Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

CHAPTER 11

“Umiinom ka ba ng kape?” tanong ko habang nagtitipla ng kape. Nakatalikod ako sa kan'ya.

“Oo naman,” rinig kong sagot n'ya. Napatango ako kahit hindi n'ya naman kita ang mukha ko.

“Uminom ka muna ng kape bago umalis.” Hinarap ko s'ya at dahan-dahang inilapag ang kapeng tinimpla ko para talaga sa kan'ya.

Kinuha naman n'ya at ngitian ako ng alanganin. “Salamat.” Unti-unti n'yang hinigop ang kakarampot ng kape.

Iniwan ko muna s'ya saglit at tinungo ang aking kwarto. Baka magulo ang hinihigaan ko, eh.

Pagkapasok ko sa kwarto, tama nga ang hinala ko na magulo ang kama. Napailing na lang ako at sinimulan nang ligpitin. Kababaeng tao hindi marunong mag-ayos man lang.

'Pero gusto mo naman!' sabat naman ng isip ko.

“Aalis na ako.” Bakit ang bilis?

Lumabas ako ng kwarto para pigilan s'ya. “Ubos mo na kape mo?” tanong ko at napatingin sa lamesa kung saan nakalapag ang basong tinimpla ko sa kan'ya. Wala na ngang laman, nilagok n'ya 'yon?

Tumango s'ya at kung saan-saan na ang kan'yang mata nakatingin. “Kailangan ko nang magtarbaho.”

Napabuka ng konti ang aking bibig hudyat na may sasabihin, pero kaagad ko ring mariin na inilapat. Gusto ko sanang sabihin na sabay na kami kaso natandaan ko pala na ilang araw ko na s'yang iniiwasan. Baka magtaka, eh.

Sa huli ay napatango na lang ako at tinanaw ang kan'yang bulto na papalabas ng aking bahay. Siguro nagtatampo o galit s'ya sa 'kin, sino ba namang 'di magagalit kung pinaghintay ka tapos babaliwalain lang din naman.

Inis na napakamot ako sa batok. Parang nagsisi yata akong 'di ko s'ya pinansin. Tama ba talaga ang ginawa ko? Gusto ko lang naman ang masaganang buhay, 'yong wala pa akong nagugustuhan na babae.

“May eskursyon daw tayo pagkatapos ng dalawang araw. Sasama ka ba, Wayzer?” tanong ni Darwin.

Nakaupo ako sa lumang sasakyan na wala ng pag-asang maayos pa. Tinambay na lang sa labas ng site.

Tinigil ko muna ang pagnguya ko ng bubble gum saka s'ya tinignan. “Saan naman?” At ngumuya ulit.

“'Yong cold spring na sinasabi nila na sikat dito sa 'ting lugar. Mismo si Boss ang nagsabi.” Nagkibat-balikat s'ya. “Alam mo na, gusto n'yang sulutin ng kan'yang anak na maging masaya rito bago s'ya aalis.”

Agad akong natigilan at saka patalon na bumaba ng kotse. “Aalis s'ya? Saan s'ya pupunta?” Malakas ang kabog ng dibdib ko sa oras na ito.

Taka naman n'ya akong tinignan sa 'di inaasahang inasta ko. “Balita ko ro'n na s'ya titira sa Amerika.” Bigla s'yang lumapit pa lalo sa 'kin at para 'bang may ibubulong. “Sobrang yaman ba ni Boss? Akalain mo ba naman na ipapatira n'ya ang kan'yang anak sa Amerika.”

'Yon din ang iniisip ko sa sandaling ito. Pagkakaalam ko 'di gano'n kayaman si Boss namin pero bali-balita na marami itong negosyo.

“'Di ko alam.” Gusto ko pa sanang dagdagan ng tanong tungkol sa pag-alis ni Kestrel. 'Di ko man alam na pansamantala lang pala s'ya rito, akala ko rito na s'ya titira.


“Wayzer!”

Napahinto naman ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Kestrel. Napalingon ako sa likuran at nakitang patakbo s'yang lumapit sa 'kin.

Parang nabuhayan ang loob ko nang makita ang kan'yang ngiti. Hindi na ba s'ya galit sa 'kin? Wala na ba sa kan'ya ang ginawa ko?

Isinukbit n'ya ang kan'yang mamahaling bag sa balikat. “Sasama sana ako sa 'yo. Pupunta ka 'bang eskwelahan?” tanong n'ya pa.

Sandali akong natigilan bago magsalita. “Sa palengke ako diretso.”

“Hindi mo susunduin ang kapatid mo?” takang tanong n'ya pa.

“May susundo sa kanila.” Nagsimula na akong maglakad, malapit na rin sa tulay.

Sumunod s'ya sa 'kin at patalon-talon 'pang naglalakad sa 'king gilid. “Uuwi ka na?” tanong n'ya ulit. Ang kulit talaga.

Umiling ako habang 'di nakatingin sa kan'ya. “Bibili pa ako ng gulay sa palengke.”

Kita ko naman sa gilid ko ang pagtungo n'ya. Hinintay ko muna s'yang mauna sa pagtabok sa tulay.

Alanganin s'yang tumingin sa 'kin. “Kinakabahan pala ako tumabok ng tulay. Baka pwede naman alalayan mo ako?” Napakagat pa s'ya sa sariling labi.

Kusang dumapo ang aking mata sa kan'yang labi. Saglit akong napapikit ng mariin dahil sa pisteng nararamdaman na ito. Walang sabi ko s'yang hinawakan sa braso at kaagad naman n'yang nakuha ang ibig kong gawin.

Walang nagsasalita sa 'min habang inalalayan ko s'yang tumabok ng tulay. Nasa gitnang parte na kami ng tulay nang maramdaman ko ang panginginig ng kan'yang katawan. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kan'yang kamay at ginaya na s'yang makalatay sa kanilang parte.

Napabuga s'ya ng hininga matapos ko s'yang bitawan. Buti hindi s'ya nagulilat.

“Thanks.” Napabuga s'ya ng hininga at saka saglit na sumulyap sa tulay bago ako hinarap.

Tumango ako at nauna nang maglakad. Medyo nag-alala rin ako sa kan'ya dahil mukhang namumutla ang kan'yang mukha habang naglalakad kami sa tulay kanina. Pero syempre titignan ko na lang ang bawat galaw n'ya kaysa na itanong pa kung ayos lang ba s'ya. Ay isa pa, nahihiya akong magtanong. Nalintikan nga talaga.

Ilang hakbang lamang ang ginawad namin hanggang sa makarating kami ng palengke. Dumagsa ang nagdadamihang tao, kasabay pa nito ang pagsigaw na nagbebente ng kanilang paninda.

“Ang ingay.”

Napatingin ako kay Kestrel nang bumulong ito sa 'kin. Napangiti na lang ako sa reaksiyon n'ya. Halata nga'ng naiingayan s'ya at hindi s'ya sanay sa ganitong lugar.

“Ganito ang buhay namin, eh. Kailangan kumita dahil mahihirap lamang kami.” Pasimple ko s'yang hinila hanggang sa makarating kami sa pwesto ng gulayan.

Nang mapatingin ako sa kan'ya ay nakatingin ito sa ibaba. Napatingin ako roon at kaagad ding inalis. Gusto ko tuloy pokpokin ang ulo ko.

Tumikhim ako at saka sinuri ang iba't-ibang klaseng gulay sa 'king harapan. Kinuha ko 'yong talong. “Magkano po 'yong kilo ng talong, Nay?”

Abala ito sa pagkain ng almusal nang mapansin n'ya ako. Mabilis n'yang binitawan ang pinggan at saka ako hinarap.

“Treinta pesos, hijo.” Kinuha n'ya ang talong na hawak ko at saka kinilo. “Ilang kilo ba sa 'yo?”

Kumuha pa ako ng tatlong talong at saka kinilo. “Isang kilo , Nay.”

Tumango s'ya saka binalot ito. Sinulyapan ko naman si Kestrel at nadatnan kong nakatingin s'ya sa likuran ko banda.

Napatingin ako sa tinitignan n'ya. Sa ukay-ukay yata s'ya nakatingin. Binalik ko ulit ang tingin sa kan'ya at nakitang tulala ito na para 'bang gusto n'yang makita sa malapitan ang ukay-ukay.

Dinilaan ko ang ibabang parte ng labi ko habang nakatingin sa ukay-ukay. Sa konting panahon na nakilala ko si Kestrel, napansin kong mahilig s'ya sa mga damit na 'pang babae.

Binayaran ko na ang tindera at nagpaalam dito. Walang-imik akong sinundan ni Kestrel, mukhang malalim ang iniisip kaya hinayaan ko na hanggang sa makarating kami sa harapan ng ukay-ukay.

“Oh, bili-bili na kayo! Bente pesos lang ang bestida!” sigaw ng lalaking payat na mataas habang niwawagayway ang hawak-hawak n'yang iba't-ibang bestida.

Rinig ko naman ang hagikgik ni Kestrel. “Bakit tayo nandito?” tanong n'ya habang nakatingin sa lalaking payat.

“Napansin ko kasing mahilig ka sa bestida. Bibilhan kita.” Hinila ko s'ya papalapit sa lalaki.

Nanlaki ang kan'yang mata. “W-Wayzer...”

“May iba pa 'bang bestida na babagay sa kan'ya?” tanong ko sa nagtitinda na lalaki.

Napansin naman ako ng lalaki. Muntik na akong mapamura dahil bakla pala 'to. Wala namang problema pero nakakagulat lang kasi.

Napabuka ang kan'yang bibig na mukhang masaya na may pumansin sa kan'ya. “Papeh! Kalerki! May pumansin din sa 'kin sa wakas!” Pasayaw-sayaw n'yang tinungo ang kan'yang pwesto na puno ng pambabaeng kadamitan.

Ngiting inaya ko si Kestrel. “Sige na at pumili ka ng gusto mo. Ako ang magbabayad.” Mahina ko s'yang tinulak sa pwesto ng tindero.

Alanganin pa s'yang nakatingin sa 'kin pero kalaunan ay napangiti din. Kapansin-pansin ang kan'yang nagkikislapang mga mata habang hinahawakan ang iba't-ibang klaseng bestida. Alam kong gusto n'yang bumili.

Masaya s'yang ngumiti sa 'kin. “Salamat at dinala mo ako rito.”

Pasimple akong umiwas ng tingin at napakamot sa batok. Bakit ako nahihiya?

“Wala 'yon, simple lang naman 'to, eh.” Mukhang masaya ka rito, eh. Gusto ko pa sanang dagdagan pero mas pinili ko na lang naitikom.

“Grabeh, Papeh!” rinig kong tili ng tindero at nilapitan ako. “Kasintahan mo ba s'ya ene? Ay! Pak na pak! Naka-jackpot ka, Papeh!”

Nangunot ang noo ko. “Bakit naman?” tanong ko at binalingan ng tingin si Kestrel na abala sa kakapili ng bestida.

Lumapit pa lalo s'ya sa 'kin dahilan para mabahala ako. Ano ba kasi gusto nito? Kinikilabutan tuloy ako.

“Kita mo ba naman.” Bahagya n'yang tinuro si Kestrel. “Makinis, maputi at saka gandang babae!” Tumili s'ya. “Mahirap makahanap ng babaeng gan'yan, Papeh kaya grab mo na ang opportunity!”

Nahiya tuloy ako sa inasta ng tindero na ito pero syempre ayaw ko naman suntukin o anuhin s'ya. Iba na kasi ang iniisip ko at talagang nagbigay init sa 'kin.

Natigil lamang iyon nang masaya akong nilingon ni Kestrel. “Gusto ko 'to, Way!” Itinaas n'ya ang bestidang kulay asul.

Wala sa sariling napangiti ako. Ang sarap lang tignan na masaya s'ya sa ginagawa n'ya. Pakiramdam ko umistambay kami gaya ng mga kasintahan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro