Chapter 23
CHAPTER 23
Tulad nga sa pinakiusap ko kay Kestrel, 'di kami nag-usap ng ikang araw pero hindi talaga namin naiwasang mapatitig minsan sa isa't-isa kapag nagkakasalubong kami.
Buti na lang at hindi ako pinatanggal sa tarbaho ko sa site ni Boss. Akala siguro n'ya ay wala na kami ni Kestrel kaya hindi n'ya ako sinigawan o kinausap man lang. Masama pa rin ang titig sa 'kin at 'di rin magtatagal ay may plano na naman s'yang siraan ako.
Naging maginhawa ang buhay ko sa araw-araw simula no'ng 'di kami nag-usap ni Kestrel. Hindi naman kami nag-away kaya hindi kami nagpapansinan. Sadyang kailangan lang namin bigyan ng hangin ang pagitan namin para makahinga kahit papaano.
Limang araw na hindi s'ya kausap at nahahalikan at tila ba iang parusa sa 'kin pero ito ako ngayon nakatitig lang sa bawat galaw n'ya at umaasang titingin s'ya sa pwesto ko.
Inis na napakamot ako sa batok nang 'di man lang n'ya ako binalingan. Palagi ko naman s'yang nakikitang nakatingin sa 'kin pero bakit ngayo abala s'ya sa kakabasa ng kung ano?
Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang lalapitan sana s'ya. Nahinto ako at napapikit ng mariin.
Konting tiis na lang at mahahawakan ko na s'ya kaya pigilan mo ang sarili mo!
Imbes na bumalik sa inuupuan ko ay natagpuan ko ang aking sarili na humahakbang patungo sa lamesa ng kan'yang Ama.
Saktong pagkahinto ko sa kan'yang harapan ay ang pag-angat ng kan'yang tingin sa 'kin. Gulat pa ito at napatayo para harapin ako.
“Way—”
Mabilis ko s'yang hinawakan sa braso at hinila sa opisina n'yang nasa gilid lamang. Sinarado ko ang pintuan at saka s'ya niyakap ng mahigpit na tila ba'y matagal ko na s'yang 'di nakikita.
Natigilan s'ya sandali at kalaunan tinugon ang aking yakap. Bahagyang hinimas pa ang likuran ko at sinubsob ang mukha sa 'king dibdib.
“Kestrel,” tawag ko at pinaharap ang kan'yang mukha sa 'kin. Pinatitigan ko ng matagal ang kan'yang matang kumikinang at saka s'ya hinalikan sa labi.
Napasinghap s'ya sa mabilis kong galaw. Sumabay rin s'ya sa 'king ritmo at pareho naming pinikit ang mga mata at ninamnam ang sandali.
Ilang minuto kaming mabagal na naghahalikan nang kusa s'yang humiwalay at humabol ng hininga. Gano'n din ang ginawa ko saka pinagdikit ang aming noo sa isa't-isa.
“Namiss kita.” Amin ko at pinatakan ulit s'ya ng halik sa labi na tinugon n'ya ulit.
“Tama na 'yong limang araw, Wayzer,” animo'y pakiusap n'ya sa 'kin. Nilaro-laro pa ang buhok ko kaya nagkagulo.
Ngumiti ako sa kan'ya. “Akala ko kaya mo pa akong tiisin, hindi mo kasi ako tinitignan.”
Natawa s'ya ng mahina at hinila ako sa sofa na nasa gilid ng kan'yang lamesa. Una akong umupo at kasunod no'n ay umupo s'ya sa kandungan ko na kaagad na aking inalalayan.
Pinulupot n'ya ang kan'yang braso sa leeg ko at saka hiniga ang ulo sa 'king balikat na para 'bang naglalambing.
“May tinatapos lang ako kaya hindi kita sinulyapan. Alam ko naman na nasa paligid ka lang naman,” ngiti n'yang sambit at nilaro-laro ulit ang aking buhok.
Magustuhan ko naman ang ginagawa n'ya. Ayos lang kung mukhang sabog ang buhok ko basta maramdaman ko lang na mahal na mahal n'ya ako. Pakiramdam ko talaga kapag naglalambing s'ya sa 'kin ay importante ako sa kan'ya.
“Hindi ka ba napagod?” alala kong tanong at hinimas ang kan'yang noo na may bahid 'pang pawis na namumuo.
Nahihiya naman n'ya akong tinignan at inalis ang kamay kong nasa noo n'ya. Napangisi na lang ako dahil minsan lang naman s'ya mahiya ng ganito.
“M-May pawis ako, eh,” saad n'ya at iniwas ang tingin.
Hinalikan ko s'ya sa noo na bahagyang ikinagulat n'ya. Hinampas pa ako sa braso kalaunan.
“Bakit?” natatawa kong tanong at pinagmasdan kung paano magsalubong ang kilay n'ya.
Inirapan n'ya ako. “Kulit talaga. May pawis nga ako, baka mabaho.” Ngumuso s'ya pagkatapos.
Hinalikan ko ulit s'ya sa noo. “Lasang juice,” makahulugan kong sambit at bumaba ng tingin sa ilalim.
Napansin siguro n'yang nakatingin ako sa ilalim n'ya kaya hinampas ulit n'ya ako.
“Ang halay mo! Sino nagturo n'yan?” singhal n'yang tanong at pilit na pinapaharap ang mukha kong pinipigilan na h'wag ngumiti.
“Wala, ah,” sagot ko saka s'ya hinalikan sa labi ng mabilis. “Dahil sa 'yo nagiging halay na ako.” Ngisian ko ulit s'ya na tudo hampas naman n'ya sa 'kin.
Ilang minuto lamang ang tinagal namin sa opisina n'ya bago ko napagpasyahan na lumabas at kumain na rin. 'Di na namin namalayan ang oras dahil tudo lambing at pangasar ko pa sa kan'ya.
Una akong lumabas ng opisina at sumunod naman s'ya pagkaraan. Hindi pwedeng makita kaming sabay na lumabas at baka may magbalita lamang na kami pa pala ni Kestrel sa Ama nito.
Kahit gusto kong makasama si Kestrel na kumain da karinderya ay hindi ko magawa. Hindi ko na rin napigilang sumama sa 'kin si Yannah dahil masyado s'yang makulit.
Sabay kaming kumain at dahil dito lang naman s'ya nagtatarbaho, nakita n'ya kaagad ako.
“Wala na kayo ni Kestrel?” atat na tanong n'ya pa kanina.
Tumikhim ako at iniisip kung sasabihin ko ba ang totoo. Bakit kasi pati relasyon ko alam nila? Grabe talaga mga tao rito.
“Syempre kami pa,” sagot ko at sumubo ng kanin.
Natigilan s'ya sandali at kalaunan naman ay ngumiti ng alanganin. Para kasing nakangiti pa s'ya nang malaman na hindi kami nag-uusap ni Kestrel. Paano n'ya nalaman ang tungkol sa nangyari sa 'min? Malamang sa kaibigan kong Kuya n'ya.
Mabilis kong tinapos ang kinakain ko bago tumayo sa pagkakaupo. Nabahala naman si Yannah nang makitang papaalis na ako kaya kaagad s'yang humawak sa 'king braso para pigilan.
Awtomatikong napahinto naman ako at tinignan s'ya ng nagtataka. Kung saan-saan na s'ya nakatingin at 'di ko alam kung ano pa ang kailangan n'ya sa 'kin.
“Babalik na ako sa tarbaho, Yannah.” Salubong ang kilay ko, bakit kasi ganito s'ya?
Unti-unti n'yang binitawan ang braso ko saka s'ya tumayo ng maayos sa aking harapan.
Napahawak s'ya sa gilid ng kan'yang beywang at hindi pa rin nakatingin sa 'kin. “M-May pag-asa 'bang magustuhan mo ako, Wayzer?”
Bigla naman akong nailang sa tanong n'ya. Maraming tao dito at ang ilan pa ay panakaw-tingin pa sa 'min.
Hindi pa rin ako sanay sa ganitong usapan. Alam naman n'yang may nobya ako tapos tatanungin n'ya ako ng gan'yan?
Nahihirapan naman akong napabuga ng hininga. “Ano 'bang klaseng tanong 'yan, Yannah?” seryoso kong tanong. “May nobya na ako tapos pag-uusapan natin ang gan'yang bagay?”
Nangingig ang labi n'ya at para 'bang bubuhos ang luha n'yang nakatingin sa 'kin.
“N-Nagbabaka sakali lang n-naman ak—”
“Dahil sa baka sakali mo, baka makasira ka pa ng relasyon,” agad kong sabi at pinutol ang kan'yang sasabihin. “Alam mo naman na selosa si Kestrel kaya pakiusap, umiwas ka na lang kung maaari.”
Umawang ang bibig n'ya nang marinig iyon sa 'kin. Hindi ko na s'ya hinintay 'pang mapagsalita at umalis na ro'n.
~•~•~•~
Wala naman akong aayusin na appliances o sasakyan sa site kaya napag-isipan kong tignan ang ginagawa ni Kestrel ngayon sa opisina.
“Hindi ka ba makatiis?” histerikal na bulong sa 'kin ni Eco at pinipigilan ako sa ano 'mang balak kong gawin.
Marahan ko namang hinawi ang kan'yang kamay sa 'king braso at ngitian s'ya. “Syempre hindi, kaya nga pupuntahan ko na s'ya ngayon.”
“Wayzer!”
Tumungo ako sa opisina ni Kestrel at huminto muna sa pintuan para lumanghap ng hangin.
“Akala ko ba hindi muna kayo mag-uusap?” problemadong tanong ni Eco at napasapo pa sa noo na para 'bang hindi n'ya ako kayang pigilan.
Inayos ko ang aking buhok. “Tatanong ko lang kung nakakain na s'ya.” At walang paalam kong binuksan ang pintuan.
Gano'n na lang ang pagpigil ko ng hininga at pati na rin ng mata ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa nakita ngayon.
Mukhang nagulat naman si Kestrel nang lumingon sa 'kin. Mabilis s'yang lumayo kay Jomari na hindi ko man lang napansin kanina na pumasok dito. Dali-daling tumungo si Kestrel sa 'king harapan at hinawakan ang nangingig kong kamay.
Nanlalaki pa rin ang mata kong nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi naman ako magagawang lokohin ni Kestrel. Tama, may tiwala ako sa kan'ya.
Kahit naiinis at selos na selos ako ay nagawa kong ngitian si Kestrel para mawala na ang mat nitong nakikiusap na paniwalaan s'ya. May tiwala ako sa 'yo, bee.
“Anong ginagawa ni Jomari rito, bee?” takang tanong ko, gusto ko pa rin malaman ang kan'yang dahilan kung bakit magkalapit ang kanilang katawan kanina.
Mas lalong napahawak sa kamay ko si Kestrel at ngitian ako. “Pinakiusapan ko s'yang 'wag ipagsabi na nag-uusap pa rin tayo. May balak yata s'yang sabihin kay Papa pero kaagad ko naman nagawan ng paraan.”
Anong paraan? Pero hindi ko na lang tinanong at napatango kahit 'di sapat ang nalalaman ko. Gaya nga sa sinabi ko, naniniwala ako sa kan'ya.
'Di ko na namalayang nilampasan kami ni Jomari para makaalis sa opisina n'ya. Ako na mismo ang nagsarado ng pintuan saka s'ya masuyong hinila para makaupo sa sofa.
Pinaupo ko s'ya sa hita ko na hindi naman n'ya ikinareklamo. Inilagay ko ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa taenga bago s'ya ngitian.
“Kumain ka na ba?” tanong ko.
Saglit s'yang 'di nagsalita pero tumango na rin kalaunan. “Tapos na, bee. Hinatiran ako ng katulong namin kanina.” Ngitian din n'ya ako bago ako niyakap ng mahigpit.
Tinugon ko naman ang yakap n'ya at pinakiramdaman s'ya. Parang may kakaiba sa kan'ya ngayon pero ayaw ko naman magtanong kung anong problema n'ya.
Kahit nakangiti s'ya sa 'kin ay may bahid pa rin na lungkot sa labi n'ya. Siguro hindi pa sila ayos ng kan'yang Ama kaya hahayaan ko na lang na maging ganito kami
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro