Twenty Third Stanza
IMPORTANT NOTE. PLEASE READ.
Guys, binago ko yung isang part sa 22nd Stanza. Yung part kung saan may tumawag kay Ayen kaya umalis siya. Karugtong kasi yun ng isang part sa "Game Over" kong story at may na-overlook ako. Hindi si Jasper ang tumawag kay Ayen kundi si Timi. Kaya naman doon sa in-edit ko, mas ouch kay Mia yung eksena. Balikan niyo na lang muna yung part na yun then tsaka niyo basahin 'tong update. Magkadugtong kasi XD
~*~
Twenty Third Stanza
JARREN REYES
"They gave me the heartache and in return I gave a song. It goes on and on and on"
- Ed Sheeran, Save Myself
Nanginginig ang kamay ko habang nagmamaneho ako. Ramdam ko ang matinding galit na naguumapaw sa akin ngayon. Pero mas nangingibabaw ang pagaalala ko sa babaeng katabi ko ngayon.
Kay Timi.
Kasalukuyan siyang humahagulgol ng iyak ngayon.
Si Timi ang tumawag sa akin kanina. Sinabi niyang magkita kami dahil may importanteng importante siyang sasabihin sa akin. Yung boses niya parang problemadong problemado kaya kahit nakokonsenya ako sa pangiiwan ko ngayon kay Mia, hindi ko makuhang tanggihan si Timi.
At ang nadatnan ko sa mall? Si Timi na nakikipag-away kay Ice. Si Ice na nahuli ni Timi na may kasamang ibang babae.
Pansamantalang nag dilim ang paningin ko kanina at nasuntok ko si Ice habang hinihila si Timi palayo sa kanya.
Nanginginig ako sa galit. Inis na inis ako. Nangako si Ice, nangako siya sa akin na hindi niya sasaktan si Timi pero ano 'tong ginawa niya ngayon?
Dinig na dinig ko ang pagiyak ni Timi at mas masakit pang marinig ito kesa nung sabihin niya sa akin na mahal pa rin niya si Ice. Mas dobleng sakit ito kesa nung sabihin niyang sila na ni Ice. Dahil doon, kahit masakit kasi hindi ako ang mahal niya, at least alam kong masaya siya.
Pero ito. Itong pag-iyak niya. Ang hirap pakinggan. Parang nababasag ang puso ko.
Dinala ko siya sa condo unit niya. By the time na makarating kami doon, hindi na siya humahagulgol ng iyak pero tahimik siya, walang expression ang mukha, para bang bigla na lang siyang nawalan ng pakiramdam.
Nang makapasok kami sa loob ng condo niya, agad kong pinaupo si Timi sa sofa. Kumuha ako ng isang basong tubig at inabutan ko siya.
"S-salamat," sabi niya. Kinuha niya ang baso ng tubig na inabot ko pero hindi siya uminom. Instead, inilapag lang niya ito sa lamesa na nasa harapan niya.
Kinuha ko ang kamay ni Timi at hinawakan koi to ng mahigpit.
"Timi, gusto mo ba ako ang kumausap kay Ice about this?"
Agad siyang napatingin sa akin at umiling. "Ayoko. Ayoko nang malaman lahat ng mga dahilan niya. Ayoko."
"But you still need to know kung ano man ang sasabihin ni Ice."
"Para ano? Para maloko ulit?!"
Napatingin ako sa kisame at huminga nang malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong isinasaksak sa kukote ko na baka nagkakamali lang kami ni Timi. Na imposibleng magagawa yun ni Ice. Alam ko kung gaano niya kamahal si Timi. Kitang kita yun ng dalawa kong mga mata.
Pero inaamin ko, parte sa akin, nagsusumigaw na sana ako na lang ang mahalin niya. Na sana akin na lang siya. Ako na lang, Timi. Please? Mula umpisa nandito na ako para sa'yo. Ako na lang kasi.
Ayen, ano ba 'yang iniisip mo. Mali yan.
"I can't believe it..." halos pabulong kong sabi. "Kita ko kung gaano ka niya kamahal. Paano niya nagawa 'to? Hindi pwede 'to..."
"He's a good liar!" sigaw ni Timi at nakita ko na naman na muli siyang napaiyak. "Napaikot na naman niya ako! Sila ni Erin. Ayen...ang sakit. Ganito ba ako ka-tanga para hindi makita yun? Bakit ganun? Bakit binigyan ko pa siya ng chance? Ang sakit sakit sakit."
Hinila ko papalapit sa akin si Timi at niyakap ko siya nang mahigpit.
Kung pwede lang na ilipat na lang niya sa akin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Kung pwede ko lang kunin yun. Kung pwedeng ako na lang ang pumas an.
"Please stop crying Timi. Please..."
"S-sorry. Ang sakit lang talaga sobra. Sobra sobra, Ayen."
Napapikit ako.
Hindi ko na rin kaya, Timi. Sobrang sakit na. Hindi ko na kaya.
Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko siya sa mata. I touch her cheek and wiped her tears away.
"A-Ayen...?"
"Ang sakit makita kang ganyan alam mo ba?" halos pabulong kong sabi sa kanya.
Mula sa mata niya ay napababa ang tingin ko sa mga labi niya.
At hindi ko alam kung ano ang kagaguhang ginawa ko. Siguro pinaghalu-halo nang mga emosyon na nararamdaman ko. Yung matinding pagmamahal ko sa kanya, yung sakit na nararamdaman ko kasi iba ang mahal niya, yung mas dobleng sakit kasi nasasaktan siya ngayon, panghihinayang, lahat na.
Kaya naman natauhan na lang ako nang ma-ilapat ko na ang labi ko sa labi niya.
At pinagsisihan ko agad ang ginawa ko dahil nang lumayo sa akin si Timi, kitang kita ko ang sobrang pagkagulat sa mga mata niya.
"N-no. No Timi. I-I'm sorry!" I tried to touch her shoulder pero umiwas siya sa akin.
"Don't touch me," mariin niyang sabi sa akin.
My heart sinks.
What have I done?
"I'm so sorry Timi. W-walang ibig sabihin ang halik na yun! I swear! I just...I just..."
I just love you so damn much.
Napaiwas ako nang tingin.
Hindi ko na kaya pang magbitiw ng kasinungalingan sa kanya tungkol sa nararamdaman ko.
"Kelan pa nagumpisa," halos pabulong niyang tanong.
Napahinga ako nang malalim at napalunok ako. Tumingin ako sa taas para lang mapigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko.
Hindi pwedeng pumatak ito. Hindi sa harap ni Timi. Mas masasaktan siya.
"Mula nung bumalik ka galing Paris," sabi ko.
Pero hindi ko na talaga sigurado kung kailan. Maaring nung pag-alis niya. O maaring noon pa, nung mga highschool pa kami.
Basta alam ko, sobrang mahal na mahal ko na siya.
Napatingin ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya.
Nasasaktan dahil sa akin.
"Timi... please...."
Hinawakan ko ang kamay niya pero hinila niya ito sa akin at mas lalo akong nanlumo.
"S-sorry Ayen, I want to be alone."
"No! Hindi ko kayang iwanan ka ng ganyan! Please! Hindi ko na uulitin yun. Hindi rin kita hahawakan!" desperadong sabi ko. "But please, let me stay. I'm still your friend. 'Di ba? Magkaibigan pa rin tayo 'di ba Timi?" pagsusumamo ko sa kanya.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at ni hindi niya ako magawang lingunin.
Ang sakit sakit naman nito.
"Please Ayen, I need to be alone. I promise you I'll be okay. Basta iwan mo muna ako. Gusto kong mag-isip! Please Ayen! Please leave me alone!"
Hindi ako agad nakakilos sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako kay Timi. Gusto kong mag stay. Gusto ko siyang i-comfort. Ayokong umalis hangga't alam kong hindi siya okay. I want to make her happy.
Pero alam ko naman na hindi ako ang kailangan niya.
Hindi ako sapat para maging okay siya.
Dahil masakit man isipin, pansamantalang sandalan lang ang role ko sa buhay niya. Yun lang. Hanggang doon na lang yun.
Napahinga ako nang malalim at tumayo ako.
"I'm sorry..." halos pabulong kong sabi at tuluyan na akong umalis.
~*~
Nadatnan ko si Ice sa headquarters ng EndMira. He's being confronted by their manager, Rochelle at pati na rin ni Jasper.
"Pre dapat mong sabihin kay Timi," dinig kong sabi ni Jasper kay Ice. "She needs to know the truth."
"Na ano?" sabat ko. "Anong totoo?! Na niloloko mo siyang gago ka?!"
"Ayen---!" pag awat ni Rochelle ngunit hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya dahil dire-diretso na akong lumapit kay Ice at sinuntok ko siya ng malakas.
"Ice!" nilapitan ni Rochelle si Ice at inalalayang tumayo.
"Pre ano ba!" sabi naman ni Jasper habang hatak hatak ako. "Umayos ka!"
"Gago ka!" sabi ko kay Ice at dinuro ko siya. "Gago kang hayop ka! Paano mo nagawa kay Timi yun, ha?! Mahal na mahal ka niya!"
"Ayen, relax!" sabi ni Rochelle. "You misunderstood the situation---"
"Let him explain!" I shouted, cutting her off. "O naputol na rin ba ang dila ng punyetang yan at kailangan may ibang magpapaliwanag para sa kanya?!"
Umayos ng tayo si Ice at pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi niya. Huminga siya nang malalim at tinignan ako.
"I love Timi," sabi ni Ice. "I love her so much at mali ang pagkakaintindi niya sa sitwasyon. Oo, marami akong itinago ka sa kanya pero gusto ko ng itama ang pagkakamali na yun. Ayokong mawala sya ulit sa akin..." his voice broke at kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya.
Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak ni Jasper at nilapitan ko si Ice at kinwelyuhan.
"Ayusin mo yan," nangingigil kong sabi sa kanya. "At wag na wag na wag mo na ulit siyang sasaktan."
Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Ice at tinalikuran ko na sila. Dire-diretso akong lumabas ng HQ. Naririnig ko ang pag tawag sa akin ni Jasper pero hindi ko siya pinapansin.
"Huy! Pre ano ba! Bwisit naman oh!" sabi niya at hinawakan niya ang balikat ko atsaka ako hinatak paharap sa kanya. "Anong eksena yung kanina? Ba't ganun ka naman makapag react kay Ice? Sa EndMira, ikaw yung pinaka kalmado tapos bigla bigla kang nanunugod ng ganun."
Napahinga ako nang malalim.
"Ano bang alam niyo sa akin?"
"Huy, ba't ka ganyan? May problem aka ba?"
Hinarap ko si Jasper.
"Sapakin mo nga ako."
Mas lalong kumunot ang noo ni Jasper.
"Tangina pre, may amats ka ba?"
"Mahal ko si Timi. Hinalikan ko siya kanina nung down na down siya kay Ice at—"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sinapak na ako ni Jasper.
"Tangina Ayen! Anong kagaguhan ang ginawa mo!" galit na sabi niya sa akin.
Hinatak niya ako sa pagkakasalampak ko sa sahig at kinwelyuhan niya ako.
"Tangina! Bakit si Timi?! Kaibigan natin yun! Parang kapatid na natin yun, Ayen! Bakit?!"
Napangiti ako at napatawa ng malungkot.
"Isang malaking kasalanan nga na mahalin siya," halos pabulong kong sabi.
"Ayen..."
Tinabing ko ang kamay ni Jasper at dire-diretso akong sumakay sa kotse ko.
Nakakasawa na yung ganito. Nakakapagod na.
Akala ko magiging okay lang ako kung mamahalin ko si Timi mula sa malayo. Sabi ko sa sarili ko, ayos lang, basta magkaibigan kami. Kahit hindi ako ang mahal niya, at least nasa tabi ko siya.
Okay nang ako ang masaktan kesa siya.
Ayos nang palihim akong nahihirapan basta nakikita ko siyang masaya.
Pero nakakapagod pala ang ganito, 'no? Nakakapagod maging kaibigan lang.
Hindi ko na ata kayang mahalin siya.
Tama na yun. Tama na siguro. Ayoko na, eh. Gusto ko nang kumawala. Masyado na kasing masakit.
Buong buhay ko palagi na lang ibang tao ang iniisip ko. Pero ngayon, gusto ko nang intindihin ang sarili ko.
Kung sakaling matutunan kong mag mahal ulit, kung sakaling dumating na siya, hinding hindi na ako magpaparaya para sa iba.
Nagmaneho ako nang nag maneho hanggang sa makahanap ako ng isang tahimik na lugar.
Isang lugar kung saan ko isusulat ang huling kantang gagawin ko para kay Timi.
At pagkatapos nito, bibitiw na talaga ako.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro