jungkook, Jin, Jimin, at Taehyung. Diba?" sabi nito habanh itinuturo ang apat sa litrato. Nilagay ko kasi 'yon noon at hindi naman nagalit si mama kaya hinayaan ko na.

"Bakit hindi mo sinabi?!" nguma-ngawang sabi ko. Hinawakan ko siya sa paa at niyugyog ito.

Nakakahiya naman kasi na nakapantulog pa ako tapos hindi pa ko nag-totoothbrush.

"Nagtanong ka ba? Tsaka umayos ka nga. Diba nahingi ka sa akin ng pera?" pag-iiba nito ng topic at tinaggal ang pagkakahawak ko sa paa niya.

"Oo pero nakita ko na ang BTS kaya no need na!" ngiting-ngiti kong sabi bago bumangon. Tumabi ako sa kanya at umakbay. "Ma, ang gwapo nila sa personal. Times ninety-nine ang kagwapuhan!" dagdag ko pa. Hindi ako nito pinansin at sa halip ay diniretso pa ang pagtatanong.

"Pero gusto mo silang makasama?" nakangising tanong nito sa akin. Makangisi siya wagas eh pustiso naman ngipin niya.

"Of course! Duh." nakairap na sagot ko sa kanya. Si mama talaga alam naman ang sagot tinatanong pa.

"Ikaw ang magiging katulong sa apartment ng BTS habang nandoon sila." walang atubiling sabi niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya at napatayo.

Paanong magiging katulong ako eh magwalis lang naman ang alam kong gawin?

"Ano?! Bakit naman? Gusto ko silang makasama pero ayoko nga maging katulong. Malolosyang ako sa mga gawaing bahay. Dito nga bago pa ako makakilos!" mabilis na pagtanggi ko habang umiiling-iling pa.

"Ten thousand per month..." cool na sabi ni mama.

Kung pagiging practical ang iisipin, syempre oo na. Sayang din 'yun. Kung puso naman, mas lalong oo. Once in a lifetime mo lang makakasama ang idol mo.

Tinitigan ko muna si mama at nakangisi pa rin ito sa akin. Binusangutan ko siya bago sumagot.

"Aish. Oo na nga!"

Mahal ko si Jeon Jungkook kaya gagawin ko ang lahat makasama lang siya. Ika nga nila, "Love conquers all".

Pero masakit isipin ang kahihinatnan ko. 'Yung bahay kaya na nakuha nila ang pinakamalaki sa buong subdivision.

Actually, hindi kasama sa pagmamay-ari naming bahay 'yun. Pinaubaya lang kasi sa amin 'yun noong lola ni JK bago siya kunin ni Lord.

Si JK naman kababata ko kaso hindi ko na alam kung nasaan siya ngayon.

Enough of things from the past! Maliligo muna ako dahil uumpisahan ko na ang pagiging katulong ng BTS.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro