Chapter 17
CHAPTER 17
Nilatag ko ang kulay asul na sapin sa makinis na damo. Ako pa mismo ang naglinis nito kahapon nang makaalis ako sa site.
No'ng una wala sa plano ko na dalhin ko s'ya rito pero napansin ko kasi ang nakatagong lawa at kahapon ko rin nalaman na may ganito palang lugar.
Walang nagtatangkang pumasok dito gaya nga sa sinabi ko. Takot sila dahil sa nagtataasang halaman na humaharang. Sa labas nito ay ro'n ako mismo kumukuha ng panggatong kaya nagtataka ako kung anong meron dito.
Ayon nga nakita ko ang napagandang lawa. Matataas pa ang damo kaya pinutol at nilinisan ko. Napangiti na lang ako, hindi sayang 'yong pagod ko kahapon dahil totoong nagustuhan n'ya. Ayaw na nga n'yang alisin ang tingin sa paligid.
“Are you sure na tayo lang dalawa ang nakakaalam nito?” mangha pa n'yang sabi. “Then, ito na ang lugar na tagpuan natin o pasyalan simula ngayon.” Tumingin s'ya sa 'kin at saka binigyan ako ng matamis na ngiti.
Minsan napatulala na lang ako sa mukha n'yang kasing amo ng pusa pero napailing na lang din. Pusa na maamo lang tignan pero mabangis naman kapag nakilala.
Ang ganda n'ya ngayon. 'Di na ako nagsasawang sabihin iyon pero syempre, sa utak ko lang. Tinatablan pa ako ng hiya kaya 'wag muna. Sapat na 'yong gusto ko s'ya— mahal na pala.
Masaya kaming nagku-kuwentuhan habang nakaupo sa sapin na nilatag ko. May hinanda na rin akong pagkain kung sakaling magutom s'ya. Ayos lang na hindi ako makakain basta sapat na sa 'kin 'yong s'ya lang ang busog sa 'min.
Napakurap naman ako nang itapat n'ya ang pandesal sa harapan ko.
“Kainin mo, kanina mo pa ako tinitignan,” ngisi n'yang sambit na ikinatawa ko ng mahina. 'Di ko kasi mapigilan.
Dahan-dahan ko namang kinagat ang tinapay n'yang sinubo sa 'kin. Tuwang-tuwa naman ito na para 'bang s'ya 'yong Nanay kong nagpakain ng batang ayaw kumain.
Bigla s'yang napatingin sa lawa. “Pwede ba maligo d'yan?” Turbo n'ya sa lawa.
Tumango ako. “Oo naman. May dala akong damit para sa 'tin.” Kinuha ko sa dala kong bag na nasa likuran ko lamang.
“Pinaghandaan mo talaga 'to 'no?” Ngisi pa n'ya.
Nahihiyang ngumiti naman ako nang ilabas ko ang aming damit na pamalit. “Syempre naman. Hindi ko pa 'to naranasan at ngayon lamang ako nanligaw kaya dapat sulitin.”
Namumula ang pisngi n'yang tinanggap ang nilahad kong bestida ulit sa kan'ya. “Ang dami mo ng bestida na binili sa 'kin,” nguso n'yang sambit. “Pero lahat magaganda, ah.”
Matapos naming ubusin ang pagkain ay nag-aya naman s'yang maligo na sa lawa. Taranta naman akong napaiwas ng tingin nang hubaran n'ya ang kan'yang bestidang saplot.
“Hindi mo man lang ako pinaalam na huhubad ka na.” Kabado ang mukha ko pero taranta naman ang dibdib ko at nagwawala sa loob. Paano na lang kung ibang tao ako?
Rinig kong tumawa s'ya. “Ikaw lang naman ang nakakita kaya ayos lang.” Saka ko narinig ang pagsaboy ng tubig kaya napatingin ako at baka mawalan s'ya sa paningin ko.
Kinabahan na napakamot ako sa batok habang tanaw s'ya sa lawa na naglalangoy. Marunong naman pala.
“Halika na, Way!” Kumaway pa s'ya.
Bumuntong-hininga muna ako bago dahan-dahang inalis ang pang-itaas kong damit habang nakatingin sa kan'ya. Kita ko pa ang panlalaki ng kan'yang mata.
Hinagis ko sa nakalatag na sapin ang aking damit saka naglakad patungo sa kan'yang kinaroroonan. Kita ko pa ang mapanuri n'yang mata at nakatingin s'ya masyado sa 'king katawan.
Nasa harapan ko na s'ya nang tinangalain n'ya ako. Pilit ko namang iniiwasan ang aking tingin sa kan'yang katawan, may kurba pero dapat pigilan ko ang nararamdaman na ito.
Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang aking mga daliri. “Dapat h'wag 'kang maghuhubad kapag ibang lalaki ang makakita, ah? Dapat ako lang.”
Rinig ko ang mahinang bungingis n'ya kaya taka ko s'yang tinignan. Ulit, sa mukha n'ya lang ako nakatingin.
“Bakit?” mapanukso n'yang tanong sa 'kin habang nilalaro ang tubig na hanggang sa dibdib n'ya.
Napaisip naman ako. “Baka iba na ang atensiyon nila sa 'yo at baka mapahamak ka pa. 'Di mo pa naman alam ang mga tumatakbo sa isip ng mga kalalakihan dito.”
“Eh, ikaw? Katulad ka ba nila?” tanong n'ya ulit at mas lalong lumapit sa 'kin.
Gusto kong umatras pero ayaw sumang-ayon ng aking katawan. Mas lalong lumalim ang titig ko sa kan'ya.
“Hindi, wala naman akong interesado sa mga babae kahit maghubad sila sa 'king harapan. Ikaw lang naman ang unang babaeng pinasok ko sa aking buhay.”
Mas lalo s'yang ngumiti sa 'kin. “Edi wala na akong pangamba kapag ikaw ang nakakita sa 'king katawan.”
“Kestrel!” Napasinghap ako nang pinulupot n'ya ang kan'yang braso sa 'king batok kaya naman napahawak ako sa kan'yang beywang bilang suporta.
Mapungay ang kan'yang mata na nakatitig sa 'kin. “Iba ka talaga, Way. Kaya nga nagustuhan kaagad kita, minsan lang magkaroon ng lalaking kagaya mo.”
Nagdiriwang naman ang puso ko sa sinabi n'ya. Ito na ba ang ibig sabihin ni Darwin na may tyansa na magustuhan n'ya ako? Hindi na ako makapaghintay.
Ngumiti na lang ako at batid kong alam n'ya na masaya ako sa sinabi n'ya. Pwede ba akong kiligin dahil do'n? Nalintikan na.
Kakaiba na ang titig nito sa 'kin kaya naman humanap ako ng paraan para maiwasan ang nararamdamang ito.
Umiwas ako ng tingin. “Maligo na tayo, do'n tayo, oh.” Tinuro ko ang malaking bato na 'di kalayuan sa 'min.
Napatango naman s'ya at nakahinga ako ng maluwag dahil umiwas na rin s'ya. Mukha kasing may binabalak.
Inalalayan ko naman s'yang humakbang hanggang sa makarating kami sa likuran ng bato. Masarap sa pakiramdam kong sasandig ka rito, eh.
Sasandig na sana ako sa bato nang bigla akong napasinghap sa ginawa n'ya. Mabilis n'ya akong sinandig sa malaking bato at saka hinalikan sa labi ko.
Tila ba'y huminto ang utak ko sa pag-iisip at tanging kabog ng dibdib lamang ang tumitibok. Gulat ang mga mata kong nakatingin sa kan'ya at 'di na nagawang tumutol dahil mismo katawan ko ay nagugustuhan na rin.
Nakapikit ang kan'yang mata kaya naman nahihilo ang aking matang pumikit at ninamnam ang mainit n'yang halik. 'Di ko namalayang humawak na ako sa kan'yang beywang at mas pinalapit sa 'king katawan na nag-iinit kahit malamig naman ang tubig.
Wala sa sariling ginalaw ko ang aking labi para palalimin ang halik namin, gano'n din ginawa n'ya. Bago pa lang sa 'kin ito pero bakit parang ibang tao ako ngayon? Hindi ko alam na kaya kong makipagsabay sa kan'ya.
Mahinang ungol ang tanging maririnig sa 'ming pwesto. Kung saang parteng katawan na ni Kestrel ang na hahawakan ko. Hindi ko kayang pigilan gayong mahal ko s'ya at nakakalasing ang kan'yang halik.
Kaagad akong bumitaw sa halik nang maramdaman kong kakapusin na kami ng hininga. Pinasandig ko ang aming noo sa isa't-isa habang hinihingal na nilalanghap ang hangin.
Masaya ang pakiramdam ko kaya naman ngumiti ako habang nakatingin sa kan'yang mga mata. Gano'n din ang ginawa n'ya at kinagat pa ang kan'yang labi dahilan para mapatingin ulit ako roon.
“M-Mamaya na, Way.” Namumula ang kan'yang labi at gano'n din ang pisngi.
Ngumisi ako. “Tayo na ba? Hinalikan mo ako kaya ibig sabihin lang no'n ay mahal mo rin ako.”
Napatitig s'ya ng matagal sa 'kin bago nakangiting tumango. “Dapat nga pahirapin pa kita pero... Alam ko naman na hindi mo kayang magloko sa 'kin.”
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Sa isip-isip ko ay dapat kilalanin muna namin ang sarili bago kami maging kami, ni hindi man lang ako nahirapan. Magsasaya na ba ako no'n?
Pero naisip ko rin na pwede naman naming kilalanin ang isa't-isa kahit kami na. Sobrang saya at nakakaba pala kapag pumasok sa isang relasyon. At saka may bumabagabag din sa 'king isipan pero pilit na tinataboy dahil ang importante, mahal n'ya ako.
Ramdam ko naman na mahal n'ya ako pero syempre iba pa rin kong mismo manggaling sa kan'yang labi ang salitang mahal n'ya ako. Ayaw kong isipin ang gano'n kaya sinulit ko na ang pagkakataon na magkasama kami.
“Tapos ka na?” tanong ko habang nakatalikod sa kan'ya. Nagbibihis kasi s'ya kaya kailangan kong masigurado na walang sisilip na tao sigurado akong walang tao sa gubat na ito.
“Tapos na.”
Ramdam ko naman ang presensiya n'ya sa likuran ko kaya humarap na ako. Sinuklay n'ya ang kan'yang basang buhok nang nasa harapan ko na s'ya.
Ngiting niyakap ko s'ya at ramdam kong natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan. Natawa pa ito ng mahina kaya naman tinablan ako ng konting hiya.
Masaya lang naman ako dahil sinagot n'ya ako. Kaso nga lang sa pamamagitan ng halik ang kan'yang ginawa. Mahilig ba s'ya sa halik?
“Clingy ka rin pala, ah.” Paniguradong nakangisi ito kaya naman humiwalay kaagad ako.
Pinaninkitan ko s'ya ng mata saka natawa lang din nang makitang gano'n din ang kan'yang ginawa sa 'kin.
Niligpit na namin ang pinagkainan at sapin na nilatag namin. Alas-kwatro-trenta na ng hapon kaya kailangan na naming bumalik.
Magkahawak kamay kaming naglalakad sa gubat. Malapit na kaming makarating sa daanan.
“Masaya ka ba na pinapunta kita roon?” tanong ko at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kan'yang kamay.
Mas lumapit pa s'ya sa 'kin. “Oo naman, lalo pa na ako 'yong una mong girlfriend. Ang lucky ko talaga.”
Natawa na lang kami hanggang sa makalabas ng gubat. Kita ko ang pagtataka ng ilang tao na dumadaan dito pero sinawalang-bahala lang namin ni Kestrel at umalis na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro