Chapter 13
Almika's POV
"Gusto mo bang mag training ngayon?" tanong sa akin ni Freena habang kumukuha ng bacon sa mesa at nilagay niya ito sa kanyang pinggan. Inabot ko ang gatas na nasa harapan ko at tinungga ito bago lumingon sa kanya. Naka pantulog parin siya ngayon pero bakas sa mukha niya ang lungkot, ang pagka-mugto ng kanyang mga mata. Umiyak kaya 'to? Wala ba siyang tulog?
"Are you okay? How was your sleep?" tanong ko sabay subo ng kanin ko. Binalewala ko 'yung tanong niya dahil gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya, bakit malungkot siya. Ngumiti siya ng pilit sa akin at tinusok 'yung bacon sa tinidor.
"Okay lang naman, honestly, nakatulog talaga ako ng maayos kagabi. Mas nag-aalala ako saiyo, ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalawin natin ang kaibigan mo?"
Hanggang ngayon ay hindi parin maganda ang pakiramdam ko. Si Vandeon lang naman ang may kayang gawin 'to sa akin eh. Nagparamdam talaga ang hinapuyak kagabi, wala talagang puso. Kung nasaan man ang kaibigan ko ngayon, sana nasa maayos ang kanyang kinalalagyan. Hindi man buong mabait 'yon, buo naman ang kanyang paniniwala.
"Almika?" nabalik ako sa ulirat nang marinig muli ang boses ni Freena.
"Yeah, I'm alright. Nah, huwag na lang muna baka may patibong na namang gagawin si Vandeon, alam mo naman 'yon pasulpot-sulpot ang mga plano no'n." sabi ko.
Tumango lamang siya at hindi na muling nag tanong pa kayat hinayaan ko na lang. Baka may problema talaga siya, ayaw niya lang sabihin. Hindi naman ako pakialamera kaya hahayaan ko na lamang siya sa gusto niya.
Maagang umalis ng mansyon sina Riley at Kiefer kanina, may aasikasuhin daw kasi sila. Ang naiwan dito ngayon, ako, Freena, at 'yung Carmela na kaibigan ni Riley, hindi ko kilala pero sa tingin ko'y model siya dahil ang ganda ganda niya at sobrang kinis. Siya ang nag-aalaga ngayon sa anak ni Riley na anim na taong gulang na.
Gwapo ang anak ni Riley. Manang-mana din sa ama, mabait minsan, madalas masungit. Tahimik na bata. Hindi ko nga nilalapitan 'yon dahil naalala ko si Vandish sa kanya, kaya habang may pagkakataon lumalayo ako.
Pagkatapos kong kumain. Nagbihis ako sa kwarto ko, may pupuntahan kasi ako ngayon, makipag-kita ako sa kaibigan kong matagal ko nang hindi nakikita. May paraan daw siya papaano ko makuha ang mana na binigay sa akin ng magulang ko. Nagawa mang sirain ni Vandeon ang mansyon namin, hindi ko naman siya hahayaan na agawan ako ng mana.
Tsaka ko na ipagpatuloy ang sariling plano kapag may ibubuga na ako sa kayamanan ni Vandeon. Sa mga araw na ito tinutulungan na ako nila Kace na hanapin ang anak ko, samantalang ako ay araw-araw na nangungulila kay Vandish. I hope Vandeon won't hurt him, tsaka anak niya si Vandish, napaka sama niya namang tao kung pati ang anak niya ay sasaktan niya.
Kukunin kita anak mula sa Daddy mo. Hintayin mo lang si Mommy, malapit ko nang masimulan ang plano ko.
Lumabas ako ng mansyon, tinungo ko ang garahe at pinatunog ang kotse na hiniram ko mula kay Freena, wala naman daw siyang pupuntahan ngayon kaya hiniram ko muna.
Pasadong alas otso na akong nakarating sa James restaurant. Nilabas ko ang coat ko mula sa loob ng sasakyan at sinuot ang cap ko. Tinulak ko ang pintuan ng restu tsaka hinanap ang kakilala ko. Hindi naman siya mahirap hanapin dahil matangkad ang babaeng 'yon at morena. Maganda rin, sabagay Lopez ang babaeng 'yon.
Kumaway siya sa akin nang makita ako, sinigaw niya pa pangalan ko, kakahiya talaga ang babaeng ito. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang hindi isipin na pagmamay-ari niya 'yung katana na hawak nina Austin. Bakit kaya hindi niya hawak iyon ngayon?
"ALMIKA!" dahil sa lakas ng boses niya napatingin 'yung mga tao sa kanya ngunit inirapan niya lamang ang mga ito. Tumakbo siya papalapit sa akin at hinila ako kung nasaang pwesto siya.
"Finally, you're here na! Kanina pa ako naghihintay dito, I thought you're not coming." maarteng sabi niya at pinaupo ako sa harapan niya. Inilingan ko naman siya at ngumiti.
"Magagawa ko ba 'yun? Anyways, mabuti't pinayagan ka ni Zain na makipag-kita sa akin? How is your family by the way?"
Kilala ko rin ang buong pamilya ni Penelope Lopez. Sikat nga siyang tao, pero mas pinili niyang babain ang sarili niya, na hindi gaanong kilala ng mga tao.
Penelope Lopez, isa sa mga mayaman na kaibigan ko, mas mayaman nga lang siya sa amin. Mas matanda siya sa akin ng limang taon, may pamilya na siya at may dalawang anak, hindi ko alam kung ilan na talaga ang anak nila ngayon but the last time we saw each other dalawang lalaki ang anak niya and nagmana kay Penelope at Zain.
"They're fine, actually, 'yung dalawa kong anak na lalaki may sarili na silang banda ngayon at sumikat na. Ewan ko ba sa magkapatid na 'yon bakit gusto nilang kumanta, ipapamana pa naman sana ni Zain ang kompanya sa dalawang 'yon, pero wala yata sa dalawa ang tamang mamana," hinilot ni Penelope ang kanyang noo at umaktong naiistress na. Tumawa naman ako tsaka ko tinungga ang malamig na tubig sa harapan ko.
Ang anak ko naman kung saan niya gusto susuportahan ko siya pero imposibleng mag ba-banda iyon. Mahilig humawak ng baril yon, at kung ano ano pang mga armas, minsan nakikita kong kunwari inooperahan niya si Manang. Ewan ko ba kung anong klaseng trabaho ba ang dapat sa anak ko, maging doctor or maging criminal. Sana naman hindi siya mamana sa ama niyang ubod ng sama ng loob. Pinaglihi ata 'yon sa sama ng loob, bwesit na Vandeon.
"How about you? Alam mo na ba kung nasaan ang anak mo? Kung saan dinala ni Vandeon?"
"Mukha bang alam ko? Kapag alam ko lang talaga pupuntahan ko na agad ang anak ko." sabi ko. Bumuntonghininga naman si Penelope, sinapak niya ang kamay ko kayat napahiyaw ako. Tangina!
"Ano ba!"
"Alam mo, Almika, huwag ka nang magpa-pabebe diyan, nabwe-bwesit ako sa mukha mong kaawa-awa eh,"
Masama ko siyang tiningnan. "Anong problema mo?"
"Bakit hindi mo nilabanan si Vandeon? Akala ko ba trained ka na? Secret Agent nanay mo tapos hindi mo kayang lumaban?"
Hindi niya alam na kaya ko na ang sarili ko ngayon. But still, gusto kong alamin kung paano siya magturo makipaglaban. Magaling kasi siya at sigurado akong hindi niya ako palalampasin.
Inirapan ko siya at kumuha ng pagkain sa mesa. Paano nga ako lalaban kung may hawak na baril 'yung kalaban ko tapos hawak pa nito ang anak ko. Kapag lalaban ako paniguradong masasaktan kaming dalawa ni Vandish. Saan ba utak nitong gagang 'to? Gusto niya bang mamatay kami?
"May hawak na baril 'yung tao, Penelope. Hawak niya pa ang anak ko, anong laban ko do'n?" mataray na tanong ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay at inagaw sa akin ang kutsarang may pagkain, kakainin ko na sana. Tangina.
"At kung makapag-salita ka diyan parang hindi ka nawalan ng anak? You know what? Ang gaga-gaga mo talaga, binalian mo sana ng buto ang gagong 'yon, gamitin mo naman 'yung mga tinuro ni Tita saiyo." bakas sa mukha niya ang iritasyon. Sa pagkakataon nato gusto niya na akong kutusan dahil sa kagagahan ko, well hindi naman kami pareho, mas matapang siya sa akin, lulusob 'yan kahit na delekado. Ako oo noon hindi ako papalag pero ngayon talagang-talagang papalag na ako. Kailangan kong paghandaan ang lahat. Hindi pa naman madaling kalaban si Vandeon.
"Paano ko nga gagamitin kung wala naman...PAK!" Napahawak ako bigla sa pisnge ko nang sampalin niya ako nang napakalakas kayat napalingon sa amin 'yung mga tao. Galit ko siyang tinapunan ng tingin at akmang mumurahin siya nang sinamaan niya ako ng tingin.
"What t..."
"Gumising ka na kasi sa katotohanan! Bwesit naman 'to oh! Sumama ka sa'kin sa bahay tuturuan kita kung paano pumatay."
"WHAT?!"
"Don't what what me! Magkita tayo bukas sa Andra beach. Huwag na lang pala sa bahay nakakarindi boses ni Zain," inis na sabi niya, nginisihan ko naman siya. Siguro may LQ silang dalawa ng asawa niya.
And... Mali ba ang pagkakarinig ko? Tuturuan niya raw ako papaano lumaban? Well, natupad nga ang gusto ko. Marunong naman na ako, I just want to see how this devil teaches me how to fight back.
"Susubukan kong makapunta baka may gagawin ako bukas, alam mo namang nag-iimbestiga din sina Kace kay Vandeon." sagot ko naman.
"Tangina, sige pupunta na lang ako sa mansyon ni Ladeo." Nanlaki ang mata ko.
"You know her?" takang tanong ko.
"Yes dear, kilala ko ang babaeng 'yon. Pareho rin kayo ng pinagdaanan kaso mas malala 'tong saiyo, sobrang sama ng ama ni Vandish. Mahirap paamuhin ang isang hapon, Almika, kung ano man 'yang pinaplano mo? 100% sure hindi uubra."
Kumunot ang noo ko. "Anong alam mo sa plano ko?"
"You want to tame him? Am I right? Huwag mo na subukan, Almika, hindi 'yan uubra. Kapag alam mo na kung nasaan sila? Ipakitang mong kaya mo siyang talunin, ayusin mo muna ang sarili mo." Tiningnan niya ang damit ko mula ulo hangang paa.
"Para kang tae sa paningin ko. Naghihirap ka na ba talaga? Tumayo ka nga diyan! Bibilhan kita ng damit sa mall tsaka puntahan natin after 'yung lawyer ko para makuha na ang mana mo. Tsaka please lang? Mag ayos ka. Ako ang kakalabin mo bukas. Do you understand me?"
"What?" takang tanong kong muli. Sinapak niya naman ako sa ulo. Bwesit talaga. Nagulat lang naman ako, bakit ko siya kakalabanin? Nahihibang ba ang babaeng 'to?
"LETCHE KA! HALIKA KA NA NGA!"
***
Gabi na nang nakauwi ako ng mansyon dahil pinuntahan pa namin ang lawyer ni Penelope. Nakasaad nga duon sa last will ng magulang ko na kailangan ko munang mag-asawa bago ko tuluyang makuha ang buong mana na iniwan ng magulang ko. Wala nga akong balak mag-asawa eh. Akala ko talaga hindi ko na makukuha iyon, but the help of Penelope, nakuha namin ang pera.
Malaking halaga ang iniwan nila Mommy at Daddy, kaya siguro gusto nila akong ipakasal dahil hindi ko kayang gastusin iyon na ako lang. I can buy a new house gamit ang pera. Siguro bibili ako kapag hawak ko na ang anak ko. Huwag muna ngayon.
"Almika? Kamusta ang lakad mo?" tanong ni Riley. Nasa living room silang dalawa ni Kiefer.
Ngumiti ako at hindi tinapunan ng tingin si Kiefer dahil ang lalim ng tingin nito. Para akong papatayin. Ganu'n ba talaga ito tumitig? Hindi ko naman aagawin si Riley eh.
"Maayos naman, Riley." ngumiti ako. Sa wakas may pera na ako. Kakasuhan ko kaya si Vandeon? Pag-iisipan ko kung kailan.
"Mabuti kung ganu'n. Nga pala kumain kana riyan, may iniwang pagkain si Freena saiyo,"
"Nandito ba siya?"
"Kakaalis lang eh. May pupuntahan raw sa airport." sagot ni Riley. Ano namang gagawin ni Freena sa airport?
"Parang may something sa kanilang dalawa ni Kace,"
Napahinto naman ako. "Ano?" kunot noong tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay may asawa na si Kace. Hindi naman siguro magiging kabit si Freena ano?
"Parang ang lapit lapit nila sa isa't-isa. Nakita ko kasi sila kahapon, magkasamang pumasok ng department store."
Baka magkasabay lang talaga sila. Mabait kasi si Kace at matulungin rin iyon.
"Baka tinulungan lang siya ni Kace,"
"Siguro nga, kumain kana, Almika."
Tumango ako at pinuntahan ang kusina. Pambihirang Penelope kasi iyon, hindi man lang ako pinakain. Mas natutuwa pa habang pinapanood akong takam na takam sa kinakain niya. Mabuti nalang talaga masarap magluto si Freena, mabubusog yata ako ngayong gabi.
Pagkatapos kong kumain naghugas ako ng pinggan tsaka pumasok sa sarili kong kwarto. Ginawa ko ang lagi kong ginagawa bago humiga.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa loob ng bag at nakitang may isang mensahe roon. Kanino kaya galing ang message na 'to? Iilan lang naman ang nakakaalam ng number ko.
"Finally, I found her, Almika."
Kanino galing 'to? Wala kasing name na nakalagay sa ibabaw. Sinong her ang tinutukoy niya sa mensahe?
Imbes na pansinin ay binalewala ko na lamang. Pinatay ko ang phone ko tsaka napagpasyahan na matulog na. Maaga pa ako bukas. Makipagpatayan pa ako kay Penelope. Sana naman hindi ako magmumukhang tanga bukas.
****
Hope you like this story. Kindly tap the vote button and leave a comment for more updates, thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro