Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 09

CHAPTER 09

Katulad ng ibang babae ay sumasabay rin s'ya sa indayog ng musika. Katulad ng ibang babae ay sumasayaw din s'ya na tila ba s'ya ang sentro ng madla.

Inagaw n'ya ang pansin ko. Napatitig ako ng matagal sa kan'yang kasuotan.

Nakasuot s'ya ng bestida na hapit na hapit sa kan'yang katawan. Nakalugay ang kan'yang buhok na kulot na hanggang ilalim ng balikat. Alam kong kasing ganda ng kalangitan ang kan'yang mukha at ngiti ngayong gabi.

Hahayaan ko na muna sana s'ya at babalikan na lamang nang matulos ako sa kinatatayuan ko. Nand'yan na naman si Jomari sa kan'yang tabi at hindi ko na gustuhan ang kanilang pagsasama.

Wala sa sariling napatayo ako sa pagkakaupo. Nakipagsiksikan ako sa mga nagsasayawang tao sa gitna para lang malapitan sila.

'Di naman naging mahirap at nakaharap ko na nga s'ya. 'Di n'ya ako napansin dahil tutok pa ito sa kasama n'yang ibang lalaki. Ang sakit sa mata.

Mukhang lasing na nga si Kestrel at nagawa pa n'yang sumayaw dito?

Walang ano-ano'y hinawakan ko s'ya sa braso para tumigil na s'ya sa kakagiling sa harapan ni Jomari. Napansin ako ni Jomari kaya naman tumigil din s'ya sa pakikipagsayaw.


Tinignan ko ng seryoso si Kestrel na ngayon ay mapungas-pungas ang mukhang umangat ng tingin sa 'kin. Mukhang tinamaan na nga ng malakas na alak.

“Hi, pogi!” Binagsak n'ya ang kan'yang katawan sa 'kin na kaagad ko namang s'yang inalayan.

Mariin na inilapat ko ang aking labi at saka matalim na tinignan si Jomari. Taka man s'ya kung bakit ako nakialam sa kanila ay sumuko na ito sa tingin ko pa lamang na nakakasindak.

Tinaas n'ya ang kan'yang kamay. “P-Pauwiin mo na s'ya. Wala akong ginagawang masama.” Mabilis naman s'yang umalis sa harapan ko at nakisayaw sa ibang babae. Tsk.

Salubong ang kilay kong binalik ang tingin sa babaeng hawak ko ngayon na mukhang iba na nga talaga ang tama. Nagsitaasan ang balahibo ko sa bawat haplos n'ya sa 'king panga na kaagad ko naman pinigilan.

“Uuwi ka na. Lasing ka na, oh.” Parang Tatay n'ya ako na nagagalit sa kan'ya.

Kahit malakas ang tugtog ay narinig ko naman ang tawa n'ya. “Sayaw tayo, babe.” Ngayon iba na ang tawag sa 'kin at 'di ko iyon nagustuhan.

Pinilit ko s'yang sumama sa 'kin papaalis ng plaza na hindi man lang n'ya ikinareklamo. Buti naman at talagang bubuhatin ko s'ya para lang makaalis doon. Madami pa namang lasing na lalaki sa tabi-tabi at wala akong tiwala.

“Saan tayo pupunta?” lasing n'yang tanong sa 'kin at pagewang-gewang na rin ang kan'yang lakad. Inalalayan ko naman s'ya at hinawakan sa beywang bilang suporta.

Napatagis ang bagang ko nang makitang namumula ang kan'yang leeg nang makarating kami sa labas ng plaza. Salamat sa liwanag ng poste sa tabi-tabi at nakita kong ganito ang sitwasyon n'ya.

“Bakit ka naglasing?” mahinahon pero bahid naman ang inis sa 'king boses. “Paano na lang kung ibang lalaki ang nakakita sa 'yo? T*ngina.”

Hindi ako palamura na lalaki pero ngayon gusto ko na magmura sa isipang ibang lalaki ang mag-uuwi sa kan'ya na sa ganitong estado. Nakalimutan ko tuloy ang tarbaho ko.

Wala akong sasakyan kaya naman inis na hinagilap ko ang pwede kong masakyan para lang maiuwi itong babae. Kay babaeng tao lasinggera.

Bagsak-balikat na akong napatingin kay Kestrel. Nakahilig s'ya sa 'king tabi habang hawak-hawak ko s'ya sa beywang.

“Ano sabi mo, Kuya?” Ngayon naman Kuya na ang tawag sa 'kin.

'Di ko na s'ya inabalang kausapin at binuhat na lamang na parang bata. Baka mangalay lang ako kung bubuhatin ko s'ya na 'pang kasal, medyo malayo ang bahay ko at wala akong ibang paraan kundi maglakad na lang.


“N-Nmamanhid ang braso ko sa 'yong babae ka.” Hinihingal na inilapag ko s'ya sa sofa sa sala ng bahay namin.

Taas-baba ang dibdib ko sa pagod at hingal habang nakahawak sa 'king beywang. Hindi naman sa bigat s'ya, malayo-layo kaya ang nilakad ko tapos buhat ko pa s'ya. 'Di ko na ito gagawin sa susunod!

Pabagsak akong umupo sa paahan n'ya at nagpahinga saglit. Siguro naman akong wala ang kan'yang Ama sa kanilang bahay. Dito ko muna siguro s'ya patutuluyin hanggang sa dumating ang liwanag ng araw.

Napatingin ako sa magulo n'yang buhok. Ngayon ko lang napansin ulit ang maporma n'yang suot. Bagay sa kan'ya pero naiinis ako sa mga lalaking nakakita sa kan'ya.

Madamot na kung madamot pero gusto ko s'ya. Putcha. Ilang linggo lamang kami nagkakilala pero ganito na ang epekto ko sa kan'ya.

Sapok ang aking ulo na binuhat ulit s'ya para patulugin sa kwarto ko. Sa sala na lang siguro kami matutulog mamaya ni Willy o sa kwarto ng kambal. Bahala na.

Inilapag ko s'ya sa maliit na kutson at saka hinubad ang kan'yang sandalyas. Namumula ang kan'yang paa kaya naman hinilot ko ito saglit, wala naman akong ginagawang masama. Tama, 'yon ang totoo.

Nangingig ang kamay kong kinumutan s'ya. Paano ba naman kita ko ang 'di gaano kalakihan n'yang hinaharap. 'Di rin ako bastos na lalaki kaya nga lang 'di ko sinasadyang makita ang kan'ya. Nalintikan na.

Akmang aalis na sana ako sa kwarto nang pigilan n'ya ang akong kamay.

“Is that you, babe? I miss you already,” paungol n'yang sambit na nagbigay kilabot sa 'king batok. Putcha.

Sino man ang kan'yang 'babe' na binabanggit ay nagseselos ako. Naiinis at halong-halo ang emosyon ko ngayon.

Inalis ko ang kan'yang kamay at sinuklay ang kan'yang buhok na bahagyang nagulo. Kita kong napahinga ito ng malalim hudyat na tulog na ito.

Ilang segundo muna ako nakatitig sa kan'yang maamong mukha bago napagpasyahang tumungo ng kusina.

Nagpakulo muna ako ng tubig at kumuha na rin ako ng bimpo at inilapag muna sa lamesa. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakitang nagkakasiyahan ang kapit-bahay ko sa inuman. Nakita ko pa ang lasing na si Eco.


Napailing na lang ako at pinakinggan na lang ang paligid.

Maingay sa ilabas at hindi naman gano'n masakit sa 'king taenga. May nagpapatugtog ng musika at may nagsisigawan.

“Akin 'yong cake, Eurine, ah?”

“Hati tayo, oh!”

“Shh! Hati-hati lang at makakatikim din kayo ng pagkain.” Rinig kong saway ni Willy nang makarating sila kusina.

Gulat naman silang napatingin sa 'kin na nakasandig sa lababo habang naghihintay sa pinapakulo kong tubig.

“Papa!” sabay nilang sigaw at tinakbuhan ako.

Ngumiti na lamang ako at ginulo ang kanilang buhok. Kita ko pa ang pagkibat-balikat ni Willy at inilapag ang mga pagkain na dala-dala n'ya.

“Kain tayo, Papa,” aya sa 'kin ng kambal at nagpahila sa kanila papunta sa hapag-kainan.

Pinaupo ko na sila sa upuan at mukhang sabik na silang makatikim ng iba't-ibang pagkain sa harapan ng hapag-kainan.

“Buti na lang binigyan ako ng Nanay ng kaibigan ko nito.” Tukoy ni Willy sa pagkain na dinala n'ya. “Wala na tayong gagastusin pa sa pagkain ngayong fiesta dahil marami naman ang kinuha kong pagkain.”

Napangiti ako ng mapait at inisa-isa silang tinignan. “Pagpasensyahan n'yo na si Papa at wala akong pera sa ngayon. Sa susunod pa na linggo ang sweldo ko kaya ro'n na lang ako babawi, ah?”

Malamyos naman ang mukha ng kambal at gano'n din si Willy. “Kahit 'pang baon lang sa eskwelahan at pagkain sa araw-araw, Kuya. Ayos na kami roon, 'di naman natin kailangan maghanda ng maraming pagkain.” Ngumiti pagkatapos si Willy, nagpapahiwatig na ayos lang na ganito kami.

Swerte ko talaga dahil 'ni minsan 'di sila nagreklamo sa 'kin. Sunod lang ng sunod at kung anong pagkain na nakahain ay 'yon lang din ang kakainin nila.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro