Chapter 24
CHAPTER 24
Alam mo 'yong pakiramdam na iniiwasan ka ng tao sa 'di mo malamang dahilan? Nakakalito at nakakasakit din ng damdamin.
Huling pag-uusap namin ni Kestrel ay no'ng nasa opisina n'ya kami, 'yon 'yong araw na nakita ko silang dalawa ni Jomari.
Minsan iniisip ko na baka may kinalaman si Jomari rito pero imposible, hindi naman sila nag-uusap at palagi ngang ilag si Kestrel sa aming lahat at kasama na ako roon.
Ilang ulit kong sinasalubong si Kestrel pero sadyang may inaabala s'yang tarbaho kaya hinayaan ko muna kahit may pakiramdam akong may mali sa 'ming dalawa.
Tiniis ko ang ilang araw na iniiwasan n'ya ako, gano'n naman talaga kapag mahal mo ang isang tao, iintindihin mo kahit may mali na sa kan'ya.
“Magugustuhan kaya n'ya 'to, Pare?” kinakabahan kong tanong kay Darwin, tinignan ko pa ang couple shirt na binili kung may butas ba o ano.
“Malamang magugustuhan n'ya 'yan, bigay mo, eh!” nanunuyang sagot ng kaibigan ko, napakamot na lamang ako sa batok.
Mahirap na kung may mantya o butas 'to. Pitumpu't limang piso ang bili ko sa couple shirt para sa 'kin at sa nobya ko. 'Di ko na pigilang mapangiti.
“Aysus!” Inakbayan ako ni Darwin at ngisian ako ng nakakaloko. “Nahulog na ba?” Tinuro n'ya ang dibdib ko na kaagad kong hinampas, natawa s'ya.
“'Wag ka nga tumawa! Kinakabahan ako na baka hindi n'ya ito tipo na regalo.” Bumagsak ang balikat ko, bakit kasi walang magaganda ritong damit?
“Masyado ka namang balisa, Wayzer.” Napailing sya.
“Maarte 'yon kaya dapat gandahan ko ang aking regalo sa kan'ya.”
Nakakairita pa naman ang pagkaarte ng babaeng iyon, pero kahit gano'n ay mahal ko pa rin s'ya.
“Hay, naku! Bahala ka na, Pare.” Tinapik n'ya ang balikat ko. “Goodluck na lang sa 'yo, Pare. Galingan mo, ah?”
Hindi ko s'ya sinagot bagkus tinulak ko ito papalayo sa 'kin. Tumawa lamang s'ya at kumaway sa 'kin habang papaalis sa kinaroroonan ko.
Napabuga ako ng hininga. Bahala na, yayain ko na lang s'yang kumain sa karenderya na palagi naming pinupuntahan. O dikaya yayain ko s'yang maglibot sa dalampasigan.
Napakamot ulit ako sa batok at mabilis na naglakad papunta sa kan'yang tinatarbahuan. Sigurado akong nakaabang na ito sa labas.
Mabilis kong inilagay ang couple shirt sa paper bag nang matanaw s'ya sa 'di kalayuan. Mabibilis na hakbang ang ginawad ko hanggang sa makarating sa kan'yang harapan.
Nangingig ang mga labi kong ngumiti sa kan'ya. “Magandang hapon, bee.” bati ko sa kan'ya.
Gulat naman s'yang napatingin sa 'king mukha. 'Di n'ya yata ako napansin dahil sa pagkatulala n'ya kanina.
Hinawakan ko s'ya sa braso at mahinang hinila papalapit sa 'kin. “Parang pagod ka yata, bee. Gusto mo hatid na lang kita sa baha—”
Naputol ang sasabihin ko nang bigla s'yang umatras dahilan para mabitawan ko ang kan'yang braso. Taka ko s'yang tinignan.
“Bakit? May problema ba?” nag-aalala kong tanong sa kan'ya pero umiling lamang s'ya saka napayuko.
Lalapitan ko sana s'ya nang humakbang paatras ang isa n'yang paa. Do'n pa lang ay kinakabahan na ako. Ano ang nangyayari?
“Tigilan na natin 'to, Wayzer,” seryoso n'yang sambit saka umangat ng tingin sa 'kin dahilan para makita ko ang kan'yang blangko na ekspresyon.
Natigilan ako. “A-Ano ang titigilan natin?” 'Di ko s'ya maintindihan.
Marahas na bumuga s'ya ng hininga. “'Di ka ba nakakaintindi?! Ang ibig kong sabihin ay puputulin ko na ang mero'n tayo!”
Bahagya pa akong napasinghap sa galit nitong boses at mas lalo akong nagulat dahil sa kan'yang sinabi.
Kahit hindi maproseso sa 'king utak ang mga binitawan n'yang salita ay nagawa kong hablutin ang kan'yang braso na ikinareklamo n'ya, hindi ko s'ya hinayaang makaalis.
Inilapit ko s'ya sa 'kin. “Sabihin mo nag-iinarte ka na naman. Sabihin mo binibiro mo lang ako.” Nagbabaka-sakali ako na hindi totoo ang sinasabi n'ya.
Hindi pa man nakawala si Kestrel sa 'king hawak ay napaatras ako nang biglang may humila sa 'king likuran. Mabilis kong binalanse ang aking katawan dahil sa lakas ng pagkahila sa 'kin.
“'Wag mong hahawakan ang kasintahan ko!” galit na singhal sa 'kin ng lalaking 'di ko kilala.
Mabilis kong binawi ang damit kong hawak-hawak n'ya sa likuran ko. 'Di ako makapaniwalang nakatingin kay Kestrel, nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kan'ya pero umiwas lamang s'ya ng tingin at 'di man lang tinama ang sinabi ng lalaki ito. Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to?
Lalapitan ko sana si Kestrel pero tinulak ako sa balikat ng lalaking ito. Masama ko s'yang tinitigan sa mata.
“Pwede ba 'wag 'kang mangialam? Kakausapin ko ang nobya ko!”
“'Wag mong sinisigawan si Lorenzo, Wayzer!” biglang sigaw ni Kestrel sa 'kin, nanghihinang bumagsak ang balikat ko.
'Di ko maintindihan. Gulong-gulo na ako. Bakit n'ya pinagtatanggol ang lalaking 'to? Kaya ba gusto n'ya akong hiwalayan dahil sa lalaking 'to? Mahigpit na hinawakan ko ang paper bag na naglalaman ng couple shirts na sana para sa 'min.
Lumapit si Kestrel sa lalaking kaharap ko, hinawakan n'ya ang kamay ng lalaki. Biglang tinusok ang dibdib ko sa nakita. Hindi...
Gusto kong bawiin si Kestrel pero nanghihina ang katawan ko. Tila hindi na kayang gumalaw ang katawan ko sa nakita at nalaman.
“B-Buntis ako, Wayzer at s'ya ang Ama.”
Hindi ako naniniwala. Ako ang nakauna sa kan'ya!
Mabilis akong napailing sa kan'yang sinabi. Hindi ko na namalayang hawak-hawak ko na ang kan'yang kamay habang nakaluhod sa kan'yang harapan. Nanlalabo na ang paningin ko sa luha.
“B-Bee... 'Wag mo namang gawin sa 'kin 'to,” pakiusap ko sa kan'ya pero inilingan lamang n'ya ako.
Napalakas ang hikbi ko nang binawi n'ya ang kan'yang kamay.
“Sorry, Wayzer. Hindi na tayo pwedeng magkita. Bumalik ka na sa bahay mo,” simple lamang n'yang sambit. “Ginamit lamang kita, hindi talaga kita mahal.”
Gano'n lang 'yon? Hihingi lamang s'ya ng tawad tapos papauwiin ako? Paano ang nararamdaman kong ito? Wala ba s'yang paki sa 'kin? H-Hindi n'ya na ba talaga ako mahal?
“Tara na, Kestrel,” biglang aya ng lalaki kay Kestrel.
“S-Sabihin mong 'di totoo ang mga pinagsasabi mo, K-Kestrel.” Kahit nanlalabo na aking mata ay nagawa ko namang masilayan ang kan'yang mukha na walang paki sa 'kin.
“Totoo ang pinagsasabi ko. Alam mo naman na maarte ako di'ba? Hindi mo ba alam na ayaw ko sa mga lalaking kagaya mo na walang matinong tarbaho?”
Mabilis akong napatayo saka akmang magmamakaawa pa sa kan'ya pero s'ya mismo ang lumayo sa 'kin.
Ang sakit pala marinig mula sa kan'ya na ayaw n'ya sa 'kin. Binigay ko naman sa kan'ya ang lahat, akala ko ayos lang sa kan'ya na ganito ang tarbaho at pamumuhay ko pero nagkamali ako.
T-Totoo naman talagang ayaw n'ya sa mahihirap, 'di ko lang talaga akalain na magagawa n'ya ito sa 'kin. Akala ko masaya na s'ya sa piling ko pero mukhang totoo ang mga pinagsasabi nila na hindi n'ya hilig sa kagaya kong lalaki na hindi s'ya kayang buhayin.
“Hayaan mo na kami, Pare. Matagal na kaming may relasyon kaya mulatin mo ang mga mata mo, hindi ka n'ya mahal,” seryosong saad ng lalaki. “Magkakaanak na kami kaya lubayan mo na kami.”
“Kestrel!” tawag ko sa kan'ya nang sabay silang umalis ng lalaking kasama n'ya at iniwan ako rito sa gitna.
Napilitan lang ba s'ya sa lalaki? Mahal n'ya ba talaga ang lalaking iyon? Kaya ko namang akuin ang bata kung 'di naman talaga n'ya mahal. Napapikit ako at napahagulgol na lang ng tahimik.
Napakagat ako sa sariling labi at kinuha ang nalaglag na couple shirt namin ni Kestrel. Bumigat ang paghinga ko sa sakit na nararamdaman ko.
Ang bilis, hindi man lang n'ya pinaliwanag ang lahat at hindi ko man lang s'ya na tanong. Tuluyan na nga n'yang pinutol ang ugnayan namin sa 'di pagkakaintindihan.
Sa pagkakaalam ko'y ako nakauna sa kan'ya pero siguro nga hindi ako. Walang kasiguraduhan dahil wala man lang akong narinig na ako 'yong nauna sa kan'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro