Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

CHAPTER 05

“Inggat ka na lang kay Madam, pare. Sa pagkakaalam ko, madami na s'yang lalaking nakarelasyon noon.”

'Di ko pinahatang nagulat ako. Ang kinaiinisan ko kasi kung bakit ganito ako umasta. 'Di ko naman sya— h'wag na nga lang. Pati sarili ko 'di ko na maintindihan.

“Sabi nga nila,” 'di ko maiwasang maging mapait ang aking pananalita. Mukhang napansin nga n'ya dahil sa nakakalokong ngisi.

“Abay! Mukhang iba na ang nararamdaman mo, ah. Naku! Delikado na ang puso mo, Wayzer.”

Bahagyang kinagat ko ang nasa loob ng pisngi ko. “Wala naman akong sinabing may gusto ako. Tigilan mo ako, Eco,” banta ko pa nang makitang sinusuri n'ya ang magiging reaksiyon ko.

“Wala naman akong sinabing may gusto ka, ah.” Mas lalong lumawak ang kan'yang ngisi kaya naman nagmadali akong makatakas sa ano 'mang plano n'ya.

Aaminin kong nahihiya ako. Siguro nga paghanga ang nararamdaman ko sa anak ni Boss. Bakit kasi s'ya pa? Naisip ko rin kagabi na imposibleng seseryusuhin ako ng babaeng iyon. Teka nga lang, hindi naman n'ya ako gusto.

“Wayzer!” tawag ni Eco at madali lamang n'ya akong naabutan. Malapit na kami sa site na tinatarbauhan namin.

“Tigilan mo ako, Eco. Wala ako sa mood.” Sineryoso ko ang aking tono para 'di na n'ya ako asarin. Alam kong 'di n'ya ako titigilan gayong may ideya na s'ya kung anong nararamdaman ko sa anak ni Boss.

Tinaas n'ya ang kan'yang kamay na tila sumusuko na. Di pa rin n'ya inalis ang kan'yang ngisi. “Oo na, oo na. Chill.”

'Di ko na s'ya pinansin nang makapasok na kami sa site. Bumungad kaagad sa 'kin ang ibang kalalakihan na nagbubuhat ng sirang motor at kotse. Pansin din ang kadumihan sa kanilang katawan, 'di na bago sa 'kin.

Saktong pagkalapag ko pa lamang ng akong bag sa kadalasan kong iniiwan na pwesto nang sumulpot si Madam Kestrel na bahagyang ikinagulat ko.

Agaw-pansin ang kan'yang suot na bestida na hanggang tuhod. Bigla na lang nagngitngit ang ngipin ko nang makita ang kan'yang binti na maputi. Inilibot ko ang aking paningin at baka makita kong may nakatingin sa kan'yang katawan.

“Way,” rinig kong tawag n'ya sa 'kin dahilan para ibalik ko sa kan'ya ang tingin. Nagtataka kung bakit iyon ang kan'yang tinawag sa 'kin.

Ngumiti s'ya ng matamis dahilan para mapansin ko ang kan'yang malambot na pisngi. May dimple s'ya sa kaliwang bahagi ng pisngi at mas lalong bumagay sa kan'ya ang makulot na buhok na hanggang ilalim ng balikat.

Tumikhim ako para mawala ang tensiyon sa pagitan namin. “Ano 'yon, Madam?”

Hinawakan n'ya ako sa braso dahilan para matigilan ako. Pakiramdam ko kinuryente ang buo kong katawan, hanggang sa batok ko ramdam kong tumaas ang balahibo ko.

“Nasira ko 'yong laptop ko.” Dahan-dahan n'yang inalis ang kan'yang kamay sa 'kin at kumamot sa gilid ng kan'yang noo. “Pwede 'bang ayusin mo? Sa pagkakaalam ko, technician ka. Babayaran naman kita.”

Sandali akong natigilan. Umiwas ako ng tingin at napatango na lang. Masyadong na blangko ang utak ko sa bawat kilos at bigkas ng kan'yang pananalita. Para sa 'kin iyon ang pinakamagandang bagay na napansin ko sa kan'ya gayong normal lang naman iyon sa paningin ng iba.

Ito na ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang babae? Bago lang sa 'kin ito at mukhang magiging bobo ako pagdating dito.

Masaya s'yang nagpasalamat sa 'kin. Hinila n'ya ako sa maliit na lamesa na sa pagkakaalam ko ay pwesto ito ng kan'yang Ama. Pinaupo n'ya ako sa harapan habang s'ya ay umupo sa inuupuan ng kan'yang Ama.

Dinala ko na rin ang kagamitan ko para sa pag-ayos ng kan'yang laptop. Madalang lang akong nakapag-ayos ng gano'ng klaseng gadyet dahil mga mahihirap lamang ang mga tao rito. Para sa 'min may kaya ka na kapag may gano'ng klaseng gadyet.

Inilapag n'ya ang kan'yang laptop at tinulak papunta sa 'kin. Kaagad ko namang tinignan at sinuri.

“Ano ba ang sira rito?” tanong ko at umangat ng tingin sa kan'ya.

Nakapalumbaba s'ya sa 'king harapan. Mukhang ako lang ang tinititigan n'ya mula pa kanina.

Binasa n'ya ang kan'yang sariling labi, napatingin tuloy ako roon.

“'Di ako sigurado. Hindi kasi s'ya mabuksan gayong china-charge ko naman s'ya,” sagot n'ya na ikinatango ko.

Ayusin mo ang iyong sarili, Wayzer! Pagsermon ko sa aking sarili. Bakit kasi masyado kaming malapit sa isa't-isa? Maliit lamang ang lamesa na nasa pagitan namin.

“Aayusin ko na lang mamaya sa bahay,” sabi ko. Akmang tatayo ako nang agad n'ya akong pinigilan.

“T-Teka!”

Napatayo ito sa pagkakaupo nang mahawakan n'ya ang aking braso. Napansin siguro n'ya na hindi ako sanay kaya agad n'yang inalis.

Taranta ang kan'yang matang inilihis sa 'kin ang tingin. “K-Kung pwede sana ngayon mismo.” Sumilip s'ya sa 'king mukha at kaagad ding inalis nang makitang matama ko s'yang tinitignan.

“May tarbaho pa ako, Madam," mahinahon kong sambit habang nakatingin sa kan'yang mukha. Para kasing hindi s'ya mapakali.

Napakamot s'ya sa gilid ng kan'yang noo. “Ito muna ang tarbaho mo ngayon. K-Kailan ko lang talaga kasi ang laptop.”

Napatingin muna ako sa iba kong kasama. Mukhang wala naman akong gagawin dito dahil halos inubos na nila ang gawain. Napahinga na lamang ako ng maluwag at sumang-ayon.

Ngumiti tuloy s'ya sa 'kin at bumalik sa kan'yang inuupuan. “Sige na! Start ka na!” masaya n'yang sabi.

Wala akong nagawa kundi sundin ang kan'yang utos. Madam pala namin s'ya kaya dapat sinusunod ko ang kan'yang utos.

Sinimulan ko nang ayusin ang kan'yang laptop. Nang mabuksan ko ang likod ng pyesa nito ay kumunot ang noo ko. Mukhang bago 'to, ah.

“Sigurado ka ba, Madam na sira 'to?” tanong ko at tinignan pa kung may sira ba talaga rito sa loob ng laptop.

Nakapalumbaba s'ya sa 'king harapan. Tumango s'ya at ngumiti. Bahagyang nakatabingi pa ang ulo sa gilid.

“Sira talaga 'yan. Check mo na lang, Way.” Ayan na naman s'ya sa palayaw na tinawag n'ya sa 'kin.

Nakakapagtaka lang dahil sa pagsusuri ko, wala namang sirang pyesa at talagang bago ang nasa loob na mga wiring. Gaya nga sa sinabi n'ya, inayos ko na lang kahit wala naman dapat ayusin, kanina pa kasi nangungulit na may sira talaga.

Kalahating oras lamang ang ginugol ko bago maibalik sa dating ayos ang laptop. Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatitig lamang ito sa 'kin. Kanina pa ba 'to? Nababahala ako sa klaseng tingin n'ya.

Tumikhim ako at inusog ang laptop papunta sa kan'ya. “Ayos na, Madam. Check n'yo na lang kung gumagana.”

Mukhang natauhan naman s'ya at kaagad na binuksan ang laptop. Tumayo ako sa pagkakaupo at akmang babalik na sa tarbaho nang tinawag n'ya ako.

Lumingon ako sa kan'ya. Dali-dali n'yang tinago ang laptop sa drawer at lumapit sa 'kin. Mukha na naman s'yang 'di mapakali.

“Saan ka pupunta?” tanong n'ya nang makalapit.

Napakurap ako ng dalawang beses saka umiwas ng tingin. Kakaiba na naman ang nararamdaman kong 'to. “Babalik na ako Madam sa tarbaho.”

Hinawakan n'ya ako sa laylayan ng damit na ikinagulat ko. Mukhang nabigla rin s'ya kaya kaagad naman n'yang inalis.

Isinukbit n'ya ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa taenga at umiwas ng tingin sa 'kin. “M-Magmeryenda sana tayo. Mukhang pagod ka, eh.”

“'Di naman ako pagod, Madam. Kalahating oras lamang ang ginugol ko kaya, kaya ko 'pang magtarbaho.” Nagsimula na akong maglakad papaalis nang bigla n'ya akong hinarang ulit sa daanan.

Napapikit ako ng mariin sa inasta n'ya. Bakit kasi ganito s'ya makipagtungo sa 'kin gayong kahapon lamang kami nagkakilala? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Samahan mo na lang ako kumain ng meryenda.” Pangungulit pa n'ya.

Tinitigan ko s'ya ng seryoso sa mata. Kita ko ang paglunok n'ya ng sariling laway nang bumaba ang kan'yang tingin sa 'king mukha.

“Ayain mo na lang po kami kapag oras na ng meryenda, Madam. Kailangan kong gampanan ang tarbaho ko,” pilit kong sineseryoso ang aking boses para lamang tumigil s'ya. Ayaw ko naman na 'di s'ya respetuhin.

Mukhang nasaktan ang kan'yang damdamin sa sinabi ko basi lamang sa kan'yang mukha. Na konsensya tuloy ako pero kailangan kong gawin. Mukhang iba na kasi ang habol n'ya sa 'kin at ayaw ko ng gano'n.

Wala s'yang nagawa kundi tumango at bahagya akong ngitian. “Sige, bumalik ka na sa tarbaho mo.” Pagkatapos n'ya iyon sabihin ay agad s'yang bumalik sa kan'yang kinalalagyan kanina.

Sinundan ko s'ya ng tingin at ito na naman ang gumugulo kong damdamin, ayaw magpaawat. Parang mali yata ang sinabi ko o tama nga ba ang ginawa ko? 'Di ko alam.

Kahit pinipiga na ang dibdib ko sa 'di malamang sakit ay bumalik ako sa tarbaho ko.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro