Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Riley's POV

"I'm not doing this for my own self Carmela, I need you. Ikaw na lang aasahan ko sa pagkakataon na ito. Can you take care of my son? Promise, after this plan. Tutulungan kitang mahanap ang mag ama mo." binulong ko na 'yung panghuli at mukhang hindi niya naman narinig iyon. Carmela Bleserion is one of the goddesses, I mean one of my friends. She used to come with me all the time since hindi niya maalala sina Alex at the rest na mga kaibigan namin.

May amnesia siya at hanggang ngayon wala parin siyang maalala pero alam kong may asawa at anak siya, ngunit patay na ang lalaking anak niya. At ang mag-ama niya naman ay iniwan siya ng gumising ito sa hospital. Naging kaibigan ko siya dahil kina Penelope pero sa akin lang siya laging lumalapit. Model din ito sa Roswell Company. Sabagay, kung saan-saan naman napupunta itong mukha niya. She's pretty naman kasi.

"Jusko ah! May trabaho ako, Riley. Model ako! Hindi maid!" Umikot ang kanyang mata at sinapak ang sariling noo. Ngumiti naman ako sa kanya at ngumuso na kinataas niya ng kilay.

"Ngayong araw lang naman, titingnan ko pa kung matatanggap ako sa inaaplayan kong trabaho." sagot ko. May nakita kasi akong papel kahapon na nakadikit sa restaurant dyan sa ibaba. Nagka-interes ako kaya't kinagat ko na ang trabaho bilang maging Secretary. Madali lang naman iyon. Tinawagan ko ang number na naroon at babae ang sumagot, sabi niya ngayon daw ang interview at ang boss ko daw ang magi-interview sa akin. Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon kong mag-trabaho bilang Sekretarya.

"Sigurado ka ba riyan? Pwede ka naman maging model ah, gaya ko. Sayang 'yang mukhang iyan, kaya lang maaga kang nagkaroon ng anak."

"Please, babalik din naman ako kaagad, susubukan ko lang naman kung matatangap ako," pakiusao ko pa at inayos ko 'yung dress ko hanggang tuhod na hapit na hapit ito sa beywang ko. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nilagyan ng liptint ang labi ko.

Bumuntong hininga si Carmela at tiningnan niya 'yung anak kong ngayon ay mahimbing parin ang tulog. Maaga kasi ang interview ko ngayon at hindi lang naman daw ako ang mag-aaply, marami pa daw. Kinakabahan ako baka hindi ako matanggap, sa bar talaga bagsak ko nito.

"Your son is handsome, mukhang mayaman din ang ama niya. Bakit hindi mo na lang hanapin ang ama niya? Naamoy kong mayaman ang ama ng batang 'yan. You don't need to work anymore." hindi alam ni Carmela na mayaman ako at sapat na ang pera ko para buhayin ang anak ko. Kilala niya lang ako bilang Riley, wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya ang pagkatao ko dahil 'yon ang gusto ko.

"Nah, no need. Kaya ko namang buhayin ang anak ko sa sariling sikap ko. At isa pa? Hindi ko kilala 'yong ama niya. One night stand lang kasi 'yun." mapait na pahayag ko kahit ang totoo niyan ay kilala ko at naging boyfriend ko pa pero dahil gago siya? Gago talaga siya.

"Hindi libre ito ah. Kailangan may sweldo, kumakayod din ako, Riley. Bayaran mo 'ko."

Tumango ako "Oo naman, wala naman kasing libre sayo."

"Sige na umalis kana!" Pagtataboy nito sa akin. Nginitian ko naman siya tapos humalik ako sa noo ng anak ko. Kaagad akong lumabas ng condo nang makitang mag a-alas syete na. Tinungo ko ang kotse ko sa parking lot tsaka ito pinaandar patungo sa kompanyang aaplyan ko. Hindi naman malayo ang kompanya dahil ilang metro lang ito sa condo namin.

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin baka magmumukha akong engot sa harapan ng boss ko. I need to look presentable, para dagdag points na din iyon sa sarili ko. Nang ma-satisfied na ako sa sarili ko, bumaba ako ng kotse bitbit ang folder na pinadala ni Queenie kahapon galing US. Iba ang pangalan ko rito at mas lalong iba ang mukha ko ngayon, hindi naman nahalata ni Carmela ang mukha ko kasi wala namang pakialam ang babaeng iyon sa ano man ang anyo ko at sa kung sino man ako. Naka-dress ako ngayon ngunit makapal ang make up ko, ang buhok lang ang umiba dahil ganu'n parin, ni hindi ko nga nakilala ang mukha ko eh. Ampangit ko kasi.

Habang naglalakad ako papasok sa kompanya. Maraming mga ulong napapatingin sa gawi ko, ang iba tumatawa pa at ang iba naman batid ang hindi pagkagusto sa mukha ko. Nandidiri pa. Naku, kung alam niyo lang. umirap ako sa kanila, hindi ko sila pinansin, tiningnan ko 'yung papel na hawak ko, nasa 60th floor ang office ang boss ko. Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Ang taas ah. Kakayanin kaya 'to ng powers ko?

This is it, Riley! Kailangan mong maging independent na naman. Back to zero ka na nama alang-alang sa kaligtasan ng anak mo. Nang tumunog na ang elevator, hudyat na nasa 60th floor na ako, lumabas ako.

Nagulat pa ako dahil marami ngang nakapilang mga babae at halos ipakita na nila 'yung suso nila dahil sa damit na suot. Ganu'n ba dapat? Hindi ako na-inform.

Sobrang pupula pa ng mga labi nila na tila pinaghandaan. Saan kayang club ang punta ng mga babaeng ito? Effort na effort pa 'yung pag-curl ng kanilang buhok, pati 'yung mga make up nila pak na pak!

Ako? Ampanget ko.

"Yes, Ma'am? Isa ka rin ba sa mag-aaply ng Secretary ni Sir?" tanong ng isang babaeng mukhang assistant dahil sa suot nitong formal attire.

"Yes po, matagal pa po ba?" nakangiti kong tanong.

"Mukhang oo po dahil andami po nilang nakapila dyan. Actually, isang babae lang 'yung tinawagan ko kahapon, akala ko siya lang ang interviewhin ngayon. Hindi ko alam na madami pala." sabi niya habang dahan-dahang tumitingkayad para makita kung anong kaganapan ang nangyayari sa loob.

"Ah." 'yun lang ang tanging naisagot ko. Hindi na ako nagtanong kung sinong babae iyong nakatawag niya kahapon. Panigiradong nakalimutan niya na, sa dami ba namang mga babae rito.

Akmang uupo na sana ako sa upuan nang may isang babaeng lumabas sa opisina, luhaan siya at halos hindi maipinta ang kanyang mukha. Lahat kami ay napatingin sa gawi niya, anong meron?

May isa na namang lumabas na babae, ito 'yung may malaking boobs. Mahigpit niyang tinakpan ang sarili habang gusot na gusot naman 'yung damit. Tumaas ang kilay ko, unti-unti kong inangat ang ulo para masulyapan ang loob ng opisina kaso...

"All of you, bitches, fvcking get out of my office now! I need a Secretary not a prostitute!" sa lakas ng sigaw ng lalaki, lahat na mga babaeng nakapila agad na tumakbo palayo at halos magkadapa-dapa pa para makaalis.

What the!

Kumunot ang noo ko.

"Mukha wala ka nang kakompetensya, Miss, at mukha ikaw lang ang matinong umaply dito bakas sa ayos mo." Is she insulting me?

Tumikhim ako. "Pwede na bang pumasok?" kasi gusto ko nang umuwi dahil miss na miss ko na ang anak ko.

Kung ano man ang dahilan ng mga babaeng iyon bakit sila umiyak ay wala na akong pakialam. Kailangan ko ang trabahong ito dahil isa ito sa matinong trabaho.

Kumalabog ng malakas ang puso ko, binuksan ko 'yung pinto ng opisina ng may ari ng kompanyang ito. Sumalubong sa akin ang napakatahimik na silid, malamig, sobrang bango pa at ang linis-linis pa.

Tumigil ang mata ko sa isang lalaking tinatambakan ng papel ang kanyang lamesa. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa papel na tambak tambak. Tumikhim ako para mapansin niya, Fvck! Kinakabahan ako!

"I told you, Annie, hindi na ako tumatanggap ng mga basura! Paalisin mo na sila!"

"Ang harsh mo naman, hindi mo pa nga ako nainterview! Sungit naman nito." irap na sagot ko at mabilis akong lumapit sa mesa niya. Tila alam niya namang hindi ako si Annie kayat tumayo ito.

Natatakpan ng katawan niya 'yung liwanag na nanggaling kanina sa bintana na nasa likuran niya.

Sumingap ako. Ang tangkad niya at ang laki ng katawan, tila natatakpan ang sarili ko dahil sa anino niya.

Dahan-dahan kong inangat ang tingin.

"Who are you?" malamig na tanong niya pero bigla akong napaatras nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

Walang iba kundi si KIEFER STAN MONTEFALCO!

Hindi ako makagalaw, tila nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nanlaki pa ang aking mga mata sa gulat. Humakbang siya paalis sa kanyang mesa, mariin niya akong tinapunan ng tingin. Mula ulo hanggang paa. S-Shit! Siya nga! Si Kiefer!

Umatras ako.

"You need to find a job and earn money, Riley!"

Ang salitang iyon ni Queenie ang sumisigaw sa utak ko. Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko. God knows how much I want to punch and kill this asshole in front of me. Kaharap ko ang mamamatay taong si Montefalco. Ang malas malas ko naman oh! 

"Who are you? And why are you still standing there, don't you have mouth?" iritadong tanong nito habang dahan-dahang sumandal sa kanyang mesa. He can't recognize me because of this shitty look, and damn! Bakit ang sexy niya ngayon?

Bullshit, Riley, shut the fvck up.

"Ahm..." pilit kong pinakalma ang sarili baka bigla ko na lang sigawan ang demonyong ito.

"What is your purpose here, woman?" mariing tanong niyang muli. Sa pagkakataon na ito napaharap na ako sa kanya. Hindi niya naman siguro ako makikilala sa anyo kong 'to? .

Tangina lang! Para akong hinahabol ngayon dahil sa lakas ng pintig ng puso ko!

Lumunok ako. Pilit pinapakalma ang sarili.

"Aapply sana ako bilang Secretary mo. Available pa ba?" tila walang pag-alinlangang tanong ko. Kahit kinakabahan ay pinatatag ko parin ang sarili ko.

"Degree you've finished?"

"Business Management."

Umikot ang kanyang mga mata at bumalik siya sa kanyang kinauupuan. Talagang hanggang ngayon bossy parin ang bwesit na ito. Mamamatay tao naman. Nangigigil talaga ako na patayin ang lalaking ito.

"What's your name?"

"I am Althea Crimson." sagot ko. 'Yan ang pangalan ko dito. Magpapanggap ako hanggang sa magkaroon ako ng pagkakataon na patayin ka, Montefalco.

"You're hired, bukas ang umpisa. You can leave."

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis akong lumabas ng opisina niya habang habol na habol ko ang hininga ko. All this time, pinipigilan ko ang sarili kong hininga. Shit! Kailangan ko ng umalis!

"Natanggap ka?" isang lalaking hindi ko kilala. Nakangisi ito sa akin. Ngising may tinatagong sikreto.

"Pakialam mo?" mataray na tanong ko. Tumawa naman siya at umiling sa akin.

Pumasok siya sa opisina ni Kiefer.

Mga baliw!

***
Another kaengotan na naman ng author. Char lang! Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Kung naguguluhan kayo sa story pwede niyo akong I-message dito o sa facebook kong Halila Ella Montague. Lagi akong online dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro