Chapter Three
Chapter Three
"How's Selena?" I asked Axel. It's been days since Selena started working as his secretary.
Kalalabas niya lang ng bathroom and he smelled so good from shower. Bahagya nalang akong napatili nang mabilis siyang lumapit sa kinatatayuan ko. He encircled his arms around me and showered me with his noisy kisses.
"Basa ka, Axel!" I giggled.
He was laughing. "She's fine," he lightly claimed my lips.
"You're just so beautiful."
I was melting with the way he's looking intently at me. My palms were already pressed against his broad chest. Pabiro ko siyang inirapan. Ngiti lamang ang iginanti niya sa akin.
He kissed me on my cheek bago ako tuluyang pinakawalan. Pumasok siya sa aming walk in closet. Sumunod ako at naabutan ang pagtanggal niya ng puting towel na siyang tanging nakapulupot sa kanyang baywang.
Nang nagsusuot na siya ng kanyang slacks ay tuluyan na akong lumapit upang tulungan siyang magbihis.
"Huwag mo masyadong pahirapan si Selena sa trabaho." hinarap ko ang mga polo niyang naka-hanger.
I felt him hugged me from the back. Napangiti ako at hinarap siyang muli matapos makapili ng ipapasuot niya.
"Yes, Ma'am."
I was buttoning his top while he was just smilingly watching me doing it. Kumunot ang noo ko matapos maibutones ang huli at mag-angat ng tingin sa kanya. Sa huli ay napailing nalang akong nangingiti na rin.
"Let's go out a dinner date later?"
Nangingiti parin akong tumango. "Okay,"
Bahagya akong napatili nang bigla niya akong buhatin palabas ng walk in closet namin at hiniga sa aming sa aming kama...
"I hate you Axel!"
Naalala kong naghahabulan kami noon sa park. I remember kung paano ako nainis sa kanya because he ate my sorbetes. Nang makita ko ay icecream cone nalang ang hawak ko.
"Axel!"
And he was just laughing. Bumuntong-hininga nalang ako at napailing, napapangiti.
"I hate you!" sabay nguso ko.
And he just smiled. "I love you too, Rachel Eris!"
Lalong tumulis ang aking nguso hanggang sa tuluyang napangiti. Lumapit siya sa 'kin at inabot ang kamay ko. He held my hand and intertwined our fingers. He pulled me to where we usually rent bicycles. We were just teens then.
At dahil hindi naman ako marunong magbisikleta ay isang bike lang ang inarkila namin. Umangkas ako sa likurang bahagi. Kinuha niya ang mga kamay ko encircling them to his hip. I leaned my head against his back habang umaandar na ang bisikleta.
We sat on a bench nang mapagod. Tinabi muna ni Axel ang bisikleta. Papalubog na ang araw at kita ito mula sa kinauupuan namin. I leaned my head against his shoulder.
I remember our first kiss. It was under a tree. The sun was setting as he was claiming my lips...
My phone rang as I was scanning through some files on my desk. It was my sister, Rina. I swiped its screen at sinagot ang tawag.
"Rina..."
"Ate! Can we go out? Kung hindi ka busy," anito mula sa kabilang linya.
Wala pa naman akong masyadong ginagawa dito sa firm kaya pinagbigyan ko na ang aking kapatid. Nagkita kami sa isang malapit na mall. She told me that she wanted to shop with me.
"Nag-usap na kayo ni Mom?"
She happily nodded her head. "Yes, ate, thanks. I know you convinced Mom,"
Matapos mag-shopping ay huminto muna kami sa isang coffee shop. Through the glass walls ay kita ko sa labas ang isang couple. They looked cute as the husband was helping his pregnant wife out of their car. Hindi ko naiwasang mapangiti.
"Ate,"
"Hmm?" bumaling ako kay Rina sa aking harapan.
"Kamusta kayo ni kuya Axel?" she smiled.
I let out a smile, too. "We're good. He's a great husband, Rina."
Mas ngumiti pa ang kapatid ko. "I know, ate. Kuya Axel loves you so much."
Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. Bumalik ang mga mata ko sa mag-asawang papasok na ngayon sa katapat na shop.
"Wala pa ba, ate?"
Bumaling ako kay Rina at medyo napakunot noo.
She smiled. Baby," she sounded excited.
Bahagya akong natigilan. Umiling ako. Truth is I wasn't ready yet. Hindi pa namin ito napapag-usapan ni Axel.
"Why? You're already married,"
I shook my head and I sighed. "I'm not yet ready to have one, Rina."
My sister let out a small smile. Hinawakan niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.
Axels understanding and patient with me. I remember how much he waited for me. Siguro naman ay hindi magiging mahirap para sa kanya ang maghintay pa hanggang sa ready na akong magka-baby kami. Halos nagsisimula palang akong tumulong kay Mommy sa firm. Isa pa gusto kong kami lang muna ni Axel,
Isang beses ay inaya ako ni Axel bisitahin ang orphanage na ilang taon narin niyang sinusuportahan. Ayon sa kanya ay ito raw ang kanyang pinagkaabalahan noon, bukod sa trabaho habang nag-aaral ako sa ibang bansa.
Bumagal ang takbo ng sasakyan at huminto nang hustong makapasok sa gate. Isang may edad na babae ang sumalubong sa amin, at dalawang binatilyo sa kanyang tabi.
"Ate Vicky," Axel greeted the woman.
"Axel, hijo," she smiled then turned to me.
I equaled her smile. Axel put an arm around me. "This is my wife, Eris."
Her smile widened. "Siya malamang iyong lagi mong kinukuwento sa mga bata,"
Axel laughed a bit. "Opo,"
Nagmando ito sa dalawang binatilyong naroon upang kunin ang groceries at mga laruang dala namin sa likod ng kotse. May mga damit at sapatos din doon.
Panay ang kuwento ni ate Vicky patungkol sa mga nangyari sa orphanage habang iginigiya kami sa loob.
Bumungad sa amin ang mga batang mukhang inaasahan na rin ang aming pagdating. At sa tantya ko, most of these kids were of ages ten and below. However, some were already teenagers. Sila siguro yung sinasabi ni ate Vicky na dito na halos lumaki.
"Kuya Axel!"
Nag-unahan ang mga bata sa paglapit. Napangiti ako. Kita ko rin ang tuwa kay Axel kahit pa halos malunod na siya sa mga ito. Nakalas pa nga ang magkahawak naming mga kamay.
Pero unti-unting naglaho ang ngiti ko habang nakikita si Axel na masaya sa mga bata. He looked so good with kids.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro