Twenty Second Stanza
Twenty Second Stanza
JARREN REYES
"I take one step away, then I find myself coming back to you."
- Parokya ni Edgar, Your Song (My One and Only You)
"Anong naisipan mo at naglasing ka?" tanong ni Jasper Yu.
Nandito kami sa dining area ngayon. Enjoy na enjoy siya sa pagkain ng pandesal na sinasawsaw pa niya sa kape habang ako naman, hinihimas himas ko ang noo ko. Ang sakit ng ulo ko, sobra. Lalo na ang sama pa ng pagkakagising ko.
Kagabi nung nakatulog si Mia, binuhat ko siya papunta sa kwarto ko para doon siya matulog at ako naman eh sa sala na nakatulog. Nagising ako ng sipain ako sa pwet ni Jasper. Halos masapak ko siya sa sobrang yamot ko.
Mag biro na siya sa lasing at bagong gising, wag lang sa taong lasing at bagong gising.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumuha na lang ako ng pandesal na kinakain niya at sinawsaw ko ito sa kape ko.
"At take note. Nakipag-lasingan ka pa kay Mia," ngumisi siya sa harapan ko. "May nangyari sa inyo 'no?"
Tinignan ko siya ng masama, "gago, wag mo 'kong i-gaya sa'yo."
"Walang nangyari?"
"Wala! Parang timang 'to."
Napailing siya, "hina mo, pre."
"Tumigil ka nga."
"Wala. Mananatili kang birhen."
"Kesa naman sa'yo na malapit nang magka STD."
"Hoy, marunong akong gumamit ng proteksyon. Tsaka isa pa, hindi na ako nakikipag sex kung kani-kanino ngayon. Good boy na 'to, tol."
"O baka dahil busy ka lang mamroblema sa paglutas ng past at present mo?"
Kumunot ang noo niya.
"Ulol."
"Pakyu."
Nakarinig kami ng mga yapak papunta sa dining area kaya naman napalingon kami pareho ni Jasper. Nakita namin si Mia na bagong gising at nakahawak din sa kanyang noo.
"Good morning!" masiglang bati ni Jasper. "Halika kain tayo ng breakfast."
"T-thank you," sabi ni Mia at tumabi siya sa akin.
Nagkatinginan kami at pareho kaming napangiti sa isa't isa.
"Hangover?" tanong ko.
Napatango siya, "I used to drink a lot and avoid hangover. Pero mukhang hindi na ako sanay talaga ngayon. Ang sakit ng ulo ko."
"Uminom ka ng kape. Saglit, pagtitimpla kita," sabi ko.
"Ako na," sabi naman ni Jasper. "Para naman makapagsolo kayo." Kinindatan niya si Mia bago siya umalis para magtimpla ng kape.
Napailing na lang ako.
"Ang gago talaga," bulong ko.
"Ha?" tanong ni Mia.
"Ah, wala."
Hindi siya nag react. Medyo wala pa siya sa sarili dahil bagong gising lang. Napatitig naman ako sa kanya.
Ang gulo ng buhok niya. Burado na ang make-up niya. Gusot gusot pa ang suot niyang puting bestida dahil natulog siyang ayun ang suot.
Sobrang simple niyang tignan ngayon. She's at her most vulnerable state. Alam kong maganda naman si Mia, pero mas naappreciate ko ang ganda niya ngayon kasi kahit wala siyang make-up, kita pa rin ang ganda sa mukha niya.
Napalingon ulit siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Napangiti siya kaya napangiti na rin ako.
"Ah.. Sir Ayen---"
"Ngayon, balik ka na sa pagtawag sa akin ng Sir Ayen," ngingiti-ngiti kong sabi.
"Eeeeh, hindi na kasi ako lasing."
Napatawa ako.
"Pero yun na nga, Sir Ayen, paano po ako napunta sa kwarto mo? The last thing I remember, sa sala ako nakatulog."
"Binuhat kita. Hindi naman kita pwedeng hayaan matulog sa sala. Mamaya pag nadatnan ka ni Jasper, doon ka niya dalhin sa kwarto niya. Mahirap na."
Napatawa siya ng mahina, "I doubt na may gagawin siya sa akin. Pero thank you po."
"No prob." Nag stretch ako at humawak sa balikat ko, "ang sakit ng balikat ko. May binuhat kasi akong mabigat kagabi," pangaasar ko.
Tinignan niya ako ng masama at napatawa naman ako.
"At ngayon nakuha niyo pang magtawanan."
Sabay kaming napalingon kay Jasper na ngayon ay may dala-dala nang tasa ng kape.
"Oh Mia uminom ka ng kape para mawala ang hangover mo," sabi niya at inilapag niya ang kape sa harapan ni Jasper.
"Thank you."
Naupo si Jasper sa tapat namin at nagpangalumbaba.
"Alam niyo bang ang daming bote ng Red Horse ang niligpit ko kanina? Naubos niyong dalawa yun?"
Nagkatinginan kami ni Mia at sabay tumango.
"Tss. Tas pareho kayong wasted na wasted," napailing si Jasper. "Mga kabataan talaga ngayon. Ang w-wild."
Nilingon ko si Mia at binulungan, "don't mind him. May pinagdadaanan yan kaya ganyan."
Napatawa si Mia.
"Love problem ba pinoproblema niya?" tanong ni Mia.
"Oo. Dala-dalawang babae ang kumakatok sa puso niyan ngayon. Si past at present. Applicable din ba sa mga lalaki ang banat na 'haba ng hair?'"
Mas napatawa si Mia, "haba ng hair niya!"
"At talagang kung pagusapan niyo 'ko parang wala ako sa harapan niyo?!" sabi ni Jasper.
Napatawa na lang kaming dalawa ni Mia.
~*~
"Ihahatid na kita. I insist."
"Hindi na," sabi ni Mia at pinakita niya sa akin ang phone niya. "Ayan oh, 5 minutes away na lang si kuya Uber driver."
"Ba't kasi nag book ka pa. Pwede naman kitang i-hatid."
"Okay lang. You need to rest."
"Mag text ka kapag nakauwi ka na," sabi ko kay Mia.
"Opo sir!" natatawa-tawa niyang sabi.
"Sir na naman.." sabi ko.
"Bakit?"
Napailing ako, "wala. Parang mas gusto ko kung Ayen na lang ang tawag mo sa'kin. Lakas makatanda ng sir."
"Pero sir po kita."
"Eh ka-edad ko lang naman sina Jasper. Sila nga hindi mo tinatawag ng sir, eh. Ayen na lang."
Napangiti siya, "sige po, Ayen."
Napatawa ako nang bahagya. "Wala ngang sir pero may po naman."
"Uhmm, one step at a time po."
I chuckle, "okay. One step at a time. So Mia... gusto mo ba bukas, before tayo mag practice, sabay tayong mag lunch?"
"S-sure po! Sure. I-I would love to."
"Great. Sunduin kita sa inyo at around ten thirty?"
Napangiti siya nang malawak, "okay po." Napatingin siya bigla sa phone niya, "ay, nandito na ang Uber driver ko."
"Hatid na kita palabas."
Pinagbuksan ko ng pinto si Mia at inantay ko siyang makasakay bago ako ulit pumasok sa loob ng HQ.
Napangiti ako.
Nung araw na nalaman kong si Timi na at Ice, ramdam na ramdam ko ang sakit. Pakiramdam ko nga nung araw na yun, mamamatay na 'ko. Para kasi akong paulit ulit na sinasaksak at hindi ko malaman kung paano ko makukuhang bumangon sa sakit.
Pero nung nakausap ko si Mia, kahit hindi naman masyadong na-open ang topic about kay Timi, I feel better. Hindi todo, pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Ewan, ang saya niyang kausap. Ang sayang alamin ng mga bagay na tungkol sa kanya. Gusto kong marinig kung ano ang sunod niyang sasabihin.
Kapag kausap ko siya, parang nagkakaroon ako ng dahilan para maging masaya.
"O, pre ngiting ngiti ka ah?" sabi ni Jasper sabay akbay sa akin. "Natututo ka nang dumamoves. May pa-invite invite ka nang mag lunch. Ganyan nga. Dapat ganyan muna kesa yung yayayain mo agad sa inuman."
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin, "gago. Wala lang yun. Walang malisya yun loko."
"Eh yung pag-i-invite mo kumain sa kanya sa labas?"
"Wag mong lagyan ng malisya ang lahat ng bagay. Kapag ininvite sa labas, may meaning na agad? Hindi ba pwedeng dahil kaibigan ko siya."
"Utut mu."
"Utut mu mabaho."
"Pero pre," inakbayan ulit niya ako. "Advice lang ha? Tutal ako ang eksperto sa mga babae dito at hindi ikaw. Yang mga ganyang galawan na yayayain ang babae kumain sa labas, galawan yan ng mga lalakeng interesado sa babae at hindi dahil—and I quote---friends lang sila. Ang mga babaeng, madaling mag assume ang mga yan. Kung sa'yo walang malisya, pustahan tayo, kay Mia meron. Kaya kung di ka naman interesado sa kanya at ayaw mo siyang masaktan, tigilan mo ang mga ganyang galawan."
Napatigil ako sa sinabi ni Jasper.
Si Mia? Mag-a-assume? Imposible naman ata yun. Isa pa, kahit nag m-move on na siya, ramdam ko pa rin naman na kahit papaano, si Sam pa rin ang mahal nun.
Kaya hindi yun mag a-assume sa akin.
Hindi yun ma-i-inlove sa akin.
Imposible naman.
Kung anu-ano lang sinasabi nitong si Jasper Yu.
Walang malisya kay Mia yun.
~*~
MIA MILLS
"Akin ka na lang, akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo."
- Itchyworms, Akin Ka Na Lang
Oh my god! OMG! Oh my goodness!!
He invited me for lunch! He invited me!! Tapos ilang beses pa kaming nagkangitian kanina! Tapos tapos...sabi niya i-text ko siya kapag nasa bahay na ako.
Teka yung puso ko. Teka kalma. Teka kinikilig ako. Teka si Kuya Uber driver na-w-weirduhan na sa akin! Shit!
Inginudngud ko ang ulo ko sa hand bag ko at doon ako nagtititili. Kinikilig talaga ako.
"Ah.. ma'am. Okay lang po ba kayo? May pinagdadaanan po ba kayo? Pwede po kayong mag share sa akin," sabi ni kuya driver.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya then I cleared my throat at umayos ako nang upo.
"Okay lang po ako kuya. I-I'm just practicing..."
"Practicing?"
"Y-ya. Practicing....uhmm... you know...p-proper breathing."
"Paghinga?" takang taka niyang tanong.
"O-opo. Paghinga. As in inhale exhale. I—I'm a singer a-at t-training namin yung ginagawa ko."
"Aahhh.. Talaga po ba ma'am? Effective po ba?"
"O-opo! Effective naman...." Shet napapaniwala ko talaga siya.
"Aba. Mapagawa nga yang proper breathing exercise na yan sa anak ko. Eh kung hindi niyo naitatanong, gusto rin maging singer nun."
Napatawa na lang ako.
"Good luck po sa anak niyo."
"Thank you ma'am!" masigla niyang sabi.
Jusko, wala sanang mangyaring masama sa batang yun kapag nginudngod niya ang mukha niya sa handbag at nagtititili.
Napatingin ako sa bintana at napangiti.
Sabi niya wag ko na siyang tawagaing sir.
Napabuntong hininga ako.
Ano ba 'to. Wala na nga talagang atrasan 'to. Nakuha ko nang kiligin ng husto, eh.
Unti unti na talaga akong nahuhulog sa kanya.
~*~
Hindi ko masyadong binonggahan ang damit ko. Simpleng black dress lang at white sneakers ang suot ko. Nakalugay ang buhok. Light make up, at syempre pabango. Yung tipong parang pupunta lang talaga ako sa practice.
Mamaya mahalata na naman niyang nagpaganda ako.
Oo na! Nagpaganda na nga ako! Slight okay? Slight.
Narinig kong may nag doorbell. Dali dali 'kong binuksan ang pinto at nakita ko si Sir---I mean---si Ayen sa front door ng apartment namin. Naka-hoodie siyang pula. Wala siyang suot na salamin ngayon kaya kitang kita ko ang mata niya. Medyo magulo ang buhok niya but it perfectly suits him.
"Ready to go?" nakangiti niyang sabi.
Tumango ako, "y-yep."
"Taralets!" masigla niyang sabi. "I'm starving."
Natawa ako, "lagi naman."
Nilingon niya, "naku natututo ka na talagang awayin ako."
I gave him a wide smile, "one step at a time."
He chuckled.
Biglang tumunog ang phone ni Ayen at kinuha niya ito sa bulsa niya. Hindi ko nakita kung sino ang tumawag pero kita ko ang pag-a-alinlangan ni Ayen kung sasagutin niya ba o hindi ang call.
"Sagutin mo. Baka importante," nakangiti kong sabi.
"Wait."
He answered the call.
"Hello Timi?"
Si Timi pala. Bakit parang nagsisisi ako na ipinasagot ko sa kanya ang tawag?
Tinignan ko si Ayen. Napapikit siya. Nakita kong napa-hinga siya nang malalim at kinakabahan ako sa kung ano ang sinasabi ni Timi sa kabilang linya.
"S-sige. Okay. I understand. S-see you."
Mas lalo akong nakaramdam ng kaba when he ended the call and he look guiltily at me.
"What happened?" tanong ko.
Napaiwas siya nang tingin. "I-I'm sorry Mia. I-it's Timi.. M-may emergency kasi siya at---"
"Okay lang," pag putol ko sa sinasabi niya at pilit akong ngumiti. "Puntahan mo na siya."
Hinawakan niya ako sa braso at tinitigan ng diretso sa mata, "thanks! Babawi talaga ako sa'yo!"
Hindi ko na nagawa pang makapag respond dahil patakbo siyang lumabas sa apartment ko habang ako, naiwan sa loob.
My heart sinks.
Sabi sa'yo eh. Wag muna. It's too early. Heartbreak lang ang hanap mo.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro