Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 03

CHAPTER 03


Hindi ako nakapagsalita at nakatitig lamang sa kan'ya. Hinihintay na bawiin n'ya ang kan'yang sinabi. Pinaglalaruan yata ako nito.

Nang makitang nakataas ang isang kilay ko sa kan'ya ay ro'n na s'ya tumawa ng mahina. Maski pagtawa n'ya ay napatulala na lang ako. Bakit kasi ganito s'ya kaganda?

“Binibiro lang kita. Masyado ka namang seryoso.” Mahina n'yang iginiwang ang kan'yang katawan at mukhang nagpapa-kyut sa 'kin.

Tumango lamang ako. “Balik na lang ako sa trabaho, Madam.” Uupo ulit sana ako sa maliit na upuan nang bigla n'yang hawakan ang braso ko.

Napatingin ako sa kan'yang kamay na nasa braso ko bago ibinaling sa kan'ya ang tingin. Nanlaki ng bahagya ang kan'yang mata at kaagad na inalis ang kamay sa 'kin.

Ngumiti s'ya na parang wala s'yang ginawa. “Gusto ko lang sana sabihin na magme-meryenda na kayo.”

Dahil sa sinabi n'ya ay inilibot ko ang aking paningin dito sa loob ng site. Halos lahat sila ay salo-salo sa iisang malaking lamesa. Madami ring pagkain. Hindi ko man lang napansin na kumakain na pala sila.

Ibinalik ko ang aking tingin kay Madam. “Salamat po sa pag-imbita,” pasasalamat ko na ikinangiting tango n'ya.

“'Wag mo nang dagdagan ng po. Mas matanda ka pa siguro sa 'kin.”

Tumango na lang ako at walang nagawa kundi sundin na lang. Pero tatawagin ko pa rin s'yang Madam dahil anak s'ya ng Boss namin.

'Di nagtagal ay bumalik na s'ya sa kan'yang pwesto kanina habang ako naman ay sinundan lamang s'ya ng tingin hanggang sa makaupo ito sa tabi ni Yannah.

Hindi naman talaga rito nagtatarbaho si Yannah. Sadyang nagkataon na binisita n'ya ang kan'yang Kuya na si Darwin.

Habang papalapit pa lang ako sa pwesto nila ay kaagad akong sinenyasan ni Yannah na tumabi sa kan'ya. Tumango lamang ako at umikot para makapunta sa pwesto n'ya.

“Dito ka upo, oh.” Umusog s'ya ng konti para makaupo ako.

“Salamat.” Dahan-dahan akong umupo sa kan'yang tabi. 'Di maiwasang 'di mapatingin kay Madam Kestrel na ngayon ay nakatingin din sa 'kin.

Umiwas ako ng tingin nang biglang sumulpot ang kan'yang Ama. Bakit gan'yan kasi s'ya makatingin? Para kasing may ibig sabihin.

Hangga't maaari ay ayaw kong masangkot sa kan'ya. Anak s'ya ng Boss namin, ang layo ng agwat at estado ng buhay namin.

Bakit ko pa nga ba pino-problema ito? Baka nga ay pinagtitripan lang ako ni Madam. Sa itsura pa lamang ay mukhang mabilis makadawit ang lalaki. Isa na ako ro'n.

“Try mo 'to, Wayzer.” Itinapat sa 'kin ni Yannah ang shanghai.

Umiling ako at tinulak pabalik sa kan'ya ang shanghai. “Sa 'yo na lang. May akin naman, oh.” Itinaas ko ang nakuha kong shanghai.

Lumapat ang kan'yang labi ng mariin saka napatango lamang. Iniwas ko na ang tingin sa kan'ya at bigla na lang napatingin sa kan'yang nakatatandang Kuya.

Seryoso lamang nakatingin sa 'kin si Darwin. Alam ko naman ang iniisip n'ya. Alam n'yang wala akong gusto sa kan'yang kapatid pero minsan naiinis s'ya sa 'kin kung bakit nasasaktan ang kan'yang bunso.

Matagal na umamin si Yannah na may gusto s'ya sa 'kin. Sa pagkakaalala ko ay no'ng high school pa lang kami, no'ng nag-aaral pa lamang ako.

No'ng time na 'yon ay wala akong oras sa babae o relasyon man lang dahil abala ako sa pag-aaral. Mas lalo nga wala akong oras sa sarili ko simula nang namatay ang magulang ko.

Mahirap sa una na pagsabayin ang pag-aalaga ko sa mga kapatid ko at pagtatarbaho, paslit pa lang 'yong dalawa at hindi naman iyon kaya ng kapatid kong sumunod sa 'kin.

Ilang ulit ko nang sabihin kay Yannah na ayaw ko muna sa magkaroon ng relasyon pero sa tuwing gano'n ang usapan namin ay nauuwi na lamang kami sa awayan.

Napabalik ako sa katinuan ko nang biglang may tumapat sa 'king kutsara na may fruit salad na nakalagay. Napatingin naman ako kung kay sino galing iyon.

“Masarap 'to. Ako gumawa.” Pinilit pa ako ni Madam Kestrel na kainin iyon.

Napatingin ako sa mga kasama ko nang maramdaman ang titig nila. Ang iba ay nagbubulong-bulangan at ang iba naman ay mapangasar na tingin ang pinukol sa 'kin. Napangiwi na lang ako.

“Sige na, Way. Nangangalay na ang kamay ko.” Ngumuso pa ito dahilan para mabigla ako sa kan'yang inasta. Ano ang ginagawa n'ya? Unang araw pa lang ay may palayaw na s'ya sa 'kin?

Binibigyan yata ako nito ng problema. Napatingin pa ako kay Yannah na nakayuko lamang at parang walang narinig o nakita.

Wala akong nagawa kundi kainin iyon. Mabilis lamang at tumango sa kan'ya. “Salamat pero sana 'wag n'yo na gawin, Madam.” Hindi ko alam kung maiinis ako, mapahiya o kiligin.

Ang akin lang naman ay baka makarating sa kan'yang Ama ang kan'yang ginawa sa 'kin. Makikitid pa naman ang mga utak ng mga kasama ko. Kunting kamali lang ay bibigyan nila ng malisya. Ayaw kong mapahiya s'ya o ako man.

Binilisan ko na lang ang kain ko at tumayo. Napatingin pa ang ilan sa 'kin.

“Balik ako maya,” tanging nasabi ko lamang bago iwanan silang lahat do'n.

“Mukhang interesado si Madam Kestrel kay Wayzer,” rinig kong bulungan sa labas ng site na nasa gilid lamang ng pintuan.

Napahinto naman ako nang marinig ang aking pangalan.

“Malamang naakit lang sa katawan ni Wayzer.” Rinig ko pa ang pagsitsit nito. “May nakapagsabi pala sa 'kin na madami na ang naging nobyo ni Madam. Kaya sa tingin ko, hindi seseryosohin ni Madam si Wayzer.”

Napintig ang taenga ko sa narinig. Kaagad akong lumapit sa dalawang chismoso na katarbaho ko lamang. Mukhang nagulat pa silang dalawa nang makitang nanliliksik ang mata kong lumapit sa kanila.

“Anong sinabi n'yo?” Parang kulog ang boses ko.

Mukhang nasindak naman sila sa titig ko pa lamang at mahinahon kong boses kahit delikado naman talaga ang pagiging mahinahon ko.

Hindi sila nagsalita at mabilis na bumalik sa loob ng site. Sinundan ko lamang sila ng tingin at napabuga ng hininga. Walang magawa sa buhay kundi gumawa ng kwento.

Unang araw pa lang ni Madam at ngayon pa nga lang kami nagkakilala ay may narinig na akong sitsit ng ibon?

“Wayzer.”

Mabilis akong napalingon sa likuran ko. Lumapit si Yannah sa 'king pwesto.

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa bulsa. “Tapos ka na 'bang kumain?”

Tumango s'ya. “May itatanong lang sana ako.”

Iba na ang pakiramdam ko rito. “Tungkol ba saan?”

“S-Sino ang mas lamang sa 'min ni Kestrel?” alanganin n'yang tanong at napayuko pa ito. Kita ko rin ang pagkagat labi n'ya.

Nagtaka naman ako. Bakit biglang napunta ang usapan sa ganito?

“Anong pinagsasabi mo? Bakit mo naman na itanong?” Gusto ko nang iwasan ang kan'yang gustong mangyari. Ayaw ko na ulit s'yang pahirapan.

Dahan-dahan n'yang inangat ang kan'yang ulo. May munting luha na namumuo sa kan'yang mata. “I-Ito ang kinatatakutan ko, Way.” Nabasag ang kan'yang boses. “Ako ang mas nauna, eh,” mahina pa n'yang sambit pero rinig ko naman.

Mabigat ang dibdib kong napabuga ng hininga. Litong-lito na ako.  “Alisin mo kung ano man ang bumabagabag sa iyong isipan. Hindi na rin kita maintindihan.”

Biglang bumagsak ang kan'yang luha na ikinataranta ko. Ano na naman ang ginawa ko?

“Ikaw ang hindi ko maintindihan!” medyo tumaas ang kan'yang boses. “D-Dumating lang s'ya, iba na ang naging epekto n'ya sa 'yo! Hindi ako tanga!”

Nilapitan ko s'ya at naguguluhang pinunasan ang kan'yang luha na hinayaan naman n'ya.

“Pwede ba paintindi mo naman sa 'kin? Hindi kasi kita maintindihan.” Gulo ang isip ko ngayon. Madami rin akong problema tapos makikita ko lang na umiiyak s'ya sa harapan ko.

May tinuro s'ya sa loob dahilan para tignan ko ito. Unang tingin ko pa lamang ay si Kestrel ang bumungad sa 'kin.

“Binigyan kita ng shanghai hindi mo tinanggap tapos no'ng s'ya na ang nag-alok ng salad tinanggap mo,” mapait n'yang sambit. “M-May gusto ka ba sa kan'ya?”

Mabilis akong napatingin sa kan'ya at napatanga sa kawalan. Gusto kong sabihin na hindi, pero lintek lang. Bakit ayaw bumuka ang bibig ko?

Mabilis na inalis ni Yannah ang aking kamay sa kan'yang mukha. “Halata naman, eh.”

Umiling ako. “Nakakahiya naman kasi sa Boss namin, Yannah.” Bigla akong napahilamos sa mukha.

Bakit nga ba ako nagpapaliwanag? Baka kasi iba na naman ang isipin nito.

“Madam namin s'ya kaya sumusunod lang ako,” dugtong kong dahilan at seryoso s'yang tinignan. “Di'ba sabi ko sa 'yo na kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa 'kin?” Nalunok ko ang aking sariling laway. “Alam mo naman ang susunod kong isasagot sa 'yo, Yannah. Pakiusap lang, h'wag mo nang dagdagan ang problema ko.”

“W-Wayer...”

Hindi ako lumingon sa kan'ya at bumalik lamang sa aking tarbaho. Ayaw ko s'yang paasahin at panatilihin ang kan'yang nararamdaman sa 'kin. Ito lang ang alam ko kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko malulutas ang aming problema.

Sa pamamagitan ng pag-iwas at pagtalikod sa kan'ya ay pinapahiwatig ko sa kan'ya na ayaw kong dagdagan ang problema sa pagitan naming dalawa.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro