Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Third Person's POV

"Are you ready to face it?" tanong ng isang lalaki kay Vandeon. May katandaan na ito pero wala paring pinagbago ang kanyang mukha. Isa parin siyang makisig na lalaki, hinahangaan ng lahat at mas lalong kinatatakutan ng lahat. Vandeon moved to his seat, mabilis siyang bumuntong hininga habang katabi nito si Arkanghel na wala ring emosyong pinapakita sa mukha. Alam nilang dalawa na nasa binggit ng kamatayan ang buhay nila, but who the hell do they care? Wala silang pakialam kung ano man ang mangyari sa kanila. Hindi sila pinanganak sa mundong 'to para maglakwatsa. Alam nila kung ano ang gagawin lalo nat dala dala nila ang apelyedo ng pamilya nila.

"Name your price then." malamig na sagot ni Vandeon. Hindi niya man lang pinagtuusan ng pansin ang ngisi nito. He knows how dangerous this man is, but instead feeling afraid of it? Pinatatag niya ang sarili niya. He wasn't afraid of anything. Alam niya iyon. Hindi pa yata pinanganak ang taong kinatatakutan niya. 

"Alam mong sa inyong pito ikaw lang talaga ang gusto ko, Vandeon. You're different among them. Marry my child and you'll be free," saglit na gumalaw si Vandeon sa kinauupuan niya, inaasahan niya na itong sabihin ng matanda, hindi na siya nagulat pa. But, Arkanghel stood up, sinamaan niya ng tingin ang matanda, he's mad right now, kilala niya kung sinong babae ang tinutukoy ng matanda at labag na labag 'yon sa loob niya. Ang kapal ng matandang 'to na ipakasal sa iba ang mahal niya? Hindi ba nito alam na pagmamay-ari ni Arkanghel ang babaeng 'yon?

"What's with you, huh! Don't mess up with me, Alcazar, I can kill," may bahid na bantang saad nito sa matanda nang makita nito ang reaksyon ni Arkanghel.

Kinuyom naman ni Vandeon ang kanyang kamao. gusto niyang labagin ang salitang 'yon, kaya lang? Kapalit naman nito ang buhay ng taong matagal niya nang binabantayan.

Binalingan siya ng tingin ni Arkanghel. Galit na galit ang kanyang expression, 'yung tipong gusto niya na talagang pumatay pero wala paring pinakitang emosyon si Vandeon. Hinayaan niya lamang ang kaibigan na tingnan siya nito.

"What's the meaning of this, Vandeon? You aren't into this right? Please don't make me mad, Vandeon. I know you won't."

Inangat ni Vandeon ang kanyang tingin. Natamaan niyang ngumisi ang matanda sa kanya dahilan ng pagkuyom niya muli sa kamay niya. Tiningnan niya si Arkanghel, tila nanigas siya sa kinatatayuan niya pero kalaunan ay ngumisi siya sa kaibigan sanhi nang pag kunot noo ni Arkanghel.

"Back off, Arkanghel." mariin na sagot niya sa kaibigan kayat halos gusto na siyang saktan ni Arkangel dahil sa ugat nitong nagpapakita na sa leeg.

"W-What?"

"Very well, Santford. I want the wedding happen this week. I'm looking forward to it. Don't make me disappoint." Mabilis na tumayo ang matanda, sumunod naman siya habang hindi tinitingnan ang kaibigan na halos patayin na siya sa tingin nito.

"I won't let them kill my woman, Ark. This is for them. I know you're strong enough to fight back for your woman; trust me, I won't steal Yeena from you."

"Vandeon," tawag ni Arkanghel.

"What do you want?" malamig na sagot niya at binuksan ang sasakyan. Nagpasya na pumunta sa kompanya ni Almika dahil gusto niya itong makita.

"Alam mong mahal ko si Yeena, don't do this to me!"

Mariin siyang tiningnan ni Vandeon. "I won't steal her from you, Arkanghel. May usapan kami at kapag hindi ako tumupad ron madadamay naman ang mag-ina ko. May anak ako, Arkanghel, hindi ko siya kayang isakripisyo."

"Then let's kill him, isama natin ang buong so-"

"Are you damn crazy?! Sa tingin mo ba ay madali lang gawin 'yan? Wake up, Arkanghel! Wala tayo sa laro!" galit na sigaw ni Vandeon.

"Hindi mo naman mahal ang babaeng 'yon, Vandeon! Gusto mo ngang ipapatay 'yon noon tapos ngayon pro-protektahan mo? Gago ka ba?!"

Lumapit si Vandeon sa kanya at walang pagdadalawang-isip na sinuntok ang mukha ni Arkanghel. Hindi naman nagpatalo si Arkanghel. Sinuntok niya rin pabalik si Vandeon.

"You don't understand, Arkanghel,"

"Fvck you, Vandeon! Ako pa ngayon ang hindi nakakaintindi?! Pipiliin mo ang babaeng 'yon kaysa---"

"Kaysa sa ano, Arkanghel? Sa babae mo? Saiyo? Mag-ina ko ang pinag-uusapan natin dito gago ka. Kung wala ka nyan manahimik ka!"

Natahimik si Arkanghel.

***

Almika's POV

"Arkanghel? Bakit puro pasa 'yang mukha mo?" nag-alalang tanong ni Calli sa paparating na lalaki.

Binaba ko naman ang chips na isusubo ko na sana tsaka nilingon ko ang paparating at halos hindi ako makahinga dahil sa mukha ni Arkanghel na halos hindi na mamukhaan. Duguan ang kanyang damit, basag ang mukha niya, magulo ang buhok. Parang si Vandeon lang kahapon, mabuti nalang umalis kaagad iyon, ayaw ko pa namang makita nang matagal ang mukha niya.

Pero base sa expresyon ng mukha niya tila wala lang sa kanya ang nangyari sa sarili niya. Is he aware? Hindi ba siya nakakaramdam ng sakit sa katawan? Manhid ba talaga ang lalaking 'to.

Akmang iiwas sana ako ng tingin nang may naalala ako.

"Arkanghel Donovan."

"Arkanghel Donovan."

"Oh shit!" mabilis na mura ko nang maalala ko kung sino ito. Siya ang bagong myembro ng society. What the hell? Bakit ngayon ko lang napasin 'to. Hindi ito ang unang pagkikita namin, finally, nakita ko na ang bagong myembro but it seems na hindi naman siya gaanong malakas like Vandeon? Or baka naman judgmental lang talaga ako. Pero base naman sa mukha niya ngayon mukhang may kaaway siya. Who is it?

"Where have you been? Sino ang gu-" hindi natapos ni Calli ang kanyang sasabihin nang dumapo ang tingin nito sa akin. Kahit na may bahid na dugo ang kanyang mukha nakikita ko parin ang masamang tingin nito sa akin.

Bahagya akong umatras sa kinauupuan ko. Hindi ko gusto ang tingin ni Arkanghel, para siyang demonyo na gusto nang pumatay. Now, I know he is a monster too. And now, I'm afraid.

Kinabig ni Arkanghel ang kamay ni Calli na nasa braso niya, mabilis siyang lumapit sa akin habang hindi parin nagbabago ang kanyang expresyon. Pansin ko rin ang mga ugat niya sa braso at leeg. He's really mad right now, of me?

"Arkanghel!" hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Kinabig ni Arkanghel ang kamay ko at mabilis niya akong tinulak sa pader at agad na inangat habang sinasakal ako. I can't fight back because he's stronger than me, even if I want to. I can't. Damn, anong kasalanan ko sa kanya!

"Arkanghel! What the fvck!" Pilit pinipigilan ni Calli si Arkanghel pero ayaw parin nito. Kung ano man ang dahilan ng galit niya ngayon alam kong hindi na siya magbabago pa.

"You're the reason why I'm suffering right now, Monteverdi! You caused bullshit to me!" galit na sigaw niya sa mukha ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin. Hindi ako makasagot sa kanya dahil tila kinakapos na ako ng hininga. Ano ba ang ginawa ko? Wala akong matandaan na may malaki akong atraso sa kanya.

"Donovan, stop it or else I'm gonna shoot you!" this time may hawak na nabaril si Calli. Tinutok niya ito kay Arkanghel na wala paring emosyon ang mukha.

Pumikit ako ng mariin, nilalabanan ko ang sariling hininga. Mamatay na ba ako?

"Oh fvck, Donovan!" alam kong nilalabanan na ngayon ni Calli si Arkanghel dahil gumagalaw ang kamay niya sa leeg ko.

"You don't know anything, Lemercier! Fvck off!" isang daing ang narinig ko kayat nag mulat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang katawan ni Calli na wala ng malay, duguan ang kanyng ulo.

"C-Calli..."

"A-Ano ba!" Calli, wake up.

Pero ang mas lalong nagpagulat sa akin ay ang pigura ni Vandeon. Kahawak kamay nito si Yeena kayat mas lalo pang hinigpitan ni Arkanghel ang pagkakasakal sa akin. I almost died right now, umuubo na ako na tila ayaw ko na, nahihirapan na ako.

Bakit sila magkahawak kamay? Hindi ba't may anak na si Yeena? Huwag mong sabihing pumapatol sa may asawa itong si Vandeon? Is he insane?

Nakayuko lamang si Yeena. Binitawan niya ang kamay ni Vandeon at umatras. Hindi naman iyon pinansin ni Vandeon, hinayaan niya lamang ito.

May namamagitan ba sa kanila? Anong gusto ng dalawang ito?

"Put her down, or else you'll see this devil move against you, Donovan. I have my words, and I really meant it." malamig pa sa yelo na sabi nito kay Arkanghel. Pinikit ko ang mata ko, isang butil ng luha ang lumandas.

"You're heartless, Donovan, hindi na kita kilala," hikbing sabi ng isang babae dahilan nang pag bitaw sa akin ni Donovan. Napaluhod ako sa sahig habang iniinda ang sakit at hapdi. Damn it!

"Baby, come with me please. Stop doing this to me, please come with me."

Inangat ko ang tingin. Tumigil sa akin ang sapatos ni Vandeon.

"I don't care if you're my buddy, Donovan, once you touch my woman again. I won't think twice about killing you. I'm going to end your life without putting mercy in my hands. Mark my words, you're nothing compared to my property; better move to your own place."

Nanigas ako sa kinalalagyan ko.

"Spiacente, mia moglie. Mi dispiace sono in ritardo."

Bumalik sa aking alaala ang nangyari sa opisina kahapon. Lasing na lasing siya, dinala ko siya sa bahay at pinatulog.

Nagluto rin siya ng breakfast. Hindi ko talaga maiintindihan si Vandeon. Parang siyang puzzle na ang hirap buuin.

Perché mi stai facendo questo, Vandeon? Sono arrabbiato con te, non posso perdonarti.

***
That's Italian words. Happy reading!
Leave a reactions inaanks!

Translation: Bakit mo ito ginagawa sa akin, Vandeon? Galit ako sayo, hindi kita mapapatawad.

Translation: I'm sorry, baby. I'm sorry I'm late.

Don't forget to vote, babies! Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro