Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

CHAPTER 12

“Ano n'yo, Papa si Ate Kestrel?”

“Bakit palagi s'yang nandito? Palagi n'ya kaming binibigyan ng laruan,” nakangusong tanong ni Eurica.

Ngitian ko sila habang naghahalo ng buko juice. “Amo ko s'ya, mga bunso.” Hininto ko ang paghalo at kumuha ng tig-iisang baso saka nilagyan ng juice. “Kasi magkaibigan na kami ng Amo ko kaya palagi s'yang nandito.”

Kinuha ni Eurine ang isang basong juice saka taka ulit akong tinignan. “Eh? Bakit kami binibigyan ng laruan?” ulit n'yang tanong.

Binigyan ko na rin si Eurica at kumuha rin ako ng akin. “Kasi gusto n'ya,” tugon ko at uminom.

“Kuya! Nandito na ang nobya mo!”

Kaibuga ko ang ininom kong buko juice dahilan para kumalat sa dibdib ko. Namumula ang aking mukhang sinimaan s'ya ng tingin at ang tinugon lamang n'ya ay tinawanan ako.

Dali-dali akong inayos ang aking sarili. Kinuha ko ang t-shirt na nakapatong sa upuan at pinahid sa 'king dibdib na kung saan natapunan ko ng buko juice. Sayang.

Binigla ba naman ako na sa sinabi n'ya. Do'n ako nabigla sa nobya na salita. Si Kestrel tuloy ang pumasok sa isip ko at tama nga ang hinala ko na s'ya ang tinutukoy ni Willy. Sana hindi narinig ni Kestrel.

Tulad ng nakasanayan ng kambal ay una silang sinalubong ni Kestrel at may panibago na namang itong laruan.

Lumuhod s'ya sa harapan ng kambal at ngiting pinakita ang laruan n'yang hawak. “May dala ulit akong laruan. Sana magustuhan n'yo,” magiliw n'yang saad at binigay sa dalawang kambal ang laruang pambabae. 'Di ko alam kung anong klaseng laruan iyon, wala naman akong gan'yan noon.

Mabilis akong kumuha ng baso at sumalin ng buko juice. Agad kong nilapitan si Kestrel na abala sa pag-uusap sa kambal at itinapat sa kan'yang harapan ang isang basong juice na kaagad n'yang ikinatingin dito.

Ngiting kinuha n'ya ito at tumayo sa pagkakayuko. “Salamat! Sakto, paborito ko 'yong buko juice.” Bungisngis s'yang uminom ulit ng juice.

Lihim naman akong napangiti. Alam kong paborito n'ya 'yong buko juice, kaya nga bumili ako ng maraming buko sa kabilang bayan. Dahil sa kan'ya nagustuhan ko na rin uminom ng buko juice.

SABAY kaming pumasok ni Kestrel sa site. Hindi muna ako pumunta ng shop ko, kailangan namin ngayon mag-ayos ng iilang speaker dahil gagamitin ito ni Boss sa kanilang hacienda, do'n ko nga rin nalamang kaarawan pala ni Kestrel bukas. Bakit wala man lang ako kaalam-alam sa buhay n'ya?

“Mamaya na tayo mag-usap, Madam,” saway ko sa kan'ya habang nilalapag ko ang kasing laki kong speaker. Medyo mabigat pero ayos lang naman.

Nakasunod s'ya sa aking likuran. “Sabi na 'wag mo na akong tawaging Madam, eh.” Napatawa na lang ako ng mahina nang marinig ang nagtatampo n'yang boses.

Pinagpag ko ang aking kamay bago s'ya hinarap. “Hindi pwede. Magtataka ang ilang kasama ko rito.”

Napaismid s'ya. “Oo nga pala. Pero dapat Kestrel pa rin 'yong itatawag mo sa 'kin kapag nasa labas tayo, ah?” paninigurado n'ya na kaagad ko namang ikinatango.

Ngitian n'ya rin ako at sinunod ang inutos ko. Napailing ako sa sarili. S'ya 'yong Madam pero ako 'yong nag-uutos sa kan'ya.

Gaya nga sa inutos ko, nakaupo ito sa kasalukuyang inaayos na speaker. Saglit akong sumulyap sa kan'ya at masigla ang loob kong bumalik sa ginagawa ko. Masigla at masaya dahil ganito na kami kalapit ni Kestrel.

Alam kong masasaktan lang ako kung sakaling may nobyo nga s'ya. Hindi ko rin kasi naitanong sa kan'ya dahil natatakot ako sa posibleng sagot n'ya. Siguro sa susunod na lang, siguro ayos na ganito na lang ang set-up namin.

“Madam!”

Mabilis akong napatingin sa pwesto ni Kestrel. Nakaupo ito sa sahig, 'yong speaker na inuupuan n'ya kanina at natumba, mukhang nabasag.

Mabilis akong lumapit sa kan'ya at kaagad na inalalayang tumayo bago pa s'ya mahawakan ng kasama ko.

Nakangiwing pinagpag n'ya ang kan'yang bestida na hanggang tuhod. Buti hindi nakita ang binti n'ya. Putcha lang talaga kapag nakita ng iba.

“Ang sakit,” reklamo n'ya.

“Anong nangyari at natumba ka?” nag-aalala kong tanong at sinuri ang kan'yang kabuuan. Nagasgasan lang ang kan'yang tuhod, marahil tinukod n'ya bago bumagsak ang kan'yang katawan sa sahig.

Taranta s'yang napatingin sa basag na speaker. “Nakaupo lang naman ako ng biglang na-out of balance 'yong speaker.”

“Nasira ang speaker,” rinig kong sabi ng kasama ko at pinatayo ang speaker. Buti pala at 'di s'ya nagulugan ng speaker. “Patay. Kailangan pa naman 'to bukas.”

Napatingin ako sa taranta at balisa na mata ni Kestrel. Alam kong wala s'yang magagawa rito, hindi naman n'ya kayang ayusin 'to.

Hinawakan ko ang basag na parte ng speaker. “Ako na bahala rito.” Presenta ko na mag-ayos.

Alanganin naman nila akong tinignan. “Anong oras na ngayon, Wayzer. Wala ka ng oras at maya-maya tapos na ang tarbaho natin.”

Rinig ko naman ang reklamo ng iba. Lagot talaga kami kay Boss, espesyal pa naman ang okasyon bukas.

“W-Wayzer,” tawag ni Kestrel.

Ngitian ko s'ya na nagpapahiwatig na ako na bahala. “Akong bahala.”

“Ano na ang gagawin natin?”

“Mag-o-overtime ako rito kung kinakailangan. Wala ng ibang speaker pa kaya kailangan kong ayusin 'to.”

Kinulbit ako ni Kestrel at nag-aalala n'ya akong tinignan. “Paano 'yong kapatid mo? Wala silang kasama kung dito ka mag-o-overtime.”

“Gaya nga sa sinabi ko, kaya ko 'to.” Tinapik ko ang kan'yang balikat.

Napabuntong hininga s'ya. “S-Sorry.”

Masyado s'yang nag-aalala na baka walang magbabantay sa kambal. Ipapaalam ko na lang siguro kay Willy na rito muna ako hanggang sa maayos ang speaker. Kung pwedeng hanggang gabi ay kakayanin ko.

“Wala 'kang kasalanan. Kaya ko 'to, basta ba samahan mo ako hanggang sa maayos ko,” ngiting suwestiyon ko.

Mukha naman s'yang nakaginhawa. “Sige, para naman may silbi ako.” Natawa s'ya pagkatapos.

Nagsibalikan na ang iba sa kani-kanilang tarbaho. Buti dahil ayaw kong maging problema pa ito sa kanila. Imbitado pa naman kami bukas sa okasyon ni Kestrel kaya ayaw kong sirain ang kanilang kalagayan ngayon.

~•~•~•~

“Anong oras na?” Pagod na inilapag ko ang speaker sa katabi ng ilang speaker na gagamitin bukas.

Kita ko ang pagtingin n'ya sa kan'yang cellphone. “Alas-otso na.” Inangat n'ya ang kan'yang tingin sa 'kin. “Tapos na ba? Uwi na tayo, gani na talaga.”

Tumango na lang ako at kinuha ang aking dala-dalang bag. “Hatid muna kita sa inyo.” Nauna akong lumabas ng site at kasunod naman s'ya.

“Pagod ka na, Wayzer.” Bahid sa kan'yang mukha na nag-aalala s'ya. “Kaya ko namang umuwi, eh. Sige na at hinihintay ka ng mga kapatid mo.”

Umiling ako. “Ihahatid kita. Paano na lang kung may mambastos sa 'yo? Hindi kita hahayaang umuwi na mag-isa.”

Wala akong tiwala sa mga tao rito. Noong nakaraang buwan ay nabalitaan kong may nambastos na lalaki sa isang grupong babae.

Sa huli hindi na nagreklamo pa si Kestrel at hinayaan ako sa ano man ang gawin ko. Tila ako na 'yong Boss sa aming dalawa.


MADILIM na ang gabi at nagsasayawan ang mga puno sa tabi-tabi habang naglalakad kami sa gitna ng daanan. Wala na ring tao at nasa loob na ng kanilang bahay. Siguro kumakain na ng hapunan.

“Maganda pala kapag naglalakad sa gitna ng gabi,” rinig kong sambit ni Kestrel dahilan para tignan ko s'ya.

Ngumiti s'ya sa 'kin at napatingin sa itaas ng langit. “Mas maganda pala rito kaysa sa Manila. Akala ko hindi ako mag-e-enjoy rito dahil halos mga tao at lugar dito ay makaluma. Ngayon na-realize kong ang linis at sariwa ng paligid.”

Tama nga s'ya, kaya nga isa sa dahilan kung bakit napamahal na sa 'kin ang lugar na ito. Halos mga tao rito mga mababait at masaya sila sa ano man ang mayro'n sila ngayon. Alam kong hangad lang nila ang kasiyahan sa bawat araw na sasalubungin sa kanila.

“Tama pala hinala ko no'ng una,” ngisi kong sambit at humarap ng tingin sa daanan.

“Ang alin?”

“Na hindi mo gusto ang ganitong lugar. Halata namang gusto mo 'yong mga matataas na gusali tulad ng Manila. At isa pa, hindi ka sanay sa ganitong lugar kaya malamang ayaw mo rin sa una na manatili rito.”

Tuluyan na nga s'yang natawa sa 'king sinabi at bahagyang napatango-tango. “Yeah, you're right. Ayaw ko sa una pero ngayon unti-unti ko nang nagugustuhan. Normal lang naman siguro na hindi mo gusto sa una pero magugustuhan mo rin naman sa huli di'ba?”

“Oo naman,” mahina kong sagot. Napansin ko na lamang na medyo malalim ang iniisip ko ngayon.

Iba ang tama sa 'kin sa huling binitawang salita ni Kestrel. Normal naman talaga na hindi mo pa magustuhan ang lugar, bagay at minsan... Tao.

Love at first sight? Siguro nga totoo pero wala naman kasiguraduhan kung totoo nga na love 'yong nararamdaman mo. Para sa 'kin, attraction 'yong nauna kaysa sa love. Malakas 'yong pagmamahal kaya malamang attraction 'yong nauna.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro