Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

CHAPTER 15


Maganda ang gising ko sa umaga. Sino ba naman hindi ngingiti kung ang babaeng gusto mo ang pumasok sa iyong isip?

Abot taenga ang ngiti kong lumabas ng banyo. Sabik na akong makita s'ya ngayon din. Ano kaya ang ginagawa n'ya ngayon? Sana naman ako ang unang pumasok sa kan'yang isip.

Masaya ang araw ko ngayon dahil bukod sa nakasayaw at nakausap ko ang babaeng nagugustuhan ko kagabi sa kaarawan nito ay pinayagan n'ya akong manligaw sa kan'ya. Totoo ba talaga iyon?

“Kataka-taka naman ang iyong ngiti, Kuya,” rinig kong puna ni Willy habang nasa hapag-kainan kami.

Kasalukuyan akong umiinom ng tubig at do'n ko lang din napagtanto na nakangiti pa rin ako. Napailing tuloy ako at umiwas ng tingin sa kanilang tatlo nang mapatingin sila sa 'kin na tila ba nasisiraan na ako ng bait.

“Masaya siguro si Papa dahil nakasama n'ya si Mama Kestrel kagabi,” pangangasar pa ng bunso kong si Eurine. Nakangisi pa na akala mo ay s'ya pa matanda sa 'min.

Umecho naman sa pandinig ko ang huli n'yang binanggit. Mama Kestrel, saan n'ya galing iyon?

Inilapag ko ang basong pinag-inuman ko at malapad pa rin ang ngiti kong tinignan ang bunso.

“Sino nagturo sa 'yo na Mama Kestrel ang itawag mo sa kan'ya?” tanong ko. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.

Napatingin ito kay Eurica na abala sa kinakain nitong tinapay. Papasok sila ngayon sa eskwelahan kaya naman medyo nagmamadali na sila dahil ilang minuto na lang ang natitira nilang oras.

Tinaas pareho ni Eurica ang kan'yang kilay at nilunok muna ang pagkain bago nagsalita.

“Si Mama Kestrel po ang nagsabi sa 'min na itawag po namin s'yang Mama. 'Di ko rin alam kung bakit, Papa.” inosente naman n'yang sagot sa tanong ko at nagkibat-balikat silang parehas ni Eurine.

Rinig ko naman ang mahinang tawa ni Willy at bahagyang umiling-iling pa ang ulo. “May gusto rin siguro ang Madam mo, Kuya sa 'yo.” Kinindatan n'ya ako pagkatapos.

Akmang magsasalita sana ako nang kaagad n'yang kinuha ang kan'yang pinagkainan at dumiretso sa lababo saka pumasok sa banyo para maligo.

Napabuntong hininga na lang ako at sinawalang bahala na lang ang sinabi ni Willy. Imposible dahil hindi ko pa naman ramdam na may pagtingin din s'ya sa 'kin.

Pero gano'n pa man paiibigin ko s'ya lalo pa't binigyan n'ya ako ng permiso na manligaw sa kan'ya.

Pagkarating ko sa site, abala kaagad ang mga katarbaho ko sa kani-kanilang ginagawa. Gaya sa lagi kong nadadatnan ay halos putikan at madumi ang kanilang mga damit. Nasanay na rin ako kaya wala na sa 'kin ang gan'yan.

Pagkalapag ko pa lamang ng aking bag sa lalagyan ko lagi ay napaigtad ako nang sakyan ako ni Eco sa leeg. Mahina ko naman s'ya sinuntok sa dibdib na ikinadrama naman nito na para 'bang nasaktan talaga s'ya pero nakangiti naman.

“Ang ganda ng gising mo, ah? Anong nangyari kagabi?” may bahid sa boses nito na pagkasabik.

Umiling ako, pinipigilan kong ngumiti ng malawak at baka mapaghalataan akong baliw na. Hindi naman siguro masama na maging ganito kung ang babaeng hinahangaan mo ang dahilan.

Dinuro ko s'ya sa noo na ikinareklamo n'ya. Hinampas n'ya ang aking kamay.

“Para saan 'yon?!”

Pinaninkitan ko s'ya ng mata. “Iniwan n'yo ako kagabi. Alam mo 'bang hindi ako sanay sa gano'ng okasyon? Muntik na akong maligaw.”

Sa tuwing pupunta ako ng mga okasyon noon, palagi kong kasama ang dalawa kong kaibigan. Hindi talaga ako mahilig umattend ng selebrasyon, mas gugustuhin ko na lang na makasama ang aking mga kapatid.

Wala akong choice dahil inaya ako, nakakahiya naman tanggihan at saka mabuti na rin iyon at makapagkuha ako ng pagkain. Dadalhin na lang sa bahay para makakain din ang mga kapatid ko.

“Maligaw!” 'di makapaniwala n'yang bulalas at ngisian ako. “Engoy na engoy ka nga'ng kasayaw si Madam Kestrel!”

“Enjoy hindi engoy,” pagtatama ko.

Sumimangot s'ya. “Gano'n na rin 'yon!”

Napailing na lang ako sa klaseng dila na mero'n s'ya. “Buhay ko 'yon kaya 'wag mo nang pakialaman.” Tinalikuran ko s'ya pero humabol naman s'ya sa 'kin.

“Buhay mo s'ya?” Ayan na naman s'ya.

“Ang ibig kong sabihin, buhay ko ito, wala ka nang pakialam kung sino ang babaeng kasayaw ko.”

“Ay, ang syempre may pakialam ako!” angal pa n'ya. “Ako kaya ang pers bes pren mo! Dapat makilala at makita ko man lang ang babaeng gusto mo 'no!”

'Di ko alam kung matatawa ba ako sa bulol n'yang salita kapag nag-i-inglis. Nahihirapan talaga s'ya kapag gano'n pero magaling naman kahit bulol.

Kinulit pa n'ya ako sa naganap kagabi sa pagitan namin ni Kestrel. Sinabi ko na lamang na pinayagan akong manligaw. Tapos! Balik na ako sa tarbaho at baka masita pa ako ng ilang kasama ko. Kesyo tamad daw at gano'n. Tsk.

Nakaramdam ako ng pagod at uhaw nang dumating ang tanghalian. Wala pala akong baon na tubig at naiwan ko sa bahay nang silipin ko ang aking bag.

Malapit naman ang karinderya sa site kaya naman 'di na ako nahirapang tumungo ro'n. Sakto, wala akong dalang pera, libre naman ang tubig kaya ayos lang.

Madaming taong nagdadagsaan sa karinderya. Talagang masasarap ang pagkain dito kaya naman hindi na ako magtataka kung bakit minsan may nagrarambulan dito. Nag-aagawan lang naman ng ulam at kanin, minsan kasi nauubos na.

Dumighay ako matapos kong inumin ang isang basong tubig. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago hinarap ang babaeng nakatunganga lamang sa 'king harapan.

Inilahad ko sa kan'ya ang baso. “Salamat, pwede 'bang pautang muna ng kanin at adobo? Mamaya ko bayaran, nakalimutan ko lang kasi 'yong pera ko.”

Ang tanga ko rin, eh 'no? Gutom na pala ako at hindi iyon kaya ng isang basong tubig. Hindi naman pwedeng palanguyin ko ang tiyan ko ng tubig. Tsk, bakit kasi minsan makalimutin ako?

Nakangangang tumango s'ya at itinapat ang basong pinag-inuman ko kanina. Nataranta naman ako nang akmang iinom s'ya gamit iyon.

Mabilis kong inagaw ang baso saka hinugasan banda sa gilid ko kung saan nando'n ang gripo.

“May laway ko na 'to, dapat hindi mo ginawa iyon.” Salubong ang kilay na binalik ko sa kan'ya ang baso na nahugasan na.

Napakurap-kurap naman s'ya sa 'king harapan. “P-Pasensiya na. Lutang lang ako,” paumanhin pa n'ya pero 'di ko 'yon inabala 'pang isipin.

Napabuga ako ng hininga at inutusan na s'yang bigyan ako ng ulam at kanin na kaagad naman n'yang ginawa. Malakas ako sa karinderya na ito at kahit umutang ako ng marami ay ayos lang, magaling naman akong magbayad.

Tama naman siguro ang ginawa ko di'ba? Hindi naman siguro masama 'yong ginawa ko kanina? Mukha kasi akong masungit pero 'di naman talaga, 'no. Mukha lang pero kapag ako nakilala nila, mas mabait ako sa santo.

Hindi lang talaga ako sanay na may umiinom sa pinag-inuman ko ng baso. Mas mabuti na nga ngayon, noon kasi masilan talaga ako pagdating sa pagkain at kagamitan na gagamit sa pagkain. Hindi ako nagpapahiram at tinatabi ko ang aking pinaggamitan.

Ngayon, basta malaman ko lang na hugasan na nang mabuti ay panatag na akong hindi nila malalasahan ang aking laway. Gano'n ako kasilan na tao kaya naiinis din minsan ang tao sa 'kin, mas lalong si Willy.

Saktong pagkadating ng aking inorder na ulam at kanin ay ang pagpasok ni Kestrel a karinderya. May hawak-hawak itong tupperware na sa tingin ko ay keyk ang laman.

Nakatanga lamang ako sa kan'ya at hinintay na dumapo ang kan'yang tingin sa 'kin. Hindi nga ako nagkamali. Nang mailahad n'ya ang tupperware sa 'di gaano katandang tindera ay napatingin s'ya sa 'kin.

Kahit gulat ako ay hindi ko pinahalata at ngitian lamang s'ya na parang normal. Ayaw kong maging magkailangan kami dahil sa nangyari kagabi.

Malapad naman ang kan'yang ngiting tumungo sa 'kin. Kapansin-pansin din ang mapula n'yang pisngi. Natural lang ba iyon?

Umupo s'ya sa 'king harapan. “Hinanap kita sa site, nandito ka lang pala.”

Umiba naman ang pakiramdam ko. “Bakit mo naman ako hinanap?” tanong ko at nagsimula nang kumain.

Ayaw ko naman titigan s'ya ng matagal kahit gusto ko. Baka mailang nga s'ya at pansin kong umiiwas s'ya kapag ginanon ko s'ya. Gusto ko nakatutok ang kan'yang mata sa 'kin at para naman makita ang aking halaga at kagwapuhan.

Sige ipaglaban mo, Wayzer.

Sumandig s'ya sa upuan. “Sabi mo kasi liligawan mo ako. Mukhang nagbibiro ka yata.”

Nanlaki ang mata ko at saka umiling sa kan'ya para ipahatid na 'di totoo ang kan'yang sinabi.

“Ano ba 'yan. Syempre seryoso ako sa 'yo. Hindi ako mahilig sa biro,” usal ko na ikinatigil naman n'ya.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro