Chapter 26
Almika's POV
"What?! Are you fvcking serious about it?!" malakas na sigaw kong tanong kay Vena na ngayong prentang nakaupo sa harapan ni Aria. Nasa hospital kami ngayon, binabantayan namin si Aria dahil muntik na siyang mamatay kahapon. Mabuti na lang tinawagan kami ni Kino kaya lang sobrang late na! Bwesit na bwesit talaga ako sa lalaking 'yon. Kaya ayan tuloy na-late kami. She almost died. Fvck!
Nasa hospital rin si Triton. Nasaksak siya sa tagiliran pero gising naman yata 'yon, may balak pa ngang pumunta rito pero hindi siya pinayagan ni Kino baka ano pa ang magawa ni Vena sa kanya. Such a jerk! Akala ko pro-protektahan niya ang kaibigan namin pero ano 'to? Tangina niya rin. Pumayag kami sa plano niya, ginawa namin ang lahat. Nagkakasala pa kami sa kaibigan namin. Pero hindi niya man lang kayang protektahan si Aria? Anong klaseng lalaki ang kumag na 'yon. Sarap lampasuhin kung hindi lang ako medyo takot sa kanya.
"Kailangan na nating gumalaw ngayon, Almika. Alam na nila kung anong nangyari kay Triton," umarko ang kilay ko sa kanyang sinabi. Inaasahan ko na talagang mangyayari 'to.
"Lulusob ako sa hideout nila Valencia. Ikaw naman bantayan mo si Aria baka bigla itong magwala at lulusob din duon. Huwag niyo siyang hahayaan." seryoso niyang paalala sa akin. Napasinghap naman ako. Oo't hindi maganda kapag lulusob din si Aria duon, hindi pa siya magaling.
Natagpuan namin siyang nakahandusay sa sahig, naliligo sa sariling dugo. Pinatay niya ang mga taong naging parte na ng kanyang buhay. Kilala ko si Alice, kaibigan ni Aria. 'Yung dalawa naman ay pamilyar lang sa akin. Anong puno't dulo ng kanilang kamatayan? trinaydor si Ariana.
Tumikhim ako. Binalik ang atensyon sa aking sarili.
Palihim akong umirap. Anong silbi ng kakayahan ko kung hindi ako makakasama sa laban? Taon ang ginulgol ko sa training, nagkapasa-pasa pa ako, nasaktan pero hindi ko man lang magagamit ngayon. Kainis!
"Kapag 'yan nagwawala? Labanan mo para may silbi naman ang training mo noon," kumindat siya sa akin pero inirapan ko lamang siya. Bwesit na babaeng 'to! Kahit kakaanak niya pa lamang lalaban parin siya. Paano ako?
"Tangina mo! Umalis ka na nga baka masipa pa kita palabas." angil ko. Humalakhak siya ng napakalakas sabay labas. Bumuntong hininga ako tsaka ko nilingon si Aria na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang tulog.
Ginagawa namin ito para sa kaligtasan naming lahat, hindi niya alam kung anong klaseng tao si Triton, kung anong klaseng tao ang asawa niya. Triton is not only rich, he is a powerful man. No one dares to mess up with him, he is like a devil to me. But good devil I think? Tss may good ba na demonyo? Siguro because Frost Triton Alcazar exited in this world. He loves our friend, I can clearly see in Triton's movements. He could do everything for Aria, even though he knew his life would be in danger. He will still fight to death. Unang kita ko kay Triton ay masama na talaga ang ugali niya, halata naman eh, laging may galit sa mundo, pareho lang sila ni Vandeon mga tangina sa mundo! But kapag nakilala mo na sila ng lubos? Maayos na. Hindi sila ganoong kasama.
Triton once said to us before planning this mission by himself "I will fight back, no matter what happens to me. Death is not yet the end for me."
"If my woman leaves me, that's the end of my life. I can't live without her, my son. They are my bullets in this battle; once the bullets run out, I can do nothing but give up. Return to the enemy because I can't fight back without bullets to hold on and strength to keep on."
Bawat salitang binibitawan niya ay tumatagos sa dibdib ko. Alam kong nahihirapan na siya but he keeps fighting for his loved ones, he knows how dangerous his life right now but instead feeling sad about it? He chose to be happy because this is for his wife, for Aria.
Don't say that you are tired if you can still fight. Face those enemies and defeat them as long as you can, as long as you have the strength to fight back. Behind those struggles, there's a victory waiting for you and for us, as Riley once said. I'm happy for my friends because they finally found their princes. They're not that perfect at first, but when you get to know them, you can easily cope with the bad guys. Yes, they're bad guys because they killed hundreds of people, but who am I kidding? Hindi sila takot sa batas, papatayin nila ang sinumang babangga sa kanila, sa mahal nila sa buhay. In short, the law doesn't matter for them when their loved ones are involved.
"Almika?" tila nabalik ako sa ulirat nang mapansin kong gising na si Aria. Unang bumungad sa akin ay ang nakakunot na noo niya.
"Oh God! You're finally awake!" kunwari nagulat ako. Kahit na ang totoo niyan ay still disappointed parin dahil hindi ako sinama ni Vena sa laban. Tanginang babaeng iyon kasi! Kapag iyon napuruhan, bahala siya sa buhay niya!
"What happened to you? Mga kaibigan mo ba ang gumawa nito sayo? You almost killed yourself there, are you out of your mind?" Obviously. The truth is, I am concerned. She's the best assassin for me but she let those bitches hurt her like this.
"Not important people." walang pakialam niyang sagot sabay sandal sa hamba ng kama. Pansin ko rin mukhang paiyak na siya. Pinipigilan niya lang ang sarili niya. I think those people are important to her, sinabi niya lang na hindi dahil ayaw niyang masaktan.
"You can lean on me," mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya.
"They all fooled me from the start Almika. I thought they're my friends too because they are good to me, but bullshits!" this time ay umiyak na siya. Humagolgol siya sa balikat ko habang ako naman ay hinahaplos ang likod niya. They're not your friends, Aria. We, kami ang totoo mong kaibigan, not them. I told you before na huwag kang basta-basta magtiwala sa ibang tayo but you disobeyed us, but I'm not blaming you because every person makes a mistake sometimes.
"Trinaydor nila ako, Almika! Hindi ko kayang tanggapin! Kaibigan namin sila ni Sedrex pero tangina naman! Bakit humantong sa ganito ang lahat? Bakit? Bakit sila pa!"
"Simula noong nakilala ko sila? Tinuruan nila ako paano lumaban at kung paano ko protektahan ang sarili ko. Minahal ko sila kasi kaibigan ko sila eh! But why! Why!"
Kinaibigan ka lang nila dahil may kailangan sila sa iyo at iyon ay ang malaman ang totoong pagkatao mo at patumbahin sa pwesto si Triton.
I tapped her head making her to calm herself. "You did great, Ariana, you killed the enemy."
"Tinatraydor din kaya ako ni Sedrex?"
***
Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro