Twentieth Stanza
Twentieth Stanza
MIA MILLS.
"Iiyak mo na ang lahat sa langit. Iiyak mo lang ang lahat sa akin."
- 6 Cycle Mind, Sandalan
"Pwedeng....paiyak?"
Nakakatawa kasi the moment na sinabi niya sa akin yan, mas nanunang bumagsak ang mga luha ko kesa sa kanya.
There's something about how he said those words that hit me hard.
Siguro dahil ramdam na ramdam ko ang pain niya. Damang dama ko kung gaano siya kalungkot ngayon. And I can understand him because I know how he feels. Dahil naramdaman ko na ang nararamdaman niya ngayon. Dahil alam ko na sobrang hirap dalhin yung pain na yun.
I raised my arms and I was about to hug him back nang bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap akin.
"S-sorry. I---I shouldn't be doing this. Hindi dapat kita dinadamay."
"Sir Ayen---"
"Sorry sa istorbo," tinapik niya ako sa braso, "you take care." At bago ko pa siya mapigilan, dire-diretso na lang siyang lumabas sa apartment namin.
Napatulala na lamang ako habang nakatingin kay Ayen na pasakay na sa kotse niya at nagmamadaling umalis.
Nang tuluyan siyang maka-alis, napa-upo ako sa sofa namin dahil sa sobrang panlalambot.
Huminga ako nang malalim. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Pakiramdam ko na-brokenhearted ako nang pangalawang beses.
Yung itsura kanina ni Sir Ayen, yung boses niya, yung mga tingin niya, parang any moment bibigay na siya. Parang nagmamakaawa siya sa akin na tulungan ko siya kasi hindi niya kinakaya ang sakit.
And I want to help him. I want to comfort him. Willing akong maging sandalan at panyo niya habang umiiyak siya. He did a lot of things for me. Binigyan niya ako ng chance na maabot ang pangarap ko. Tinutulungan niya akong maging mas mahusay pa. Nung gig, kahit nag-away kami nun, ginawa pa rin niya ang lahat maalis lang ang kaba ko. Siya ang dahilan kung bakit ko natapos ang kanta na yun kahit pinapaalis na ako ng mga tao. At nung araw na malungkot ako, he tried his best para mapasaya ako.
At gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong tulungan siya. Wala akong paki kung madamay ako. Kung ako lang ang taong mapagsasabihan niya ng sama ng loob, pwedeng pwede siyang lumapit sa akin.
Pero mas pinili pa rin niyang harapin 'to nang mag-isa.
Hindi ba siya nalulungkot? May mga tunay siyang kaibigan pero mas pinipili pa rin niyang i-isolate ang sarili niya.
Lagi siya ang hingian ng advice pero pag siya na ang nasasaktan, wala na siyang mahingan ng tulong.
Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
And this time, I'm not crying for myself.
I'm crying for this sad, broken guy because I feel sorry for him.
~*~
Kinabukasan, pumunta ako sa studio para kunin ang bayad sa akin doon sa gig ng EndMira na tinugtugan ko. Pagkarating ko doon, nakausap ko naman yung isang producer na naging ka-close ko na rin---si Sir VJ. Napagusapan naming ang about sa nangyari sa akin sa gig.
"Don't feel bad about sa nangyari. Hindi magandang experience, pero pinagdaraanan talaga yan. Alam mo ba kahit ang EndMira napalayas din dati nung nag front act sila sa concert ng isang sikat na banda dati? But look at them now. Mas sikat na sila kesa doon sa bandang yun."
Napangiti ako, "okay lang po Sir VJ. Sanay naman akong tinataboy."
Natawa siya, "ay ayan na nga ba ang sinasabi ko. Nag drama na siya!"
Pareho kaming nagtawanang dalawa. Nakakahiya talaga ang nangyari at naalala ko na naman kung gaano ako ka-wasted nung araw na yun. Pero nakakatuwa isipin na nagagawa ko na lang itong tawanan ngayon. Dahil din siguro ito kay Sir Ayen. Dahil sinamahan niya ako nung panahong sobrang down na down ako.
Kumusta na kaya siya ngayon?
Kagabi nung pag-alis niya, sisingsisi ako na hindi ko siya pinigilan. Kabado ako. Hindi kasi siya sumasagot sa mga texts at tawag ko. Natakot ako na baka mamaya kung ano na ang ginagawa niya sa sarili niya. Mamaya nag lasing yun mag isa at hindi nakauwi. O baka naglalaslas na yun. Hindi naman siya mukhang suicidal but you'll never know. Tinawagan ko si Jasper at nakahinga ako nang malalim nung sabihin niyang magkasama sila ni Sir Ayen sa HQ. Busy lang si Sir Ayen na nagsusulat ng kanta kaya hindi nakakasagot.
Hindi ko na siya kinulit nun.
Maaring mas nakahanap siya ng comfort sa pagsusulat kesa sa akin and I understand.
"Nandito po kaya si Sir Ayen?" tanong ko kay Sir VJ. "Gusto ko sanang mag hi."
"Ay oo. As usual nasa recording room siya. Daan ka lang doon."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Sir VJ kaya agad akong nag excuse sa kanya at dumiretso ako ng recording room.
Nang makarating ako doon, hindi ko makuhang kumatok. Nakatayo lang ako na parang sira sa tapat ng pintuan.
Kapag pumasok ako sa loob, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Sir Ayen. I-c-comfort ko ba siya? Ku-kumustahin ko ba siya? O kakausapin ko siya na parang walang nangyari?
Paano kung mas makakatulong sa kanya kung iwan ko na lang muna siyang mag-isa? Paano kung ayaw naman niya ng kausap?
Bakit ang hirap niyang basahin? Palaging hindi ko malaman ang ikikilos ko sa harapan niya.
I just want to know if he's okay.
"Mia!"
Biglang may tumapik sa braso ko at agad naman akong napalingon sa likuran ko at....para siguro akong nakakita ng ghost nang makita ko kung sino ang tumapik sa braso ko.
Shit.
"Chef Timi..."
"Oh? Ba't nanlalaki mata mo?" tanong niya. "Pinupuntahan mo rin si Ayen?"
Tanging tango lang ang nasagot ko.
"Ay naku, me too! Paano kasi kagabi hindi ko ma-contact. Marami pa naman akong ikukuwento sa kanya. Busy ata."
Oo. Busy maging broken dahil sa'yo, gaga.
Nginitian ko siya, "busy nga po siya."
"Ay tara puntahan natin!"
Bago ko pa siya mapigilan, she already opened the door at dire-diretso siya sa loob. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya.
Nakita ko si Sir Ayen, nasa harap niya ang kanyang laptop, may headset sa tenga at may isinusulat siya sa isang maliit na notebook na nasa harapan niya.
"Uy, Ayen!" bati ni Chef Timi.
Nang makita niya si chef, agad niyang itinago ang notebook na pinagsusulatan niya at tinanggal ang kanyang headset.
"T-Timi, what are you doing here?"
"Wala lang! Napadaan lang. Sinamahan ko si Ice sa photoshoot niya eh, busy pa ang loko kaya pumunta muna ako rito."
"Ah..wow, supporting girlfriend," ngiting ngiti na sabi ni Sir Ayen.
Yung ngiting parang walang tinatagong sakit.
Napalingon si sir sa akin.
"Oh, Mia, nandito ka rin pala," nakangiti niyang bati.
I tried my best to give him a smile...but I fail. Hindi ko makuhang ngitian si Sir Ayen at alam kong masaydong obvious ang expression ko ngayon kaya naman yumuko na lang ako.
Parang ako yung nasasaktan para sa kanya. Ramdam na ramdam ko siya, eh. Kaya nga nagtataka ako, paano niya pa nakukuhang ngumiti? Ako nga na nakaka-witness lang, nasasaktan na para sa kanya, what more yung nararamdaman niyang pain ngayon?
Siguro kung ako ang nasa lagay niya, nag breakdown na ako.
"Ikaw naman Ayen, ano ang pinagkakaabalahan mo ha? May bago kang sinusulat na kanta?" tanong ni Timi habang nakatingin sa notebook na hawak ni Sir Ayen.
"Ah...oo."
"Ano yan? Patingin!" akmang aagawin ni chef yung notebook pero itinago agad ito ni Sir Ayen sa likuran niya.
"Wag muna. Hindi pa buo. Tsaka pangit, wala kasi akong maisip," palusot ni Sir Ayen at nagkatinginan kami kaya lang, agad niyang iniiwas ang tingin niya sa akin.
"Ikaw kasi, puro ka pagkain!" sabi ni chef. "Alam mo ikaw, dapat ma-inlove ka para mas ma-inspire ka!"
Manhid. Hindi mo ba naririnig yung mga kantang ginagawa ni Sir Ayen? Hindi mo ba nahahalata kung sino ang pinatatamaan nun?!
Napatawa si Sir Ayen, "syempre masarap ma-inlove sa pagkain!" sabi niya sabay kindat kay chef. "At kung in love ka, wag mo na akong idamay!" ngiting ngiti niyang sabi.
Nakangiti siya pero bakit ang sakit?
"Ganyang ganyan ka parati!" natatawa tawang sabi ni chef Timi. "Alam mo Mia, nung bago ko pa lang na kaibigan ang EndMira, highschool days yun eh, crush ko 'tong si Ayen."
I froze. Napatingin ako kay Sir Ayen at nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa labi niya.
"Kaso, wala, ang puso nasa pagkain kaya nag move on na lang ako sa kanya!" natawa si Chef Timi at narinig ko ang pilit na tawa ni Sir Ayen. Pero dahil nasa gilid siya ni chef, ako lang ang nakakakita ng expression ng mukha niya.
"Mas type ko ang pagkain kesa sa'yo," sabi ni Sir Ayen.
Hinampas siya sa braso ni chef, "oo na! Tanggap ko na! May Ice na naman ako!" natatawa-tawa niyang sabi.
Bakit ang manhid niya, ha? Bakit ganun? Kitang kita sa mata ni Sir Ayen na nasasaktan siya. Ramdam na ramdam ko mula sa pwesto ko ang pag guho ng mundo niya. Pero bakit hindi nakikita yun ni chef?
Please stop hurting him!
"Ay, patapos na ata si Ice! Tara puntahan natin siya!" aya ni chef.
Really? Hindi ka pa tapos na i-torture siya?
"Actually," singit ko at napatingin silang dalawa sa akin, "uhm, m-may kailangan po kasi akong sabihin kay Sir Ayen. Pwede ko po ba siya mahiram saglit?"
"Oh, sure!" bahagyang itinulak ni chef Timi si sir papalapit sa akin at may halo pang pangaasar. "He's all yours," sabi niya then she winked.
Tinapik niya sa braso si sir Ayen at binulungan, "galingan mo!" she giggled at iniwan niya na kaming dalawa sa loob ng rehearsal room.
"So," pagsisimula ni Sir Ayen, "ahmm... wag mon a lang masyadong intindihin si Timi. Ang hilig lang talaga ako nun inaasar kung kani-kanino," sabi niya habang nagliligpit ng gamit. "Ano nga pala ang sasabihin mo?"
Nilapitan ko si Sir Ayen.
"Tara shot tayo."
Natigilan si Sir Ayen sa pagliligpit at biglang napa-angat ang tingin sa akin.
"Ano naman ang pumasok sa isip mo at gusto mong uminom? Madali ka pa naman malasing."
"Ikaw rin naman."
Napangiti siya nang bahagya, "then dapat iwasan na muna natin uminom ng magkasama. Baka kung ano pang mangayri sa ating dalawa."
"O baka kung ano na naman ang maamin mo sa akin?"
"Mia--!"
"Okay, kung ayaw mong mag shot, sige kain tayo sa labas."
"Pass. I'm not hungry."
"Kape tayo."
"Mia, why are you doing this?"
Huminga ako nang malalim, "okay, kung ayaw mo mag kape, then dito na lang."
I locked the door at lumapit ulit ako sa kanya at naupo sa silya na nasa tapat niya.
"Mia...."
"Umupo ka."
"Teka, inuutusan mo ba 'ko?"
"Yes," mariin kong sabi and I know I'll get into trouble after this pero wala na akong paki. "Ma-upo ka, Ayen."
Nagulat siya nang tawagin ko siyang diretso sa pangalan pero hindi siya nagsalita. Sinunod na lang nya ako at naupo siya sa tapat ko.
"Kung tungkol 'to kahapon as pagpunta ko sa'yo, pasensya ka na sa abala. And you don't have to worry about me. I'm fine."
Fine fine mo mukha mo! Ilang beses ko na yan sinabi sa sarili ko after namin mag break ni Sam pero malayo sa 'fine' ang nararamdaman ko.
"Sa EndMira, si Jasper Yu ang actor at hindi ikaw. Hindi ka magaling um-arte."
Napangiti nang bahagya si Sir Ayen at napakamot siya sa ulo niya, "ganun ba? Akala ko magaling ako. Paniwalang paniwala sila, eh."
"Sila yun. Ako hindi. Kitang kita ko, eh."
"So...ayun ang gusto mong sabihin sa akin? Na kitang kita mo ang pagpapaka tanga ko?"
Umiling ako.
"Hindi. Gusto kong sabihin sa'yo na kung hindi mo masabi sa iba, pwede mo naman sabihin sa akin. Promise, makikinig ako."
"Mia---"
"Promise, hindi kita pagtatawanan. Kahit mag mura ka pa o magwala ka o kahit humagulgol ka sa akin ng iyak, I won't judge you. Mahirap kaya yung wala kang mapagsabihan. Mahirap kaya kimkimin lahat yan. Pwede mo naman kasi sabihin sa akin, eh. You were there for me kaya gusto ko nandyan din ako para sa'yo. Kaya please, wag mong isipin na nakakaabala ka sa oras ko kasi hindi. Alam kong nasasaktan ka, hindi mo kailangan mag pretend na okay ka sa harapan ko. Pwede kang magpakatotoo sa akin."
"Mia..."
"What?!"
"Why are you crying? Inunahan mo na ako ng iyak."
"H-ha?"
Napahawak ako sa pisngi ko at doon ko na lang napansin na umiiyak na pala ako.
Dali dali kong pinunasan ang luha sa mata ko.
"Ikaw kasi, eh. Hindi ka makaiyak kaya ako na lang."
Natawa si Sir Ayen at hindi iyon yung katulad ng tawa na ibinigay niya kay chef Timi kanina.
Ito, totoong tawa.
Napangiti ako.
"O ngayon nakangiti ka na," sabi niya. "Pagpasok mo kanina rito, hindi ma-ipinta ang mukha mo. Para kang constipated na ewan."
"Kasi nga ako na lang din ang naglalabas ng emosyon mo dahil mukha kang tanga kanina na ngingiti-ngiti kahit hindi na ka-ngiti ngiti yung sitwasyon!"
"Best actor ako, eh."
"Pero sa akin hindi."
"Buti na lang sa'yo, hindi."
Napa-ngiti ulit kami sa isa't-isa.
"So uhmm," he cleared his throat. "Niyayaya mo akong mag shot kanina?"
"Gusto mo ba?"
Tumayo siya at isinukbit ang bag sa balikat, "tara, shot!"
Napatawa ako nang mahina at tumayo na rin.
"So Mia, ano ba ang dapat inumin ng isang broken hearted na tulad ko? Brandy? Rum? Tequila?"
Napangisi ako.
"Red Horse."
To be continued...
Aly's note:
Hi po. Request ko lang po sa patuloy na tumatawag at nag c-comment sa character ko na si Mia ng "Mia Khalifa" maari po lamang na paki tigil na po. Bukod sa na-a-associate ang character ko sa isang porn star, may mga inosenteng minors din pong nagbabasa dito na na c-curious kung sino ba si Mia Khalifa kaya naman sini-search nila without knowing na isa siyang porn star. Hindi po maganda at hindi po nakakatawa.
Salamat sa pag intindi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro