Chapter 12
Almika's POV
Kakatapos ko lang pawisan ang buo kong katawan. Habang wala kasi akong ginagawa ay nilaan ko ang buong oras ko sa tamang paghawak ng mga patalim. I'm good with guns, but medyo nahirapan pa ako sa mga patalim. I might kill or hurt myself kapag hindi ko nagawa iyon ng tama.
Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang dagger. Nakita naman iyon ni Freena, sumilay ang malaking ngisi niya. Hindi nila alam na marunong na akong lumaban. Akala nila ay nag-eensayo pa lamang ako para gumaling. Well, kahit naman na alam na nila ay wala akong pakialam. Mas mabuti nga iyon.
Lumapit siya sa pwesto naming dalawa ni Riley. Si Riley din ay nag-eensayo ngunit hindi masyado. Parang ang ginagawa niya lang ay pangdepensa. Marunong naman siyang lumaban, gusto niya pa sigurong mas gumaling pa.
"Too much for today! Magpahinga muna kayong dalawa ni Riley." sabi ni Freena at binigyan niya kami ng dalawang basong tubig, tinanggap ko ang nilahad niya at agad na nilagok.
Apat na araw na ngayon at hindi ko mapigilang hanap-hanapin ang anak ko, since wala akong bahay na matutuluyan, nakikitira ako ngayon sa mansyon ni Riley kasama din si Freena. Ewan ko ba bakit dito pa 'yan tumira. Halata namang mayaman, siguro ay tinatamad lang siyang umuwi.
Nagbikitbalikat na lamang ako at nilagay ko sa balikat 'yung towel na pamunas ng pawis ko, umupo ako sa upuang semento habang nakatanaw sa malawak na hardin ni Riley, sobrang peaceful, nakakagaan ng pakiramdam lalo na't sinasabayan pa ito ng malakas na hangin.
May naramdaman akong umupo sa tabi ko kayat lumingon ako, napasinghap ako nang si Freena lang pala. Umiwas ako ng tingin at hindi pinansin ang presensya niya, hinihingal pa kasi ako ngayon, wala pa akong balak na mag salita at mukhang naintindihan naman niya.
Maganda si Freena, kutis mayaman. Maputi, kulot ang buhok na mahaba, mahubog ang pangangatawan at higit sa lahat may malaabo siyang mga mata. Kapag titigan mo siya ng malapitan tila hinihigop ka ng kanyang mga mata.
Pinikit ko ang mata ko. Dinama ko ang malakas na hanging tumatama sa buong mukha ko. Kung nasaan ka man dinala ngayon ni Vandeon, anak, hindi ako titigil na hanapin ka, kapag 'yung gagong 'yon sinaktan ka or ginalusan ka lang sa ibang parte ng katawan mo, papatayin ko ang gagong 'yon. I love you so much Vandish, you're my little prince, always. Wait for me, susunduin kita anak. I miss you, I love you.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, tumambad sa akin ang mukha ni Kace na seryosong nakatitig sa akin, napansin ko ring wala na si Freena sa tabi ko. Naka doctor attire pa ang loko. Well, the gown suits him well, bagay na bagay sa kanya nagmumukha siyang seryosong tao, 'yung tipong walang kabastusang ginagawa.
"Are you fine here?" tanong niya at pinasok niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng suot niya. Tumikhim naman ako at tumingin sa malayo.
"Yeah. How about you? Are you okay now? Do you feel anything?" Humarap ako sa kanya, ngumiti naman siya at umiling. Humakbang siya at sabay na umupo sa tabi ko, tinawanan ko naman siya. Kapag ito talaga lalapit sa akin gagawa na naman 'to ng kalokohan.
Its nice to see him again. Matagal-tagal na din kasi nu'ng nagkita kami. And I was so thankful because he helped me. Muntikan pa siyang patayin ni Vandeon, mabuti nalang talaga humihinga pa ang Kace na 'to. Masamang damo eh.
"None, but can I ask you something?"
"You already asking." sagot ko. Umirap naman siya at humalukipkip.
"Tss, what did Vandeon do to you? Bakit nakuha niya ang bata saiyo?" agad na nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Bumaba ang tingin ko patungo sa paa kong winawagayway ko sa ere bago ako lumingon sa kanya.
"I can't win against him. Nakuha niya ang anak ko sa akin dahil ang hina-hina ko, I can't fight him back at 'saka wala akong laban sa baril niya. He even slapped me on my face using his gun, but its okay, mas masakit mawalan ng anak."
"He what?! Damn that jerk! Ano kaya ang plano ng gagong 'yon, miski kami ay wala ring alam. Nagtataka lang talaga kami bakit hindi na namin ma-trace ang location niya." Maybe he's really good at hiding. Matagal ko na rin siyang hinahanap, wala paring balita aa kanya. Kilalang tao nga siya ngunit sa sitwasyong ganito walang nagtatakang ipalabas siya. Wala ngang kaalam-alam ang medya na may anak siya.
Inangat ko ang tingin. Planado ang lahat, ayos na ayos ang plano ni Vandeon, sinisigurado niya na talaga na walang sinuman ang sisira sa plano niya, na walang sinuman ang haharang sa landas niya. Ngumisi ako ng palihim, may kahinaan din ang lalaking 'yon. Gagamitin ko 'yon laban sa kanya.
"But, I promise, Almika, we'll save your son, makukuha natin si Vandish mula sa kanya, don't feel so down okay? Be strong enough, Almika. Be brave."
Matapos ang usapan namin kanina ni Kace medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Andito na ako ngayon sa loob ng mansyon ni Riley, gabi na at oras na ng pag tulog ngunit hindi ako dinadalaw ng antok, kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko, wala paring nangyayari.
Iritable akong bumangon sa higaan ko, sinuot ko ang tsinelas ko sa sahig at nag pasya na lumabas muna ng mansyon, kahit sa pinto lang ng bahay.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan, bawat kilos ko ay binabantayan ko baka magising ko sila at pagkamalan pa akong magnanakaw. Jusko, takot ko pa naman kay Kiefer Montefalco, isa din 'yon, matapang, kinatatakutan din. Sobrang suplado din kaso dumoble yata ugali ni Vandeon sa kanya, literal na demonyo kasi ang hinapuyak na 'yon. He's scary, yet kind.
Nang abot kamay ko na ang pinto, binuksan ko ito at akma na sanang lalabas nang may kutsilyong nakatuon sa harapan ko, kaagad akong umatras papasok ng mansyon, sunod naman siya ng sunod sa akin. Naka itim lahat ang suot niya, hindi makita ang mukha dahil may mask. Punyeta! Who is this!
Nilibot ko ang tingin sa buong kapaligiran, umatras pa ako nang umatras hanggang sa abot kamay ko na ang mamahalin na vase ni Riley. Shit! Babayaran ko 'to kapag nakuha ko na 'yung perang minana sa akin, patawad.
Mabilis kong dinampot ang vase at agad na pinukpok sa ulo niya, hindi pa ako nakuntento, sinipa ko ang sikmura niya at siniko ang mukha niya. Pagewang-gewang siyang tumayo, dumura pa siya bago lumusob sa akin.
Sinusubukan niya akong patamain ng kutsilyo ngunit hindi man lang ako matamaan. Kinuha ko ang kamay niya at siniko ang leeg niya sabay padyak ng kanyang paa sanhi nang pag hiyaw nito ng malakas at ang pagkalabog ng hagdan. Hindi ko 'yun pinansin bagkus hinila ko ang buhok ng lalaki at inuntog ko ang mukha niya sa sementong lamesa. Paulit-ulit ko iyong inuntog hanggang sa nagsibukasan na ang ilaw sa sala.
"ALMIKA!"
"Shit! Anong nangyari?"
Binitawan ko ang buhok ng lalaki habang humihingal. Nilingon ko sina Riley, Freena at Kiefer na kakagising lang, hindi man lang sila natakot sa taong ito bagkus nag-aalala pa sila. Mabilis na humakbang si Kiefer papunta sa lalaki, umupo siya at tinanggal ang mask ng lalaki sabay mura ng malakas.
"Fvck!"
"What's wrong, Kiefer?"
"Ayos ka lang ba?" Tumango ako sa tanong ni Freena. Nakatuon sa lalaki ang tingin ko ngayon. Lumapit ako para makita nang tuluyan ang mukha niya, at halos hindi ako makahinga nang mamukhaan ko kung sino ito.
Napaluhod ako bigla dahil sa panghihina. Tila tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang hindi na humihingang katawan ng taong nasa harapan ko.
I-Is this a dream?
"Tell me, am I dreaming? Please wake me up! Wake me up!"
"No! No! No! That's...That's...please,"
Lumapit sa akin si Freena, niyapos niya ako at pilit pinakalma pero hindi ko magawa. Nagsimula na akong humagolgol. Akala ko lalaki, babae pala ang naka-mask. Its my friend Entice. May bomba sa kanyang likuran pero hindi na naka-activate. What did I do? What did I do?
Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang mukha ni Entice. She's not breathing anymore. I'm sorry, I'm really sorry, Entice. I didn't know, I didn't know...
"Do you know her, Kiefer?" Kunot noong tanong ni Riley sa asawa. Sinabunutan naman ni Kiefer ang kanyang buhok at nagmura na naman. Habang ako ay hindi makapaniwala sa nagawa. She can't talk, dahil may tape siya sa bibig, who did this to her? Sino ang may gawa nito!
"This is a warning, Almika. A warning from Vandeon Brix Santford."
Tila nanlamig ako sa malamig na sinabi ni Kiefer. Seryoso itong nakatingin sa akin habang ako ay hindi na mapigilang mangamba at matakot muli.
"The note said "Don't be afraid, darling. Play with me, ace the game."
Pinikit ko nang mariin ang mata ko, unti-unti kong pinunasan ang mga luha ko. For him, this is a game. Really huh, Vandeon?! Fvck you!
"I will kill him!"
"Almika, calm down!" Hinawakan ako ni Freena. Paano ako kakalma gayong nasa harapan ko ang walang buhay na katawan ni Entice?! Tell me!
"Sigurado ba kayong kay Vandeon galing ang note na 'yan?" tanong ni Riley. Hindi sila umimik pero sigurado akong siya 'yan dahil hawak niya sa leeg ang mga kaibigan ko At ngayon ginagamit niya ang mga kaibigan ko para takutin ako. I thought they were safe, damn it.
He brought my friend here to send a warning. He knew that I was here, living with them. Alam niya rin siguro na patay na ngayon si Entice. I killed her because of him! Pinatay niya na nga ang mga magulang ko, pati ba naman mga kaibigan ko dinadamay niya? Tangina mo, Vandeon.
"Calm down, Almika,"
"No, kaibigan ko 'yan, Freena! Vandeon made me kill her!"
"Shhh, hindi mo kasalanan." Lumapit si Riley. I can't myself from crying, pinatay ko ang kaibigan ko. Sana panaginip lang ang lahat ng 'to.
"There's nothing here na nagpapahiwatig na si Vandeon nga ang may gawa," saad ni Riley.
He did this, sigurado ako.
"Siya ang may gawa nito, hawak niya sa leeg ang mga kaibigan ko. Pinadala niya ang isa kong kaibigan para takutin ako. You see that bomb? Kapag hindi siya lumaban sa akin mag a-activate 'yang bomba at sasabog 'yan, patay tayong lahat na andito."
Tumulo na naman ang luha ko.
"It was coming from him. Alam ko ang sulat kamay ni Vandeon. Hindi man maganda but it's dangerous."
"This is a warning, Almika."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro