Chapter 23
Almika's POV
"What?! Ginawa talaga ng anak ko 'yun?" gulat na tanong ni Riley. Sinabi ko kasi sa kanya ang lahat na nangyari, pati rin si Vandish pinagsabihan ko na. Ano ba kasi ang pumasok sa kokote ng anak ko bakit nila naisipang malaman ang hideout ng dalawang 'yun. Ke-babata pa nga nila.
Hays sana naman huwag siyang magmana kay Vandeon. I don't want to lose him, pero sa nakikita ko ngayon? Sigurado akong gagayahin niya ang ama niya, but I hope sa mabuting paraan, hindi tulad kay Vandeon na patayan lang ang alam. Ka-bwesit.
Itong si Riley naman nagulat nga pero walang emosyon. Hindi man lang nag-aalala sa anak, mukhang may tiwala siya kay Peyton. Ako naman ay sobra talaga akong nag-aalala, hindi ako makakapayag na may mangyari sa kanya.
"May napapansin na talaga ako sa anak ko, Almika, habang tumatagal nagiging seryoso na siya sa mga bagay-bagay. Palagi kasing sinasama ni Kiefer sa shooting eh." sabi niya habang walang emosyon. Tumawa na lamang ako ng bahagya. Ayos lang naman sa akin kung tini-train si Vandish para kapag lumaki na siya, alam niya na kung paano niya proprotektahan ang sarili niya. Mailap pa naman ang panahon ngayon, hindi natin alam kung kailan tayo mawawala.
"Hayaan mo na, mas mabuti nga 'yon para ma protektahan ng anak mo ang sarili niya pag dating ng panahon," konti lang namana sa akin ni Vandish. Siguro iyong pagka- jolly niya minsan at caring niya, the rest ay kay Vandeon na. Matalino si Vandish, alam na alam niya kung saan siya lulugar. Manang-mana talaga sa mga Santford.
"Yeah. By the way narinig mo na ba 'yung balita tungkol sa bagong myembro ng society?" tanong niya sa akin. 'Yun kaya 'yung pinag-usapan ng dalawa kahapon?
"What about it?" tanong ko. Konti lang alam ko sa Arkanghel na 'yon. Pero importane ba talaga siya? Sabagay myembro nga pala siya ng society, anything about them is important.
"Kadadating lang daw non eh, galing Japan. Nahuli ko sila kahapon dito sa bahay na nag-uusap, ang gwapo din pala ng isang iyon, sobrang seryoso tsaka parang may malaking problema. At magandang balita din na bumalik na sa society si Vandeon, pero sobrang cold parin ng presence niya. Sila lang ata ni Kiefer ang nagkaintindihan eh, kasi sina Sendrix, Evadne, at Kace wala talagang imikan."
Bumalik na pala ang gagong 'yon. Sana naman huwag na siyang manggulo. Matuto sana siyang umutang ng loob.
Hindi ko na din siya pakikialaman, kapal talaga ng mukha niyang magalit sa akin, idadamay niya pa si Skie. Magkapatid naman sila pero bakit ang laki ng pinagkaiba nila? Medyo mabait naman 'yung si Skie kaso lang, may pagka-manyakis lang, habang si Vandeon naman ay sobrang seryoso, 'yung tipong kapag haharang ka sa kanya para na ring hinarap mo ang kamatayan mo. Demonyo nga pala ang hinapuyak na 'yon.
Sinaktan niya pa si Skie. Abat talaga ang gagong 'yon. Pero wala na akong pakialam sa away nilang dalawa. Skanila na 'yun.
"I know you're still mad at him. Pero wala na yata siyang balak na kunin pa si Vandish sa'yo dahil kahapon sobrang seryoso nila. I think may kakompetensya na ang society nila."
Kumunot ang noo ko "Huh?"
"May malakas na kalaban yata sila. Wala talaga akong alam masyado pero sa tingin ko ay may kumakalaban na talaga sa kanila."
Saglit akong natahimik. Naalala ko 'yung huling sinabi ng lalaki. Gusto niyang patayin ko si Vandeon, bakit naman kaya? Hindi kaya'y kalaban nila Vandeon ang dalawang taong 'yon? Kung ganu'n, gumagalaw na pala sila. Hindi nila punterya sa ngayon ang society, pero ang mga mahal nila sa buhay ang inuuna nila. At sa tingin ko rin gagamitin nila 'yun laban kina Vandeon. For now, I need to take care of my son, malapit na siyang makuha.
Kahit na may malaki akong galit kay Vandeon, ayoko parin siyang mapahamak. This isn't a joke, they're facing death, hindi nila kilala kung sino ang kinakalaban nila.
"Well, andito rin naman tayong mga asawa nila! We're both trained, we won't let those jerks na saktan ang pamilya natin right? Lalaban din tayo." aapila pa sana ako na hindi kami mag-asawa ni Vandeon. Asa naman noh.
I'll fight no matter what. Kung laban 'to Vandeon, laban ko rin 'to. Para kay Vandish itong gagawin ko.
Tumango ako sa kanya tsaka tinungga ang natirang tubig na nasa baso. Wala talagang inaatrasan si Riley, sabagay magaling naman siyang makipaglaban at saksi ako dun. Kahit na buhay niya ang kapalit lumalaban parin siya, sana nga ganu'n lang kadaling mag-sakripisyo, pero ang hirap.
"Sasama sa atin sina, Freena at Yeena. Gusto din nilang lumaban eh."
"Yeena?" narinig ko na ang pangalan niya. Kasama siya ni Vandeon noong pumunta sila sa opisina ko. But, sa tingin ko ang hinhin niya.
"She'll be joining us since kadadating niya lang din from Japan, kasama niya pa ang dalawang anak niya. Ang kyo-kyot, kaedad lang din nila Peyton ang dalawang 'yon. Sa tingin ko talaga sila ang susunod na myembro ng society eh."
Well, sa tingin ko din naman. Manang-mana sa mga ama nilang walang kinatatakutan. "And guess what?" abat may pahabol pa siya.
"May LQ sila ni Arkanghel. Parang si Ark talaga ang ama ng dalawang anak ni Yeena eh, magka-mukha rin pero ang su-suplado ng kambal."
"Suplado?" natawa ako.
"Oo, parang si Arkanghel Donovan."
Parang narinig ko na talaga ang pangalan niya eh.
"Bestfriend ni Calli Lemercier."
Shoot! Siya 'yung tinutukoy ng mga lalaki kahapon, at kaibigan din ni Calli.
***
"Ma'am Monteverdi, kakatapos ko lang pong permahan 'yang mga papel. Ano po meaning ng mga Mafia?" tanong ng Secretary ko. Saglit ko lamang siyang tinapunan ng tingin tsaka ko binalingan ng atensyon ang mga tambak na papel.
"If I were you I won't deal with it." sagot ko. Ngumiwi naman siya. I don't know what exactly the meaning of that, but it's kinda dangerous.
"Ah okay po, Ma'am. Pumunta po pala dito si Sir Santford, hinahanap po kayo, Ma'am," dahil sa sinabi niya bigla kong naitabi ang papel.
"What did he say?"
"May pag-uusapan daw po kayo, 'yun lang po, Ma'am."
Tumikhim ako. Ano na naman ang pag-uusapan namin ni Vandeon? Kung tungkol na naman 'to sa anak ko bahala siyang manigas. Hindi ko ibibigay sa kanya ang bata.
"Ma'am-"
"What?!"
"'Yung mga papel po, Ma'am, huwag niyo pong lukutin, ipa-"
Damn it! Binitawan ko ang papel tsaka nag pasya na lumabas muna ng opisna. Mabuti na lang hindi ko kasama ngayon si Vandish. Pinaiwan ko siya sa mansyon nina Riley since wala namang pupuntahan ang mag-asawa pwera na lamang sa kompanya nila.
"Ma'am, andito po si Sir Santford."
Mabilis akong lumingon sa pinagalingan niya. Nakita ko si Vandeon na hirap na hirap maglakad. What the hell?
"Anong nangyari?" tanong ko sabay akay kay Vandeon. Naamoy ko tuloy ang alak mula sa kanya, did he drunk himself? Shit!
"Ako na ang bahala sa kanya."
Nang makaalis na ang Sekretarya ko binalingan ko ng tingin si Vandeon. Pikit na pikit ang kanyang mga mata habang ang hininga naman niya ay tumatama sa leeg ko kayat hindi ko mapigilang manginig, pati balahibo ko tumataas na.
"Shit!"
"No cursing for you baby," madiin na usal niya tsaka pinulot ang dalawang kamay sa bewang ko. D-Damn it.
"Hmm, I missed you. Please come back to me, baby. I'm tired of chasing you; I'm really, really tired."
Baliw na talaga ang gago.
"Kung lasing ka? Huwag mo akong dinadamay ah, sasapakin talaga kita," gigil na sabi ko. Ang sarap niyang suntukin sa mukha, ngumingiti pa, ngiting tila nasasaktan.
"Bakit ang hilig hilig mong magkalat sa opisina ko ah? Wala kabang bahay?"
"You're my home."
My ass.
***
KINAUMAGAHAN ay hindi ko nakita si Vandeon. Hindi ko naman siya hinahanap ano. Nag-iwan lamang siya ng sulat sa lamesa ko. Mabuti naman walang ginawang kademonyohan ang lalaking 'yon. Mukhang totoong nagbago na talaga siya.
"Good morning, Mommy!" Bati ni Vandish. Suot niya parin ang pantulog niyang damit.
Ngumiti ako at hinalikan ko ang noo ng anak ko. "Good morning, baby. Kamusta ang tulog mo?" tanong ko habang tinatahak namin ang daan patungo sa kusina.
"Tumabi po si Daddy sa akin," ngiting sagot niya. Tumango naman ako. Nilagay ko sa guest room si Vandeon kahapon, mukhang natauhan yata kaya tumabi sa anak. Wala namang kaso roon, ama naman siya ni Vandish at hindi niya naman ito sasaktan.
Hayst, Almika. Hanggang ngayon ay nag-iisip ka parin ng ganito. Well, hindi niyo ako masisisi. Hindi ko parin makakalimutan 'yung ginawa ni Vandeon noon.
"Glad to hear that, baby. Anong gusto mong kainin?"
"Anything, Mommy!"
"Are you sure?"
Binuksan ko ang ref. Kumuha ako ng saging, apple at pineapple. Nilapag ko sa ibabaw ng mesa tsaka nilagay sa pinggan ang mga hiwang prutas.
Binuksan ko ang rice cooker ngunit kaagad ding kumunot ang noo ko nang makitang may kanin na.
Sa tabi ng rice cooker ay isang platong may lamang bacon, hotdog at itlog. Sino naman kaya ang nagluto nito?
Si Vandeon ba ang may gawa nito?
***
Don't hesitate to send me a message if you have questions.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro