Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

CHAPTER 22

Totoo nga ang bulungan sa paligid, binalak ako ng Ama ni Kestrel na pakulungin dahil sa ginigiit nitong pinagsamantalahan ko ang kan'yang anak.

Tahimik lang akong nakaupo rito sa loob ng presuhan at hinihintay na lang na dumating si Kestrel at ang ama nito. Hindi dapat ako magalit pero 'di ko maiwasan.

Bakit kailangan ganito pa ang gawin n'ya sa 'kin? Talagang ayaw n'ya sa 'kin.

Napaangat ako ng tingin nang makitang may huminto sa 'king harapan. Nanlaki ang mata ko saka mabilis s'yang niyakap sa beywang at sinubsob ang aking mukha sa kan'yang tiyan.

“Wayzer,” tawag n'ya at hinimas-himas ang buhok kong gulong-gulo na.

Buti na lang at 'di umabot ng araw ko rito sa kulungan dahil paniguradong nag-aalala na ang mga kapatid ko. Walang Kuya na magtatarbaho para sa kanila at mas lalong walang magbabantay sa kanila sa gabi.

Napatingala ako sa kan'yang mukha at ngitian s'ya kahit marami akong iniisip na problema. “Pinuntahan mo talaga ako. Pasensya kung may nakaalam sa ginawa natin,” mahina kong sambit sapat na para marinig n'ya.

Umiling s'ya at namuo ang luha sa mata na kaagad kong ikinataranta.

“B-Bee.”

Hinampas n'ya ako sa balikat na ikinangiti ko na lang kahit tuloy-tuloy ang pagpatak ng kan'yang luha.

Pinunasan n'ya ng marahan ang kan'yang pisngi. “Ako nga dapat ang humingi ng pasensya. Sorry, bee.” Niyakap n'ya ang aking uluhan dahil nakatayo s'ya habang ako ay nakaupo sa kan'yang harapan.

Hinimas ko na lang ang kan'yang likuran n'ya at pinatahan ito. “Ayos na ako ngayon dahil nandito ka na.” Ngitian ko s'ya nang humiwalay s'ya sa yakap. “Sabihin na natin sa Ama mo na mayro'n sa 'tin na namamagitan.”

Mabilis naman s'yang tumango. Pinahid ko ang luha n'ya na nasa pisngi nang makatayo at inalalayan s'yang umupo sa inuupuan ko kanina.

Napatingin kami pareho sa pintuan ng opisina na kinalalagyan namin nang bigla itong bumukas. Isang pulis at ama ni Kestrel ang sumalubong sa 'min.

Mabilis na lumapit ang ama ni Kestrel nang makitang magkahawak kamay kaming dalawa. Humahangos ang kan'yang hininga at pilit akong pinapalayo kay Kestrel na kaagad na ikinahigpit ng hawak ko.

“Papa!” awat ni Kestrel sa kan'yang ama nang akmang susuntukin ako pero kaagad s'yang niyakap sa tiyan dahilan upang 'di matuloy ang kan'yang binabalak. Hindi kami inawat ng pulis na bagay na ikinataka ko.

Yumuko ako bilang paggalang man lang pero tanging sigaw at masasakit na salita ang narinig ko mula sa kan'ya. Hindi ko iiwan si Kestrel kahit anong mangyari.

“Papa naman!” sigaw ni Kestrel at tinulak ng mahina ang kan'yang ama para 'di makalapit sa 'kin. “Walang ginawang masama si Wayzer! Ginusto namin ang nangyari, ginusto ko!”

Nanliliksik ang matang tinignan ni Boss si Kestrel. Hinawakan ko naman si Kestrel sa kamay at hinila s'ya sa 'kin para pakalmahin.

Naiinis ako sa sarili ko. Tama 'bang kumapit ako? Nang dahil sa 'kin kasi naging ganito na sila ng kan'yang Ama.

“H'wag mong sabihin na mahal mo ang pobreng lalaking iyan?!” Dinuro pa n'ya ako.

Mahigpit na hinawakan ako sa kamay ni Kestrel. “Pabayaan n'yo na ako, Pa! Malaki na ako at ako na ang bahala sa ano 'mang pasya ko sa buhay!”

“At talagang sumasagot ka na sa 'kin!” histerikal na sambit ni Boss at masama akong tinignan. “Nang dahil sa lalaking iyan, kung ano-ano na ang pinaggagawa mong kalokohan sa buhay! Hindi ako makakapayag na maging kayo!”

Napahagulgol bigla si Kestrel kaya naman taranta kong niyakap ang nanginginig n'yang katawan. Pinatahan ko ito.

“H-H'wag n'yo s'yang pahirapan, Pa. Please,” pakiusap ni Kestrel sa gitna ng kan'yang hikbi. “Iatras n'yo po ang kaso, walang rape na naganap, okay?”

Kahit naguguluhan ang Pulis ay tumango na lang at hinarap ang ama ni Kestrel. “Baka nagkamali ka lang, bossing. Talaga namang mahal nila ang isa't-isa kaya hayaan mo na.”

Mas lalong nagalit ang mukha ni Boss at pinaninkitan ang Pulis. “At talagang marunong ka pa sa 'kin? Pinapasweldo ka ng maayos, ah!”

Tumikhim ang Pulis. “Baka nakakalimutan n'yong pulis ako. Baka ikaw ang ikulong ko rito kahit mayaman ka, bossing.”

'Di makapaniwalang tinignan s'ya ni Boss at may ilan pa itong reklamong sinabi sa pulis. Hindi ko na sila inabala at tinuon ang pansin kay Kestrel na nakahinga na ng maluwag sa nangyari.

Inaya n'ya akong lumabas ng presinto na kaagad naman na pinalabas ako ng pulis. Wala na akong ibang gagawin do'n at hindi na ako makukulong. Ang bait kong tao tapos makukulong ako sa pagrape? Kalokohan.

Hindi na kami napansin ng kan'yang Ama kaya naman madali namin s'yang natakasan. Sana nga nakatakas na kami dahil paniguradong paghihiwalayin ulit kami.

Nakaupo ako sa nakatumbang puno habang pinaglalaruan ang daliri ni Kestrel. Wala kaming imikan at pinapakiramdaman lang ang sarili namin.

Napabuga ako ng hininga. “Pasensya na at nag-away pa kayo ng Papa mo.” Tumingin ako sa kan'ya.

Bumaling s'ya ng tingin sa 'kin at malungkot na ngitian ako. “Ayaw ko naman na mapahiwalay tayo. Ayaw kong kinokontrol ang buhay ko. Gusto kong maging malaya man lang kahit ito lang.”

Masuyo ko s'yang niyakap sa beywang at pinatong ang baba ko sa kan'yang balikat. Tinugunan din n'ya ang aking yakap at saka napabuga ng problemadong hininga.

“Magagawa mo ba ang sasabihin ko ngayon?” tanong ko, alanganin pa kong tama ba ang aking desisyon.

“Depende.”

“Kailangan muna nating hindi magkita ng ilang araw para pahupain ang galit ng Ama mo.”

Mabilis s'yang humiwalay sa yakap at umiling sa 'kin. “Ayaw ko! Sa tabi mo lang ako!” Niyakap ulit n'ya ako na para 'bang ayaw n'yang umalis ako.

Natawa ako ng mahina kahit sobrang sakit na hindi s'ya makita sa ilang araw pero kailangan kasi.


“Kailangan, Kestrel. Para naman ito sa relasyon natin. Gagawa ko ng paraan para hindi n'ya tayo mapahiwalay,” dahilan ko.

Sandali s'yang natigilan habang nakayakap pa rin sa 'kin. Dahan-dahan n'yang inalis ang kan'yang mukha sa dibdib ko at saka ako tiningala.

“Gagawa ka ng paraan, ah? At gano'n din ang gagawin ko,” malungkot n'yang sabi na ikinatango ko.

Nagtagal kami ng ilang minuto ro'n bago napagpasyahang umalis at umuwi na. Namalagi muna s'ya ng ilang minuto sa bahay namin bago ko s'ya ihahatid sa kanilang bahay.

Wala pa ang mga kapatid ko kaya tahimik ang bahay namin dahil kami lang naman dalawa ang nandito.

Ayaw na n'ya yata akong pakawalan at yakapin na lang ako buong magdamag. Hinayaan ko naman s'ya dahil gusto ko naman. Baka matagal-tagal ko pa kasi s'yang mahahawakan ng ganito.

“Iuuwi na ba kita?” tanong ko at pilit na sinisilip ang kan'yang mukha para malaman ang iniisip nito.

Napabusangot ang kan'yang mukha nang makita ako. Natawa tuloy ako at pinisil ang 'di gaanong katangos n'yang ilong na ikinaaray n'ya.

Ginantihan n'ya rin ako pero tawa lang ang aking tinugon. 'Di naman masakit, hindi yata marunong manakit, eh.

“Pwede mamaya na lang?” pakiusap n'ya at hinawakan ang kaliwa kong pisngi para mas lalong mapalapit sa kan'ya.

Napalunok naman ako nang tumuon ang aking tingin sa kan'yang namamasang labi. Binasa pa n'ya ito lalo gamit ang kan'yang dila.

'Di ko na namalayang inilapit na n'ya ang mukha sa 'kin at marahan akong hinalikan na hindi ko man lang pinaghandaan. Kusang napapikit ako sa nakakahilong halik n'ya nang gumalaw ito.

Napakapit ako sa kan'yang beywang at mas lalong idinikit ang kan'yang katawan sa 'kin. Inilabas ko ang aking dila at saka pinasok sa kan'yang bibig nang bumukas ito para sa 'kin.

Singhap at ungol ang narinig ko sa kan'ya habang hinahalikan s'ya ng walang bukas. Mahihirapan pa yata akong bitawan s'ya at mas lalong mamimiss ko ang kan'yang presensiya kapag nagkataon.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro