Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20

Vena's POV

Alas nwebe na ng umaga nang magising ako sa kwarto namin ni Skie. Hanggang ngayon ay natutulog parin siya. Paano ba naman kasi, pagod na pagod kami kagabi! Tangina talaga ni Skie! Pinaiyak niya ako ng todong-todo, sinaktan niya rin ako pero naging masaya parin ako. Tinanggal na namin sa dibdib namin ang sama ng loob, inamin ko sa kanya ang lahat at umamin din siya sa akin. Mahal na mahal ko Skie, kahit siguro hindi ko sabihin? Nararamdaman ng puso ko 'yon. Sobrang bilis ng mga panahon noh? Noon, nagtataguan pa kami ni Skie, nagsasakitan pa kami. Ngayon? Hindi ko na alam, char!

So, dahil tulog mantika pa si Skie? Nag pasya muna ako na maglakad-lakad muna sa labas ng room namin. Nasa Tagaytay kami ngayon, sobrang layo nito pero sulit naman. Kamusta na kaya ang anak ko? Hindi kaya sila nag-aaway ni Amber? Naalala ko pa kasi ang ginawa ni Sky kay Amber noon, baka saktan niya rin ang anak ko. Pero andu'n naman si Wren at Rain, hindi hahayaan ni Wren na sasaktan ng kung sino si Sky, naging anak-anakan niya na rin kasi iyon. Mahal na mahal niya din ang anak ko kahit na hindi niya ito totoong anak. Gaya na lamang ng pagmamahal ko sa anak niya, mahal na mahal ko rin si Rain, nakakalungkot dahil iniwan siya ni Celestia pero sigurado naman akong pabalik na iyon. Babawi 'yon sa anak niya, sino ba naman ang inang hindi makakatiis sa anak 'diba? Kaya lang, matagal nga lang itong kay Celestia.

Inayos ko nang mabuti ang suot kong summer dress, hinakbang ko ang mga paa patungo sa isang duyan na nakita ko. Pero hindi pa naman ako nakakalayo, may narinig akong tumawag sa akin.

"Vena! Beshy!" Mabilis akong napalingon sa kaliwang gawi ko. Sumilay ang malaking ngiti sa labi ko nang mamukhaan ko kung sino ito. Oh my Gold! My long lost girl best friend is here!

"Aria!" malakas na tawag ko din sa kanya. Malakas rin siyang tumawa 'saka ako niyakap ng mahigpit! Shit! Nakauwi na pala ang gagang 'to galing States, buti naman!

"How are you my friend?"

"Ayos lang naman! Ikaw ba? Mas lalo kang gumaganda ngayon ah!" angil niya, tinarayan ko naman siya kunware. Mas lalo daw akong gumaganda? Hindi niya ba nakikita ang sarili niya. Mas lalo rin siyang gumanda, matangkad si Aria, mas matangkad pa siya sa akin, mahaba ang buhok niya, mestiza din, kutis mayaman, ang galing-galing niyang kumanta at sumayaw. Actually, madami talaga siyang talent. The best ko talaga siyang best friend, kaya lang? Bigla na lang siyang nawala noong kinasal siya. Hindi niya sinabi sa akin kung kanino siya nagpakasal, ang damot-damot talaga! Pero nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Baka may nangyari lang talaga.

"'Wag mo 'kong niloloko, Aria, kamusta naman ang buhay na may asawa?" tanong ko at ginaya siya sa buhangin. Sabay kaming umupo habang kapwang may summer hat sa ulo. Mabilis na umiba ang emosyon niya sa tanong ko, kita ko rin ang galit sa mga mata niya at lungkot. May nangyari kayang hindi maganda?

"Mas masahol pa sa demonyo ang gagong 'yun," seryoso niyang simula dahilan na nagpakunot ng noo ko.

"What do you mean, Aria?"

Dahan-dahan niyang binalingan ng tingin ang mapayapang dagat. Kahit na hindi niya sabihin ang lahat? Ramdam kong may kakaibang namanagitan sa kanila ng asawa niya. Kung ano man 'yon. Sila lang ang makakasalba.

"Wala siyang kwentang tao, Vena. Nagsisisi ako bakit ako pumayag na maging asawa ng Alcazar na 'yon, wala naman talaga sa plano ko ang magkaroon ng asawa pero dahil sa malaki naming utang? Nagpakasal ako sa lalaking 'yun."

Tumikhim ako pagkatapos ay lumunok." Hindi ko alam ang sasabihin, Aria, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Alam mo namang magkaibigan tayo, Aria, tutulungan kita sa mga anu—"

"Malaki ang utang namin sa mga Alcazar, Vena. Sampung million ang utang namin sa kanila, paano ko iyon babayaran? Kahit siguro mag-trabaho ako araw-araw hindi ako magkakaroon ng ganoong kalaking pera,"

"Mababayaran ko lamang ang utang namin kapag papakasalan ko ang lalaking demonyo na iyon at bigyan siya ng anak."

Akma ko na sana siyang lalapitan para yakapin nang punasan niya ang luha niya at tumawa ng mapakla. Nasasaktan din ako habang nakikita siyang nahihirapan. Damn it! Sinong Alcazar naman kaya ang nanggago sa kaibigan ko?

"Akala ko ako lang ang asawa niya, pero dalawa pala kami, Vena."

"WAIT! WHAT?!!"

"Dalawa kami. Mahal na mahal niya ang isang 'yon pero hindi niya kayang bigyan ng anak si Frost, ako naman? Kaya ko siyang bigyan ng anak pero noong nabuntis ako? Hindi ko pinaalam sa kanya na may anak kami dahil ang sama-sama ng ugali niya! Lagi niya akong sinasaktan, Vena! Silang dalawa ng isang asawa niya! Kaya't noong napagod ako? Nag pasya ako na iwan silang dalawa, tinulungan ako ni Sedrex, nilayo niya ako sa impernong mansyon na iyon. Lumuwas ako ng ibang bansa kasama si Sedrex, kasama din ang anak kong lalaki, Vena. Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong mag-aalala ka sa akin. Kinimkim ko ang lahat, Vena, tiniis ko lahat para sa anak ko."

Hindi ko na napigilan ang sariling luha. Niyakap ko nang mahigpit si Aria, hindi ko alam na naghihirap din pala siya, dalang-dala niya ang anak ng asawa niya kahit na nasasaktan na siya. Tiniis niya ang mga sakit, ano kaya ang feeling na dalawa kayong asawa tapos parang basura ka lang? Tangina.

"Shh... tama ang naging desisyon mo na iwan ang Alcazar na 'yon, Aria. 'Wag kang mag-papaapi, ipakita mo sa kanya na matapang ka. Na kaya mo siyang labanan."

"Pero hindi ko pa nababayaran ng kalahati ang utang namin, Vena, natatakot ako na baka sisingilin niya ako,"

Napasinghap ako "Magkano na lang ang natira?" baka naman makatulong ako, may pera naman ako ngayon, nakapag ipon-ipon na rin ako.

"Malaki pa, Vena. 7Million pa."

Oh fvck! Sa tingin ko hindi aabot ng million ang ipon ko. Paano na ito ngayon? Baka hahanap-hanapin niya sina Aria, baka kukunin din ni Frost ang anak niya?

Gusto pa namang magkaroon ng anak ni Alcazar. Kapag nalaman niyang may anak sila ni Aria, paniguradong kukunin niya ang anak nito. Hala!

"Ayos lang, Vena, may pera pa naman ako. Kung magkita man kami? Babayaran ko siya."

"Pero, Aria—" hindi niya ako pinatapos. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge, pilit siyang ngumiti sa akin.

"Masaya ako para sa inyo ni Skie, saksi ako sa mga pinagdaanan mo noon, Vena, saksi ako kung paano mo pinalaki ng maayos si Sky, saksi din ako kung paano mo takbuhan noon ang ama ng anak mo. Matapang ka, Vena, matigas lang talaga ang ulo mo minsan. Masayang-masaya ako dahil ikakasal ka na sa wakas!" masayang sambit niya, dahilan na naman ng pag kunot noo ko. Kasal?

"Narinig ko kanina sa labas si Skie na nag pra-practice kung paano mag propose sa isang babae, nagmumukha siyang tanga honestly! Ibang-iba sa nakikila mong Sv noon, you already tamed the demon, Vena, you turned him into a prince,"

"I'm so happy for you, and speaking of?" Hinalikan niya ako sa noo bago dahan-dahang tumayo. Sinunod ko naman siya kahit na gulong-gulo ang isipan ko. Ano daw?

"Humarap ka sa likuran mo," utos niya sa akin. Sinunod ko ulit siya, laking gulat ko nang tumambad sa harapan ko si Skie na naka luhod. O-Oh fvck?

"Oh my God! Parang maiiyak yata ako! So sweet of you, Santford! Kita na lang tayo sa kasal niyo, Vena! Alis na ako bye! I love you!"

Nakatulala ako habang hindi mapaliwanag ang nararamdaman. Naka luhod si Skie sa harapan ko, sobrang seryoso niya.

"I've been practicing this line, uhm... Vena," mahinang tawag niya sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, tila maiiyak na talaga ako! Shit! Shit! Kalma Vena! Propose pa lang 'to! Gaga talaga kalma!

"Y-Yes?" tangina naman, Vena! Kumalma ka!

Kinagat niya ang pang ibabang labi sanhi nang pag pigil ko ng hininga. Shit, Skie!

"I'm here now in front of you, kneeling. I am very happy because I met you, Vena. This time? I won't let you runaway from me again, hindi ko na talaga kakayanin pa. I love you so much, Vena," hindi ako kumibo pero ramdam ko ang saya na lumukob sa loob ko. Naramdaman ko din ang pag tulo ng luha ko.

May nilabas siyang red na box. Pigil na pigil ang hininga ko. Shit!

"Will you marry this heartless man in front of y—"

"YES! YES! YES, Skie! I love you!"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako naman ay humagolgol na.

"You silly girl, hindi pa nga ako tapos."

"Wala akong pakialam, Skie! Mahal na mahal kita!" malakas na sambit ko.

Hinawakan niyang muli ang mukha ko. "Ti amo di più mia regina"

And after that? Our lips met again.

***

Translation: I love you more, my Queen.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro