Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

Vena's POV

"Skie!" malakas na sigaw ko mula sa kwarto namin. Ang sakit ng tiyan ko putangina. Tila manganganak na ako, walang hiya.

"Huwag muna ngayon, Santi, huwag muna ngayon, baby." Hinaplos ko ang umuubok kong tiyan at pilit pinapakalma ang sarili. Shit! Mukhang gusto niya na talagang lumabas, argh! Putanginang Skie na 'yon, saan naman kaya nagpunta ang gagong 'yon. Pakiramdam ko talaga lalabas na si Santi!

"Skie! Putangina mong gago ka! Ililibing talaga kita! Skie! Hayop ka!"

Dahan-dahan akong tumayo, paika-ika pa ako dahil tila namumunit ang nasa ibaba ko. May likido pang lumabas, tangina mo, Skie!

"Ski---"

*BLAG!*

"Fvck! Vena, a-anong--"

"Putangina ka! Manganganak na ako!" gigil na sigaw ko sa kanya at ang sarap niya talagang suntukin sa mukha. Natulala pa ang gago at tila maiiyak na, ang sarap niya talagang sipain.

"ANO NA, SKIE! GUSTO MO BANG DITO KO ILABAS SI SANTI! SUMAGOT KA!"

"Fvck, wife, calm down will you?"

"Paa---"

"Shh, I'm a doctor, baby, kaya kitang anakan at paanakin. Just calm down and let me..."

Gago talaga!

"OO NA! BILISAN MO NA!"

"fvck, lalabas na si Santi. Putangina! Ang gwapo kong anak!"

***
INSERT

"Patay na ba talaga si Vandeon?" tanong ni Aria. Nasa mansyon kami ngayon ni Riley, sabi kasi ni Freena may outing daw na magaganap kayat heto kami ngayon nagsama-sama kami sa bahay ni Riley. Wala dito ang mga asawa namin dahil may kani-kaniya din 'yung ginagawa. Hindi ko alam kung sasama ba ang mga lokong 'yon or hindi.

Base naman sa mukha ni Rousseau kanina. Parang ayaw niya talagang iwan ang asawa niya rito. Knowing na buntis pa, punyetang lalaking 'yon. Matapos niyang saktan ang kaibigan ko, lalapit-lapitan niya ngayon? Bwesit siya.

"Patay na talaga siya," sagot ni Maria. Hindi niya kilala si Vandeon pero nakikita niya 'to lagi, lalo na sa trabaho. Lagi namang uma-attend ang lalaking 'yon. But, naawa ako sa kanya. He died.

Namatay siya agad. Sobra talagang nasaktan si Almika nu'n lalo na si Skie, kapatid na 'yon at kay hirap tanggapin. Ni hindi na nga lumalabas sa bahay nila si Almika, lalo na si Vandish minsan na lang nakikipag-laro kay Peyton. Ang laki ng impak nu'n sa kanilang dalawa. Hindi naman talaga masama si Vandeon, nasaktan lang talaga siya lalo na sa ginawa ni Almika noon.

"Ang bata pa ni Vandish para maranasan 'yon..." bumuntong hininga si Maria.

"Kaya nga. Siguro oras na talaga ni Vandeon 'yon, hindi niya deserve 'yon. Kung hindi dahil sa kanya hindi titigil 'yung mga kalaban na ubusin tayo."

"He's the secret weapon of his father after all."

"He's bond to die."

"Yup! By the way! Saan na 'yung mga panget na mga lalaki?" biglang tanong ni Riley sabay hikab. Mukhang inaantok na ang gaga, ngayon kasi kami aalis at mukhang aabutin kami ng siyam-siyam nito.

"Hindi naman sasama ang mga iyon. Tayo na lang." sagot ko naman. May importante yatang ginagawa ang mga 'yon. Nitong mga nakaraang araw kasi naging busy sila lalo na si society nila na pinamumunuan ni Kiefer at Triton.

"May mga bikini na ba kayo?" excited na tanong ni Alex. Palibhasa ang sexy ng katawan niya. Nakakainggit, pero hindi naman ako papatalo ano.

"Sus! Kami pa? Hindi 'yan mawawala sa amin, Alex." ngumisi si Maria. Mukhang may binabalak ang buntis na 'to ah.

"Paalala lang, Maria. Huwag na huwag kang gagawa ng kalokohan lalo na't nagdadalang-tao ka ngayon, baka kami patayin ni Rousseau kapag mabalitaan niyang may mangyari sainyo, jusko. Ayoko pang mamatay,"

"Para namang papayag ang mga asawa ninyo na saktan kayo ni Rousseau, ang oa niyo. Baka kamo si Rousseau ang mamatay!" tumawa kaming lahat sa sinabi niya. Pikunin pa naman si Skie. Isang mali lang, papatay talaga ng tao ang gagong 'yon.

"Nasa loob na ba ang mga gamit. Ayusin niyo na 'yang mga sarili ninyo dahil maya-maya ay aalis na tayo."

"Sinong mag mamaneho?"

"Personal Driver namin ni Kiefer. May malaki akong tiwala sa matandang 'yon, kapag niligaw niya tayo, patayin natin." sobrang seryoso nang pagkakasabi ni Riley nu'n. Tumango naman kaming lahat at nagpasya nang pumasok sa loob ng Van. Bale anim kaming andito ngayon. Wala si Almika dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya.

"Si Almika? Ayaw niya talaga?" tanong ni Alex habang inaayos ang damit ng kanyang anak na si Seros. Dala niya kasi ang tatlong anak niya, lalo na rin 'yung iba pero si Sky ay naiwan kasama si Skie. Ewan ko sa dalawang 'yon, basta ayaw talaga sumama ni Sky.

"Nasaktan talaga ng todong-todo ang bruhang 'yon. Hayaan muna natin siya sa ngayon,"

"Sana magiging okay na siya." soon, she will. Sa ngayon ay kailangan niya munang turuan ang sarili na harapin ang katotohanan na wala na talaga si Vandeon at hindi na siya muling babalik pa.

Patay na siya at kay sakit isipin iyon.

**

"PUTANGINA TALAGA NI RILEY OH!" gigil na sigaw ni Alex nang tapunan siya ng buhangin ni Riley sa mukha. Salong-salo niya lahat iyon kayat gigil na gigil niyang minunura si Riley. Actually kanina pa sila nagmumurahan.

"Ang sama mo kasing tumingin! Ang panget mo lalo!" singhal naman ni Riley bago tumakbo papuntang dagat. Parang mga walang anak at asawa 'tong dalawang ito. Parang bumalik kami sa teenage days namin, 'yung panahong walang problemang kinakaharap, 'yung kabaliwan lang ay okay na okay na.

"GAGO KA!"

Tumawa kaming dalawa ni Maria. Nasa Boracay kami ngayon kasama syempre 'yung mga anak ng iba. Andito ang anak ni Maria, Aria, ganu'n din ang anak ni Alex. Nagpaiwan rin kasi si Peyton sa mansyon nila, kasama niya rin si Kiefer duon. Wala kaming ideya bakit ayaw ng mga anak naming sumama sa lugar na 'to. Siguro may gagawin na namang kalokohan ang mga hinapuyak na iyon, lagot talaga sa akin si Skie kapag may mangyaring masama kay Sky.

"How's life, Vena? Balita ko buntis ka at hindi alam ni Skie." Humarap sa akin si Maria habang may nakakalokong ngisi sa labi. Umirap naman ako at umiwas ng tingin. Skie didn't know yet na buntis ako. Wala pa akong balak na sabihin sa kanya dahil hindi pa ako handa knowing na halos wala na siyang oras ngayon sa akin, I understand him naman pero andito parin ang takot sa dibdib ko.

"How did you know? At saan mo naman napulot ang balitang 'yan?"

"I heard it somewhere. Congrats! Doktora! Pero need mo talagang I-tell kay Skie 'yan, sigurado akong iiyak ang Santford na 'yon." ngumiti siya sa akin. Napangiti rin naman ako. Sana nga iiyak ang gagong 'yon para worth it naman, charot.

"Salamat, Maria."

"You're always welcome, Vena."

PAGKABABA ng araw ay nagpasya kaming lahat na tumungo na sa kani-kaniya naming kwarto. Hindi namin inaasahan na dadagsa ngayon ang mga tao lalo na nu'ng bumaba ang araw. Nagulat nga sina Alex at Riley, ang dami daw gwapo. Punyeta talaga eh! Siguro kung andito lang sina Kiefer, paniguradong dadagsain 'yon ng mga kababaihan. 'Buti na lang wala sila ngayon dito.

"Anong meron? Mukhang dumami yata ang mga tao ah?" nagtatakang tanong ni Freena. Miski ako ay nagtataka rin, mukhang masama ang pakiramdam ko dito.

"Ano sa tingin niyo?"

"Parang may artistang dadating mamaya,"

"Huh? Bakit hindi nila nilagay sa poster na nakasabit diyan sa labas?"

"Baka surprise!"

"Ewan ko! Halina nga kayo!" Hinila kaming lahat ni Riley. Nagpahila rin naman kami lalo na si Maria na buntis, walang nagawa kundi sundan ang kilos ni Alex.

"Wait... parang may naamoy akong malangsa." huminto ako. Hindi ko gusto ang amoy na iyon.

"Hanggang ngayon ay nagsusuka ka parin?" bulong ni Maria. Hindi naman lagi, kapag may hindi lang ako gustong amoy. Nasusuka ako.

"Ayos lang ako," ngumiti ako sa mga kasamahan ko ngunit agad din namang napawi at napakunot noo nang makitang lahat sila ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa likuran ko. Parang nakakita ng multo.

"WHAT'S WITH THE OUTFIT, RILEY SARIAH MONTEFALCO!" umalingawngaw na sigaw ni Kiefer Montefalco mula sa likuran ko. Miski ako ay napalaki rin ang mata. Kung nandito si Kiefer ibig sabihin ay nandito rin ang iba including Skie?

"Vena..." nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mariin na pag banggit ni Skie ng pangalan ko.

"I will punish you...Tonight."

***
BILLIONAIRE SERIES
TINAGUAN NG ANAK

BS01: Mr. Billionaire Twins(Sendrix Roswell) Edited version of BS01 is now available on facebook(Chamyxoxox's Updates)
BS02: The Mafia Boss Son(Kiefer Stan Montefalco)
BS03: Hidden Son Of Mr. Santford(Vandeon Brix Santford)
BS04: Hiding The Killer's Son(Skie Vernon Santford)
BS05: Carrying My Husband's Child(Frost Triton Alcazar)
BS06: The Billionaire's Daughter(On-going)

@chamyxoxox

PS: Sa mga naguguluhan sa daloy ng kwento, pasensya na po. Miski ako din po ay naguguluhan, charot. 'Yun nga kapag naguguluhan parin po ay huwag po sanang magsalita ng mga kung ano-ano. Chill lang po tayong lahat, at kung may katanungan man, pwede niyo akong I-direct message. Kung napapangitan? Huwag nalang pong basahin, salamuch!

Si Rain ay hindi talaga totoong anak ni Vena. Iniwan ito ni Celestia sa kanya dahil gustong lumayo ni Celestia. Anak na ang turing niya kay Rain at dahil nga sa yaman at talino ni Rain ay naging magkaklase sila ni Sky, wala namang imposible sa pera hindi ba? Kayat kung nalilito kayo, ask me lang po.

Bakit hinayaan ni Skie na repin siya ng mga tauhan nito? May malaki pong galit si Skie kaya niya nagawa 'yon kay Vena. May sa-sarili po kasi silang paniniwala, dahil duon ay hindi sila nagkakaunawaan, sa halip ay gumulo.

Akala din ni Skie ay buntis si Vena sa ibang lalaki kaya't wala siyang pakialam kung anuman ang mangyari sakanya. Dahil sa galit ay makakagawa talaga tayo ng mga bagay na hindi natin inaasahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro