Chapter 8
Continue.
"What the hell?" Nagulat siya nang makitang nakatayo si Vandeon. Nakatayo sa kanyang harapan ang katawan ni Vandeon, ayos at tuwid pa ito, parang hindi man lang tinablan ng suntok sa mukha at katawan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay habang ang dugong nanggaling sa kanyang braso ay patuloy na umaagos pababa sa baril na hawak niya.
Hindi kumibo si Kace, wala siyang pinakitang emosyon sa kaibigan. Natatakot siya kay Vandeon pero hindi niya lamang pinapakita, kung tutuluyan man siya ni Vandeon ngayon, lalaban parin siya ng patas.
Tumikhim si Kace bago sinalubong ang tingin ni Vandeon. Hindi niya rin naman inaasahan na iisipin iyon ni Vandeon, magkaibigan lamang ang turingan nilang dalawa ni Almika sa isa't-isa, at wala siyang balak magtaksil sa dati nitong minamahal kahit na wala na ito sa tabi niya. May asawa na siya ngayon, kahit na hindi buo ay mahal niya iyon. But his first love is still in his heart.
"Kahit anong pilit mong habol sa kanila Vandeon, You can't still get them; why? Because when it comes to hiding, Miss Monteverdi is good at it. Keep that in your mind, Tol." hilaw siyang ngumiti kay Vandeon. Pero wala man lang reaksyon si Vandeon, agad niya na lamang tinutok ang baril sa noo ni Kace.
"Wala akong pakialam kung kaibigan kita Kace, sasabihin mo ba sa akin kung nasaan sina Almika or papasabugin ko ang bungo mo kasama ang pamilya mo?"
Galit na tiningnan ni Kace si Vandeon. Sinipa niya ang baril na nakatutok sa kanya 'saka niya sinuntok ang leeg ni Vandeon, napahawak naman roon si Vandeon. Sa halip na hayaan lang ang mga suntok ni Kace? Kinasa niya ang baril at tinamaan si Kace sa tuhod kaya't napaluhod ito. Panay ang mura at daing ni Kace habang nakatingin sa tuhod nitong may tama ng baril. Pinikit niya nang mariin ang kanyang mga mata, ininda niya ang sakit ngunit tila nanghihina na talaga siya pero hindi siya sumuko, lalabanan niya parin si Vandeon.
Wala na talagang awa ngayon si Vandeon, kung sino man ang haharang sa landas niya ay wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari. Papatayin niya ang pipigil sa kanya, 'yan ang nasaisip ni Kace. Minulat niya ang mga mata, hindi na siya nagulat sa pag lapit ng kaibigan.
Nasa harapan niya si Vandeon, nakaupo at pinantayan siya.
"You tell me or I'll end your life here, Gunner. I only ask once." mariing sabi ni Vandeon kay Kace. Bumuntonghininga naman si Kace. Pinikit niya muli ang mata nang makaramdam na naman ng panghahapdi galing sa tuhod niya.
"Then what? Kung sasabihin ko nga sa'yo tol? Anong gagawin mo? Papatayin si Almika? Kukunin ang bata? Do you think ibibigay 'yan ni Almika? Mangarap ka na lang sa panaginip mo to--"
*PAK!*
Hindi natapos ni Kace ang kanyang sasabihin nang sampalin siya ng baril ni Vandeon sa mukha. Hinuli rin ni Vandeon ang kanyang mga panga at mariin itong hinawakan.
Ngunit ngumisi lamang si Kace, sobrang sakit na nang buong katawan niya, hindi niya lang pinapakita na nasasaktan siya sa halip ay ininda niya ang lahat alang-alang sa kaligtasan ni Almika. Gagawin niya ang tama kahit na ang kapalit nito ay ang buhay niya.
"Just tell me where are they, Kace, don't make this hard for the both of us!" malamig na usal ni Vandeon habang dinidiin ang pagkakahawak sa panga ni Kace.
Pilit pinipilan ni Kace ang umungol sa sakit. Gusto niyang abutin ang mga kamay ni Vandeon upang pigilan ngunit tila namamanhid na ang kanyang mga kamay, kapag gagalaw naman siya mas lalong sasakit ang kanyang tuhod.
"Kill me now, Santford. Wala kang makukuhang kahit na ano sa'kin."
"Because you're useless, Kace. Walang-wala talaga! Wala kang kwenta!" galit na sigaw ni Vandeon at sinuntok ang mukha ni Kace. Nasaktan naman si Kace sa sinabi ni Vandeon. Matagal na silang magkakaibigan at ito ang unang beses na sinabihan siya nitong walang kwenta. Ngumiti siya nang palihim. Hindi na pumalag si Kace at hinayaan niya na lamang na suntukin siya ni Vandeon sa mukha at sikmura, sinalo niya lahat ang mga sakit.
Ngayon ay napagtanto niya na mas masahol pa sa hayop si Vandeon, paulit-ulit na tumatatak sa isip niya, hindi niya na kaibigan ang nasa harapan niya, hindi niya na kilalang-kilala si Vandeon.
Umubo siya ng dugo nang huminto si Vandeon sa kakasuntok sa kanya. Akala niya tapos na ito pero hindi pa pala, tumayo si Vandeon sabay hila kay Kace patayo kaya't mas lalong sumakit ang kanyang tuhod. Kapansin-pansin din ang lubos na dugong nawala sa kanya.
"I don't have mercy, Kace," bulong ni Vandeon, 'saka kinasa niya ang kanyang baril at tinutok sa noo ni Kace. "I killed people; I let them die in front of my eyes, 'cause I knew they deserved to die."
Dahan-dahang humarap si Kace kay Vandeon. Sinalubong niya ang mga tingin nito kahit nahihirapan siyang tumayo at kahit na sobrang hapdi na ng mukha niya.
"Because you're evil, Vandeon! I pity you."
"You shouldn't feel pity for me."
Diniin ni Vandeon ang baril sa noo ni Kace, habang si Kace naman ay nakatingin sa daliri nitong unti-unting pipindutin ang gatilyo. Ngumiti ng mapakla si Kace, inalala niya 'yung mga araw na magkasama sila ng mahal niyang si Freena, mapait siyang ngumiting muli. Hindi talaga sila naka-tadhana sa isa't-isa. Mahal na mahal niya ang babae, kaso may mahal itong iba.
Why, Freen? Kahit katiting lang ng pagmamahal mo ay wala talaga?
I love you, Freen; without you, I feel empty and useless.
I'll end my life here, I hope you're happy with him.
Kusang tumulo ang luha ni Kace at muling nagmulat, at nanlaki ang kanyang mga mata nang may isang babaeng nakatayo sa kanilang likuran ni Vandeon. Naka mask ito at direktang nakatingin ito kay Kace.
"Put that gun down, Vandeon, or else I'm going to end your life here too. I'm dead serious, Santford." malamig na sabi ng babae at dahan-dahang humakbang habang may hawak na katana. Pinalandas niya ang talim nito sa sahig kaya't nagsasanhi ito ng matalim na ingay.
"Long time no see, brother," tinutok ng babae ang katana sa leeg ni Vandeon.
"Shoot him, I'll kill you," madiing sabi ng babae. Hindi alam ni Kace kung ano ang maramdaman, bigla na lamang tumibok ang kanyang dibdib sa hindi malamang dahilan.
"Why are you fvcking here? I thought you were with him!" galit na sigaw ni Vandeon at iritadong tinapon ang baril. Tumawa naman ang babae.
"You idiot! Anong ginawa mo sa mga kaibigan mo ah! Hayop kang gago ka kakatayin talaga kita!" galit na sigaw din naman ng babae. Habang si Kace naman biglang natumba at napaupo sa sahig.
"If anything bad happens, I'll kill you, brother." seryosong sabi ng babae at yumuko ito kay Kace. Nanlaki ang mata ni Kace, sinalubong niya ang mga mata ng babae. Parang pamilyar ang mga matang iyon sa kanya.
"Are you okay? I know you're not. Come here, Kace, dadalhin kita sa hospital," sabi niya kay Kace. Pero agad ding nawala ang kanyang atensyon kay Kace nang makitang palabas na ng mansyon si Vandeon.
"I SAW YOUR SON EARLIER, BROTHER! ANG GWAPO NG ANAK MO AT ANG GANDA NG NANAY! You have a good taste, brother, I salute you!"
Saglit na huminto si Vandeon at mariing nakatingin sa babae.
"What?"
"Tss. Pakilala mo naman ako sa kanila pag dating ko sa bahay, I want to see your handsome son, brother, and your wife too, I like her eyes, silver!"
Hindi na lamang sumagot pa si Vandeon at seryosong lumabas na ng mansyon. Mas lalo siyang naging pursigedo ngayon na hanapin sina Almika at Vandish. Akmang sasakay na sana siya sa mustang niya nang mapansin niyang may dalawang lalaking nakatayo sa harapan niya.
"What do you want?" walang emosyong tanong niya sa mga ito. Binuksan niya ang sasakyan at inabot ang tissue duon sabay punas nang kanyang kamay, too much blood for today.
"Nakita na po namin si Ma'am Monteverdi, Sir, kasama ang bata at may isa pang lalaki patungo sila sa opisina ni Ma'am Ladeo."
Nag tagis ang mga bagang ni Vandeon sa narinig. Galit niyang tinapon ang tissue at mabilis na pumasok sa kotse, pero bago 'yon narinig niya pa ang kapatid na sumigaw kaya't iritable siyang lumingon.
"What again, Freena!"
"Hatid mo kami sa hospital!"
"WHAT THE FVCK! MAY IMPORTANTE AKONG PUPUNTAHAN!"
Damn it!
"Mabilis lang naman, mawawalan na ito ng buhay oh! You did this, kapag namatay 'to ipapakulong kita. Kitang-kita ko ang lahat, you even hurt the rest huh, anong nangyari saiyo?"
"Shut up!"
"Hindi ikaw 'yan, Vandeon. You used to tell stories and share problems with me. What happened? You really did change."
Inirapan siya ni Vandeon. "I'm not in the mood to chitchat with you, Freena. I have a big problem here; I need that woman and her son."
"Hindi na talaga kita kilala, hindi paba sapat na hindi mo kami tinanggap bilang kapatid noon?"
"Anong pinagsasabi mo? Da-drama ka na naman. I have reasons why I did that. In order to protect you and Skie, I need to hide you. Just move on already, Freena. You knew I hated the past."
Lumunok si Freena. Hinaplos niya ang pisnge ni Kace, kahit na hinang-hina ang katawan nito ay mariin parin itong nakatitig sa mga mata niya. "You need to go to the hospital now,"
Tumingin siya kay Vandeon. "Kung wala kang pakialam sa kaibigan mo? Tangina mo!" Tinungo niya ang kanyang sariling sasakyan, pero bago pa man mabuksan ang pintuan ay hinila siya ni Vandeon.
"Damn it! Get in, hindi pa naman 'yan mamamatay, tangina ang OA mo tol!"
"And forget the past, mag move on kana."
Hindi maintindihan ni Kace kung bakit biglang kumirot ang kanyang puso. Tinamaan kasi siya sa sinabi ni Vandeon. Alam niyang kay Freena iyon, pero hindi niya maiwasang hindi tamaan at masaktan.
Ilang dekada na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi parin siya maka move on. Mas lalo ngang lumala dahil sa babaeng hawak siya ngayon. Pamilyar ang babae sa kanya, hindi niya nga lang kung saan niya nakita.
"Why are you here?"
"May mission ako sa bansang ito."
"Are you kidding me?"
"Mukha ba akong nagbibiro? Gago ka ba?"
Galit na tinapunan siya nang tingin ni Vandeon. "Dapat binabantayan mo ang mga anak mo instead playing around here, Freena."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro