Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28

Riley's POV

Panay irap sa akin si Alexandra habang kaharap namin ang salamin. Ito na kasi ang pagkakataon na maliligo na kami. Actually, nawalan ako ng gana pero mapilit si Alex kaya't heto kami hinuhubad na namin ang roba. Kung ano man 'yong sinabi ni Kiefer kanina dapat ko iyong kalimutan. Mahirap nang umasa, at ano naman ngayon kung may titingin sa akin? Normal lang naman 'yun.

"Woah! Ang kinis at sexy mo! Mygad. Look at your tummy! Gosh! May dalawang abs kapa. I love it." Manghang-mangha si Alex sa katawan ko, ako rin naman namangha sa katawan niya. Hugis na hugis talaga 'yong katawan niya, parang model sa Victoria secret.

"You look great too, Alex." I'm referring to her body. Sabay kaming Humalakhak at lumabas ng banyo. Mukhang nasa teenager pa kami, parang wala pang anak. Well, hindi uso sa amin ang magpaka-stress kahit na stress na stress na.

Habang naglalakad kami sa buhangin papuntang dagat, hindi maiwasan ng mga tao na mapatingin sa gawi naming dalawa. Naka yellow two piece si Alex habang ako naman ay itim.

Tawang-tawa si Alex sa reaksyon ng mga lalaki. Natamaan niya pa nga si Sendrix na laglag ang panga sa asawa pero kinindatan lamang niya ito. Gusto kong tumawa sa reaksyon ni Sendrix, hanggang ngayon ay nanghuhumaling parin siya kay Alex. Well, hirap pakawalan ang isang Montera. Maganda na, matalino at gangster pa. Saan ka hahanap ng ganyan?

Nang marating na namin 'yung dagat, sabay kaming nag-dive ni Alex sa dagat, sumalubong sa amin ang malamig na tubig at nakakagaan sa pakiramdam, mas lalong lumakas nga lang 'yung alon. Sabay kaming umahon ni Alex at nagtawanan na naman. Hindi kalayuan sa amin 'yong mga anak namin, may sarili itong ginagawa kagaya nang pangongolekta ng mga bato, picture picture at kung ano ano pa.

Sinuklay ko ang buhok ko tsaka ako lumangoy muli. Dinadama ko ang alon na tumatama sa katawan ko, minulat ko ang mata ko sa ilalim ng tubig at pinagmasdan 'yung mga iilang bato na nakikita ko sa buhangin. Hindi ininda ang maalat na tubig na pumapasok sa mata ko.

Nang mag-sawa na ako sa kakamulat, umahon ako sa tubig at pinunasan ang mukha ko. Binalingan ko nang tingin ang gawi ni Alex. Nadatnan ko siya sa gilid ko na humalakhak habang kaharutan nito si Sendrix na panay tago sa katawan ni Alex sa tubig.

Natawa ako ng mahina dahil sa dalawa. Possessive Roswell, eh?

Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at akmang lulusong na sana sa tubig nang may brasong humawak sa beywang ko. Napatingala ako sa taong iyon, mukha ni Kiefer ang sumalubong sa akin. Walang pang itaas na damit at mapupungay ang kanyang mga mata.

"What are you doing here?"

"Swimming, isn't obvious?" masungit na sagot nito. Inismiran ko at tinulak siya ng bahagya. Tumawa naman ang loko tsaka hinila ako palusong sa tubig.

Napahiyaw pa ako pero bago pa man ako umahon dumampi na naman 'yong labi ni Kiefer sa akin, kapwa kami naghahabol ng hininga pero tila wala lang iyon kay Kiefer. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa beywang ko na, pinailalim niya bawat haplos ng kanyang halik, habang ang kamay niya na naman ay humahaplos sa aking bewang. Damn it, Kiefer. Lulunurin mo yata ako.

Mahigpit ko siyang hinawakan sa leeg. Mas lalo niyang diniin ang sarili sa akin kayat ang kinalabasan lumitaw kami sa tubig. Nang ma-realized iyon, kaagad naman kaming bumitaw sa isa't isa, kasabay nito ang malakas na tikhim na nanggaling sa kaibigan namin.

"Bro! Masarap ba ang hipon?"

Kumunot ang noo ni Kiefer sa tanong ni Kiro.

Hinawakan ko nang palihim ang labi ko. Pakiramdam ko kasi nagka-pasa iyon dahil sa kakakagat ni Kiefer.

"What?" iritadong bulyaw niya kay Kiro. Humalakhak naman si Sendrix ganu'n din si Alexandra na mukhang na gets niya ang nais iparating ni Kiro, habang kaming dalawa ay walang naiintindihan.

"Dumudugo oh! Mukhang nakagat ng hipon 'yan ah." Buwesit ka talaga, Kiro. Kapag 'di ka talaga tumigil diyan sa kakahipon mo masasapak na kita.

Umirap ako sa kanya at dahan-dahang humarap kay Kiefer subalit nanlaki ang mata ko nang natamaan ko siyang
nakatitig sa labi ko.

"Fvck. Nakagat ko nga."

"Sabi ko na nga ba NAKATIKIM!"

**"*
Oras na nang tulog namin ngayon. Katabi ko sina Peyton, Hanna at Carmela. Nakayakap ako sa bewang ni Peyton habang sinisiksik ko naman ang ulo sa leeg niya. Matagal-tagal na ring hindi ko nakatabi ang anak ko, lagi nalang kasi silang dalawa ni Kiefer eh. Ngayon, ako naman.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko, mukhang ako na lang kasi ang gising. Humihilik na ang mga kasama ko, samantalang ako mulat na mulat parin. Kahit anong gawin kong pikit at pilit sa sarili, nauuwi parin sa mulat ang mata ko.

Inis kong hinawi ang kumot sa aking katawan.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa higaan, at nagpasya na magpahangin muna sa labas. Wala naman sigurong tao sa mga oras na ito, I want to feel the fresh air outside.

Sinuot ko ang jacket ni Kiefer na nakasabit sa aking uluhan. Palinga-linga pa ako sa paligid baka may tao pang gising. Hindi ko lang alam.

Nang wala akong nakita, humakbang ako papuntang cottage namin. Dinama ang malakas na hangin na walang sawang humahaplos sa aking katawan. Tahimik ang buong paligid pwera lamang sa alon ng dagat na nagbibigay musika sa aking tainga. Kahit papaano, hindi ako nag-iisa.

Pinikit ko muli ang mga mata ko. Sinawalang bahala ang lamig ng hangin, alon at katahimikan. Akala ko masosolo ko na ang buong resort ngunit napatigil ako nang may narinig akong yapak sa likuran ko. Papunta sa akin ang kanyang direkasyon.

Hindi ko kilala kung sino ito at imposible namang si Kiefer ito. Alam na alam ko ang amoy ng lalaking iyon, alam na alam ko rin ang mabibigat nitong mga yapak. Except for this person behind me.

"Limang taon akong naghintay sa iyong pagbabalik, Riley. Why took you so long, baby?" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang makilala ang boses na iyon.

Unti-unti kong inangat ang tingin kasabay nito ang gulat sa aking mga mata. It's him, katabi sina Aldie at Queenie na seryoso ang tingin sa akin.

Napalunok ako. Pilit tinatago ang kaba sa aking dibdib.

"What are you guys doing here? What's the meaning of this?" naguguluhan kong tanong. Ang mataray na kilay ni Queenie ay umarko. Akala ko ay tagasilbi ko parin ito ngayon, ngunit hindi na pala.

"Hindi pa ba halata, Riley? Syempre sinusundo ka na namin. Huwag mong sabihing magmamatigas ka na naman?" irap na tanong sa akin ni Queenie ngunit sinamaan ko lang siya ng tingin.

"How dare you talk to me like that. I'm higher than you, Queenie. Watch your words!" galit na usal ko sa kanya tsaka tinaasan siya ng kilay, ganu'n din si Aldie na tahimik lang at wala yatang balak sumawsaw sa awayan namin.

Tiningala ko ang Boss namin. "I'm not yet done here. Hindi ko pa kilala ang taong nasa li—"

"Because you're so weak! Kami pa ang naunang nakaalam nito! At ikaw naman? Walang ginawa kundi humar—" of course, I didn't let her finish her words. This damn bitch.

Hinila ko ang kanyang buhok at sinayad ko sa buhangin ang mukha niya.

"Tapusin mo, Queenie. Hindi ako magdadalawang isip na inudnod 'tong mukha mo sa buhangin hanggang sa mag sawa ako," naramdaman kong gumalaw si Aldie "Dare me too, papatayin kita." sagot ko kay Aldie kayat napaatras ito.

"Ang laging kinakasama mo ay ang puno't-dulo ng mga ito, Riley! Ang mamamatay tao na Montefalco na 'yon! siya ang hinahanap natin!"

Nanlaki ang mata ko kasabay nito ang pagbitaw ko sa buhok ni Queenie.

Humarap ako sa Boss namin. Anong kagagahan 'to? Anong pakulo ito? Kiefer won't do such thing. Yes, he might killed those motherfvckers but he has a reason why he did that!

Bakit mo dinidepensahan si Kiefer, Riley? He's your enemy. Kalaban ng clan. Damn it.

"He's the mastermind, Riley. That Montefalco! He's a beast!"

Nanlumo ako sa kinatatayuan ko kasabay nito ang mainit na likidong dumaloy sa aking pisnge.

"Ngayon mo sabihing hindi ito totoo, Riley. Alam kong may alam ka pero pinili mong magbulag-bulagan. Para ano, Riley? Nahuhulog ka na ba sa mamamatay tao na iyon?"

"Isa pang mamamatay tao, Queenie, sa hukay ang bagsak mo."

Pinunasan ko ang luha ko at walang emosyong humakbang, palayo sa kanila. 

***

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

The edited version of BS01 is now available on facebook(Chamyxoxox's Updates)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro