Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Carmela's POV

Kahit kailan talaga napakatigas ng ulo ng babaeng 'yon! Alam ko namang malakas siya. Kaya niyang pumatay ng tao este kaya niyang protektahan 'yung anak niya, kaya lang hindi naman sa lahat ng bagay kaya niya lahat 'yun. Mag isa lang siya, marami ang kalaban. Palibhasa kasi gusto niyang maging independent, gusto niyang akuin lahat ng problema. Kaya heto siya ngayon? Takbo at pagtatago na lang ang tanging plano niya. Wala rin naman siyang mga tauhan dito, nasa US lahat. Shuta talaga.

Bumuntong hininga ako tsaka nilabas ang cellphone mula aking bulsa upang tawagan ang kompanya ni Mr. Montefalco. May trabaho nga sana ako ngayon pero dahil sa balitang kumalat na parang piste, ito ako ngayon tinutulungan siya. Wala namang kwenta.

Walang sumagot sa tawag ko kaya naman tinigil ko na. Papasok na sana ako sa loob ng condo ni Riley nang may napansin akong mamahaling sasakyang pumarada sa parking space. Kumunot ang noo ko kasabay nito ang pagsulputan ng mga taong may malalaking pangangatawan. Ang isang gwardiya ay kinausap 'yung Manager, habang 'yung iba naman ay nakatunganga lang.

Umawang ang labi ko kasabay nito ang lalaking lumabas mula sa kotse. Sa pagkakataon na ito nalaglag ang panga ko. Wala sa akin ang atensyon, nasa papalayong kotse nina Riley ang tingin niya. Hindi kaya'y alam niya na? Pero paano?

"Riley Sariah Ladeo." mahinang bulong ng babaeng staff. Pinandilitan ko siya ng mata ngunit tumingin si Mr. Montefalco kaya't nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Shit! Tumatayo ang balahibo ko dahil sa presensya niya.

"Ka-kaalis lang po nila Sir, eh hindi niyo po naabutan." tila nawalan ako ng dugo nang tuluyan na ngang sinabi ng babae ang gustong marinig ni Kiefer.

"Sila? Who's with her?" Kunot noong tanong ni Mr. Montefalco, habang ako naman gusto nang tumakbo. Makalayo lang sa lalaking 'to. Jusko! Pinag pawisan ako.

"H..Hey, Miss! Kukunin ko lang 'yung gamit ko sa itaas. Aalis na kasi ako." pekeng ngiti ang ginawad ko. Tumango naman ang babae pero bakas sa mukha niya ang kaba at takot. Malamang kaharap niya si Mr. Montefalco. Sinong hindi matatakot, aber? Mukha ngang maiihi na ako sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto kong umalis!

"Sinabi ko bang aalis ka?" malamig na tanong ni Kiefer. Umikot ang mata ko. Ako ba kausap niya?

"Saan dadalhin ni Riley ang anak ko, Ms. Bleserion?" matigas at buong sambit nito. Pumikit ako ng mariin, kinakalma ang sarili, baka bigla akong mahimatay sa kaba.

Hinarap ko siya. Napalunok kaagad nang makita ang buong mukha niya. Walang emosyon, nakakatakot. Madilim ang mga mata na tila ba nagsasabi na isang pagkakamali, patay kaagad.

"I-I dont know! She didn't tell me!" tangina. Tumama ang mata ko sa kanyang dalawang mata. Isang pagkakamali iyon dahil mas lalong bumalot ang kaba sa aking dibdib.

"I hate liars. Take her, igapos."

"What?! No!"

Mabilis akong umangal, pilit inaabot ang kamay ng babae ngunit isang malakas na putok ng baril ang namayani sa buong lugar na nagsanhi ng pagkagulat ko. Nakita kong nanginginig na rin 'yong babae sa takot. Umiiwas sa mga tauhan ni Kiefer Montefalco. Damn it!

Nagkagulo na!

"Huwag kayong lumapit sa akin!" sigaw ko at umatras para ambang tatakbo na sana ngunit nahuli niya ako. Ginapos ang  dalawang kamay ko. Ugh!

"Ano ba! Pakawalan niyo ko!"

"I'll set you free if you tell me the truth!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang sarap niyang duraan sa mukha!

"Tama ang desisyon ni Riley na layuan ka!"

Hinuli niya ang panga ko. Isang demonyong ngisi ang sumilay sa kanyang labi.

"Mas importante pa ang buhay nila kaysa sa buhay mo, huh?"

"Bitawan mo ako! Hinding-hindi mo sila makukuha! Hayop k—"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko; sinampal niya ako gamit ang baril na naging dahilan kung bakit unti-unting agad nanlalabo ang aking mga mata. Sobrang lakas nun, tila pinunit ang mukha ko. Napaka-demonyo!

"H-How dar..."

"Ilibing ng buhay."

***

Riley's POV

Tumigil muna kami ng anak ko sa isang karenderya. Sinuyod ko pa ang buong paligid baka may media or may nagmamasid. Nang masiguro ko nang walang tao, tumango ako kay Peyton at sabay kaming lumabas ng kotse, hawak  ang kamay niya. Lumapit ako sa tindera, bawat kaldero ay binuksan ko, wala pa kasi kaming kain Sigurado akong kanina pa nagugutom itong anak ko.

"Magandang umaga, Ma'am! Ano po sa inyo?" magalang na bati ng tindera. Ngumiti lang ako sa kanya at tinuro ko 'yung ulam na gusto namin.

"Kanin din po." sabi ko. Tumango naman siya at kaagad na sinunod 'yung gusto ko. Tinitigan pa nga ako nito ng malalim pati ang anak ko. Bahagya akong lumayo sa kanya. Nilahad niya 'yung ulam namin ganu'n din 'yung kanin. Nag pasya kami ni Peyton na rito na lang kumain since hindi naman kami magtatagal dito at mas lalong wala naman sigurong makakilala sa amin. Ni hindi nga namin nakilala 'yung sarili namin eh.

"What is this, mom?" Turo ni Peyton sa sinigang baka. Mabilis namang umikot ang leeg ng tindera at tumingin sa gawi namin. Umirap lamang ako. Ang chismosa ng mga 'to.

"Sinigang na baka, Peyton." sagot ko. Sinalinan ko na ang plato niya ng kanin at sabaw. Hindi naman siya umangal, bagkus tinanggap niya 'yung nilagay ko at nagsimula na itong kumain. Nagsalin na din ako ng tubig sa baso.

Ni-check ko phone ko kung anong oras na. Napasinghap ako, oras na nang pasok ko sa kompanya ni Kiefer. But since nag-resign na nga ako, bahala na siya sa buhay niya. Kailangan naming lumayo sa mula sa kanya.

"Why are they staring at us, mommy?" Baling ni Peyton sa akin. Kunot ang noo nito at tila hindi nagustuhan 'yung mga taong panay kung tumitig sa amin.

"Gwapong bata ano?"

"Maganda rin naman ang nanay niya, mukhang amerikana dahil sa mata."

"Kaya nga, sobrang puti pa! Jusko! Mayaman pa!"

"Tumahimik ka nga, Lucy! Mag-trabaho ka na."

"Pero, ate! Pag laki ko gusto ko jowain 'yang batang 'yan. Ang gwapo eh anak mayaman."

"Tumigil ka nga dyan sa mga pantasya mo sa buhay, ang tanda tanda mo na! May pa laki laki ka pang sinasabi."

"Eh kasi naman eh! Kainis! Bakit ang tanda tanda ko na ngayon. Isa pa bakit ngayon lang dumating ang batang 'yan, ayan tuloy. Nahuli ako."

"Mag trabaho kana, may kostumer tayong bago oh, naka-sasakyan na ngayon."

"Ay teka! Te! Ang gara ng sasakyan! Bakit tayo pinalilibutan ng mga mayayaman ngayon? Jusko! Wait! Bodyguards? Teeeee! Ang gwapo!"

Todo irap ako dahil sa mga naririnig kong chismisan. Kumuha ako ng tissue sa bag ko at pinunasan ko ang labi ni Peyton tsaka pinainom ng tubig.

"Are you done?" I asked softly at him. Tumango siya. Ngumiti ako tsaka naglahad ng kamay sa kanya para umalis. Pero bago 'yun, mag-babayad muna ako.

"Miss!" tawag ko sa isang batang babae na mukhang nasa 15 years old. Humarap siya sa akin tsaka ngumiti.

"Aalis na po kay, Ma'am?" tanong niya at panay tingin sa likuran niya. Namumula din ang pisnge niya. Problema niya?

"Oo, magkano lahat babayaran ko?"

"250 lang, Ma'am."

Nag labas ako ng pera sa wallet ko, nilahad ko iyon sa kanya.

"Salamat, Ma'am. Babye po!" paalam nito.

Humarap ako kay Peyton ngunit ibang tao ang nakita ko. Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa taong nakatayo sa harapan namin. Sobrang tangkad niya kaya't mapapaangat ka talaga ng tingin.

Nagtagpo ang mga mata namin ni...KIEFER?! Holy shit!

Dahil sa gulat, napaatras ako at mabilis na hinuli ang kamay ni Peyton. Sinuri ko pa ang mga mukha namin kung may mali ba or medyo halata na 'yung make over namin pero hindi naman. Shit! Shit!

Yumuko ako. "Padaan." mariin kong sabi. Kita ko naman ang pagtagis ng bagang nito. Namumungay din ang kanyang mala-dagat na mga mata. Pilit ko namang iniiwas ang tingin ko kaya lang hindi ko kaya.

"Ay, Sir! Magandang umaga! Dyan po ba kayo uupo?" bungisngis no'ng babae kay Kiefer. Pero mukhang walang narinig si Kiefer. Nasa akin at sa anak ko ang tingin niya.

Langya talaga! Nararamdaman ko na ang unti-unting pagtibok ng puso ko!

Lumunok ako. Dahan-dahan kong hinarap ang anak ko. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari, nakatingin lang siya sa akin. Naghihintay.

"Baby, naiihi na si mommy. Let's go?" hilaw na ngiti ang ginawad ko sa kanya. Iniiwasan parin ang mariin na titig sa amin ni Kiefer. Kaharap na nito ang babae pero tila nanigas yata ito sa amin.

Tumawa ng mahina si Peyton at hinila niya ako palayo kay Kiefer. Good job, baby!

"May cr po ba rito, mommy?"

"Sa tingin ko naman wala, anak, alis na lang tayo. Mauna kana sa kotse, okay?" sabi ko sa kanya. Binitawan niya naman ako at pumasok na siya sa kotse.

Binuksan ko ang driver seat at akma na sanang papasok nang biglang may marahas na humila sa braso ko. Mabilis naman akong napalingon sa taong humila sa akin.

Nag aapoy at nagliliyab sa galit na mga mata ni Kiefer ang bumungad sa akin.

Nanlaki ang mata ko panandalian at tumikhim.

"What do you want, Mister?" garagal na tanong ko. Pilit iniiwasan ang kaba at pagkautal.

"Are you resigning?"

"Ah, yes! Yes Sir ! Mag-bobonding pa kasi kami ng anak ko! Ge, Sir, bye!"
Natataranta kong sagot at mabilis akong pumasok sa kotse pero bago ko pa man ito maisara nang tuluyan iyon? Narinig ko ang sinabi niya sanhi nang pagtaas ng balahibo ko aa katawan. 

"Nice to see you again, Riley. Behind those fvcking make over of yours? I know it was you. You can't fool me."

"You want to play? Let's play, baby. Hide and seek."

Laglag panga.

****
So guys! Hanggang dyan muna ang update ko. Leave a comment and also vote this chapter. Thank you❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro