Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 08

CHAPTER 08

“Pansin kong lumilihis ka ng daanan sa tuwing nakakasalubong natin si Madam,” puna ni Eco nang makapasok kami sa site.

Sandali muna akong humabol ng sulyap na tingin kay Madam Kestrel na bagsak-balikat na nakaabang sa harapan ng pintuan ng site. Kaagad ko namang inalis ang tingin at hinarap si Eco.

“Mabuti na ang ganito kaysa sa umasa ako,” mapait kong sambit at nag-umpisa na sa tarbaho.

Tinapik n'ya ako sa balikat at tawang tinignan ako. 'Di ko alam kung matatawa ba ako sa kalagayang ito, 'di naman kasi biro ang nararamdaman ko.

Matapos n'ya akong halikan sa pisngi ay iniwan lamang n'ya akong gulong-gulo sa labas ng kanilang bahay. Pagkaumaga no'n ay hindi s'ya pumasok sa site dahil sabi ni Boss, kasama nito ang kan'yang nobyo.

May nobyo na pala s'ya pero nagawa n'yang halikan ako na para 'bang may ibang ibig sabihin.

'Di ko alam na may nobyo na pala s'ya ngayon. Akala ko wala na dahil sa sabi ng ilan, fake news din minsan, eh.

Kaya naman simula no'ng araw na iyon ay iniwasan ko s'ya. Kahit sa oras ng meryenda ay hindi ako kasama. Kapag wala na s'ya ay ro'n na ako mismo susulpot sa mga kasama ko para makikain. Alam kong may ideya na s'ya na iniiwasan ko s'ya at ilang araw na n'ya akong inaabangan at sinasalubong palagi sa daanan.

“Tama ka, pare.” Umakbay s'ya matapos n'yang tapusin ang tarbaho at ako naman ang kinukulit nito. “Iwas ka sa mayayaman na babae! Iba sila sa 'tin, mahirap lang tayo kaya wala tayong maipagmamalaki.”

'Yon nga rin ang iniisip ko. Sino ba naman ako para ipaglaban ang nararamdaman ito? Bukod sa walang-wala ako kumpara sa nobyo n'ya, hindi ko rin alam kung ano ba ang sadya n'ya sa 'kin.

Nagkausap lang kami saglit ni Eco at inilihis ko na rin ang usapan sa ibang bagay. Ayaw ko naman na lamunin ng lungkot at pait. Kaya ko namang ipagpatuloy ang aking buhay na walang babaeng hinahabol.

Mula umaga hanggang sa tanghalian ay walang Madam Kestrel na sumusulpot sa 'king tabi. 'Di naman sa umaasa akong papansin n'ya ulit ako sa kabila ng ginawa ko pero... Naninibago lang ako.

Papalabas na ako ng site para kumain muna sa labas nang biglang sumulpot si Eco. Parang baliw na naman 'to palagi.

Napahinto ako mismo sa kan'yang harapan nang iharang n'ya ang kan'yang sarili sa daanan.

“'Yong crush mo may kasamang iba,” ngisi n'yang sambit at saka itinuro n'ya banda sa gilid ng site na ikinasunod ko ng tingin.

Walang emosyon pero halos magngitngit ang ngipin ko sa nakita. Talagang iniinis ako ng baliw na lalaking 'to.

Nagtatawanan na naman si Madam Kestrel at Jomari na para 'bang matagal na silang magkakilala.

Kahit sumisikip ang dibdib ko sa nakita at nagawa ko namang umiwas ng tingin at umastang walang pakialam.

“Bahala sila.” Tuluyan ko na nga s'yang nilampasan at tumungo sa pinakamalapit na karinderya. Hindi ko gusto 'yong pagkain sa site kaya lalabas na lang ako.

Padabog akong umupo sa gawa sa kahoy na upuan dito sa karinderya. 'Di pa rin maalis sa isipan ko ang nakita ko kanina. H'wag mo naman pahirapan ang iyong sarili, Wayzer!

“Ano sa 'yo, hijo?” tanong ng tindera na kakalapag lamang ng putahe sa kabilang silya ko at nilapitan ako.

“Sampong pesos na kanin at kinse pesos na kaldereta po Lola,” sagot ko na ikinatango n'ya.

“Maghintay ka lang, hijo.” At umalis na nga s'ya sa harapan ko at bumalik sa kusina.

Habang naghihintay ay binaling ko muna ang atensiyon sa nga taong kumakain dito. Madami at halos sa kanila ay nagtatarbaho lang dito para mabuhay, masyadong mahihirap ang tao rito kaya kailangan naming magtarbaho ng mabuti.

Nahagip bigla ng tingin ko si Yannah na abala sa pagharap sa bagong dating na panauhin. Muntik ko na makalimutan na rito pala s'ya nagtatarbaho at talaga namang malapit sa site na tinatarbauhan ko.

'Di nagtagal ay dumating na rin ang pagkain ko. Abala ako sa aking kinakain nang biglang may umupo sa 'king tabi. 'Di na ako nag-abalang tignan ito dahil alam ko naman kung sino ito.

“Bakit dito ka kumain?”

Umangat ako ng tingin at tinaasan s'ya ng dalawang kilay na may pagtataka. “Bawal na ba akong kumain dito?”

Parang hindi s'ya nasaktan no'ng nakaraang araw kung makatawa. Sana ganito na lang palagi at sana h'wag na n'yang palalimin ang kan'yang nararamdaman sa 'kin.

“Hindi naman.” Pinag-krus n'ya ang kan'yang braso sa harapan at sumandal. “Akala ko 'di ka na kakain dito, madami namang pagkain do'n sa site n'yo kaya nagtataka lang ako na bigla ka lang sumulpot dito.”

Ninguya ko muna ang kinakain ko bago lunukin. “Sabik na ako sa kaldereta, eh. Halos tinapay at mga mahahaling pagkain ang nando'n at hindi ako sanay.”

Ngumiti s'ya. “Mas gusto mo pala 'yong lutong Zambue, eh 'no?”

Wala sa sariling napangiti rin ako. Nanabik akong makipag-usap sa kan'ya kahit hindi ako gano'n pala-salita na tao. Matagal-tagal din ang pinagsamahan namin ni Yannah kaya sayang talaga na iba ang sinisigaw ng aking puso.


~•~•~•

Dumating ang gabing pinakahihintay ng lahat. Muntik ko ulit makalimutan na fiesta pala ngayon ng Zambue at abala nga naman ang mga tao sa pagluluto at pagdedecorate sa okasyon.

Kaya pala kanina pinapaayos sa 'min ang mga nasirang bass speaker dahil gagamitin pala ito sa plaza. May gaganaping sayawan kaya kailangan may tugtog para maging masaya pa lalo ang tao rito.

“Bantayan mo ang kambal, Willy, ah?” paalala ko kay Willy na ikinatango lamang nito habang hawak-hawak ang kamay ng dalawang kambal.

“Ako na bahala, Kuya. Sige na at makikikain pa kami sa kapit-bahay.” Pagtataboy pa n'ya at mukhang nasasabik na ang kambal na makikain sa kapit-bahay.

Ginulo ko ang kanilang buhok, lalong-lalo na kay Willy na ikinareklamo n'ya. Ayaw na ayaw pa naman n'ya 'yong ginagawang bata kaya gano'n na lamang ang busangot ng kan'yang mukha.

“Kuya naman, eh!”

Natawa ako. “Na-miss ko lang ang kapatid ko.” Tinapik ko pa s'ya sa balikat. Bitbit ang mga tools ko ay nilakad ko ang daanan papuntang plaza kung saan ginaganap ang sayahan.

Sandali lang naman ako roon at talagang kinakailangan ako para mag-operate ng sound system sa plaza. Kahit gusto kong makasama ang mga kapatid ko para saluhan sila ay hindi ko muna magagawa ngayon.

“Buti naman nakarating ka!” Biglang sumulpot si Darwin sa 'king harapan nang pagkalapag ko pa lamang ng tools ko sa tabi ng DJ.

Malakas ang tunog ng musika na talaga namang nakakasindak ang tinig dahilan para magsayawan ang ilang tao, mapatanda man o mapabata.

“Hindi naman pwedeng hayaan ko kayo rito! Ako lang ang makakatulong sa inyo!” sigaw ko pabalik, hindi kami magkakarinigan kung hindi kami sisigaw.

Tinapik n'ya ako sa balikat hudyat na kailangan na naming mag-umpisa bago pa magsidatingan ang ilang panauhin. Madami ang tao sa Zambue at aasahan talaga naming na pupunuin nila ang plaza.

Nakaupo ako sa tabi ng DJ na taga operate ng music. Bahagyang tumatalbog ang kan'yang ulo sa indayog ng musika at nakikisabay sa bawat taong sumasayaw sa harapan namin.

Inayos ko ang ilang kawad sa gilid ng bass speaker at sinuri kung may putol ba o wala. Mabuti na ang sigurado, huling paggamit namin nito ay sumirit dahil naputol pala ang kawad ng speaker.

Sa dami-daming taong natanaw ko, nakita ko pa ang babaeng kanina pa gumugulo sa sistema ko. Sinadya ba talagang makita ko s'ya rito?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro