Chapter 18
Almika's POV
"Miss Monteverdi, dumating na po si Sir Santford," saad ng Secretary ko sa akin. Tumango ako sa kanya bilang tugon. Inayos ko ang sarili kong buhok ganu'n din ang skirt ko. Nilapag ko sa ibabaw ng mesa ang tambak na tambak na mga papel. Kung ano man ang dahilan ni Santford bakit siya pumunta rito ay kailangan kong paghandaan. Hindi ko rin naman inaasahan na pupunta siya rito, kahapon kasi ay hindi ko sila naabutan kaya't umuwi akong disappointed. Ngayon ay siya mismo ang lumapit. Kung gagawa man siya ng masama, I can now defend myself. This time, I won't let him harm me. Lalaban na ako ngayon, Vandeon, magkamatayan man.
*CLICK*
Saglit akong natigilan nang marinig ko ang pag bukas ng pintuan. Yumuko ako para pakalmahin ang sarili, bigla na lang kasing tumibok ng malakas ang dibdib ko. Kinakabahan ako na may halong galit, ngunit umaapaw talaga ang kaba ko. Damn it, kaharap ko lang naman ngayon ang isang mamatay tao, sino ang hindi kabahan niyan?
"Good morning, Sir Santford, sit here po, Sir," panimula ng secretary ko, hindi ako umimik sa pwesto ko, nanatili parin akong nakayuko, pero ramdam ko ang mariin na tingin nito sa gawi ko. At ramdam ko din ang iilang yapak na papalapit sa mesa ko. Pigil na pigil ko talaga ang hininga ko, ayoko nang magkamali pa, tama na. I badly want to see my son now, siya lang ang importante ngayon sa akin.
"Ma'am?" tawag sa akin ng Secretary ko. Halos mapatalon naman ako sa gulat, tumikhim ako ng palihim, taas noo kong inangat ang ulo para harapin ang taong kinasusuklaman ko.
"Maga-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Vandish na kalong ng isang babae, pikit ang mga mata nito na mukhang pagod na pagod, kita ko pa ang basang likod nito at ang dumi nito sa sapatos. Bigla akong ginapangan ng galit.
"What did you do to my son?! Bakit pawis na pawis ang likod ni Vandish!" galit na sigaw ko at walang lingong-lingon kong nilapitan ang anak ko kaya lang? Nang akmang aabutin ko na sana si Vandish, bigla na lamang akong hinila ng dalawang naka-suit, uminit ang ulo ko dahil sa ginawa nila. Malalaking tao ang mga 'to, sobrang kisig din ng mga katawan, pero anong pakialam ko? Tangina! Anak ko 'to! Lalaban ako! Bwesit!
"Ano naman 'to, Vandeon? Pumunta ka rito para ipamukha na naman sa akin na wala akong kaya saiyo? Ang kapal naman ng mukha mo!"
"Bitawan niyo 'ko!" sigaw ko.
"Ano ba! Let go of me! Piste! Bitawan niyo 'ko!" Nagpupumiglas ako ngunit sobrang lakas nila, palibhasa kasi malalaki ang katawan. Argh! Ano ba.
"Bitawan niyo nga ako!" kanina pa ako nagpupumiglas dito pero wala yatang pakialam sina Vandeon at itong babaeng niyang kasama. Perente lamang itong nakaupo sa sofa habang hawak ang natutulog kong anak. Maputi ang babae, mataas ang buhok, mukhang may half din siya dahil sa green eyes nito. Saan kaya ninakaw ni Vandeon ang babaeng 'to?
"Ano ba! Ibigay mo sa akin ang anak ko, Vandeon! Tangina ano ba!" iritadong sigaw ko. Kinagat ko ang kamay ng armado, bigla niya naman akong nabitawan kayat pagkakataon ko nang lumaban.
"I won't let you hurt me again, Santford, and I won't let you run away from me again!"
Hinila ko ang buhok ng babae, napahiyaw naman siya dahil sa lakas ng pagkakahila ko. Naging alerto rin ang dalawang armado pero hindi nila ako pinigilan.
"Ibibigay mo ba sa akin ang anak ko? Or ilalampaso ko ang mukha mo sa sahig?" inis na untag ko sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon kay Vandeon na ngayong walang pakialam sa nangyayari, napaka talaga ng hayop na 'yan! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya.
Pagkatapos ko rito, ikaw na naman ang isusunod ko, Vandeon, humanda kang gago ka!
"Ibigay mo na!" galit na sigaw ko. Unti-unti siyang humarap sa akin pero wala akong pinakitang emosyon sa kanya, binalingan niya ng tingin si Vandish, ngumiti siya sabay haplos sa buhok ng anak ko. Kinuyom ko naman ng mariin ang kamao ko, ang kapal naman talaga ng mukha niyang ngumiti sa harapan ko. Hindi ba siya aware na nasa binggit ng kamatayan ang buhay niya.
"Your son looks like you," ngiting simula niya. Hindi ko naman binitawan ang buhok niya, mas lalo ko pa itong hinihila pero tila wala lang sa kanya ang ginawa ko. What the hell? Who is she?!
"Mahal na mahal ka ng anak mo. Kahit nasa tabi niya ako? Lagi ka parin niyang hinahanap, you're special to him, he cares for you, Almika." this time ramdam ko na ang lungkot sa boses niya. Dahan-dahan niyang pinaharap sa akin ang anak ko.
"I won't steal your son away from you, may balak talaga akong ibigay 'tong anak mo sa'yo. You're his mother, you know what's the best for him, I'm sorry."
Kumunot ang noo ko. Why is she saying sorry to me? Si Vandeon naman 'yung may kasalanan at hindi siya. Siguro may malalim na plano ngayon si Vandeon. Back to your senses Almika, baka patibong lang ni Vandeon 'to, he really loves to play huh? Damn you Vandeon! You piece of shit.
"Yeena." malamig na tawag ni Vandeon sa kanya sanhi ng pag taas ng mga balahibo ko sa katawan. Mabilis kong kinuha si Vandish mula sa kamay ni Yeena, tumango naman siya sa akin pero bakas sa mukha niya ang kaba. Unti-unti akong umatras. Hinalikan ko sa noo ang anak ko habang na kay Vandeon at Yeena ang atensyon. Kung ano man 'yang pinaplano mo, Vandeon, tigilan mo na. Kasi nakakapiste kana.
"Aki." tawag ko sa Secretary ko. Mabilis naman siyang lumapit. "Take care of my son, tatawagan na lang kita."
"Pero, Ma'am."
"Shut it! Ilayo mo ang anak ko rito."
"Sige, Ma'am." Inabot ko sa kanya si Vandish. Dahan-dahan kong hinubad ang coat ko tsaka ko ito nilagay sa katawan ni Vandish. "Momma will see you after this, baby." Hinalikan ko siya sa pisnge at noo kasabay nito ang malakas na kalabog na nanggaling sa harapan namin.
"Vandeon!" tarantang sigaw ni Yeena. Mabilis niyang dinaluhan si Vandeon na ngayong madilim na ang mukha at may sugat na sa kamay. Kuyom ang kanyang mga kamao, pansin ko ang dugong dumadaloy pababa sa kamay niya. What is he doing?!
"Are you okay? Dadalhin kita sa hospital." nag-aalalang usal ni Yeena kay Vandeon, pero imbes na pansinin siya ni Vandeon? Pinili nitong lumapit papunta sa akin sanhi nang pagkagulantang ko at ang pag taas na naman ng balahibo ko sa katawan. Bwesit, ano na naman kaya itong pakulo niya. May balak pa siyang lumaban sa lagay na 'yan? Sure siya?
"Don't come near me or else papatayin kita, Vandeon,"
Tumawa siya nang mapakla. "Do you think you can kill me?" matapang na tanong niya habang nilalandas ang baril sa mahabang mesa ko. Fvck! Fvck!
"Vandeon!"
Damn.
"Vandeon!" Pigil ni Yeena kay Vandeon, ngunit isang sapak lang ng baril ni Vandeon agad na itong nahimatay. Umatras ako, bumalik na naman siya sa pagkademonyo niya.
"You can't beat me, Almika, kahit na ilang training pa ang gawin mo." walang emosyon niyang saad.
"Who's that guy you're talking with huh?" malamig na tanong niya.
"Anong pinagsasabi mo?!" kahit na kinakabahan, pinapatatag ko parin ang sarili ko.
"I'll kill him, Almika, don't you dare." huling sabi nito at tuluyan na ngang bumagsak. Tangina naman, saan ko dadalhin ang lalaking 'to. Hindi ko siya pwedeng iwan dito.
"Vandeon? What the hell! Gumising ka!"
Iritado akong tumayo ng tuwid. Kinuyom ko ang dalawang kamao at akma na sanang susuntukin ang mukha niya nang mapansin ko na naman ang sugat niya. Fvck, chance ko na 'to para maghiganti but I can't even move my hands! Ngayon pa talaga ako nakaramdam ng awa sa lalaking 'to ah.
"I hate you so much!" galit na sambit ko at umupo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka sinundot ang mukha niya.
"Pasalamat ka't mabait pa ako sa lagay na 'to. Tangina mo parin, galit parin ako sa'yo."
***
Someone's POV
"Nakuha mo ba ang bata?" tanong ng boss namin. Yumuko naman kaming lahat sa kadahilanang hindi namin nakuha ang anak ni Vandeon Stanford. Bigla kasing dumating ang mga tauhan nito kayat hindi namin nakuha, nakaharap din namin si Vandeon. Wala talagang sinasanto ang lalaking 'yon, masyado siyang brutal makipaglaban. Kung hindi kami umtras tiyak na patay kaming lahat. Hindi yata kilala ni boss kung sino ang kinalaban niya.
Bigla na lang kasi itong lumusob nang hindi inaalam kung kaninong bata 'yon. Totoo ngang malaking pera ang makukuha namin kapag makuha namin ang batang 'yon, alagang-alaga at anak mayaman. Kaya lang ay hindi namin alam na anak pala 'yon ni Vandeon. Muntik pa akong mamatay dahil sa trabahong ito.
"Hindi namin nakuha ang bata, boss." sagot ng isa sa mga kasamahan ko. Ang kanyang mukha ay halos hindi ko na mamukhaan dahil sa mga sugat na natamo nito.
Galit namang nilabas ni boss ang kanyang baril at tinutok sa kanya.
"Bakit ang tatanga ninyo ah?! Pera na sana 'yun naging bato pa dahil sa katangahan ninyo!" sigaw nito at akmang babarilin ang kasamahan ko nang pumagitna ako.
"What are you doing?"
"Hindi basta-bastang bata 'yung nakita namin kahapon, boss. Anak 'yon ni Vandeon Brix Santford."
"W-What?!"
"Nakalaban namin siya kahapon kayat hindi namin nakuha ang bata. Marami siyang mga tauhan sa mansyon, lahat 'yon ay magagaling makipaglaban. Kapag nagtagpo raw muli ang landas namin ay hindi siya magdadalawang isip na ubusin at patayin ang leader namin." sagot ko.
Binaba niya naman ang baril niya at umupo sa kanyang upuan.
"Huwag ninyong galawin ang batang 'yon simula ngayon kung mahal niyo pa ang mga buhay ninyo. Huwag na huwag din kayong magpapakita kay Vandeon dahil hindi niya talaga palalampasin 'yung ginawa niyo. Lalong-lalo kana," tumingin siya sa akin. Kaagad naman akong yumuko at tumango. Hinding-hindi makakalimutan ang demonyong mukha ni Vandeon. Handa talaga siyang makipagpatayan.
"Natamaan niyo ba?"
"Mukhang natamaan naman namin siya pero maliit na sugat lamang 'yun. Makakatayo at makakalakad pa siya,"
"Loko ka ba! Mabuti naman kung 'yan lang ang natamo niya!"
Hindi madaling kalaban si Vandeon dahil kapag kilala niya ay hindi ka niya titigilan. Uubusin niya talaga ang mga kalaban niya. Ngayon ay sa tingin ko nasa list na kami ni Vandeon Santford, hindi kasi basta-basta 'yung ginawa namin. Anak niya 'yon, punyeta!
"Iwasan niyo siya. Kapag pinatay kayo ng taong 'yon? Wala na akong magagawa. Nagtratrabaho kayo sa akin, kung hindi niyo gagawin ng maayos ang trabaho niyo? Kasalanan niyo 'yan."
Ngayon lang yata tumatak sa isip ko na napaka-importante ng buhay ko. Ayaw kong magtagpo ang landas namin ni Vandeon. Marami pa akong plano sa buhay.
***
Sino ba kasi 'yon, Almika?
Kaloka.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro