Chapter 35
Third Person's POV
"Tangina! Hindi ito ang gusto kong mangyari! Saan ang ibang tauhan mo, Montefalco!" malakas at galit na sigaw ni Mr. Alcazar kay Kiefer. Wala namang pinakitang emosyon si Kiefer sa matanda, sa halip ay hindi niya ito pinapansin.
"Montefalco, tinatanong kita!"
"Hindi mo ako tinatanong, is that what you called asking?" Tinaas ni Kiefer ang kanyang kilay habang mariing nakatingin sa matanda. Kuyom ang dalawang kamay nito, nakikita ang sariling ugat sa mga 'yon.
"W-What?"
"I'm not a fool to be your fvcking pet in this battle, Mr. Alcazar. Kung si Vandeon napaamo mo, ako naman ay hinding-hindi."
"What are you---"
"I'm done here, Mr. Alcazar. Hindi ako nagsasayang ng oras sa mga taong walang kwenta at mukhang pera."
"Y-You! Kiefer!"
"And one more thing. If you'd still insist doing that goddamn plan of yours? Don't blame me after."
"What will you do,"
"No one knows."
Tinapon niya sa harapan ni Mr. Alcazar ang kanyang baril. Tapos na siyang makipaglaro sa matanda. Hindi niya naman obligadong tumulong, sa katunayan ay tumulong lamang siya para kay Vandeon.
Ngayon nalaman niya ang totoo ay labis siyang nasaktan at nagalit para sa kaibigan. Hindi niya na muli gagawin ang pagkakamaling nagawa niya noon. Siya ang leader ng society kaya proprotektahan niya ang kanyang mga miyembro laban sa mga taong sakim silang pabagsakin.
Galit niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kotse. Nagpasya siyang puntahan ang kanyang mga kaibigan na ngayoy nasa isang laban.
Nang makarating ay mabilis siyang dumalo at nakipaglaban kina Kace. Sobrang dami ng mga kalaban, pinapalibutan sila nito.
"Fvck, party ang pupuntahan hindi patayan!"
*BANG!*
"Fvck! Kace, where's Skie?" malakas na sigaw ni Kiefer.
"He was there earlier!"
"Fvck! Ubos na ang mga tauhan ko, ganu'n din ang mga tauhan ni Triton! We cannot defeat them kung tayo tayo lang! Damn it!"
"What will you do then? We cannot just stop here and retreat, Kiefer. Ano na lang ang isipin ng mga tao? Wala tayong inaatrasang laban, Kiefer. You knew that!" Kinalabit ni Kace ang kanyang baril bago lingunin ang pwesto ni Kiefer.
"Who told you to retreat?"
Halos hindi na mamukhaan ang kanilang mga mukha dahil sa sugat na natamo nila sa laban. Marami na silang napatay ngunit tila hindi parin nababawasan ang mga kalaban, mas lalo silang dumadami. Bakas sa mukha nilang dalawa ang pagod, hirap at sakit din na iniinda ng kanilang katawan.
"Fvck! I cannot just say retreat! Not in this shitty place!" Tumayo si Kiefer dala ang kanyang baril. Lumabas siya mula sa bodega tsaka hinarap ang mga kalabang naghihintay sa labas.
"Oh! Mabuti't naisipan mong lumabas diyan sa lungga mo, Kiefer Montefalco," ngumisi ang lalaking nasa harapan niya.
"Mukhang pagod na pagod kana ah?"
Lahat sila'y tumawa ng malakas pwera lamang kay Kiefer at Kace na nasa loob ng bodega. Hindi siya lumabas sa halip ay pinapanood niya ang mga kalaban upang malaman niya kung kailan or saan siya lulusob. Ubos na kasi ang mga tauhan nila at hindi narin nila na-contact sina Skie, Triton at Sendrix. Wala silang ideya kung saan nagpunta ang mga 'yon. Nagkahiwalay sila dahil sa malakas na pag sabog na ginawa ni Skie sa mansyon ng mga Vela Rosa. Mabuti na lang walang nasaktan sa pamilya, ligtas sila at kasalukuyang namamalagi sa mansyon nina Riley.
"Kamusta 'yung kaibigan niyong si Vandeon? Balita ko hindi maganda ang lagay niya. Aabot pa kaya 'yon sa kasal?"
"What do you mean."
"Huh? Hindi mo alam na ikakasal ang gagong iyon sa anak ni Mr. Alcazar? Naku! Mukha---"
"Alam ko, gago. Hindi ko naman tinanong." seryosong sagot ni Kiefer dahilan nang pag tagis ng panga ng lalaking kaharap niya.
Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa kanya at mas lalo pang nilakihan ang ngisi sa labi. "Bagsak na bagsak na ang clan ninyo ngayon, Kiefer Montefalco. Thanks to Ma'am Amber, napadali niya ang lahat."
Wala paring emosyong pinakita si Kiefer. Mariin niya lamang hinawakan ang baril na nasa kamay, hindi niya alintana ang mga taong nasa harapan niya at gustong-gusto na siyang mamatay mismo sa kanilang harapan.
"How does it feel, Montefalco? Na ang pinaghirapan mo ay bigla na lamang mawawala sa iyo?"
"Wanna know?"
"Pardon?"
"Do you really wanna know?"
"Sa tingin mo ba'y mapapagsak niyo ako gamit ang walang kwentang Amber Kelton na 'yon?"
"W-What did you say!"
Ngumisi ng mala-demonyo si Kiefer sabay angat ng kanyang baril at tinutok sa lalaki ang nguso nu'n. "You can't defeat nor take everything from me, idiot. Kahit ibuhis mo pa ang buhay mo, wala kang makukuha sa akin kahit isang hibla lang ng buhok ko." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad siyang sumenyas kay Kace na nasa loob at nagsimula nang gumalaw.
Sinipa niya ang mukha ng lalaki at hindi binigyan ng pagkakataon na gumalaw para tamaan siya. He took the opportunity and kill the enemies including the idiot who talked nonsense earlier. Hindi siya huminto, bawat suntok at balang niwawaldas niya ay wala talaga siyang pinapalampas.
Para siyang tigreng walang sinasanto.
"I'm tired listening to your fvcking dreams, idiot. Ang dapat sa'yo ay pinapatahimik..."
Napakabrutal nilang lumaban. Kung sino ang haharang sa kanilang landas ay wala na talagang bukas. He didn't took the position for nothing after all. He was the best among of his membes. He's evil.
Walang awa niyang pinaunlakan ang mga kalaban. Marami nga sila pero dahil sa lakas ni Kiefer ay nabawasan na ito.
Walang sinuman ang pwedeng bumangga sa clan nila, lalong-lalo na habang buhay pa si Kiefer. You are not allowed to step in their society while Kiefer is breathing.
He won't let you reach you dreams.
"Kiefer, nasa labas sina Skie!" sigaw ni Kace sa kanya sabay hulog ng baril. Naubusan na kasi ng bala.
Inayos ni Kiefer ang kanyang basang buhok dahil sa pawis. Kinagat niya ang kanyang labi tsaka tinapon sa gilid ang baril. Mukhang satisfied na sa ginawa.
"Let's go. Sila na bahalang maglinis ng sariling basura nila."
***
"Kamusta ang party kagabi, Riley?" tanong ni Almika kay Riley.
"Actually, hindi talaga okay ang party kagabi. May malakas na pagsabog ang nangyari sa mansyon ng mga Vela Rosa. Mabuti na lang talaga walang nasaktan sa pamilyang 'yon kundi patay talaga ang society ni Kiefer kapag malaman nilang sina Kiefer ang may gawa nu'n, you know naman na hindi basta-basta ang pamilyang 'yon. Malaki rin ang impact nila sa organisasyon." seryosong sabi ni Riley.
Lumunok ng mariin si Carmela. Hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi ni Riley ngunit alam niyang delekado 'yon. Hindi kasi siya sumasabak sa laban at hindi niya rin gawain ang sumabak sa laban. Isa siyang sikat na model, mayaman at napaka-tahimik na tao. Hindi niya ugaling makipagpatayan para lang sa isang tao. She lost her memories, at sa pag mulat ng kanyang mga mata. Ibang mundo ang bumungad sa kanya.
"Kamusta sina Kiefer, Kace at ang iba pa?"
"They were both fine, Almika. Marami lang mga sugat pero malayo naman sa bituka. How about Vandeon? Kamusta na ang lagay niya?"
Palihim na lumunok si Almika. May kaunti ring kirot sa kanyang dibdib.
"Ewan ko sa lalaking 'yon. Bigla na lang umalis ng bahay na walang paalam. Siguro may importanteng pinuntahan." napalitan ng inis ang kanyang mukha.
Maaga kasi siyang gumising para sana paglutuan si Vandeon kaya lang ay wala na ito sa sarili nitong kwarto. Nalaman niya na lang kay Vandish na umalis ito. Hindi na nakapag-paalam.
"Siguro dahil duon sa..."
"Riley!"
"Ano?!"
"Manahimik ka nga!"
Kumunot ang noo ni Almika sa reaksyon ng mga kaibigan niya. Tumawa si Riley at akma na sanang aalis nang may bigla siyang naisip.
"Hindi maganda ang lagay ngayon ng society clan. Kapag hindi agad gumalaw si Vandeon at gumawa ng desisyon, tiyak na maglalaho ang lahat."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Have you heard the news?"
Anong news naman kaya ang tinutukoy ni Riley? Hindi niya ugaling manood dahil wala naman siyang pakialam duon pero ngayon parang gusto niyang marinig at makita ang balitang iyon. Tungkol kasi kay Vandeon.
"Hindi maganda ito, Riley."
Kunot ang kanyang noo habang pinapanood ang dalawa na nagpapalitan ng salita. Anong pinagsasabi ng dalawang ito? Isip niya. Wala siyang magets kung anuman iyon, ngunit base sa nararamdaman niya ay siguradong siyang hindi maganda ang balitang iyon.
Kinuyom niya ang dalawang kamay sabay pikit ng mariin. Tanging boses lang ng dalawa ang kanyang naririnig ngayon.
Tatanggapin niya kaya ang balitang iyon kung sakali?
***
Don't forget to vote again! Happy reading, babies!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro