
Chapter 34
CHAPTER 34
“Natandaan mo pa ba na pumupunta tayo rito?” ngiting tanong ko habang hawak-hawak ang kan'yang kamay at kasabay ng pagbaybay namin ng daan patungo sa gitna ng lawa.
“Oo naman.” Bahid sa kan'yang boses ang saya, inililibot n'ya ang kan'yang paningin sa bawat tabi ng gubat.
Mas lalong nagsitaasan ang mga damo, halatang walang nag-aalaga. Wala naman kasing tao na nagtangkang tumungo rito. Hanggang ngayon ba naman naniniwala pa rin sila sa engkanto.
Hinampas ko ng tabak ang bawat puno at dahon na humaharang sa 'min. Hindi ko pa rin binibitawan ang kan'yang hanggang sa tumigil ako sa paglakad, gano'n din s'ya.
Akala ko mabahong amoy ang sasalubong sa 'kin, 'di ko inaasahang sa kabila ng nagdadamihang dahon na nalalaglag sa lupa ay kasing amoy ng bulaklak pa rin ang nasa paligid ko.
Kaya ko naman linisan ito, ang importante hindi mabaho at bakas pa rin ang malinis na damo at lawa.
Napabitaw si Kestrel sa 'king hawak at ilang hakbang na ginawad hanggang sa makarating s'ya sa harapan ng lawa. Hinayaan ko muna s'ya at nagsimula nang maglinis.
Iginilid ko lamang ang mga dahon sa tabi bago nilatag ang sapin na dala-dala ko sa damo. Tapos ko nang putulin ang mga damo kaya maiksi na ngayon.
May dala kaming damit kung sakaling maisip naming maligo. Pero ang sadya lang talaga namin dito ay para mag-usap.
Ayos lang naman sana na h'wag na naming balikan pa ang nakaraan at hayaan na lang na nasa ganito kaming sitwasyon. Hindi kasi mapapanatag ang aking loob kung hindi ko malaman ang dahilan n'ya noon.
Umupo ako sa sapin bago ko naramdamang umupo na rin si Kestrel sa 'king tabi. 'Di ko man lang napansin ang kan'yang presensiya.
Humiga ako sa kan'yang hita habang hawak ang kan'yang kamay na nasa dibdib ko. Inaabangan ko s'ya na sabihin na sa 'kin ang lahat.
Bumuga muna s'ya ng malalim na hininga saka ako diretso na tinitigan sa mata. “Naalala mo ba no'ng araw na sinabi ko sa 'yong buntis ako?” Paalala n'ya at tumango naman ako. “Totoo 'yong sinabi ko.”
Gulat na napaupo ako mula sa pagkakahiga sa kan'yang hita. Iba ang tibok ng aking puso, tila ba naghahabulan sa sobrang kaba na nararamdaman.
“A-Anong ibig mong sabihin?” 'Di ko na alam ang sasabihin ko kundi ito na lang. Gusto kong malaman kung sino ang Ama!
Alanganin pa s'yang nakatingin sa 'kin pero nagawa naman n'yang banggitin ang bumabagabag ngayon sa 'king isipan. “Ikaw ang Ama. Ikaw ang nakauna sa 'kin kaya sigurado akong ikaw ang nakabuntis sa 'kin.”
Hinawakan ko ang kan'yang kamay at bahagyang pinisil ito. Hindi ko alam na pwede pala pagsabayin ang takot, pangamba at saya sa nararamdaman ko ngayon. Takot at pangamba na inaakala kong ibang lalaki ang nakabuntis sa kan'ya. Saya dahil ako lang naman pala.
“N-Nandito ba s'ya? Babae ba o lalaki?” ngiti kong tanong at inaabangan ang susunod n'yang sasabihin.
“H-Hindi ka galit?” Tila nakahinga s'ya ng maluwag. “Lalaki ang anak natin.” Anak ko, anak naming dalawa.
'Di ko mapigilan ang namumuo sa 'king dibdib at bumuhos ang aking luha sa mga mata. Taranta tuloy ang mahal ko kung papahidan ba n'ya ang aking pisngi o yayakapin kaya ako na mismo ang unang yumakap sa kan'ya.
“Ang anak natin,” iyak kong sambit, sininghot ko ang amoy n'ya sa leeg at mas lalong niyakap s'ya ng mahigpit. “Hindi ako galit, ayos na iyon kaysa naman na malaman kong ibang lalaki ang nakabuntis sa 'yo.” Napamura tuloy ako sa sobrang saya. “Mahal na mahal kita, Kestrel.”
Ilang minuto kaming nag-iiyakan habang kinukuwento n'ya sa 'kin kung bakit kinakailangan n'yang itago sa 'kin ang anak ko. Naiintindihan ko basta ipaintindi lang n'ya sa 'kin.
Kukunin daw ni Lorenzo ang share ng kompanya ng Ama ni Kestrel kung hindi ito magpapakasal sa kan'ya. Hindi pala alam ng kan'yang Ama na may masamang binabalak ang lalaking iyon.
Hindi sinabi ni Kestrel ang balak ni Lorenzo sa kan'yang Ama at pumayag lamang sa usapan nilang magpapakasal sila, kapalit ang kompanya na matagal nang pinapalago ng kan'yang Ama.
Ilang taon na raw nalaman ni Sigorio tungkol sa binabalak ni Lorenzo kaya naman inunahan n'yang pabagsakin ang kompanya nito hanggang sa nakipaghiwalay na si Kestrel sa lalaking iyon. Wala nang dahilan pa para manatili sa kasal dahil naayos na ng kan'yang Ama ang lahat.
Hinanap n'ya ako pero hindi sinabi ng mga kaibigan ko kung nasa'n ako. 'Di naman ako pwedeng magalit sa kanila dahil ako mismo ang nagsabing h'wag ipagsabi kung nasa'n ako.
Tanggap na raw sana ako ng kan'yang Ama nang malaman na buntis s'ya ngunit no'ng una nagalit pa ito pero kalaunan tinanggap na lang ang lahat.
Ibig pala sabihin, pwede na kami mamuhay ng payapa ni Kestrel? 'Di ako makapaniwala sa kan'yang sinabi.
Ngayon naliwanagan na ako sa lahat. Ang tanging susunod kong gagawin ngayon ay makausap ang kan'yang pamilya. Gusto kong maging legal ang aming relasyon at mahingi na rin ang kan'yang kamay.
Akala ko hindi ko na s'ya maikakasal pa dahil kinasal na s'ya, mismo pa sa ibang bansa. Sobrang tuwa ko naman na divorce na sila at matagal na.
“Nasa bahay ang anak natin. Pupunta tayo ro'n,” wika n'ya at hinalikan ako sa pisngi.
Hinawakan ko naman ang kan'yang pisngi at pinagdikit ang aming noo. “Hindi na ako makapaghintay na makita ang anak natin.” Ngiti ko pa.
Ang bilis ng panahon. May naiwan pala akong anak. Sa kabilang banda, sana sinabi ni Kestrel na ako ang ama. Naghihinayang din ako sa panahon na sinayang ko, sana naalagaan ko s'ya no'ng pinagbubuntis pa lang n'ya ang aming anak.
Hindi na dapat ako magalit, ang importante may anak kami. Hinihiling ko pa nga noon na mabuntis s'ya para may dahilan upang bumalik ako sa kan'ya. Ngayon na nagkatotoo at nalaman ko rin na mahal n'ya pa rin ako na 'di nagbago ay sobra pa sa saya ang nararamdaman ko.
~•~•~•
“HINDI naman nagtatampo sa 'yo si Kaizer.” Hinimas-himas n'ya ang aking braso para pakalmahin ang loob ko.
Mahigpit akong kumapit sa kan'ya. Palipat-lipat ang tingin sa bahay nila at sa labas, parang gusto ko na lang umalis pero hindi ko naman sasayangin ang pagkakataon na ito.
Bahala akong tumingin sa kan'ya nang hilahin n'ya ako papunta sa loob ng kanilang bahay.
“Kaizer pangalan n'ya?” tanong ko.
Ngiting tumango s'ya. “H'wag ka nang kabahan kasi.”
Pinigilan kong hilahin n'ya ako sa kung saang sulok ng kanilang bahay. Natatakot ako na baka malayo 'yong loob ng aking anak sa 'kin. Baka hindi ko mapigilan at maiyak ako.
“B-Baka kas—”
“Magtiwala ka sa 'kin, Way. Matagal ka na n'yang gustong makita,” putol n'ya sa sasabihin ko.
Makikipagtalo pa sana ako sa kan'ya nang biglang may sumigaw. Napatingin ako sa kanilang sala at nakitang patakbong sinalubong kami ng batang lalaki.
Naistatwa lamang ako sa aking kinatatayuan at tila ba walang balak na gumalaw. Ang anak ko...
Masigla at sabik n'ya akong niyakap sa beywang nang makalapit s'ya. Hindi pa ako sa tamang pag-iisip no'ng una pero kalaunan ay mabilis s'yang kinabig papalapit pa lalo sa 'kin at niyakap ng mahigpit.
Umiiyak ako habang yakap-yakap ang kan'yang maliit na katawan. Ang laki na n'ya, ang lalaki ko...
Humiwalay ako ng ilang pulgada sa kan'ya at sinuri ang kan'yang kabuuhan. Hindi ako magdududang hindi ko 'to anak, halata namang anak ko 'to dahil kamukhang-kamukha ko s'ya. Parang pinagbiyak lang kami.
“P-Papa,” una n'yang sambit na mas lalong ikinaiyak ko sa tuwa.
Tumango-tango ako habang hinihimas ang kan'yang pisngi na kasing puti ni Kestrel. Halatang alagang-alaga ng kan'yang Ina.
“Ako nga Papa mo, anak.” Mabilis kong pinunasan ang aking luha nang makitang nakatingin s'ya sa mata ko.
“Dumating ka.” Malambing n'ya akong niyakap, halos pisilin ko na ang kan'yang katawan sa sobrang tuwa ko.
Sa kalagitnaan kami sa pagkakayakap nang maramdaman ang bisig ni Kestrel. Hinila ko pa s'ya lalo sa 'kin at pareho silang niyakap. Isang pamilya kami ngayon, matatawag ko na silang pamilya.
'Di talaga ako handa na maging ama kaagad sa mabilis na panahon pero para sa anak at mahal ko, aking kakayanin na itayo ang aming pamilya. Isang malaking blessing ito sa 'kin kaya hindi ko tatanggihan ang pagkakataon na makapiling sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro