Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Aria's POV

Nalilito na talaga ako. Si Triton ba talaga 'yon? Bumalik na ba ang alaala niya? Or hindi talaga nawala ang memorya niya?

Shit! Ginulo ko ang buhok ko dahil kanina pa ako litong-lito dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko siya pinayagan na tumabi sa akin kagabi dahil ang baho-baho niya at amoy sigarilyo pa ang bibig niya. How did he do that? Alam ko naman na hindi siya mukhang batang umakto pero! Aish!

Minsan talaga mapapansin ko na tila bumalik na siya sa dati. Pero minsan din nakakairita siya. Hindi ko man lang siya matanggihan sa mga pinangagawa niya sa akin! Baka iisipin niya na nagustuhan ko 'yon. At takte! Nasa 10 years old ang isip niya pero nanghahalik na. Well, noong bata pa lang 'yan manyakis na talaga. Ang sama-sama nga rin ng ugali parang ang sarap ilibing. But when his lips met mine? I feel like I'm drowning, hindi ako makakahinga, naninigas ako sa kinatatayuan ko and worse, I respond to his kisses.

Ginulo ko muli ang buhok ko. Ang hirap niya namang tulungan, nagiging manyak, at tsaka may balak pang pumunta kahit saan. Hindi niya ba alam na ang layo layo ng mga lugar na 'yon? Sabagay, mayaman nga pala ang loko, kaya niyang puntahan lahat.

Hinawi ko ang kumot na nasa katawan ko. Bumaba ako ng kama habang inaayos ang buhok ko na kanina ko pa ginugulo dahil sa kalituhan. Binuksan ko ang pintuan at halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin ang katawan ni Triton na wala man lang saplot sa katawan pwera na lamang sa tuwalya na nasa pang ibaba niya. Shit!

"You scared me to death!" inis na singhal ko tsaka siya sinamaan ng tingin. Hindi siya sumagot sa halip ay sinandal niya na naman ako sa pader. See? Gawain ba ito ng isang 10 years old? I'm not dumb, but when it comes to him, His actions? I don't understand. I don't know how to deal with him because every time I try to reach him, Help him; rather, I can't understand myself. It feels like he's back to his senses, and...damn! Is he really pretending? Then for what? For what reason? Hanggang ngayon ba pinaglalaruan niya parin ako?

"Does my body satisfy you?" He asked without even thinking.

"W-What?" angil ko at mabilis ko siyang tinulak palayo sa akin. Heto na naman siya, palilituhin niya na naman ako. Napaka walang hiya niya talaga. He's 10 years old for fvck's sake but he acts more than that.

"Pasado po ba sayo, Ate Aria?" that thing, Ate. Naiirita na ako.

Sometimes he acts cool, cold, childish and stubborn. Kaya lagi akong nalilito. Ayoko sanang isipin ang mga bagay na 'to eh but I can't help myself but think.

"Are you out of your mind? You're older than me, Triton! It's not nec—" I didn't finish my words because he cut me again using his damn lips again.

Normal lang naman sigurong maghalikan kami hindi ba? Mag-asawa naman kami, tangina! Ang landi landi, Ariana. Parang hindi nag grade 2.

"You're the one who's older than me, Ate Aria. Go change your clothes; I'm coming with you."

"Where?"

"Company. Staying here is making me sick." suplado niyang sagot sabay talikod sa akin papunta sa loob ng kwarto niya. Pinagmasdan ko lang siya, ang ganda ng katawan ng loko. Kapag siguro ibang babae ang makakita nito mapapanganga talaga. Kanina pa nga ako lunok ng lunok dito eh, tapos nilalabanan ko pa ang sarili kong hininga. Nakakabanas naman! Edi siya na ang sinwerte.

Umirap ako. Padabog akong bumalik sa loob ng kwarto ko. Sinimulan ko nang gawin ang mga ginagawa ko tuwing umaga. Tanginang, Triton 'yon! May balak pang sumama sa kompanya, argh! I don't want to babysit a stubborn old man there! Kakabanas. Ano kaya ang pumasok sa kokote niya bakit niya naisipan na sumama sa akin. Tinopak yata.

"SAAN na po si Triton?" tanong ko kay Butler Kino habang hinahalungkat ko ang loob ng bag ko. Hinahanap ko kasi ang suklay ko, sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong mag-suklay. Letche naman kasi eh, hindi naman ako ganito tuwing papasok ako sa trabaho pero argh!

"Nauna na siya, Aria. Ang bagal bagal mo daw kasi," sagot ni Kino. Napakurap naman ako ng ilang beses.

"Ano?! Alam niya ba kung saan ang kompanya niya? Paano kung mapahamak siya? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Shit we ne—"

"Calm down, Mrs. Alcazar." ngiting sabi niya pero hindi man lang ako makangiti knowing na mag-isa ngayon si Triton. Napaka gago niya talaga.

"Let's go!"

So ayun nga, hindi ako mapakali. Miski si Butler Kino ay hindi na makatawa dahil sa sobrang seryoso ng mukha ko. Pati pagsuklay ng buhok ko ay hindi ko na nagawa dahil hindi nga ako mapakali. Kupal kasi na Triton eh. Alam niya ba ang ginagawa niya? He lost his memory! Everything! Paano kung makasagupa niya ang mga kalaban niya? Paano niya haharapin ang mga iyon kung sakali?

"Hindi talaga nag-iisip ang gagong 'yon!" iritado kong sambit habang sa kalagitnaan ng byahe namin. Isa rin 'tong Kino na 'to eh, ang sarap niya ring sigawan dahil iniwan niya ang alaga niya duon. Paano kung may mangyaring masama kay Triton? Ako talaga papatay sa Kino na ito. Kitam nag-iingat na nga ako sa mga kinikilos ko dahil kapag ako nagkamali? Naku!

"*Ring! *Ring!"

Tunog ng cellphone ko. Mabilis ko namang itong nilabas mula sa bag ko at tila kumalma ako nang makita ko ang pangalan ni Zack sa screen.

"Hello, mommy! Are you okay?"

"Yes baby, how about my little Prince? Did you eat your food on time?"

"Of course, mommy! I missed you."

"I missed you too, baby, huwag mong bigyan ng wrinkles si Tita Almika at Tita Vena mo ah, bibisitahin kita mamaya riyan after my work, okay?"

"And don't go outside without anyone's permission or you might hurt yourself. I'm not there to protect you, Zack, listen to me, alright?."

"Ne de me solliciti mammam, ill audire tibi. Tata et vade tempore adleviata usquam ego nec sine te."

"Make it sure, baby. I won't forgive myself if bad happens to you, I love you baby."

"I love you too, mo—"

"IS THAT TRITON?" gulat na singhal ni Kino. Mabilis ko namang binaling sa kaniya ang tingin ko, sinundan ko rin ang tingin niya habang nilalagay sa loob ng bag ko ang cellphone.

"Damn! What happened to him!" Mabilis na lumabas si Butler Kino. Lumabas rin ako kahit na hindi ko pa gaanong namukhaan ang taong tinitingnan niya kanina but base naman sa reaksyon niya? Tila nababahala siya. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa huminto kami sa isang parking lot.

"Fvck!" malakas na mura ni Butler Kino at tuluyan nang nilapitan si Triton na nakahandusay sa sahig at puno ng d-dugo ang damit niya.

Agad akong lumuhod at mabilis na pinigilan ang dugong nasa tagiliran niya. Nagsimula na ring mamawis ang buong katawan ko, nanginginig ako sa takot. W-What's Happening?!

"He's stabbed."

Damn it!

**
Translation: Don't worry about me, mommy, I'll listen to you. I won't go anywhere without you and daddy.

Don't forget to vote and leave a reaction. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro