Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Hindi ko na po sinali dito 'yung laban nina Almika at Riley sa maze, dahil iniba ko ang kwento ni Almika kayat Huwag po kayong mag taka hehe. Enjoy reading.

***

Almika's POV

Umatras 'yung lalaki nang marinig ang malamig na boses ni Vandeon. Bumakas sa mukha nito ang takot dahil sa pinakitang tingin ni Vandeon ngunit hindi na uubra sa amin ang tinging 'yon. Kinuha ko ang kamay ni Vandish 'saka ko ito hinawakan nang mahigpit habang nakatingin kay Vandeon na ngayon ay nasa amin na ang atensyon.

"There's no turning back now, Almika." malamig na simula niya at humakbang papalapit sa amin. Pinagmasdan ko lamang siyang lumalapit. Wala na naman akong matatakbuhan ngayon, huling-huli niya na kami. 

Kung sakaling gagana man ang plano namin ni Vandish ay malaking pakinabang iyon pero papaano ko pakisamahan ang demonyong 'to? Makita ko lang mukha niya natatakot na ako at nagagalit bigla sa kanya. Wala man lang kapaguran ang mukha niya, nagkakalat din ang mga dugo sa buong damit niya, hindi ko mapigilang mag-alala. Nag-aalala ako dahil bakit kailangan niya pang gawin 'to? Maraming kakalaban sa kanya kapag hindi pa siya tumigil.

Nilingon ko ang lalaki. Wala ring emosyon ang kanyang mukha pero napansin kong nanginginig ang kanyang mga tuhod. Sino namang hindi matatakot sa taong ito, hindi lang demonyo sa negosyo, ganu'n rin sa personal.

Lumunok ako nang nasa harapan na namin siya ni Vandish, habang 'yung mga tauhan naman ni Vandeon ay seryosong pinagmamasdan kami. Kapag lalaban ako ngayon tiyak na hindi ako makakalusot dahil wala rin namang kwenta itong lalaking kasama namon ngayon. Hindi niya kaya si Vandeon, iyan lamang ang masasabi ko.

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Vandeon pero batid kong pilit lamang iyon. Binaba niya ang tingin patungo kay Vandish na ngayong wala man lang kakurap-kurap na nakikipag labanan ng tingin sa ama. Gusto kong untigin ang ulo ni Vandeon para makaganti lang naman sa mga pananakot at pananakit niya kaso tumatatak sa isip ko 'yung plano ng anak ko. Pwede namang hindi ko sundin si Vandish dahil bata pa siya at hindi niya pa alam ang mga sinasabi niya kaya lang? Sino ang niloloko ko? Anak siya ni Vandeon at mas matalino pa ito sa akin.

Matalino rin naman ako. Hindi nga lang tulad kay Vandeon na halos sakupin ang mga certificates noon. Kasama niya ang mga kaibigan niya lagi sa harapan ng entablado. Lahat sila matatalino.

Tumikhim ako ng malakas nang mapansing sobrang seryoso na nitong nakipagtitigan sa anak ko. Hinila ko si Vandish at tinago sa likuran ko. Since kaharap ko na ang lalaking papatay sa amin, haharapin ko na ito ng kusa. Kaya ko pa naman.

"What do you want this time, Vandeon?" seryoso kong tanong. Tumayo siya nang tuwid at inayos ang kanyang kwelyo.

"I want my child, Almika, gusto kong kunin ang bata mula saiyo," sagot niya sanhi nang pangangatog ng mga binti ko. Mali naman siguro 'yung pagkakarinig ko hindi ba? Hindi ko alam kung saan ako nagulat, duon ba sa alam niyang anak niya si Vandish or du'n sa kukunin niya ang bata palayo sa akin. Is he insane? Hindi ako makakapayag na kunin niya ang anak ko sa akin.

"Are you kidding me? Anak ko 'to, Vandeon, at wala kang karapatang kunin ang anak ko sa akin, sino ka ba sa inakala mo?"

"Do you think I didn't do the DNA test? You can see the results here!" agap niya at may nilabas na folder mula sa loob ng coat niya. Padabog niya itong tinapon sa mukha ko kaya't tinapunan ko siya ng masamang tingin. Dahan-dahan kong pinulot ang mga papel habang hindi binibitawan si Vandish. Baka kasi bigla siyang kunin ni Vandeon mula sa akin.

"At teka, saan mo naman nakuha 'to?" hindi ko alam kung kailan niya napa-DNA test ang anak ko. Saan siya kumuha ng pruweba para magka-match silang dalawa.

"I have ways, Miss Monteverdi, ayoko ng pinapatagal pa 'to. Pagkatapos mong malaman ang resulta, ibigay mo sa akin ang bata," hindi ko siya sinagot. Bigla agad nanlaki ang mata ko nang makitang nag match nga silang dalawa ni Vandish. 99.9% ang nakalagay. What the fvck! How did this happened! Paano niya nakuhanan ng results ang anak ko?

Kaagad akong humarap sa kanya kasabay nito ang malakas na tibok ng puso ko.

"He's not your son, Santford! Get the hell out of here!" this time nataranta na ako. Padarang kong tinapon ang folder sa mukha niya, wala akong pakialam sa papel na 'yan, kahit anong resulta pa 'yan! Hindi ko ibibigay ang anak ko, magkamatayan man.

"Sinasabi mo bang mali itong papel na nakita mo? Huwag mo kong ginagago, Almika! Alam mong anak ko ang batang 'yan!"

"MANAHIMIK KANG HAYOP KA!" galit na sigaw ko sanhi ng pag tagis ng kanyang panga at ang mabilis na pag hawak niya sa panga ko.

"Ikaw ang manahimik, Almika!" sigaw niya at tinulak ang panga ko nang napakalakas kaya't natumba ako sa sahig, ngunit hila ko parin ang anak ko. Masama niya akong tiningnan, pinandilitan pa niya ako ng mata. Bumalik na naman siya sa dating niyang anyo, nakakatakot na naman ang kanyang mukha.

"How long will you do this to us?! Ganiyan ka na ba ka hayop? Desperado kana talaga! Pwede ka namang makipag-sex sa mga babae riyan and make your own child! Huwag mong idamay ang anak ko!" timping sigaw ko sabay hatak muli kay Vandish. Sa pagkakataon na ito nakita kong tumulo ang luha ni Vandish, mabilis akong lumuhod sa kanyang harapan at niyakap siya habang ang mga mata ko naman ay nakatuon kay Vandeon.

"Anak ko 'yan, Monteverdi! Sa ayaw man o sa gusto mo! I will take my son with me! Wala akong pakialam sa batas!"

Damn you. Damn you! Kung may pera lang ako ngayon, matagal na kitang kinasuhan, hayop ka.

"Subukan mo lang at nang magkamatayan tayo!" mabilis na sagot ko. Ngumisi lamang si Vandeon at maya maya pa'y gumalaw ang mga tauhan niya at lumapit sa akin. Hinawakan nila 'yung kasama naming lalaki sa kabilang braso at sinuntok ang lalaki nang paulit-ulit ng mga armado. Nanlumo ang mga tuhod ko, ito na naman. Makasaksi na naman ako ng kasalanan ni Vandeon.

"Death is here now in front of you, Almika, what are you waiting for? Stand up and fight for your son." sabi niya at may nilabas sa kanyang bulsa, isang calibre. Mabilis niya itong kinasa at tinutok sa akin.

"Patayin na lang kaya kita? Pagkatapos ay kukunin ko ang bata. What do you think?"

Napaka-sama mong tao Vandeon, hindi na ako magtataka kung sa imperno ang bagsak mong hayop ka!

"Mommy, don't leave me, huwag mo kong ibigay sa bad guy na 'yan," nilingon ko si Vandish, pinunasan ko ang luha niya.

"You heard him? Ayaw niya sa bad guy na tulad mo. Walang mamatay taong ama ang anak ko, Vandeon! Tigilan mo na kami!"

"Do you think I will do that? I don't care! I just want the child,"

"For what, Vandeon? Gagamitin mo ang anak ko sa mga kagaguhan mo? Tangina mo! Mag hanap ka ng anak na gagamitin mo!" Mabilis kong kinalong si Vandish. At akma na sana kaming aalis nang hilahin ni Vandeon ng malakas ang buhok ko. Sinenyasan niya rin 'yung ibang tauhan niya na lumapit sa'kin.

"Damn you! Damn you!" sigaw ko at pilit lumalayo sa kanya pero hindi ako makakaalis. Pagkalapit nu'ng dalawa, inagaw nila sa akin ang anak ko.

"TANGINA NIYO HUWAG NIYONG KUNIN ANG ANAK KO SA AKIN! BWESIT KA, VANDEON PAPATAYIN KITA!" galit na sigaw ko at nagpupumiglas sa hawak niya habang ang anak ko naman ay humahagolgol na.

"No, No! No! Baby Vandish! Come here!"

"Mommy! Help me! I don't want to come with them, Mommy! Stop this bad guy! Stop this! Don't hurt my Momma!" Pilit ring umaalis si Vandish sa hawak ng isang matabang lalaki ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makakawala.

Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Isang butil ng luha ang tumulo mula rito.

"Don't take my son away from me, Vandeon! Nagmamakaawa ako saiyo! Hayaan mo na kami ng anak ko!" Nagsusumamo na ako sa kanyang harapan pero tila bato ang puso ni Vandeon, walang emosyon ang kanyang mukha, malamig lang ito kung tumitig.

"Don't please, don't! Vandish! HUWAG!"

"Take him inside my car, susunod ako." utos niya sa mga ito na kaagad naman nilang sinunod habang ako ay hindi na mapakali.

"You can't do this to me! No! Isauli niyo ang anak ko! Mga hayop kayo!"

"I can, Almika. Alam mo 'yan."

Nilabas nila ang anak ko habang umiiyak at pilit akong inaabot ng kanyang maliliit na kamay, I'm begging please don't take my son! Siya na nga lang ang natira sa akin kukunin pa.

"Mommy! Mommy!"

I'm sorry, baby. Mommy, can't do anything. I'm still weak.

"Anong klaseng tao ka?" hirap na tanong ko sa kanya.

"You once said? I'm not a human. Hayop ako, Almika." seryosong sabi niya at sinampal niya ako ng baril sa mukha. Kaagad ko namang nalasahan ang sariling dugo na nagmula sa labi ko.

Yumuko ako habang humahagolgol. I can't reach my son anymore. Those motherfvkers took him away. I can't even move, fvck!

"I will kill you, Vandeon!"

Ngumisi siya. "You can't, Almika. Nasa harapan mo na nga ako ngayon oh hindi mo pa magawa,"

"You can't kill me."

Sinenyasan niya ang mga tauhan na natira. Naramdaman kong hinang-hina na ang buong katawan ko. Ang sakit ng sampal na iyon, tangina mo, Vandeon.

"Clean this mess as soon as possible." sabi niya habang nakatingin sa akin.

"P-Papatayin talaga kita!"

"I can't wait." ngisi niya at lumabas kasama ang mga ilang armado.

Kinuyom ko nang mariin ang mga kamao ko habang may malaking galit kay Vandeon. Gusto ko silang habulin at kunin ang anak ko pero papaano ko gagawin iyon gayong malayo na sila? Tama ba akong ina? Deserve ko ba ito? Tangina naman oh!

"Vandish, don't leave your Mommy, anak, andito pa ako,"

"TANGINANG LALAKING IYON!"

Nabaling ang tingin ko sa kasama. Halos hindi na siya makatayo, puno din ng mga pasa ang buong katawan niya. Natamo niya lahat 'yan sa mga tauhan ni Vandeon. Napaka-demonyo talaga, gago siya.

"Fvck! Ang lakas naman ng lalaking iyon! Do you know him?" tanong nito habang hawak ang pisnge. Kumurap-kurap naman ako.

"Damn him! Ama iyon ng anak mo hindi ba? Bakit hindi mo pinatulan? Ako pa tuloy sumalo!"

Umarko ang kilay ko.

"Kakahiya naman saiyo! Bakit ka pa pumunta dito kung mahina ka naman! Wala ka ngang kwenta, tangina nito." galit na sambit ko at pinulot ang folder.

Pinunsan ko ang luha ko tsaka nagpasya na lumabas. Mas lalong uminit ang ulo ko sa walang kwentang lalaking iyon. Ako ang nawalan ng anak dito oh! Ako 'yung iniwan, ako itong nasaktan. Anong karapatan niyang magreklamo? Tsaka hindi naman libre ang pagpunta niya dito, may bayad iyon.

"Bwesit!"

"Teka, Almika!"

"Anong kailangan mo na naman? Tapos na, nagtagumpay na si Vandeon. Huwag mo na akong sundan pa!"

"Hindi naman kita sinusundan, gusto lang kita tulungan,"

Tumawa ako ng malakas. "Tulungan? Patawa ka? Ni hindi mo nga kayang tulungan ang sarili mo ibang tao pa kaya? Umuwi ka nalang."

Nagpatuloy muli ako sa paglalakad.

"May kilala akong tao na makakatulong saiyo."

Napahinto ako. "Tama na."

"Tuturuan ka niyang lumaban!"

"Marunong akong lumaban! Hindi ako tanga!" malakas na sigaw ko kasabay nito ang luha na naman na tumulo galing sa mga mata ko.

"Hindi ako mahina..."

"Kaya ko siyang labanan kaso natatakot ako para kay Vandish. I can kill, bastard."

"Hindi mo naman kailangang pumatay. Ipakita mo lang na kaya mo siya, hindi 'yung lagi ka nalang umiiyak kapag kaharap mo si Vandeon. Kapag ganyan ka, iisipin niyang madali ka lang patumbahin. Pinapakita mo sa kanya ang kahinaan mo at iyon ay ang anak mo."

Mariin ko siyang tinitigan. "You're a mother here, Almika. Hahayaan mo nalang ba ang taong iyon na tanggalan ka ng karapatan sa anak mo?"

"No! Anak ko iyon at kukunin ko si Vandish!"

"That's the spirit."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro