Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Ariana's POV

"Are you feeling good now?" tanong ni Almika. Ngumiti ako at tumango. Mabuti na lang andito si Almika, kung wala siguro siya kanina pa ako naghihinalo dito dahil sa sama ng loob. I need to forget them, they were my past friends, minahal ko rin sila. I'll treasured our past memories. I'm sorry.

"Dadalawin ka ng anak mo rito mamaya. Kagabi pa raw iyon umiiyak sabi ni Riley, mukhang sobra talaga iyong nag-aalala sayo,"

"I badly want to see my baby too." sagot ko at dahan-dahang bumaba ng kama. Hindi naman masyadong masakit ang buong katawan ko, kaya ko naman tumayo at lumakad-lakad pa but I lost my strength a bit. Iyong tipong wala pa akong labang sumuntok or sumipa. Inangat ko ang tingin ko kay Almika, nagliligpit siya ng gamit niya ngayon habang may cellphone sa tainga. Mukhang inis na inis na siya dahil sa mukha niya. Kuyom din ang mga kamao niya.

Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya? Kapansin-pansin ang panggigigil sa kausap.

"Tangina mo rin! Kung sinama kita rito baka ikaw pa mapatay ko!" sigaw ng babae sa kabilang linya.

"Aba! Ang gaga mo kasi! Ang tanga mo rin! Papunta na ako riyan! Bwesit ka!" malakas din na mura ni Almika. Mukhang nag-aaway na naman sila ni Vena. Halata namang si Vena iyong kausap niya sa kabilang linya dahil sobrang high-pitch ng babaeng iyon.

Ngayon ko lang ulit sila nakitang nagbabangayan, kung andito lang si Vena baka kanina pa sila nag-sasabunutang dalawa.

"Oo ayos lang siya, sa katunayan nga gising na siya pero huwag mo muna kausapin baka mabaliw at maging tanga tulad mo,"

"Tangina mo sagad!"

"You're welcome." ngising sagot niya kay Vena sabay baba ng cellphone niya. Napasinghap na lamang ako sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang phone ko na nasa tabi ko, tiningnan ko kung may missed calls ba galing kay Zack. Napangiti ako nang malaman na meron nga.

I missed my son. Nitong mga nakaraang araw wala na akong oras para sa kanya. I badly want to see him now, kaya ko naman ang sarili ko kung sakaling iiwan ako ngayon ni Almika. May nalaman din ako sa kanya at sapat na iyon para pang hawakan ko kahit na napaka-imposible.

"Aalis na ako. Ayos ka lang dito talaga?"

"Yep! Thank you, Almika!"

"You're welcome, sis!" Hinagkan niya ako sa noo bago umalis. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.

Nang mawala na siya sa paningin ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Naalala ko iyong mga salitang binanggit ni Almika, akala niya hindi ko narinig iyon pero nagkakamali siya, sila. Alam ko na, nagpapanggap lang si Triton na wala siyang maalala, dapat nga magalit ako dahil niloko niya ulit ako pero hindi ko kaya, hindi ko kayang magalit sa kanya dahil mas lalo akong nag-aalala ngayon sa kalagayan niya kahit na napuruhan din ako. Ginawa lahat ni Triton ito para sa amin ng anak niya, akala ni Almika nasabi niya ito sa isip niya pero hindi, nabanggit niya rin.

Nagpapasalamat ako dahil kilalang-kilala niya ang taong minahal ko noon hanggang ngayon. Mahirap aminin dahil ayokong masaktan ulit, ayokong maiwan ulit sa huli. May Amber siya noon, may anak din na babae. May anak kami pero tinago ko dahil sa napaka-gago niya noon but I know he has a reason for doing that. And I want to know everything behind this battle.

Inangat ko muli ang tingin ko nang mapansin kong bumukas ang pinto. Niluwa nito si Triton na walang saplot sa katawan kaya't kitang-kita ko ang benda sa tagiliran niya.

Napalunok ako at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Nakakamatay ang tinging iyon, naiilang din ako dahil naaalala niya pala ang lahat pero hindi niya sinabi sa akin. Tangina! I should be angry right now because he lied to me. I need to stay mad at him! But fvck! How can I? I already fell for this devil prince, and I can't do anything about it. 

"Bakit ka bumalik?" malamig na tanong niya. Lumunok ako ng palihim. Bumalik na nga siya sa anyo niyang demonyo.

"Look at yourself!" malakas na sigaw niya na tila isang malaking pagkakamali ang ginawa ko. Nilingon ko siya, kitang-kita ko ang pamumula ng tainga niya dahil sa galit.

"How dare they hurt you like this? How dare they! They think they can easily get away from me! No! They're wrong, Ariana; I'll kill them all." he punched the wall. Tears started to fall again. Yumuko ako para hindi niya makita ang mukha kong lumuluha na ngayon dahil hindi ako makapaniwala na naaalala niya pala ako at dahil sa akin kaya siya nasaktan ngayon. Hindi ko kayang magalit dahil kasalanan ko rin naman bakit siya nadamay eh, tangina naman. Kailan ba ito matatapos?

"Look at me, baby. Who did this tell me? Si Spade ba? Fvck him! I'll send him to hell." he's already there. gusto ko iyong sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko.

Naramdaman kong inangat niya ang panga ko, pinantay niya ang mukha naming dalawa dahilan nang pagsangga ng ilong naming dalawa. Madilim parin ang mga mata niya, taas-baba din ang adam apples niya na tila pinipigilan niyang huwag magalit.

"I didn't fight back because he is your friend, Aria," bulong niya pero sapat na 'yon para marinig ko.

Dahan-dahan akong tumango.

Magulo ang buhok ni Triton, may punit siya sa labi at galos sa pisnge. Kung hindi mo siya titigan nang malapitan? Hindi mo mapapansin ang marka sa pisnge niya. He looks hot in it but I felt sad too.

"T-Triton..." I can't speak clearly.

"What is it?" malumay na tanong niya.

"Did you really lied to me? Kailan pa?" mabilis na tanong ko dahilan nang pag atras niya palayo sa akin. Tumalikod siya at ginulo ang buhok.

"Tell me, did you?"

"Bakit, Triton? Bakit mo 'ko niloko ulit? Alam mo bang sobrang sakit sakit na? Gusto kong magalit sayo dahil niloko mo na naman ako pero hindi ko kaya dahil mahal kita! Tangina naman!" hagulgol kong sigaw sanhi nang pag lingon niya sa akin.

"Hindi naman ako marupok eh! Pero pag dating sayo natata—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita kong tila may luhang tumulo galing sa mga magagandang mata ni Triton. Did he c-cry?

"T-Triton?"

"Tangina, Ariana! Matagal ko nang gustong marinig 'yan mula sa bibig mo, nag-hintay ako, Aria. Kahit alam kong napaka-imposible na mahalin mo 'ko dahil may malaki akong kasalanan sayo!"

"I thought you could never love me anymore because of the shits that I did to you before. I regretted it, Aria. I'm really sorry. I'm sorry." 

This time ay nakaluhod na siya, lumuluha, pawis na pawis ang mukha. habang ako naman ay gulat na gulat at hindi makapaniwala na umiyak sa harapan ko ang isang Alcazar. Kilala ko siya, hindi malambot ang kanyang puso. Nananakit at pumapatay. He can rule the world without asking help. Kaya niyang tumayo sa sariling mga paa without his people protecting him.

His tears...made me tremble.

"Maiintindihan ko kung hindi mo 'ko mapapatawad. I can't even forgive myself, Aria. I'm really sorry, baby. Don't leave me; I can't live without you anymore. Please, Aria, I'm really sorry for what I did to you. Look at me, baby. Please don't look away; it hurts." mahinang saad niya. Hinaplos niya ang mukha ko, marahan iyon.

I sighed.

"I planned all of this. Nag-panggap ako para magawa ko lahat ang plano ko laban sa mga kalaban, Aria. They thought namatay na ako dahil sa car accident na nangyari kaya nila nilulusob ngayon ang kompanya ko, kaya nila ako pasimpleng pinapatumba. They've got it wrong. While they're attacking me secretly, I am also making my moves, ginawa ko ang lahat. Pinabagsak ko ang kompanya nila. I was also watching you while I was away from you. While you're working, I'm by your side, Aria. 
When did you get home and tired? I tried my best to act sweet in front of you. kahit na hindi ko naman gawain 'yon. Butler Kino was involved too, ayokong mawala ka sa paningin ko kaya't pinahabol kita kay Kino no'n and that time I don't want you to go home and work for my company,"

"I have lots of enemies, and I don't want you to get involved in my battles. That's why I'm trying my best to act properly so you won't leave me, so you will feel pity for me and care about me. I love you, Aria; my heart will stay in you 'til I lose my breath."

Kahit nanginginig at nasasaktan sa mga inamin niya, wala akong pakialam. This Devil Prince is mine, I love him too.

"Keep breathing..." mahinang bulong ko tsaka siya niyakap ng mahigpit.
Damn it!

"How about, Amber?"

"When I found out everything years ago pinalayas ko siya sa pamamahay ko. Sinira ko ang imahe niya at pinakulong ang magulang niya dahil ninakaw nila ang pera ng kompanya ko. I will never forgive them,"

"But you two—"

"It's just an act, baby. Everything."

Princeps te amo diaboli

***

Malapit na ending! Stay up bbies! Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro