Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Third Person's POV 

"Where are the goddamn papers?!" Triton yelled angrily at Amber, who now began to tremble in her position. She's scared; she wants to leave, but Triton won't let her. She is the reason why Triton's behavior has become like this now; she knows that Triton is heartless when it comes to money and business. But she didn't expect this change; she blames herself.

"I placed it there earlier..."

"You, what? Then where?! I haven't seen it yet!" Triton threw the folders that were on his desk with a bang dahilang kung bakit napalayo si Amber. Hindi niya maiwasang hindi matakot ngayon kay Triton. Galit na galit ito na para bang mananakit na.

Kung hindi dahil kay Aria ay hindi magiging ganito ang trato ni Triton sa kanya. Kinuyom niya ang kanyang dalawang kamay nang maalala ang sagutan nilang dalawa ni Aria. Ngayon ay may lakas na itong lumaban sa kanya, ngunit, hindi siya magpapatalo. Nakaya niya ngang paamuin dati si Triton, ngayon pa kaya?

"I let you manipulate me years ago, Amber, because of your foolishness, but I won't let you drag me again with your bullshit! Now, where is the paper?"

"I said it was there earlier. I put the papers there before I left the office,"

"I don't know if that—-"

"Find those fvcking papers or else I'll kick you out like you did to Aria before."

"I didn't let her go—-" Amber couldn't finish what she was going to say when Triton suddenly choked her and pushed her against the wall. Namimilit siya sa sakit, pilit inaalis ang kamay nitong nasa kanyang leeg.

"Really? You think I'll believe, Amber? You fvcking ruined everything!"

"I'm sorry, Triton. Minahal lang naman kita!"

"Fvck you, then!" galit na sigaw ni Triton and he pushed Amber na naging resulta ng pagkabangga niya sa pader, but Triton ignored it.

He immediately left the office while burning with anger. He wants those papers because all his plans depend on them, but he lost them. He thinks Amber has something to do with it. He knew that girl, at tahimik din itong gumalaw.  

"Fvck!" iritado niyang sinipa ang trashcan sa kanyang harapan. Mataimtim niyang tinapunan ng tingin ang guard na nagbabantay sa mga cctvs.

"Where is the last copy of this shit?!" he asked the man guarding the CCTV cameras.

"We don't have the last copy of that, sir, and about the incident earlier, our CCTV camera no longer recorded that."

"Why!" halos gusto niya nang suntukin ang guardya.

"Someone hacked the system earlier, so everything was blocked, but now it's back."

Triton touched his hair before glaring at the man. "Fix your job if you don't want to lose your job."

Umalis siya, lumabas ng kompanya. Sumakay siya sa kanyang sasakyan at galit na sinuntok ang upuan sa kanyang gilid. Kapag hindi niya makita ang mga papel na 'yon tiyak na katapusan na talaga. Ilang taon niyang inayos at nilaanan ng oras ang mga papeles na iyon, ngayon ay mawawala lang?

"Fvck this!"

"Damn it! Damn it!"

Sumandal siya sa kanyang upuan. Pilit pinapakalma ang sarili. Kuyom ang dalawang kamao niya habang ang isang paa ay nasa labas. Gusto niya sanang tanungin at konfrontahin si Amber kaya lang ay wala siyang makukuha na sagot roon, mabwe-bwesit lang siya lalo sa mukha nitong laging nagpapaawa.

"Tangina!"

"Ang aga mo namang magmura, Triton, ah."

Lumapit sa kanyang sasakyan ang kaibigan na si Kiefer Montefalco. Nasa likuran nito ang asawa at mga anak.

"What do you want?" mariin niyang tanong. Iniiwasan na huwag mapikon dahil nasa harapan niya sina Riley.

"May importante lang akong sasabihin tungkol sa Society."

"Huwag ngayon." deretso niyang sagot at padarang na sinara ang sasakyan.

Kinagat naman ni Kiefer ang kanyang labi at nagpasya na huwag nalang kulitin si Triton dahil tila masama ang timpla nito ngayon. Pumasok na lamang sila sa loob ng kompanya ngunit nakasalubong nila si Amber, kasama ang anak nitong babae.

"Amber?"

"Riley..."

"Anong ginagawa mo rito?"

"Ah, tinutulungan ko lang si Triton sa mga papel niya. Did you see him? Hinahanap na kasi siya ni Anya," baling niya sa batang babae na hawak.

"Oh! Nasa parking lot, masama yata ang araw nun." sagot ni Riley tsaka sumunod sa asawa na kanina pa pala wala sa tabi niya. Hindi naman kasi iyon makikinig.

"Atat na atat talaga eh. Kinalimutan pa ako," parinig niya.

Kaagad namang lumingon sa kanya si Kiefer. Sumilay ang ngisi nito sa labi tsaka siya nilapitan. Hinapit nito ang beywang ni Riley at hinalikan ang labi.

"Ano ba, Kiefer!"

"Get a room, lovers!" sabay silang napatingin sa sumigaw. It was Kace, kasama ang iilang miyembro ng Society.

"Gago!"

"Saya saya mo naman, Montefalco!"

"Bakit ba ikaw hindi?" singit ng isa kay Kace. Tumawa naman ito at hindi sumagot.

"Nakausap niyo ba ang bagong presidente natin?"

"Badmood 'yon. Nasa labas kausap yata si Amber."

Kumunot ang noo niya. "Amber Kelton?"

Tumango sina Riley. Lumapit sina Vandeon at Skie sa kanila. Dala nila ngayon ang kanilang mga panganay na anak pwera lamang kay Kace na mukhang nagbibinata pa. Kailan kaya ito magse-settle? Sa kanilang magbabarkada si Kace nalang ang wala pa.

"We saw her outside pero wala naman si Triton. Are you sure na kausap niya iyon?"

"Sabi niya kakausapin niya si Triton sa labas kanina."

"Well, baka umalis na. Nga pala tumawag si Ross kahapon,"

"Anong sabi?"

Hinawakan ni Riley ang kanyang tatlong anak at iginaya sa office ni Kiefer. May sarili kasi itong office sa kompanya ni Triton. Dalawa sila ang nagpapatakbo ng kompanya nito, ngunit taga-suporta lamang si Kiefer.

"Uuwi muna sila sa kanila. Gusto raw kasi ng anak niyang mag-aral sa probinsya. May balak yatang pamahalaan 'yung lupain nila dun."

"Ano nga ulit pangalan ng anak niya?" tanong ni Vandeon habang pinapanood ang anak na naglalaro sa tabi niya.

"Roscoe yata. Manang-mana sa nanay. May balak yatang manatili sa probinsya at dun na muna manirahan. You know that kid, may pangarap."

"Isa sa mga pangarap nun sungkutin ang anak ni Mayor Velasquez."

"Velasquez?"

"Pamangkin ni Wren Velasquez."

***
Short Trailer of De Asis's Story.

"De, kanina ka pa tulala. Tatakbo ba ulit daddy mo?" tanong ni Kelra.

"Hindi ko alam eh. Daddy mo pala? Balita ko may balak tumakbo 'yon."

Chismisan kasi ngayon na tatakbo din si Mr. Hadjehel sa pagiging Mayor. Ewan ko lang kung totoo ba iyon or haka-haka lang ng mga tao.

"Walang balak 'yon. Uuwi kasi kami ng Maynila next month."

"Paano ang pag-aaral mo rito?" bakit naman siya sasama sa Maynila? Hindi pa naman tapos ang klase ah, kasisimula pa nga lang.

"Ilipat ako ni daddy sa Maynila. Huwag kang mag-alala dadalawin naman kita no."

I can go there if I want to. Pero sa ngayon ay wala akong balak. Gusto nina Lola at Lolo na makapagtapos ako ng Senior High ko rito. Kapag college na ay duon na ako pupunta ng Maynila. Sang-ayon naman ako sa desisyon nila, gusto ko rin naman dito.

"Sus, gusto mo lang makita si Roscoe eh!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig baka may makarinig. Dami pa namang nagkakagusto dun. Ano namang kaya ko sa mga babae niya? Maganda at mayaman ang mga iyon.

"Huwag ka ngang maingay, Kelra!"

"Sorry naman! Ay, speaking of?"

Dahan-dahan kong binaling ang aking tingin sa likuran. Malakas na tilian ang narinig ko bago tuluyang makita ang pigura ni Roscoe.

"Shete! Sino namang hindi mababaliw sa anak ni Tito Ross, no? Ang pogi naman!"

Nakasabit na naman ang kanyang itim na bag sa kanyang balikat. Bawat galaw ng kanyang labi ay lumalabas ang dalawang malalim niyang dimples sa pisnge. Tangina talaga ang pogi!

"Halatang hirap pakisamahan 'yan, De. Kaya mo ba?"

"Nakaya ko ngang takutin 'yung pinsan niya. Siya pa kaya?" ngumisi ako at binaling muli kay Roscoe ang tingin ngunit napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata.

"Try me."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro