Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

CHAPTER 26

Hindi ko alam kung pakikisamahan ko pa ba si Kestrel pati ang nobyo n'ya ngayon. Kahit gusto kong umalis sa site ay wala akong magawa. Labas sa tarbaho ang personal na bagay na mero'n kami ngayon.

Palagi silang nandito sa site. Kadalasan nagtatawanan at mukhang masaya nga naman si Kestrel sa kan'ya.

Sasabihin kong panatag na akong masaya si Kestrel kahit hindi ako ang dahilan, pero niloloko ko lang ang sarili ko, eh. 'Di ko pa rin matanggal sa sistema kong gusto ko pa 'rin na bumalik kami sa dati at umaasang may pag-asa ako.

Ganito pala magmahal, masaya pero masakit din pala. Kung gaano kasaya no'ng naging kami, gano'n din kasakit nang magkalabuan at nagkaroon s'ya ng iba.

Konting kirot lang naman ang nasa dibdib ko nang malaman na may una s'yang minahal bago ako. Pero hindi ko inaakalang pupunitin pa masyado ang dibdib ko nang malamang pampalipas oras lang ako.


Maraming babaeng umaasa sa 'kin pero binaliwala ko dahil hindi sila 'yong hinahanap kong makakasama sa aking pagtanda. Pero ro'n pa ako nahulog sa babaeng hindi naman talaga ako gusto. Malas ko ba?

Wala talaga akong gana sa araw-araw na humihinga ako, minsan gusto ko na lang din mapag-isa pero hindi pwede.

Gaya ng dati kong gawi, umasta ako na parang walang nangyari kahit 'yong totoo ay sariwa pa rin ang lahat na nangyari sa 'min.

Maglalakad na sana ako sa tulay nang makitang papasalubong si Kestrel... Kasama na naman ang kan'yang nobyo.

Minsan nakakalimutan kong wala na pala kami, minsan kasi iniisip ko 'pang may mero'n 'pang natitira pero ubos na pala.

Napahinto ako sa paglalakad habang tuloy-tuloy sila sa paglakad hanggang sa malapit na sila sa 'kin.

Kita ko ang pagngiti ni Kestrel sa kan'yang nobyo bago ako tinignan. Biglang nawala ang ngiti n'ya at umiwas ng tingin.

Ni minsan ba naging masaya s'ya sa 'kin? Lahat na lang ba pagkukunwari? Nandito pa rin ang kuryente na hatid n'ya sa 'kin sa tuwing nagkakasalubong ang aming tingin. Pero naisip kong minsan na rin nakakahapdi at nakakasakit kung nasobrahan.

Nilampasan na nila ako. Lumingon ako sa kan'ya pero hindi man lang ako sinulyapan kahit segundo.

Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak na 'di ko namalayan. Hindi pa ba ako sawa sa ganito?

Ayaw kong maghabol kahit gustong-gusto kong ipaglaban s'ya. Paanong ipaglalaban ang taong may mahal na ng iba? Ako na lang ba ang lalaban sa aming dalawa? Ako lang naman ang nagmahal habang s'ya may mahal na iba.

Dumating ang araw na kinakailangan kong umalis sa tinatarbahuan kong site. Hindi dahil sa ayaw ko silang makita kundi dahil ilang araw na lang ay aalis na ako papuntang syudad na malayo rito.

Nakaraan ko lang din nalaman na wala na si Kestrel dito sa lugar namin. Pumunta na s'ya sa ibang bansa kasama ang nobyo n'ya.

Masakit isiping wala nga talaga s'yang paki sa 'kin. Kahit man lang sana nagpaalam sa 'kin bilang kaibigan lang... 'Yon lang sana.

Buti at nakaipon ako ng maraming pera para makaluwas ng Manila. May umalok din sa 'king mayaman na lalaki na papaaralin ako sa Manila kapalit ng pagtatarbaho sa kan'yang kompanya.

No'ng una nag-aalinlangan pa ako dahil maiiwan ang mga kapatid ko rito. Gano'n na lang ang tuwa ko na pwede ko silang makasama at s'ya na mismo bahala sa mga kapatid ko basta lang ay magtarbaho ako sa kan'ya.

Walang kaso sa 'kin, kahit hindi ako makatulog sa kakatarbaho ay gagawin ko. Malaking oportunidad na ito kaya hindi ko ito papalampasin.

Aayusin ko lang naman ang mga sirang appliances at gadgets sa kanilang kompanya. Nakilala n'ya ako no'ng nakaraang araw na minsan s'yang pumasyal sa harapan ng shop ko.

“Maraming salamat po, sir,” masayang pasasalamat ko kay Sir. Delgado at kinamayan s'ya.

Ngumiti s'ya sa 'kin at tinugon ang pagkamay sa 'kin. “You're welcome, hijo. I should be the one to thank you, you don't know how much you made me happy.”

Naintindihan ko naman ang inglis n'yang pananalita, hindi naman ako gano'n kabobo. Biro lang.

Nahihiya pa ako no'ng una dahil s'ya mismo ang pumunta sa bahay ko. 'Di gaanong kalakihan ang bahay namin kaya gano'n na lang ang hiya ko.

Sabi nga n'ya wala s'yang pakialam sa gaano ka liit ng bahay basta ang importante may bahay. Hindi naman importante ang bahay kung tutuusin.

Araw na ng alis ko sa lugar na ito kasama ang mga kapatid ko. Sabik na silang makita ang syudad kaya maaga kaming nagising. May oras pa naman akong magpaalam sa mga kaibigan ko.

Niyakap ako ni Eco at madrama akong tinignan na para 'bang iiyak.

Napangiwi ako at natawa na rin. “H'wag 'kang gan'yan, Eco. Ang laki mo na pero iyakin ka pa rin.”

'Di makapaniwalang tinignan n'ya ako at inismidan. “Kumusta ka naman? Kay lalaking tao umiiyak dahil sa babae.”

Sandali akong natigilan na kaagad naman n'yang pinagsisihan.

“P-Pasensya—”

Umiling ako at saka s'ya ngitian. “Ayos lang naman, Eco. Mamimiss ko kayong mga hayop kayo.” Natatawang inakbayan ko s'ya kasama na si Darwin na tahimik pa kanina.

Napansin siguro ni Eco ang pananahimik ni Darwin. “Hoy! 'Di ka ba magpapaalam sa kan'ya? Ako lang yata royal sa 'yo, Wayzer.”

Binatukan s'ya ni Darwin. “Loyal hindi royal.” Umismid s'ya bago ako tinignan.

“Nasan kapatid mo?” tanong ko.

Nagsalubong ang kilay n'ya. “Bakit? Gusto mo ba s'ya?” tanong n'ya rin na kaagad kong inilingan. Gagong 'to.

“Kakaiyak ko lang sa babae ko tapos sasabihin mong gusto ko s'ya? Alam mo naman na kapatid na rin ang turing ko sa kan'ya.”

Sinuntok n'ya ng mahina ang balikat ko. “'Di ko alam kung makakapunta s'ya rito. Basta pinaalam ko na sa kan'yang aalis ka na ng Manila.”

Saglit pa kaming nag-usap ni Darwin at Eco hanggang sa kalabitin ako ni Willy at ang dalawang bunso.

“Alis na tayo, Kuya. Papaalis na ang Ceres, oh.” Turo ni Willy sa Ceres na pinapaandar pa lang ang makina.

Binalingan ko ang dalawa kong kaibigan at dali-daling niyakap sila at nagpaalam bago pa magdrama iyon. Iba pa naman ang utak nila minsan.

Dala namin ni Willy ang mga damit habang hawak namin ang dalawang kambal na pumasok sa Ceres. Kita ko sa binatana ang pagkaway nila.

Gano'n na lang ang saya ko nang makitang pumunta si Yannah. Hindi ko man s'ya nakausap pa kanina ay sa huling pagkakataon kinawayan at sinenyasan n'ya akong mag-iingat.

Tumango ako at kumaway ulit bago binalingan ng tingin ang masayang mukha ng mga kapatid ko.

Panibagong lugar na pupuntahan, panibagong buhay na tatahakin ko ng ilang taon bago ako babalik dito sa Zambue.

Nakapagpaalam na ako sa mga magulang ko nang makapunta ako ng sementeryo. Hindi lang talaga ako napagpaalam kay Kestrel dahil una s'yang umalis.

Aalis din ako pero malayo s'ya kung tutuusin. Ayaw ko s'yang sundin dahil paniguradong magkikita naman kami sa susunod 'pang taon. Hindi ko hahayaang magkalayo lang kami habang buhay, gagawa ako ng paraan na magtagpo ulit ang landas namin.

Mag-aaral ako hindi lang dahil para sa pamilya ko, kundi dahil sa kan'ya. Kailangan kong magsumikap at magkaroon ng maraming salapi para naman walang tatapak sa 'kin.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro