Chapter 35
CHAPTER 35
Nilaro-laro ko ang maliit na kamay ni Kaizer na ngayon ay nakakandong sa 'king mga hita habang nakaupo sa sofa. Nababahala akong makita ako ni Sigorio, hindi pa maganda ang pinagsamahan namin no'ng huli naming kita.
“Love mo si Papa, anak?” malambing kong tanong kay Kaizer, natawa naman sa kabila si Kestrel sa inasta.
Inosente naman akong inangat ng tingin ni Kaizer. “Love kita, Papa.” Bumalik ang kan'yang tingin sa kamay kong nakahawak sa kan'ya.
Pinanggigilan ko naman ang kan'yang katawan sa pagyakap. “Pasensya kung ngayon lang ako, anak.” Bigla naman lumungkot ang nararamdaman ko ngayon, may dahilan naman ang lahat.
Hinawakan ako ni Kestrel sa balikat na ikinatingin ko sa kan'ya. Ngumiti s'ya para pagaanin ang aking loob. “Naiintindihan naman n'ya ang sitwasyon natin, Way. H'wag mong sisihin ang iyong sarili, ah?”
Tumango na lang ako at hinila s'ya para yakapin. “Nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan mo ako ng anak.” Humiwalay ako sa kan'ya pero nanatili pa rin ang aking kamay sa kan'yang beywang.
Kita ang pamumula ng kan'yang mukha, ngumiti ng makahulugan sa 'kin. “Sasabihin ko 'bang you're welcome?” tanong pa n'ya.
Natawa na lang kami at sinulit ang araw na magkasama kami. Matagal ko nang pinapangarap na magkapamilya, lalong lalo na at si Kestrel ang magiging anak sa mga anak ko.
Nakipaglaro ako kay Kaizer sa sahig ng sala. Marami rin pala s'yang laruan, sa susunod bibigyan ko s'ya ng iba 'pang laruan na hindi pa n'ya nabibili.
Kailangan ko na sigurong magpurisige pa sa pagtatarbaho gayong may anak akong binubuhay, kasama na si Kestrel at mga kapatid ko.
Kahit may bagong pamilya ako ay hindi ko naman pababayaan ang aking mga kapatid. Pwede naman kaming magsama sa iisang bubong ng bahay. May bahay pa naman ako pinapatayo sa gitna ng gubat na medyo malapit sa lawa na pinupuntahan namin ni Kestrel.
Nasa kalagitnaan kaming naglalaro ng aking anak nang biglang magsalita si Kestrel.
“Papa,” tawag n'ya, tumingin ako sa kan'ya at nakitang nakatingin s'ya sa pintuan ng kanilang bahay.
Mabilis akong napatayo sa pagkakaupo sa sahig at nilapitan si Kestrel para sabay naming harapin ang kan'yang ama. Natatakot ako sa posibilidad na mangyari sa 'min pero kailangan kong harapin ang lahat.
Mukhang inaasahan n'ya akong makita ngayon, hindi man lang s'ya nagalit o ano sa 'kin basta nakatingin lang ng diretso sa 'king mata.
“Sumama ka sa 'kin, hijo.” Medyo nagulat pa ako sa malumanay n'yang boses, baka mamaya suntukin ako nito.
Hirap kong nilunok ang sariling laway, tumingin ako kay Kestrel nang ilingan n'ya ako. Parang wala s'yang tiwala sa kan'yang ama, ah.
“Sasama ako, Pa!” diing sambit ni Kestrel pero inilingan s'ya ni Sigorio.
“Usapang lalaki 'to, Kestrel kaya kami muna ni Wayzer, okay?” Pilit na pinapaintindi na kami muna.
Hinawakan ko ang pisngi ni Kestrel at pinaharap sa 'kin. “Babalik ako, okay? 'Di naman ako papayag na mahiwalay ulit tayo.” Paniniguro ko sa kan'ya.
Alanganin pa s'ya kung papayag ba pero wala na ring nagawa at sumang-ayon na lang sa sinabi ko.
Sinenyasan ako ni Sigorio na sumunod sa kan'ya na kaagad ko namang ginawa. Tumungo kami sa kanilang kusina.
Inilibot ko ang loob ng kanilang kusina. 'Di na ako magtataka kung bakit ayaw n'ya sa 'kin noon. Mayaman sila at halata sa engrande nilang bahay, pati kusina mamahalin.
Ayaw n'yang masayang ang kanilang hirap kaya gusto n'yang ipakasal si Kestrel sa mayaman na lalaki. Dahil sa mahirap ako, ayaw n'ya ako para sa kan'yang anak.
Nakaupo ngayon si Sigorio sa harapan ng hapag-kainan habang may hawak-hawak na wine glass. Tinuro n'ya ang katabi n'yang upuan at nakuha ko naman ang ibig n'yang sabihin.
Umupo ako sa kan'yang tabi. S'ya pa mismo ang kumuha ng wine glass at sinalinan ako ng wine bago tinulak papalapit sa 'kin.
“Uminom ka muna.” Nilagok n'ya ang kan'yang wine at pabagsak na nilapag sa lamesa. “Balita ko naging successful 'kang engineer at CEO ng company.”
'Di ko alam kung ano ang pinupunto n'ya, tumango na lang ako. “Nagtarbaho ako sa Manila, sa kakilala ng aking yumaong ama.” Hindi ako makatingin sa kan'ya, hindi ko alam kung ano ang iniisip n'ya ngayon.
Tumango-tango s'ya at kumuha ulit ng panibagong wine. “'Di man halata sa 'king mukha pero masaya ako sa malayo mong narating.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti s'ya sa 'kin.
Guminhawa naman ang pakiramdam ko sa pinakita n'ya. “Maraming salamat,” pasasalamat ko.
Tinabingi n'ya ang kan'yang ulo at pinaninkitan ng mata. Bigla naman akong nabahala sa kan'yang tingin.
“May nangyari pala sa inyo ng aking anak nakaraang apat na taon.” Hindi pagtataka sa tanong kundi pahayag n'ya. “Hindi ko inaasahan na magkakaroon kayo ng anak. Binalaan pa naman kita noon na hindi ka na lalapit pa kay Kestrel.”
Natahimik ako sandali nang humagalpak s'ya ng tawa. Napangiwi ako sa una at nagsalita.
“Mahal ko po s'ya at mahal n'ya ako kaya pasensya na kung 'di namin na pigilan. Hindi ako nagsisi na may nangyari sa 'min,” diretso kong sambit na mas lalo n'yang ikinatawa.
Naalarma naman ako nang lumapit s'ya sa 'kin, 'yon pala'y tinapik lamang ang aking balikat at bumalik sa pagkakasandig sa kan'yang upuan.
“Tunay nga'ng walang makakatibag sa pagmamahalan ng dalawang tao.” Umiling-iling s'ya sa kawalan. “Hindi na ako hahadlang dahil alam kong aalagaan mo naman ang aking anak. Pasensya na sa nangyari sa 'tin noon, gusto ko lang bigyan s'ya ng marangyang buhay.”
Naintindihan ko s'ya, walang ama na ayaw na magkaroon ng marangyang buhay ang kan'yang anak. Ginagawa lamang n'ya ang lahat para maging maayos ang lahat. Tunay nga'ng walang pamilya na hindi natitiis ang kan'yang anak.
~•~•~•~
“Dito ako nakatira, anak kasama ang mga Tito't Tita mo,” kuwento ko sa aking anak habang ginagaya s'yang pumasok sa munting bahay namin.
Tahimik lang naman s'yang nakahawak sa 'king kamay na hila-hila ko papuntang sofa kasama si Kestrel. Baka magtampo dahil sa anak lang ang atensiyon ko kanina. Selosa talaga.
Nilibot n'ya ang kan'yang tingin sa buong bahay. “Dito ako tulog, Pa,” sambit n'ya at tinignan ako na para 'bang nakikiusap.
Tinignan ko naman si Kestrel at tanging kibat-balikat ang kan'yang tinugon. Iba na tuloy ang iniisip ko ngayon kung dito sila matutulog.
Pinaupo ko muna sila sa sofa at kumaripas ng takbo sa kusina para magluto ng ulam. Ayos pa naman ang kanin kaya ulam na lang ang lulutuin ko.
Adobong manok ang niluto ko. Matapos kong maisara ang takip ng kaldero ay kasabay ng pagyakap ng kung sino banda sa 'king likuran.
Bigla na lang tumaas ang sulok ng akong labi at pumihit paharap sa kan'ya. “Miss mo kaagad ako?” mapaglarong tanong ko.
'Di s'ya nagbigay komento at niyakap lamang ako ng mahigpit. Lumambot naman loob ko at niyakap din s'ya.
“Akala ko talaga ano na ang nangyari sa inyo ni Papa. Ang tagal n'yo sa kusina!” reklamo pa n'ya at tiningala ako.
Hinimas ko ang kan'yang buhok at ngitian s'ya. “Gaya nga sa sinabi ko, hindi tayo maghihiwalay,” pagaan ko sa kan'yang loob. “May kaya na ako kaya... Kaya ko kayong buhayin. Papayag ka 'bang makitira sa iisang bubong sa 'kin?”
Sandali s'yang nag-isip bago tumango ng maraming beses. “Syempre magkakapamilya na tayo. Pagawa tayo bahay para sa 'tin, okay?”
Hinalikan ko s'ya ng mabilis sa labi. “May bahay na tayong nakatayo sa gubat, Madam.” Natawa s'ya sa huling sinambit ko.
Dati madam ang tawag ko sa kan'ya dahil isa s'ya sa boss ko. Ngayon ako na naman ang boss sa amin.
Dumating ang mga kapatid ko at gulat pa nga sa nalamang may anak na ako at magkakaroon na dila ng pamangkin.
Sabay kaming kumain sa maliit na hapag-kainan. Parang naulit lang 'yong dati pero ngayon may kasama na kaming bugwit.
Natapos ang hapunan namin ay nag-aya ang mga kapatid ko na makipaglaro kay Kaizer. Pumayag naman kaagad ako para masolo si Kestrel sa likuran ng bahay namin, wala naman sigurong mangyayari.
Nakahiga ako ngayon sa duyan habang yakap-yakap s'ya sa aking tabi. Hindi naman mapuputol ang sinasakyan namin dahil matibay pa naman, ako lang yata ang mabigat sa 'ming dalawa.
“Ibig sabihin na ba nito, Kestrel hindi na mabubunyag ang ating relasyon? Tayo na ulit?” desperado kong tanong sa kan'ya at bumaba ng tingin.
Inangat n'ya ang tingin sa 'kin para makita ako. Ngumiti s'ya ng matamis-tamis dahilan para mahulog ulit ako ng paulit-ulit sa kan'ya.
“Hindi na tayo maghihiwalay. Nasiayos na natin ang problema natin kaya wala na tayong aalahanin pa. Gusto ko na lang matali sa 'yo, Wayzer.” Isinandig n'ya ang kan'yang ulo sa 'king dibdib.
“Edi, pakasalan mo ako,” walang paligoy-ligoy kong suwestiyon sa kan'ya.
Natawa s'ya ng bahagya. “Bumili ka muna ng singsing.”
Ngising kinuha ko ang singsing sa 'king kamay na gawa sa sirang wire. Kinuha ko ang kan'yang kamay at isinilid sa kan'yang pala-singsingan na kamay ang singsing.
Napasinghap s'ya at tinignan ng maigi ang singsing. “'Di mo man lang ako tinanong kung payag na ba akong magpakasal!” histerikal n'yang sambit at hinampas ako ng mahina sa braso.
Natawa ako ng mahina at niyakap s'ya ng mahigpit habang nakatingin sa maulap na kalangitan.
“Ayaw kong tanggihan mo ako kaya mas mabuting pwersahin na lang kitang magpakasal sa 'kin. Wala ka ng takas sa 'kin, Madam.”
Alam kong marami 'pang pagsubok na dadating sa 'min at hindi ko hahayaang maapektuhan ang aming relasyon. S'ya'y para sa 'kin at ako para sa kan'ya. Hindi ko hahayaan ulit na mabuwag ang nakatali sa 'ming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro