Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Almika's POV

Tinupi ko ang mga damit ko tsaka ko ito nilagay lahat sa malaking maleta ko. Kaka-resign ko lang din sa kompanya ni Riley, ayoko nang humingi ng tulong sa kanila baka ako na naman ang maiiwan, gagamitin ko ang mana na iniwan ni daddy at mamumuhay na ako ng normal, pero sisiguraduhin kong hahanapin ko kung nasaang lupalok nagtatago ang Vandeon na 'yon.

"Almika, you don't have to do this." Pigil sa akin ni Riley, kasama niya si Carmela na nasa likuran niya at ang asawa at anak niya na nasa tabi niya. Masaya sana kung gan'yan din ang pamilya ko, Riley, pero hindi eh, nawalan na nga ako ng anak. Demonyo pa ang kalaban ko. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong 'to, without my son I feel empty, wala akong kalas na lumaban pa.

Umiling ako. Hindi na muli ako magpapadala sa emosyon ko. Gagawin ko ito ng kusa. Without their help.

"We can help you find your son, Almika, just don't leave."

"Hindi mo nga alam kung na saan siya hahanapin pa kaya? Baka naman ayaw ninyong sabihin sa akin dahil mas kinakampihan ninyo ang demonyong 'yon kesa sa akin?"

"Almika, hindi—"

"Riley, tinakas ang anak ko sa akin, wala man lang kayong ginawa para pigilan si Vandeon? Hindi ba kayo naaawa sa anak ko? Wala ba kayong tiwala sa akin?"

"Al-"

"Naghihirap ako ngayon, Riley dahil sa kagagawan ni Vandeon! Sa tingin niyo ba hindi ko kayang bigyan ng magandang buhay ang anak ko? Sa tingin niyo mas tama na and'un siya kay Vandeon para maranasan niya ang maging marangya?" hindi agad sila nakasagot sa sinabi ko, yumuko si Carmela habang nilalaro ang sariling daliri, si Riley naman ay umiwas ng tingin, habang si Kiefer ay walang emosyon ang mukha. I knew how heartless and ruthless Kiefer is, nakaramdam din ako ng takot sa kanya noon, pero ngayon? Napaka gago niya pala, mas pinili niya pang kampihan ang kaibigan kesa gawin ang nararapat.

Sa tingin nila hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang anak ko, tangina! Pinalaki ko nga ng maayos si Vandish eh, pinapadama ko sa kanya kung paano mamuhay ng normal, 'yung tipong hindi umaasa sa yaman. Anak mayaman si Vandish, kahit kailan hindi siya maghihirap, at hindi ko naman hahayaan 'yun.

Tinapunan ko sila ng tingin, ngumiti ako ng pilit sa kanila. Kung andito ka lang sa kinatatayuan ko ngayon, Riley, siguro'y mas sobra pa ang gagawin mo para lang mabawi mo ang anak mo mula kay Kiefer. Alam ko namang mababawi mo agad si Peyton dahil kaya mong lumaban kahit na ang kapalit nito ang buhay mo. I admired you for that, for being a gangster, but I'm not like you, and I will never be.

"Leave me alone." walang emosyong saad ko bago ako tuluyan nang tumalikod. Pinikit ko ang mga mata para pigilan ang nagbabadya kong mga luha. Dahil kay Vandeon, naranasan ko kung paano maghirap, kung paano magdusa. Sumusobra na siya. Pamilya niya lang ang dinamay ng magulang ko, pero siya? Halos sakupin niya na ang mga taong napamahal na sa akin. Bakit mo ginagawa 'to sa akin, Vandeon? Anong kasalanan ko sa'yo?

"I already talked to my attorney, bukas ay makukuha mo na ang kompanya na pagmamay-ari ninyo." ininom ko ang tubig na nasa harapan ko. Tumango ako ng dahan-dahan kay Penelope. It's been 5 months had past already, habang tumatagal, mas lalo ko tuloy namimiss ang anak ko. Sana naman ay maayos lang siya, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyayari sa anak ko. Hintayin mo ako, Vandish, mommy, will save you. Hintay-hintay lang anak at ikaw naman, Vandeon, humanda ka sa akin.

"Hindi naman bumagsak ang company, mas marami paring nag-iinvest. Tomorrow you need to show yourself to them, may bago ka na ring Secretary." sabi ni Penelope. Kahit papano ay tinutulungan parin ako ni Penelope, kapag wala ako, siya muna ang namamahala sa kompanya. Mas pinagtuusan ko na kasi ngayon ang training ko, plano ko ring mag-apply sa Stone Company, I want to be a secret agent like my mom, tatapusin ko ang sinimulan niya.

"May lead ka na ba about kay Vandeon?" tanong ko kay Calli.

"For now, wala pa. Masyado pa siyang tago ngayon sa social media, wala pa nga akong nabalitaan tungkol sa ibang negosyo niya rito. Kilala ko ang taong 'yon, kapag usapang business, seryoso iyon." sagot ni Calli.

Tinungo ko ang malaking monitor niya, hinawakan ko ang malaking screen habang bitbit ang mocha ko. Bilib na bilib talaga ako sa babaeng 'to, well hindi naman siya makakapasok sa Lopez clan kung bobo siya eh, matalino din naman si Penelope, magaling mangilatis 'yon. Hindi siya basta-basta kukuha ng mga tauhan kapag hindi niya pa kilala nang buo.

"Kahit sa dark web, wala kang nakita?" tanong kong muli. Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang mocha tsaka inayos ng kaunti ang maiksi kong skirt. Kakagaling ko lang kasi sa kompanya, pumerma lang ako ng mga pending papers.

"Hindi na uso ngayon ang site na 'yan. Lumang-luma na 'yan sa panahon na 'to Almika. Imposible namang papasok sa site na 'yon ang isang Santford, how cheap hindi ba?" sabagay. Bakit naman siya pupunta duon, may pera iyon at kaya niyang manipulahin ang lahat.

"Malay natin hindi ba? Ibubuhis na lang ang identity para sa yaman."

"He's smart, alam niya kung anong ginagawa niya." mariin na usal niya. Umiling ako, hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo ko sa hayop na 'yon, kapag talaga tapos na ako sa training ko, humanda ang gagaong 'yon.

"Miss Lemercier, may naghahanap po sainyo sa labas," tawag ng katulong ni Calli sa kanya. Inikot niya naman ang sariling silya.

"Let him in."

Him? So lalaki pala bisita ni Calli ngayon. Siguro boyfriend niya or asawa, ang tagal niya naman kasing magka-anak, single na single ang peg niya ngayon, wala talagang balak.

"Calli." malamig at may pagkadiin na tawag ng lalaki kay Calli. Bigla naman akong nanigas sa kinauupuan ko, ang lakas ng impact nitong lalaking 'to. Bawat yapak niya bumibigat ang pakiramdam ko. Sino kaya ito?

Inangat ko ang tingin, nagtagpo ang mga mata namin. Ang sama nitong makatingin sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan, naalala ko tuloy si Vandeon sa kanya, bwesit!

"Donovan!" Nakipag-apir si Calli sa lalaki. Tumango naman ang lalaki, halatang wala sa mood, miski tumawa man lang hindi niya ginawa, wala talaga siyang emosyon sa mukha.

"Kararating mo lang ba?" ngiting tanong ni Calli. Maybe this is her boyfriend, sobrang gwapo naman ng lalaki, halatang may lahi kaso lang sobrang suplado.

"Yeah." kahit sa pagsagot ang iksi-iksi, mahal ba words sa kanya?

"By the way, Ark, this is Almika.
Almika this is Arkanghel Donovan." pakilala ni Calli sa amin, pilit naman akong ngumiti habang si Ark naman ay umiwas ng tingin.

"I saw him earlier, he's getting better."

"Vandeon?" tanong ni Calli. Bigla namang umigting ang tainga ko. Mabilis akong tumayo para makinig. Napansin naman iyon ni Calli kayat tumango siya.

So, he's here! Tangina mo, Vandeon!

"Sino kasama niya?"

"Dapat ba may kasama siya?" pabalang na tanong ni Ark kay Calli. Agad naman ako nainis dahil sa sinabi niya. Napaka ano talaga ng lalaking 'to. Concern lang naman ako sa anak ko, hindi kay Vandeon.

"Well, he's with someone, girlfriend niya ata or asawa, may anak eh." tamad na usal nito tsaka siya umupo sa katabi kong upuan.

He's with someone, may anak? Anak ko iyon at hindi anak ng ibang tao. Humanda ka talaga, Vandeon. Kukunin ko na ang anak ko.

"Tangina!" galit na mura ko. Hindi ako magkakamali. Anak ko ang tinutukoy ng lalaking 'to.

"Where are they?"

"Heading to Monteverdi Company."

Damn you Santford! I'll make you pay this time!

"Almika, anong gagawin mo?" Kaagad akong hinawakan ni Calli sa brasa upang pigilan. Habang 'yung lalaki naman niyang kasama at nakataas ang kilay sa akin na para bang sinasabi nito na mali ang desisyon ko.

"Kukunin ko ang anak ko, Calli!" timping sagot ko. Umiling naman siya, hindi niya rin binitawan ang kamay ko. Fvck, ano bang problema ng babaeng 'to. Sawa na akong maghintay ng matagal. Nanahimik ako ng limang buwan, inayos ko ang sarili ko at ngayon nandito si Vandeon? Hahayaan ko na lang ba 'yon? This is my chance para harapin na naman si Vandeon, ito na rin ang pagkakataon na makita ang anak ko.

"Huwag ka munang padalos-dalos, Almika. Baka mapahamak ka,"

"Anak ko 'yon, Calli. Hindi ako tatayo lamang dito na walang ginagawa! Ano? Hahayan ko na naman bang lumayo sila at maghintay na naman ng matagal? Hindi ko na kaya, Calli. Ayoko na! Kaya bitawan mo ako!"

"Hindi basta-"

"Alam kong malakas si Vandeon, alam kong kaya niya akong ilampaso sa mundong 'to, wala akong pakialam. Anak ko ang kailangan ko at gagawin ko ang lahat para makuha si Vandish mula sa kamay ng demonyong iyon and you can't stop me!"

Malakas kong winaksi ang kamay ko at tumakbo palabas. Damn it!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro