Twelfth Stanza
Twelfth Stanza
MIA MILLS.
"I wish I had missed the first time that we kiss, 'cause you broke all your promises."
- Christina Perri, Jar of Hearts
My mom's a smart lady. Sabi nila, nagmana raw ako sa mommy ko.
Before we migrated to States, bago pa kami i-petition ni daddy, we live in a small house. Pero maliit man ang bahay namin, proud ako doon kasi sa sala namin, maraming naka-display na kumikinang na ginto.
What I mean is, mga gold medals and trophies na nakuha ni mommy nung nag-aaral pa siya. Ang ilan doon ay akin.
Sabi nila, I'm like my mom. Matalino at madiskarte sa buhay.
Pero bakit ganun? Right now, I feel like the stupidest person alive.
Nakaharap ako sa salamin ng kwarto ko. Ayos na ayos. I braided my hair kasi alam kong gustong gusto niya kapag yun ang ayos ko. I'm wearing the pink dress he bought for me as a birthday gift. I am even wearing his favorite brand of perfume.
Napapikit ako.
Makikipagkita ako kay Sam ngayon and yet, talagang gumising ako nang maaga para mag ayos. At talagang nagpaganda ako para sa kanya.
Ngayon, nasaan yung sinasabi nilang tulad ako ni mommy na matalino?
Wala ang talino kasi pag nagmahal ka, natatanga ka na lang talaga.
Kinuha ko yung isang malaking paperbag ng mga pasalubong na padala ni mommy para kay Sam. Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin at napabuntong-hininga na lang ako.
I'm thankful that Sammie is not here right now. For sure, tatanungin niya ako kung bakit ako ayos na ayos ngayon which is so unlikely of me. At pag nalaman niyang kay Sam ako makikipagkita, malamang sa malamang ay itatali niya ako sa kama para lang hindi ako makaalis ng apartment.
Sorry Sammie. I know I'm an idiot but I really want to see him.
Lumabas na ako ng apartment at nag cab na ako papunta sa mall.
Nagulat ako nang makarating ako doon sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Sam, nandoon na rin siya at inaantay ako.
I'm 30 minutes early and yet, nauna pa siya sa akin dito.
My heart skipped a beat. Parang nagwawala ang puso ko sa kaba. My knees wooble while I'm walking towards him.
Napalingon si Sam sa direction ko and then, our eyes meet. Parang kinuryente ang buo kong katawan. The same electrifying feeling that I felt nung unang beses ko siyang makita. Nung unang beses na magtama ang mga mata namin sa isang bar sa San Fransisco kung saan tumutugtog ang banda niya at nanunuod ako. The same feeling when he asked me to dance that night and I've never been happier in my life.
Three years, Sam. Three years. We had so much fun. We're so good together. Pero bakit ganito na ang scenario nating dalawa ngayon?
"Mia..."
Nginitian ko si Sam, "hi."
Napatingin ako sa kapeng iniinom niya. Hindi ito naka-papercup, instead, they served it in a mug. At doon sa caramel drizzle na nasa ibabaw nito, alam kong caramel latte yung iniinom niya.
Our drink.
Naiinis ako sa sarili ko ngayon because I am having this hopeful feeling na hindi ko na dapat maramdaman.
"Y-you want something to drink?" tanong niya.
Tumango ako, "wait, o-order lang ako."
"Ah, ako na. Caramel latte?"
Tumango ulit ako at siya naman, pumunta na sa counter para um-order.
The whole time, I'm staring at him. Kausap na niya yung barista na kumukuha ng order niya. Kilala siya nito kasi regular customer kami rito kaya naman medyo nakikipag-kwentuhan pa siya doon sa barista. He's smiling and yet, malungkot ang ngiti niya. Kilala ko siya. Alam ko kung tunay o hindi ang ngiting ipinapakita niya.
Maya maya lang, bumalik na rin siya sa pwesto namin dala ang kape ko.
"Ah, ito pala yung padala ni mommy," ini-abot ko sa kanya yung paperbag na dala-dala ko.
"Thanks, but you should tell her na hindi na niya kailangan magpadala pa nang kahit ano para sa akin."
Napayuko ako, "hindi niya maiiwasan yun. Para ka na niyang anak, eh."
"Mia—"
"I miss you," pagputol ko sa sasabihin niya. "I miss you, Sam. Alam mo, ang daming magagandang bagay na nangyayari ngayon sa buhay ko. At lagi kong naiisip, how I wish nasa tabi pa rin kita so I could share all those great things to you."
Napaiwas nang tingin sa akin si Sam at gusto ko na rin mag laho na parang bula.
Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Tuloy tuloy na, eh. Lumalabas na naman yung tunay kong nararamdaman na akala ko noon, napatay ko na.
"Tell me, Sam, after everything you've done to me, why do I still love you?"
A tear fell from my eye.
Hindi ganito yung na-imagine ko sa pagkikita namin ulit. In my imagination, I was strong, I was fierce. In my imagination, it is Sam who's crying in front of me, begging me to forgive him, asking me to give him another chance.
But in reality, ako ang gumagawa nun ngayon. And I feel so pathetic.
Nakita ko ang pag-hinga nang malalim ni Sam.
"I have to go."
Kinuha niya yung paperbag na ibinigay ko sa kanya at he looked at it with a pained expression.
"I'll send this back to your mom."
He was about to go nang bigla kong hawakan ang wrist niya para pigilan siya. Napahinto siya.
"Wala na ba talaga?" I asked, almost whisper.
"I'm sorry..." he choked. Then unti unti niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
At habang naglalakad siya palayo sa akin, parang unti-unti na ring gumuguho ang mundo ko.
~*~
JARREN REYES.
"That may be all I need. In darkness she is all I see."
- Maroon 5, Sunday Morning
"Sure ka talagang gusto mong manuod ng practice namin ni Mia?" tanong ko kay Timi habang naka-kapit siya sa braso ko at mukhang excited na excited.
Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa HQ ng EndMira kanina. Wala raw siyang magawa kaya naman sasama na lang siya sa akin manuod ng practice.
Ilang beses na akong na-tempt na i-cancel na lang ang practice na ito and just spend a day with Timi. Yung kaming dalawa lang. Igagala ko siya, patatawanin ko siya. Alam kong gulong gulo ang isip niya ngayon kaya madalas siyang mang gulo sa amin ni Jasper. Kami lang naman kasi ang nakakaladkad niya kung saan saan. Wala kasi siyang panama kay Geo at William.
Pero sana palagi na lang siya sa akin lumapit. Kahit istorbohin pa niya ako. Kahit mag open up pa siya nang about kay Ice, okay lang. Basta kasama ko siya.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko si Timi, "you know what? Kumain na lang kaya tayo? Sa Antipolo? Tapos may magandang museum doon. Gusto mong pumunta?"
"Eh paano yung practice niyo ni Mia?"
"Maaga pa. I think nandoon pa siya sa apartment niya. I-te-text ko na lang siya na bukas na lang kami mag practice."
"Loko ka. You need to prepare her para sa gig next week. Doon siya unang ipapakilala, 'di ba? Mag focus ka muna sa kanya. Pwede pa naman tayong gumala sa susunod."
"Sure ka?"
"Oo naman! And besides, I want to hear her sing!"
Napangiti ako, "may isa nang fan si Mia. Matutuwa yun."
"Naman! Mas gusto ko siya kesa doon sa mayabang na bandang EndMira na puro pa-pogi lang ang alam gawin nung members kasama na nung songwriter nila!"
"Huy, hindi sila pa-pogi. Pogi talaga sila. Walang patapon ang itsura sa EndMira. Lalo na yung songwriter nila. Balita ko yun ang pinaka-pogi, eh."
Biglang hinawakan ni Timi ang noo ko at pakiramdam ko, parang biglang huminto ang pag-hinga ko.
"Shet, I think nahawaka ka na sa ipo-ipo diseases na dala ni Jasper Yu."
Tinabing ko ang kamay niya and I gently pressed her palm.
I love the feel of her hand.
"Dapat ata iniiwasan ko na si Jasper."
"Oo, masamang impluwensya yung mokong na yun," pag agree ni Timi.
"Timi?"
Agad na hinila ni Timi ang kamay niya sa pagkakahawak ko nang marinig namin ang boses na yun.
Napatingin kami pareho kay Ice na naglalakad papalapit sa amin.
Ngiting ngiti siya habang nakatingin kay Timi.
"You're here," nakangiti niyang sabi.
"Hindi ikaw ang pinunta ko rito, 'no!" mataray na sagot ni Timi sa kanya.
"I know, wala naman akong sinasabi," nakangiti pa ring sabi ni Ice.
I saw Timi blushed.
"Come with me. I have to show you something," sabi ni Ice at hinawakan niyaang kamay ni Timi.
"P-p-pero, I'm with Ayen!"
Napatingin sa akin si Ice pati na rin si Timi.
Hinihila ni Timi ang kamay niya sa pagkakahawak ni Ice but her expression is opposite.
Siguro dahil ang tagal ko na siyang kasama kaya nababasa ko na ang takbo ng isip niya. Siguro dahil kilalang kilala ko na siya kaya alam ko na gusto naman niya talagang sumama kay Ice but she's just too scared to admit it.
Gusto kong magpaka-selfish at hilahin pabalik si Timi sa akin at sabihing nauna ako. Ako ang kasama niya ngayon kaya wag na siyang sumingit.
Pero alam kong kapag ginawa ko yun, buong araw kong mararamdaman ang lungkot ni Timi.
Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Hindi ka ma-b-bore kapag si Ice ang kasama mo."
"A-Ayen! I thought you're my friend, you traitor!" inis niyang sabi habang hinihila siya ni Ice palayo sa akin.
At walang kahirap hirap siyang nahatak ni Ice dahil hindi naman siya pumiglas.
Tumalikod na lang ako agad para hindi ko na sila makita.
Ang hirap maging kaibigan.
~*~
"Ayen, sorry hindi na ata ako makakabalik diyan. Na-kidnap ako ni Ice at hindi mo ako tinulungan!"
Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang text ni Timi at pakiramdam ko, mas lalong nasira ang araw ko.
"You lift my feet off the ground, and spin me around. You made me crazier, crazier..." kanta ni Mia habang tumutugtog ng gitara.
Napatingin ako sa kanya. Blangko ang expression sa mukha at parang tamad na tamad siya sa pagkanta. Kung dati, wala akong maramdaman sa kanya, ngayon, gusto kong agawin ang gitarang hawak niya at tanungin siya kung gusto ba talaga niya ang ginagawa niya.
"Seryoso ka?" tanong ko sa kanya kaya napahinto siya sa pagtugtog at inangat ang tingin sa akin.
"Huh?"
"Seryoso kang ganyan ang performance na ipapakita mo sa gig ng EndMira? Dapat na ba kaming magdalawang isip kung tama bang sa'yo namin ibinigay ang opportunity na 'to?"
She rolled her eyes at me.
Anong problema nang isang 'to?
"Paano po bang pagkanta ang gusto niyo? Dapat ba umiiyak ako para maramdaman niyo?"
Napakunot ang noo ko, "may regla ka ba ngayon? Ang sungit mo, eh."
"Eh kasi naman sir, nagrereklamo ka sa pagkanta ko samantalang ang layo ng lipad nang utak mo. Maya't-maya ka pang nakatingin sa phone mo. Ni-hindi mo nga rin ako pinakinggan kumanta nung time na nag perform ako sa harap ng EndMira. Tapos ngayon, cini-criticize mo ang way ng pagkanta ko?"
Napahinga ako nang malalim.
"Hindi dahil hindi ako nakatingin sa'yo ay ibig sabihin hindi ako nakikinig. At yung pagkanta mo ngayon? Ang sakit sa pandinig. Bakit hindi na lang yung 12:51 yung kantahin mo? Mas okay yun kesa ito."
"Bakit? Dahil masaya itong kantang 'to kaya hindi ko na kayang kantahin? Kaya hindi mo maramdaman kasi hindi ako masaya ngayon?"
"Oo," diretsahan kong sagot. "Nakaka apekto yung emosyon mo sa mga kinakanta mo. Hindi mo pa kayang kontrolin ang nararamdaman mo."
"Kakayanin ko. I chose this song. Ito ang kakantahin ko."
"Hindi ko marinig na kinakaya mo. Nakailang ulit ka na diyan pero wala pa rin akong maramdaman na emosyon sa'yo."
"Then help me!" she said, sounding so frustrated. Tumayo siya at inabot sa akin ang gitara. "You play and I'll sing. Maybe in that way, mas maramdaman ko ang kanta."
Hindi ko inabot ang gitara at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Hindi makakatulong yun," halos pabulong kong sabi.
"Please sir..." Mia's voice broke at nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. "Please let me hear you play. I feel so down today. I feel so useless and pathetic. Ang bigat bigat nang nararamdaman ko. I—I just want to hear you play. Kahit isang kanta lang. Kahit isang beses lang. Promise, hindi na ako mag rerequest ng ganito sa'yo kahit kailan. Please?"
Tinignan ko si Mia, ang mga luhang tumutulo mula sa mata niya pababa sa gitarang hawak hawak niya.
Gusto kong kunin sa kanya ang gitara. Gusto ko siyang pagbigyan para tumigil na siya sa pagiyak. Para hindi na siya malungkot.
Pero hindi ko kaya. Hindi ko na kasi magagawa yun.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot ko sa kanya ito.
"Hanggang ganito lang ang tulong na kaya kong ibigay," mahina kong sabi sa kanya at nilagpasan ko na siya palabas ng music room.
At bago ko pa tuluyang maisara ang pinto, narinig ko ang malakas na paghagulgol ni Mia sa loob.
To be continued...
Aly's Note
Nabanggit doon sa mga previous chapter na sa Prince Academy nag-aral ng High School si Ayen at scholar siya doon.
Para po sa mga nakabasa na ng The Falling Game, nabanggit din po doon na sa Prince Academy nagaaral sina Timi.
At para sa mga nakabasa ng My Prince at kinuwestyon ito dahil akala nila si Arcie lang ang nagiisang scholar ng Prince Academy, magkaiba na po ng era si Ayen at Arcie. Nung panahon ni Arcie, iilan lang ang tinatanggap nilang scholar. Sa panahon nina Ayen, marami na ang scholar na nakakapag-aral sa Prince Academy kasi through the years, mas naging open sila dito.
So ayun lang. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro